Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Duterte: Puro Utang ang Inaatupag

Idol ko si Abdul

Amateur
Advanced Member
Messages
120
Reaction score
13
Points
38
I don't understand this, he goes to China and Japan, not for South China Sea issues, but, para mangutang? Mababaon na naman tayo sa utang nito.... tsk.... tsk.... tsk.... Katulad din ito sa nangyari noong panahon ni Marcos. Maganda sa simula, dami mga projects, pero nung kinalaunan, nalubog tayo sa utang. Mga bandang 1980 yon, nang magsimula ang kalbaryo ng mga Pilipino dahil sa utang. Akala ko ba, i develop yong sariling atin? Di naman pala, sa pangungutang din napupunta. SA interes pa lang nyan, mahihirapan na tayo magbayad at ang laki ng mga interes nyan na pinapatong. Tapos iba pa to sa PPP. Paano pa tayo makakabayad? Buti sana kung US tayo na nagtitinda ng mga armas para may pambayad utang. Yong pambayad natin, eh, baka saging o pinya o di kaya mga japayuki. LOL.......... Hahayzzz.... Pa bagsak na yata ang Pinas....:help:

At saka sa pag-aanalisa ko rin, naniniguro ata ang Pangulo na may pondo siyang magagamit, baka hindi niya nga makuha yong target budget niya, kaya yon, nangungutang sa ibang bansa at sa China pa na sigurista at magnanakaw ng mga isla. ;)
 
Last edited:
I think you don't have idea about politics and foreign relations. Kilala mo ba kung sino ang may ari ng world bank kung saan may utang ang lahat ng bansa? :slap:
 
I don't understand this, he goes to China and Japan, not for South China Sea issues, but, para mangutang? Mababaon na naman tayo sa utang nito.... tsk.... tsk.... tsk.... Katulad din ito sa nangyari noong panahon ni Marcos. Maganda sa simula, dami mga projects, pero nung kinalaunan, nalubog tayo sa utang. Mga bandang 1980 yon, nang magsimula ang kalbaryo ng mga Pilipino dahil sa utang. Akala ko ba, i develop yong sariling atin? Di naman pala, sa pangungutang din napupunta. SA interes pa lang nyan, mahihirapan na tayo magbayad at ang laki ng mga interes nyan na pinapatong. Tapos iba pa to sa PPP. Paano pa tayo makakabayad? Buti sana kung US tayo na nagtitinda ng mga armas para pambayad utang. Yong pambayad natin, eh, baka saging o pinya o di kaya mga japayuki. LOL.......... Hahayzzz.... Pa bagsak na yata ang Pinas....:help:

Good day!

Sir first of all I respect your opinion, pero bilang isang responsableng Pilipino siguro supportahan na lang po natin ang Pangulo, at hopefully sa mga sinasabi mo hindi pang sariling interest ang nauuna sayo. Siguro naman po alam din ng Presidente natin ang ginagawa niya. Pag umangat po tayo lahat naman po tayo damay eh, kaya supporta na lang po sir. At sa tingin ko naman po ang Pangulo natin ngayon inuuna ang interest ng taong bayan, kaysa sa kanyang sarili. At to make it clear sir, matagal na pong bagsak ang Pilipinas. Kaya mo lang nasasabi siguro yan, kasi may nakikita kang pag-asa ngayon.
 
Last edited:
I think you don't have idea about politics and foreign relations. Kilala mo ba kung sino ang may ari ng world bank kung saan may utang ang lahat ng bansa? :slap:

tama ka tol! hirap kasi sa ilan wala naman alam sa politics at hindi naman nila alam ang nasa loob ng isip ng Pangulo sila pa itong akala mong alam ang lahat.. hahahahaha.. natatawa na lang ako.. ang tawag ko sa mga ganyan ay stupidity.. suporta na lang tayo..
 
Ang hirap kasi sa mga dadak ng dadak na binayaran noong lumipas na election bara bara nalang ang pinagsasasabi dapat meron ka muna idea kung ano ang pinagsasasabi mo.
Una sa lahat dapat yung title ng Thread mo ay Question: Or gumawa ka ng Poll kung meron nag agree sa mga sinasabi mo. Well ayaw ko din makipag away hehe. Peace yow..
 
