Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

A Jeepney Love Story

Kabanata 1:

"Anong oras na naman kaya ako makakasakay pauwi" badtrip na wika ko sa sarili habang nasa kaduluduluhan ng pila sa sakayan ng jeepney sa may guadalupe. Dumagdag pa ang mga taong tanong ng tanong kung pila ba ito. Tapos magtatanong ulit sa katabi na pinagtanungan nito hanggang sa humantong din sa pagpila sa pinipilahan ko. Jakamawatan, lalo lang umiinit ang ulo ko.

Napagpasyahan kong magsoundtrip muna habang nakapila baka sakaling mawala ang masamang espiritung unti-unting lumulukob sa katauhan ko. Kinuha ko ang earphone at sinaksak sa tenga ko, buti na lang hindi pa lobat yung i-phone ko. Nakailang kanta na din ang nai-play ko pero hindi pa din umuusad ang pila. Para kaming mga na-stranded na mga pasahero ng barko sa sobrang haba ng pila. Maghuhuramentado na sana ako ng biglang may tumulak mula sa likuran ko, natulak ko tuloy yung ale na nasa harapan ko.
Nakanang botcha!.Inis na tinanggal ko ang earphone sa tengga ko.

"Ano ba 'yan!"wika ng ale na nasa harapan ko. Nag-sorry muna ako bago ko nilingon ang tumulak, uupakan ko kapag lalaki 'yon.Pero nagulat ako ng makita ko ang isang babae na pasuray-suray .Lasing yata.

Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil halos magmukhang sadako na ito sa pagkakalugay ng mahabang buhok nito. Tama nga ang hinala ko, lango nga sa alak ang babae, amoy chico eh.Tila natauhan ito ng maramdaman ang presensya ko, umangat ang ulo nito para mapagsino ang nasa harap.Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil natatakpan ng buhok ang mukha niya.

Sinimulan kong magsalita." Hoy! Miss, Lasing ka ba?
"Teka bakit ko pa tinanong eh obvious naman." wika ko sa isip ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot ang babae dahil umuusad na ang pila,pinabayaan ko na lang ang nangyari. Ano ba mapapala ko kung maghuramentado ako sa harap ng isang lasing na babae? Masasapak ko ba ito para makaganti ako sa ginawa nitong pagtulak sakin? Ang sagot : Wala akong mapapala. Kaya tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad habang umuusad ang pila.

Alas siyete na ng gabi , pumila ako pasado alas-sais pero heto nandito pa din ako sa terminal ng jeepney. Kasama ang mga pasaherong demanding at isang lasenggerang babae.Hindi naman kalayuan ang bahay ko, mga limang kalye lang naman.Pwede ko naman lakarin pero mas gusto ko sumakay ng jeep dahil alam kong mas mabilis akong makakauwi. Sa wakas nakasakay na din ako sa jeep,prente akong umupo sa unahan sa may tabi ng driver. Isasandal ko sana ang hapong katawan ko sa sandalan ng biglang may umupo pang isang pasahero,at sa kamalas-malasang pagkakataon, makakatabi ko ang lasenggerang babae kanina. Umusog ako malapit sa driver.

"Anak ng..." mahinang sambit ko sa katabi ko. Halos sakupin na kasi nito ang kinauupuan nilang dalawa. Napakabalahura ng babaeng ito, isabay mo pa ang masangsang na amoy-alak.

Sa biyahe, hindi ko mapigilan tingnan ang itsura ng babaeng katabi ko.Bukod sa parang sinabunutan ng isang dosenang bakla ang buhok niya eh mukhang disente naman ang pananamit nito, Lasing lang talaga.

"Bakit kaya walang kasama 'tong babaeng ito?Saan kaya ito bababa?" tanong ko sa aking isip habang nakatingin sa natutulog na babae. Nahagip ng mata ko ang suot nitong ID--school ID iyon at sa parehong university pa yata na pinapasukan ko nag-aaral ang babae, pasimple kong tiningnan iyon. Baka sakaling may address ng babae pero nabigo ako. Nahahabag ako sa itsura ng babae, siguro kung walang harang sa unahan ng jeep kanina pa ito nalaglag at pinagpipiyestahan na ng alikabok sa kalsada ito.

