Tanda ko lang pala nung nag testing ako magrestore Gamit backups ko may lumabas na ganito
FIRM0 hash mismatch
FIRM0 is corrupt (non critical)
Although successfull naman na restore, wala ba kong magiging problema don in the future? 3-4 times akong nag restore hehe. Wala lang testing testing lang.
minsan masama din yang ginagalaw mo flash memory naalala ko nung sige kong galaw sa psp ko nabrick ko psp ko, buti na lang may unbricker na dati, so kung ok ka na sa pagiinstall ng flash dati, wag mo na ulitin minsan parang yan pa nagiging dahilan ng corruption ng flash files
noted yan sir
salamat sa guide. sobrang astig kasi ng mga jrpg line up sa 3ds kaya na-e-engganyo ako hehe
btw maraming versions ng 3ds ang lumabas na ngayon
all 3ds are hackable basta below 10.5 ang version, at yung iba pwede madowngrade basta may tama kang game na hawak (sample yung cubic ninja or yung sky3ds)
old 3ds - eto yung 1st version ng 3ds, maliit, medyo hindi pa ergonomic, pero makakahanap ka ng mga mura na ganito at mababa ang firmware, pero hindi na siya binebenta sa market, mostly sa buy and sell place mo na lang ito mahahanap, marami itong colors at variants at mga limited edition din
old 3ds xl - eto yung 2nd version ng 3ds, mas malaki ito ng di hamak sa old 3ds, mas mabigat ng onti, pero mas masarap maglaro since hindi masyado masakit sa mata maglaro, may available pa rin nito sa datablitz sa halagang 9000 pesos sa brand new, sa second hand sa buy and sell meron din nito
2DS - 3rd version ng old 3ds, wala itong 3d functionality kaya tinawag na 2DS, hindi din siya natitiklop, at ginawa para sa mga bata na mahilig magbagsak ng gadgets, all 3ds games are kaya nito, may mabibili ka nito mula 2K to 5K
new 3ds xl - eto yung new version ng 3ds, mas stable and 3D, mas malaki ram (mas mabilis ang games at pagload ng games), at may mga games na ditto lang gumagana like Xenoblade Chronicles 3D at mga snes games sa VC, somehow hackable basta di siya upgraded sa latest firmware, may nub stick nga pala ito al 2nd analog stick, good for monster hunter playing, may mabibili ka nito na 12K brand new or 8K second hand dipende sa quality
new 3ds - eto yung mas maliit na version ng new 3ds xl, mas limited ang meron nito since hindi talaga siya nirelease sa US (mostly mga may bundles lang like Animal Crossing happy home designer at yung POkemon na bundle), same functionality sa new 3ds xl pero mas maliit ng onti pero ergonomic pa rin, kung makakahanap ka nito ng mura mas maganda, eto kasi mas ok na version ng 3ds (napapalitan kasi faceplate nito)
and eto mga top games ko sa 3ds
Resident Evil revelations
Mario Kart 7
Super Smash Bros for 3DS
Super Mario 3D Land
Zero Escape, Virtues Last Reward
Fantasy Life
Shin Megami Tensei 4
Pokemon X and Y
Pokémon Alpha Sapphire/Omega Ruby
Monster Hunter 4 Ultimate
Monster Hunter 3 Ultimate
Popolocrois: A story of season
Etrian Odyssey Series
Bravely Default
Bravely Second