For me we have to trust our president,,

imagine kung hindi mganda ang intensyon nia sa bansa, sana sa umpisa plang nagdecide na xang tumakbo dba,, kaso kung mkikita m nman mga tao tlga ang nagpush sa kanya..unlike kina roxas na ggawin ang lahat para lang manalo.

- - - Updated - - -

I think you don't have idea about politics and foreign relations. Kilala mo ba kung sino ang may ari ng world bank kung saan may utang ang lahat ng bansa? :slap:

yes, obviously wala xang alam sa politics, gusto nia lang ng away hahahha peace..
 
Good day!

Sir first of all I respect your opinion, pero bilang isang responsableng Pilipino siguro supportahan na lang po natin ang Pangulo, at hopefully sa mga sinasabi mo hindi pang sariling interest ang nauuna sayo. Siguro naman po alam din ng Presidente natin ang ginagawa niya. Pag umangat po tayo lahat naman po tayo damay eh, kaya supporta na lang po sir. At sa tingin ko naman po ang Pangulo natin ngayon inuuna ang interest ng taong bayan, kaysa sa kanyang sarili.

Madali sabihin suportahan siya, pero, ano ba naman ang ginagawa niya puro pangungutang, eh, kahit 'soft' loans pa yan. Malaki ang epekto ng pangungutang kasi nga magkakaroon yan ng 'domino effect'. Magtataas na naman ang conversion rate nyan, dollar to peso, para maka recover sa interes na ipinatong sa atin. Tataas na naman ang presyo ng bilihin kasi nga yong pressure ng interes na ipinapataw sa atin. Tapos may mga 'attached strings' po yang mga nagpapautang. Kaya mahirap talaga. Buti sana kung makukuha yong tax revenue target natin sa susunod na mga taon para may pambayad. Otherwise, baka ma force tayo maging pambayad natin ay yong dollar at gold reserves natin sa Central Bank. Pag nangyari yan, magtataas ang inflation rate at mag de devalue currency natin. Kaya maaapektuhan ay yong mga mahihirap nating kababayan.

Tapos ngayon malapit na yata magsara ang mga call centers natin sa Pinas, kasi pede na i blacklist o i block ng mga Amerikano yong mga call centers natin dito. Remember, 40% lang ang equity ng mga Foreign investors na yan as per our Economic provisions sa Konstitusyon. Kaya madali nila ibenta yong mga shares nila. Tapos pag nabenta na, yon i blacklist na tayo ng US. Hahayzzzz... Sana nga lang ay mag dilang anghel ka at maging positibo ang kalalabasan.... Pero kung hindi, basahin mo na lang uli itong thread natin baka may mai suggest ka para may mai tulong tayo sa bansa natin.

- - - Updated - - -

For me we have to trust our president,,

imagine kung hindi mganda ang intensyon nia sa bansa, sana sa umpisa plang nagdecide na xang tumakbo dba,, kaso kung mkikita m nman mga tao tlga ang nagpush sa kanya..unlike kina roxas na ggawin ang lahat para lang manalo.

- - - Updated - - -

yes, obviously wala xang alam sa politics, gusto nia lang ng away hahahha peace..

Nakupo hindi po mga tao ang nag push sa kanya para tumakbo. Ito po ay kanyang ambisyon talaga. Eh, taga Davao ako eh mas may alam ako sa mga nangyari. YOng si Roxas eh hindo ko rin po ipu push yon. TRAPO din yon eh.
 
sana nag reresearch ka muna bago mag commento ng ganyan. supurtado ko ang presidente natin ngayon sa mga plano nya, marami na syang nagagawa na di pinapikta sa media kay you have to research muna bago magcomento kung ano ba magagawa ng pondong inutang nya, at take note po di po mahal ang interest ng pondo na inutang nya basa basa din pag may time at marami makikinabang sa ginawa nya dahil maraming trabaho ang magbubukas sa labas ng manila.
 
Well, tingnan na lang natin kung maging positive nga ang kalalabasan ng pangungutang niya. Anyway, ang epekto ng utang na yan ay hindi naman sa kanyang administrasyon, kung hindi sa susunod na administrasyon yan. Kaya hindi na siya ang ma blame pa. At alam ko rin yong mga projects niya, may maganda naman at meron namang hindi.

May iba po akong mga threads na ginawa dito sana mabasa nyo po, kasi halos lahat ng projections ko para sa kanya ay nagka totoo naman maliban sa iilan.

