Hindi pala masarap ang kapeng may halong dahon ng sampalok. Ang manamis-namis at mapait ng kaunti'y umasim ng bahagya. Nag-iwan ng lumilitong sensasyon sa dila.
Kumakaway ang mga puno't halaman,habang pinapayid ng malakas na hangin ang natutuyong mga dahon.
Parang may ibinubulong.
Parang may nais sabihin.
At kung makakaimik nga ang mga ito,siguro'y. "TANGA!! Isinuko mo ang lahat dahil dyan? Tinalikuran mo siya,para saan? Para lang dyan sa upuang kawayang nalilimnan ng puno ng sampalok?"
Hahalakhak sila malamang... At damang dama ko ang kutya. Dinadaan ko na lang sa ngise. Habang pinapatay ang pakla ng sigarilyo sa aking dila. Sa pamamagitan ng pagsimsim ng kape. Kapeng nahulugan ng dahon ng sampalok.
Nakikita ko ang mukha mo kahit saan.
Sa halos lahat ng bagay sa paligid.
Sa bawat sulok.
Sa malalapad na pader.
Sa kubeta.
Sa kusina.
Sa kwarto at sala.
Sa mga upuan at lamesa.
Sa mga nakalambiting kurtina at sinampay.
Sa likod at harap ng bahay.
Sa mga nagdaraang sasakyan.
Sa mga taong lumalampas sa aking harapan.
Sa gabi at sa araw.
Sa makapal na ulap sa langit.
Sa imahinasyon at sa isip.
Gising man o sa panaginip...
Walang sandaling nawaglit ka sa paningin ko.
Ang dami ko'ng dapat na sinabi at ginawa. Pero katulad noon,hanggang ngayon wala. Wala akong nasabi o nagawa. Wala akong napatunayan sa'yo.
"Ahh! Meron. Napatunayan ko'ng kaya kitang tiisin."
Napanindigan ko sa sarili ang pagiging tanga. Ngayon huli na ang lahat.
At habang buhay akong magsisisi dahil huli na ang lahat.
"Kung mababalikan ko lang.."
"Kung maibabalik ko lang.."
Babalikan ko ang mga araw na walang kasing-sarap uminom ng kape,habang nagyoyosi at nakaupo lang sa isang tabi. Sa lugar kung saan ay natatanaw kita. Sa mga sitwasyong hindi ko naipaliwanag,o nailabas man lang ang naglalarong sigla sa aking katawan tuwing mamasdan ka. Sa mga pagkakataong may tunay na saysay pa ang magsaya.
Sa pwesto na walang puno ng sampalok.
Ibabalik ko ang ikot ng panahon,isangdaang araw mula ngayon. Isang taon o sampung-taon. Sa oras kung saan ika'y naroroon.
"Ahh hindi!"
Babalikan ko ang panahon kung kailan ako eksaktong nagkamali.
At...
Siguro...
Itatama ang lahat.
Kung siguro'y maari o makakaya ko'ng itama ang lahat...
Sana...
Sana'y hindi ko inalis ang mahigpit mo'ng tangan sa aking braso,sana ay hinawakan din kita,nilapitan at niyakap.Tinanggap ang nanglalamig mo'ng mga palad at nagsalo sa init ng pag-ibig na sa kahuli-hulihang pagkakatao'y nagbabaka-sakali mo'ng maramdaman. Tyinaga ko sanang pakinggan ang halos pabulong na lang sa hanging binibigkas ng iyong bibig,sa mapanglaw mo'ng mga mata. Sa pagitan nang napapatid mo'ng paghinga.
Sana hindi ako nagsawa,sana'y mas nagtyaga pa akong damayan at alagaan ka,nagpumilit maging malakas sa mga panahong mahina ka . Kung alam ko lang na hinding hindi mo na makikitang nagsusumikap akong maging matatag para sa'yo.
Sana ay nanatili ako sa tabi mo. At mas piniling samahan ka pa kung nalaman ko lang na no'ng naisin ko'ng tumakas ay paghihinayangan ko na ang mga sandaling magkahiwalay tayo.Ngayo'y araw-araw akong manghihinayang dahil kahit kaila'y hindi na pwedeng magkasama pa tayo.
Sana ay sinalubong ko ng tingin ang paglingon mo ng gabing iyon. Araw-araw akong mumultuhin ng huling sulyap mo sa akin.
Napakaraming mga sana ang mananatiling sana..
Kung sana ay nagawa ko ang lahat ng sana noon.
Hindi sana patawad ang samo ngayon.

Last edited: