Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

2 Years unemployed (BSIT Graduate)

just pm me and give me your mobile phone number... i need your skills...just pm me... Good Day...
 
ako sayo dod, review ng konti at subukan mo mag apply sa munisipyu or contract dyan kahit dimo linya just to earn money hirap sa lalake walang trabaho, at pera, for experience lang ba, at subukan mo apply abroad kung kaya. Dasal ka din para swertehin. GOd Bless.
 
Hello po sa inyo

Share ko lng situation ko, 2 years unemployed (BSInfoTech graduate).

After graduation I've plan to become a freelance webdeveloper and after 6 months it didn't quite work well for me dahil walang naghihire(sa UpWork) sakin kaya nag rely ako sa PIRACY (I have a movie website base on wordpress lang) 2 years ko ng ginagawa ito, at dito ko kinukuha income ko at gustong gusto ko ng tanggalin kasi hindi maganda at delikado, dahil may pinagkakakitaan ako napunta yung attention ko sa online games, anime and movies. Ngayon 2017 nagbabalak ako mag apply ng trabaho. Ang gusto ko sana Webdeveloper pero hindi ako confident sa skill set ko as a webdeveloper at dahil narin sa 2 years unemployed ako. Kaya balak ko applyan call-center dahil on demand at madaming pag-aapplyan.

btw, I'm 22 years old Male, and I'm shut-in person(not sociable type) nasa bahay lng, I also haven't taken any job interviews :cry:

My intention to this post is to seek for a guidance to fix my situation and also a message to soon to be graduate students on what will happen to you if you didn't seek job for almost 2 years.

This is not a troll post. Please help :(


Bro wag ma walan ng pag asa. Hindi madali sa upwork. You should start working on small projects. If hindi ka confident sa skill set mo tamang tama ang daming mga tutorials
dito which is useful to you and pang dagdag ka alaman na din. Wag mahiya mag tanong sa mga masters dito. Ganyan din ang ginawa ko dati and hanggang ngayon. Focus on your strengths & Strive to be happy. Haha. Welcome to symbianize!
 
buti kapa bro, programmer talaga work mo, sana makakita ako one day ng i.t company na tumatanggap ng hindi graduate at wala pang experienced.
ang plan ko ngayun bro ay mag-uupload nlang ako ng sarili kung gawa na tutorial blog at unti-unti ko lagyan ng portfolio.

hehe di naman ako ganun ka galingan nag gagain lang ng experience bro hehe kaya mo yan sa ILoilo ako so konti lang IT company dito compared jan senyo tip ko lang apply ka lagi pag may job fair tapos like mu yung FB pages sa Davao na palagi nag popost ng mga Hirig jobs at applayan mo pag gusto mo bro,,, ako nakapasok dn sa work ko now dahil sa Job Fair hehe pasalamat lang ako so ako enjoy lang muna kahit di ako ganun ka galing hehe nag lelearn lang ako.. as of now sqlserver,VB.net at java palang alam ko pero nag eexplore naman kahit papaano... Kaya mo yan bro PRAY lang at stay postive wag mawalanng pagasa ,,, isipin mo nalang for future ng family mo at of course ng sarili mo bro... KAYA NGA NG IBA KAW PA KAYA?? Tiwala lang hehe GOD BLESS....:clap: :)
 
Kmuha ka ng Certificate in Teaching...then apply ka sa private schools (senior high). Syang indemand ngayon ang teacher. Pwede ka sa TVL ng K-12 Program ng DepEd,.
 
Ts indemand nga yon ang webdev sa abroad. Madami maaplayan. as frontend ang dami dami ko din inaplayan almost 2yrs din ako na tambay dati, pero sa two years na tambay ako ginawa ko hinasa ko ng hinasa skills ko. Na tatakop din ako mag apply dati kasi kung may skills ka pero yung company na naaplayan mo wala sa pl nila ang alam mo which is very challenging dyan nanaman masusubok kung saan talaga makikita kung gaano ka kaporsige at tyaga..may kasabihan nga na kung walang tyaga walang nilaga..
 
hey,

mahirap talagang maghanap ng work ngayon pre, set your goals at dapat committed kahit anong mangyari - focus ka sa strength mo at be determined,
gawin mo kong ano talaga ang passion mo, para no regret at the end kasi pag mahal mo yung gingawa mo or trabaho kahit na magkahirap hirap go pa rin... currently working ako online pre, BSIT grad din ako,, nag work ako as college instructor for almost 4 years, nag quit ako kasi passion ko talaga mag digital design , illustrations at animation,, have faith in God, kelangan yun sobra,, risk taking ang ginawa ko at masaya ako sa job ko ngayon,, working as illustrator online,, masaya mag online,, konting pasensya lang talaga sa simula,, 5 months din ako pa balik balik nag apply online,, don't give up lang.,, kaya yan,, hehe
 
kaya mo yan ts makakahanap ka din ng work.. pray lang dyan si god naka alalay.. :) na ka relate ako sayo pero hindi po ako i.t.
 
Pangarap ko pa naman mag-freelance. Pero mukhang kailangan ko munang dagdagan ung skillset ko. Haha
 
Hello po

Ako yung ThreadStarter, nakalimutan ko na yung password kaya bago po ito..

Update ko lang po .. maghahanap na po ako ng trabaho this week.. sana paladin po ako ng makahanap ng trabaho as web developer, kung hindi man ako mahire maghahanap ako sa BPO as call center.. salamat po sa payo nyo..nakatulong para maboost ang confidence ko sa sarili :praise:
 
Last edited:
Hello po

Ako yung ThreadStarter, nakalimutan ko na yung password kaya bago po ito..

Update ko lang po .. maghahanap na po ako ng trabaho this week.. sana paladin po ako ng makahanap ng trabaho as web developer, kung hindi man ako mahire maghahanap ako sa BPO as call center.. salamat po sa payo nyo..nakatulong para maboost ang confidence ko sa sarili :praise:

oo try mo lang at nver give up lang bro,,
isipin mo walang work na madali ngayon need talaga natin mag hard work at need ng patience para makuha gusto natin,,, just pray to GOD lang at tiwala sa sarili na makakaya mo yan hehe ,,, Goodluck bro at stay happy at positive sa career :)
 
Mag apply ka lang bro. Nothing will happen kung hindi mo susubukan.
 
Same tayo bro. Computer Technology natapos ko 2years course . ang mali ko e nagbakasyon ako sa province ng matagal kaya natenga ako hahaha . freelance encoder ako . minsan sumasideline sa Event Stylist. Balak ko din mag apply sa BPO . Want to try my skills and abilities. Hopefully sana matanggap ako sa aapplyan ko :pray: Godbless Bro
 
Hello po

Ako yung ThreadStarter, nakalimutan ko na yung password kaya bago po ito..

Update ko lang po .. maghahanap na po ako ng trabaho this week.. sana paladin po ako ng makahanap ng trabaho as web developer, kung hindi man ako mahire maghahanap ako sa BPO as call center.. salamat po sa payo nyo..nakatulong para maboost ang confidence ko sa sarili :praise:

Good to know. Wish you luck... Kapag nasimulan mo ng maghanap ng work, wag ka tumigil hanggat hindi ka nakakakita.
 
naka 3 interviews na po ako.. at hanggang initial interview(1st) lng ako :(
sa non-voice nag try ako alam ko makakapasa ako sa 1st interview kaso pumalpak nnman ako.

nakaka overwhelming din kasi kpag may kasabay kang magagaling, yung na-interview ako kanina mga 30 seconds lng tapos na yung kasama ko halos 5minutes sila nag uusap nung interviewer. nakakalungkot. :weep:
 
BSIT Student here. 3rd year at kung papalarin at sa awa ng Diyos gagradweyt ako next year. :pray: I've read the thread from top to bottom at isa lang ang masasabi ko "May the odds be ever in my favor". :weep: :rofl: :help:
 
naka 3 interviews na po ako.. at hanggang initial interview(1st) lng ako :(
sa non-voice nag try ako alam ko makakapasa ako sa 1st interview kaso pumalpak nnman ako.

nakaka overwhelming din kasi kpag may kasabay kang magagaling, yung na-interview ako kanina mga 30 seconds lng tapos na yung kasama ko halos 5minutes sila nag uusap nung interviewer. nakakalungkot. :weep:

ayus lang yan brother.. wag malungkot at wag mag giveup.. kapag nag fail ka ayus lang yan.. kasama yan.. marami pa naman ibang company na pde pang applyan.. try and try lang.. lakas ng loob at diskarte lang.. bachelors grad ka pa.. ^_^ ako nga 2 yrs course grad lang pero nakakadale ng trabaho.. ikaw pa kaya na 4 yrs grad.. ^_^ you can do it bro.. :D
 
Yow sir! Never give up po . Kahit ilang beses kapa ma-failed sa interview Go ka lang wag hihinto. Tsaka isipin mo kung ano nga ba kulang during the interview para malaman mo kung ano dapat mo i-enhance o kaya tanungin mo yun interviewer haha. Kahit sabihin mong 2 years unemployed ka makakahanap kapa din job kaso mahirap talaga pero dont give up . Kung may kasabayan kang magagaling,. mas matuwa ka hhaha. Kaya mo yan ! :thumbsup:
 
Back
Top Bottom