Ito po yong thread na ginawa ko noong June 15, this year, http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1358070. Parang halos lahat ata ng sinulat ko dyan ay nagkatotoo na.

Sa susunod na mga post ko magbibigay ako ng analisis kung bakit talaga panget ang utang ng utang na katulad ng nangyari kay Marcos na bumagsak ekonomiya natin. Baka nga hindi mo pa naranasan yon.
 
Last edited:
Madali sabihin suportahan siya, pero, ano ba naman ang ginagawa niya puro pangungutang, eh, kahit 'soft' loans pa yan. Malaki ang epekto ng pangungutang kasi nga magkakaroon yan ng 'domino effect'. Magtataas na naman ang conversion rate nyan, dollar to peso, para maka recover sa interes na ipinatong sa atin. Tataas na naman ang presyo ng bilihin kasi nga yong pressure ng interes na ipinapataw sa atin. Tapos may mga 'attached strings' po yang mga nagpapautang. Kaya mahirap talaga. Buti sana kung makukuha yong tax revenue target natin sa susunod na mga taon para may pambayad. Otherwise, baka ma force tayo maging pambayad natin ay yong dollar at gold reserves natin sa Central Bank. Pag nangyari yan, magtataas ang inflation rate at mag de devalue currency natin. Kaya maaapektuhan ay yong mga mahihirap nating kababayan.

Tapos ngayon malapit na yata magsara ang mga call centers natin sa Pinas, kasi pede na i blacklist o i block ng mga Amerikano yong mga call centers natin dito. Remember, 40% lang ang equity ng mga Foreign investors na yan as per our Economic provisions sa Konstitusyon. Kaya madali nila ibenta yong mga shares nila. Tapos pag nabenta na, yon i blacklist na tayo ng US. Hahayzzzz... Sana nga lang ay mag dilang anghel ka at maging positibo ang kalalabasan.... Pero kung hindi, basahin mo na lang uli itong thread natin baka may mai suggest ka para may mai tulong tayo sa bansa natin.

- - - Updated - - -

Nakupo hindi po mga tao ang nag push sa kanya para tumakbo. Ito po ay kanyang ambisyon talaga. Eh, taga Davao ako eh mas may alam ako sa mga nangyari. YOng si Roxas eh hindo ko rin po ipu push yon. TRAPO din yon eh.

Hindi basehan ng conversion ng peso to dollar ang pag asenso ng bansa natin. Halimbawa na lang ay ang South Korea at Japan na napakababa ng money value compared sa Peso. Huwag kang masyadong magbasa ng article sa Facebook. US na mismo ang nagsabi na hindi maapektuhan ang US BPO companies sa Pilipinas. Kapag natapos lahat ng infrastractures na pinangako ng China, magiging mabilis ang pagpasok ng mga foreign investors sa bansa. Magiging madali na din and transportation natin sa iba't-ibang parte ng Pilipinas dahil sa pagkokonekta ng mga islands na kasama sa infrastracture plans. Kung may irerekomenda kang mas magaling na Presidente kang Digong, Sino? at Bakit?
 
sa title pa lang ng thread, subjective. bad yan.
ok kung sakaling tama si Ts, ilang beses na ba umutang ang kasalukuyang pangulo? "Puro Utang ang Inaatupag"..?

instead na magpoint fingers kung ano ang ginawa ng pangulo, natanong na ba sa sarili kung ano ang nagawa natin para sa bayan?
 
I don't understand this, he goes to China and Japan, not for South China Sea issues, but, para mangutang? Mababaon na naman tayo sa utang nito.... tsk.... tsk.... tsk.... Katulad din ito sa nangyari noong panahon ni Marcos. Maganda sa simula, dami mga projects, pero nung kinalaunan, nalubog tayo sa utang. Mga bandang 1980 yon, nang magsimula ang kalbaryo ng mga Pilipino dahil sa utang. Akala ko ba, i develop yong sariling atin? Di naman pala, sa pangungutang din napupunta. SA interes pa lang nyan, mahihirapan na tayo magbayad at ang laki ng mga interes nyan na pinapatong. Tapos iba pa to sa PPP. Paano pa tayo makakabayad? Buti sana kung US tayo na nagtitinda ng mga armas para pambayad utang. Yong pambayad natin, eh, baka saging o pinya o di kaya mga japayuki. LOL.......... Hahayzzz.... Pa bagsak na yata ang Pinas....:help:

Ito ang karaniwang sinasabi ng mga taong walang alam, takot sa pag babago at kampon ng mga Dilaw na kulto.
Tama ung sinabi ng iba dito.. You should have research or asked someone na talagang may alam bago ka nag salita ng mga walang katuturan.
For sure sooner or later kakainin mo yang mga sinabi mo at kakainin ka ng sobrang katangahan mo.

