family planning lang naman sa dswd/munisipyo yung seminar ah, tsaka dalawang beses sa simbahan.
napaka advisable talaga na kumuha ka ng coordinator na mag aasikaso sa preparation/ on the day ng wedding, lalo na kung nasa abroad ang work mo. kung gusto mo maging smooth ang kakalabasan ng wedding nyo.
reception lang naman at camera/videography ka gagastos ng malaki eh. kung ako senyo sulitin nyo na ang gastos sa dalawang aspeto na to tutal gagastos na din naman po kayo, nasa huli ang pag sisisi
hindi ko ieencourage yung church wedding lalo na sa catholic church, kasi may mga instances na pagmamadaliin nila ang wedding entourage na sobra mong matagal na inantay sa buong buhay mo kasi may susunod pa na ikakasal sayo. mawawala yung moment na ife-feel mo yung paglalakad mo papuntang isle habang inaantay ka ni groom. mas maganda sana sa garden o beach na lang, o kung catholic church na di ganoong ka busy ang sched.
giveaways at wedding invitation madali lang yan, mas maganda kung paglalaanan ng budget yung ibibigay sa mga ninong/ninang/close friends/relatives kung budget wise ka at the rest is ordinary invitations na lang. madami naka post sa sulit.com kung gusto mo mamili ng style.
mas maganda din yung may wedding singer o nag viviolin para mas ma feel mo yung wedding march mo.
wala naman akong masyadong maiaadvise sa gown o sa suit kasi depende senyo yan kung anong trip nyong style, tapos ibigay nyo na lang sa magtatahi na advised senyo ng coordinator nyo/ o kung may kakilala kayong magaling na tailor. ganun din sa cake, mas maganda ata yung chiffon cake
siguro minimum of 500k ang gastos kung talagang gusto nyong mapaganda ang inyong wedding.
basta paglaanan ng budget ang photography/videography, dapat magaling ang kunin nyo, at coordinator para well organized ang lahat up to the day of event.
wala na kong maisip eh, goodluck na lang!!