Nagbabago na ang PILIPINAS at ang madaming PILIPINO isabay mo na yang kakitiran ng utak mo at bastos na pag uugali mo.
 
tigilan mo ang pagpapak ng kape TS..magDOTA ka nalng hindi ung kung ano ano pumapasok sa kukuti mo

Sensya na hindi ako marunong mag DOTA. Baka magpa turo pa ako sayo. Hehehe.... Anyway, concern lang talaga ako sa bansa natin, kasi nga baka hindi na tayo maka ahon. Bad shot na tayo sa US eh, baka hindi na yan magbibigay ng AID. Tapos dami pa ng problema natin, di lang drugs at kahirapan, pati mga kalamidad dumadami na, baka mahirapan na tayo makaahon....
 
Ang hirap kasi sa mga dadak ng dadak na binayaran noong lumipas na election bara bara nalang ang pinagsasasabi dapat meron ka muna idea kung ano ang pinagsasasabi mo.
Una sa lahat dapat yung title ng Thread mo ay Question: Or gumawa ka ng Poll kung meron nag agree sa mga sinasabi mo. Well ayaw ko din makipag away hehe. Peace yow..
 
sa title pa lang ng thread, subjective. bad yan.
ok kung sakaling tama si Ts, ilang beses na ba umutang ang kasalukuyang pangulo? "Puro Utang ang Inaatupag"..?

instead na magpoint fingers kung ano ang ginawa ng pangulo, natanong na ba sa sarili kung ano ang nagawa natin para sa bayan?

Ito pong ginagawa ko ay para din naman sa bayan. Dapat ang bawat isa ay concern hindi lang sa bayan kung hindi sa kanyang kapwa, at hindi umaasa sa iisang tao lang. Kasi ang mangyayari nyan eh parang Diyos na ang tingin natin sa ating leader at hindi na natin nakikita yong mga kapalpakan niya. Remember, tao lng po siya at hindi po siya perpekto.

Nasabi ko rin na utang ang inaatupag kasi nga yon naman talaga ang naririnig natin sa mga balita. Ang naitatanong nga bakit utang ng utang, eh, pedi naman siya manghikayat ng PPP o Private Public Partnerships or BOOT. Eh mas maganda at magaan yon. Kasi pag utang, alam naman natin na mahilig talaga maglustay ng pera ang mga pulitiko at maraming makikinabang naman dyan na mga gabinete o kaalyado.
 
Ayan napapala mo kakanood ng balita. Alam mo ba na private companies din mga yan na nakokontrol ng mga business tycoons? Ibabalita nila ang gusto nilang ibalita. Sobrang laking pera ang involve sa media dahil sa lawak ng audience na nasasakop nila. Napapansin mo ba ang bilis ng pagsugpo niya sa droga at mga trial and error niya para masolusyunan ang traffic sa Edsa?Ang nakaraang administrasyon pagkatapos manalo ni Pnoy bigla na lang siyang nawala. Ano mga nagawa niya? Yung laglag bala lang hindi niya malutas lutas, eh ngayon? Halos lahat ng mga kontrabando nasasabat na sa mga airports natin.
 
hahaha halata bias si T.S halata bayaran maka panira lang ng pangulo pa natin halatang halata

Paano naging bayaran yan, eh, balita balita nga? Yong mga nababayaran ay yong mga panatako na makikita mo sa YOutube na nagfa flood ng videos doon na anti-delima at ano ano pa. YOng sa Philippine Daily Inquirer at ibang online news, na mga mahihilig magkokomento na wala sa headline o out of topic at nang aatake pa ng personal sa ibang mga nagkokomento, ay yon po ang mga bayaran. Buti sana mayroon nga nagbabayad para di naman sayang yong oras ko. Pero di naman lahat nababayaran, may prinsipyo po tayong pinaglalaban na sa tingin natin ay tama ay dapat po nating ipaglaban at ipa alam sa iba. At baka nga mali din yong aking pananaw eh, maganda kong may maririnig ka rin sa iba. :thumbsup:
 
tama ka tol! hirap kasi sa ilan wala naman alam sa politics at hindi naman nila alam ang nasa loob ng isip ng Pangulo sila pa itong akala mong alam ang lahat.. hahahahaha.. natatawa na lang ako.. ang tawag ko sa mga ganyan ay stupidity.. suporta na lang tayo..

"An empty vessel makes the loudest sound, so they that have the least wit are the greatest babblers."

ito ang dahilan kaya sila ganyan.
 
merun na bang pera naibigay sa pinas,.
kung maka ASTA ka akala mo kung sino ka,.
tumulong ka na lang,.suportahan natin ang ating gobyerno
di puro ka dada ng dada dyan ni wala ka naman naitulong,.
ipagdasal natin ang bansang pilipinas na umangat naman
at nirerespeto ng ibang bansa,.
pilipino nga naman ang daming reklamo
di nakikita ang mga nagawa ng administrasyong DIGONG
 
Last edited:
Ayan napapala mo kakanood ng balita. Alam mo ba na private companies din mga yan na nakokontrol ng mga business tycoons? Ibabalita nila ang gusto nilang ibalita. Sobrang laking pera ang involve sa media dahil sa lawak ng audience na nasasakop nila. Napapansin mo ba ang bilis ng pagsugpo niya sa droga at mga trial and error niya para masolusyunan ang traffic sa Edsa?Ang nakaraang administrasyon pagkatapos manalo ni Pnoy bigla na lang siyang nawala. Ano mga nagawa niya? Yung laglag bala lang hindi niya malutas lutas, eh ngayon? Halos lahat ng mga kontrabando nasasabat na sa mga airports natin.

Ibig mo bang sabihin wag na lang ako makinig ng mga balita? Kasi nga kontrolado ng mga private companies. Abah, hindi naman maganda ata yon, marami ka pong makukuha sa mga balita, mga kaalaman ng mga pangyayari sa paligid natin. Eh, dapat nga magpasalamat tayo kasi nga free yan.

Wala naman po akong problema sa war on drugs ng pangulo, eh, dapat lang na matigil na yan, pero, hindi po ako sang-ayon sa mga patayan na hindi dumadaan sa korte kasi summary execution yan at kasalan sa Diyos. HIndi ko rin naman sinasabing perpekto ang dating administrasyon, dami din mga palpak. Pero hindi po natin pedeng ituwid ang isang mali ng isa pang pagkakamali. Dito nga sa amin sa Davao, dami pa nga rin mga kurakot at hindi naman naipapakulong kahit klarong klaro na. Yong nga kapitbahay namin na taga Customs, aba nagpagawa ng pangalawang bahay 25 million halaga pero hanggang yon buhay pa rin at malakas pa rin ang kapit kay Duterte.

- - - Updated - - -

merun na bang pera naibigay sa pinas,.
kung maka ASTA ka akala mo kung sino ka,.
tumulong ka na lang,.suportahan natin ang ating gobyerno
di puro ka dada ng dada dyan ni wala ka naman naitulong,.
ipagdasal natin ang bansang pilipinas na umangat naman
at nirerespeto ng ibang bansa,.
pilipino nga naman ang daming reklamo
di nakikita ang mga nagawa ng administrasyong DIGONG

BAkit ba ikaw may nagawa ka ba sa bayan natin? Akala mo naman kung sino kang bayani kung makaasta. Ang ganyang pag-uugali ay pagpapakita lang ng pagka panatiko. Dapat balanse ka dapat at di kumikiling agad sa iisang tao. Sana nawa ay wag mangyari sa yo o sa kapamilya mo yong mga nangyayari sa iba, baka, magsisi ka sa huli.

- - - Updated - - -

Question:

magkano ang binayad sau??

mag share ka nmn ng masuportahan ka namin sa pinaglalaban mo!!!

Dutertard ka ba? Aminin mo na lang. Kasi kung makaasta ka eh wagas.

- - - Updated - - -

"An empty vessel makes the loudest sound, so they that have the least wit are the greatest babblers."

ito ang dahilan kaya sila ganyan.

May kasabihan nga sa Proverbs 9:8, "Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka." OO nga, baka isa ka rin sa mga ganyan.
 
Back
Top Bottom