Muntik na akong lumagpas sa bababaan ko,buti na lang naka-para agad ako.Isa na lang ang problema ko. Paano ako baba kung nakaharang itong babaeng 'to.? Nilingon ko si Manong Driver.

"Teka lang Manong ah,lasing kasi itong katabi ko".wika ko dito bago bumaling sa katabi ko.
"Hoy! Miss, paraan naman. Bababa na ako." Niyugyog ko ang kaliwang braso nito.

Nagising ito sa ginawa ko, Inayos ang buhok bago lumingon sakin.Doon ko na naaninag ang mukha nito, Laglag ang panga ko dahil maganda pala ang kanina ko pa kinaiinisang babae. Kaso , turn-off agad, kasi kababaeng tao naglalasing ng ganun.

"Nasaan na ba ako" tanong ng dalaga.
"Nasa Cembo na tayo, Miss, kaya pwede ba paraanin mo ko, bababa na ako".
Imbes na paraanin ako ng babae ay nauna itong bumaba sa akin.Agad naman na sumunod ako dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang pasahero pati ng driver. Ilang saglit pa ay umalis na ang jeep.
Nilingon ko ang lasing na babae. Nakakatayo pa naman ito pero pasuray-suray na. Nauna itong naglakad sumunod ako. Ayaw niyang magpakagentleman, pero nababahala ako sa kalagayaan ng babaeng 'yon. Paano kung mapagtripan ito ng mga tambay sa tabi-tabi? eh di konsenya pa niya. Pareho pa naman kaming estudyante ng iisang univeristy na pinapasukan,baka mabalitaan ko na lang na may isang estudyanteng bababe na na-rape habang pauwi o di kaya na-salvage ng mga adik na tambay sa tabi-tabi. Napailing ako sa isiping iyon, OA ko yata masyado.

Mabagal ang paglalakad ng babae kaya naabutan ko agad, nilingon ko ito."Bakit kaya naglasing ito?" tanong ko sa isip ko.
Bigla akong nagulat ng lumingon siya sakin, nataranta ako kaya binilisan ko ang paglalakad.

"Hoy!"
"Hoy! Sinabi eh!"

Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng lasing na babae mula sa likuran, napalingon ako. Nakanang botcha! sinundan ako. Pinagpatuloy ko pa din ang mabilis na paglalakad.Hindi ko na pinansin ang babae.

"Teka, hoy! mister!sandali lang!" tawag pa din nito sakin.
Medyo naiinis na ako sa kakatawag niya sakin, baka isipin ng mga taong dumadaan girlfriend ko ito. huminto ako sabay lingon.

"Bakit Miss?"
Nakasalubong kami ng babae kaya ang nangyari ay na-untog tuloy siya sa dibdib ko. Automatic na napahawak ako sa magkabilang balikat nito, baka kasi matumba na ito ng tuluyan.Ilang segundo kaming ganoon, agad akong lumayo dito. Nakaramdam kasi ako ng pagdaloy ng maliliit na boltahe sa mga kamay ko. Ang weird!.

"Ikaw yung katabi ko sa jeep di ba?"
"Oo ako nga, bakit?"

"Sa'yo ba 'to?"
Inabot niya sakin ang earphone ko.

"Sakin 'yan ah!" sabay hablot sa earphone.
Tiningnan niya ako ng masama dahil sa ginawa ko, natahimik tuloy ako. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng bigla itong yumakap sakin, hindi agad ako nakagalaw dahil sa nangyari.

"Type yata ako ng babaeng ito" wika ko sa isip ko.Pero mali ang akala ko, naramdaman ko na lang na parang nabasa ako at sa sobrang malas, sa akin pa sumuka ito.

Napasigaw ako.

"Ay! Ano ba 'yan!Miss, Ano ba!"

Wala na akong paki kung babae siya basta ang alam ko kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Baka gawin akong toilet bowl nito. Halos masuka na din ako dahil sa sa dami ng inilabas nitong kinain sakin umabot pa hanggang sa pantalon ko. Badtrip.

"Badtrip!Yuck!"
Inis na hinubad ko and T-shirt ko. Mabuti na lang may sando akong dala-dala, sinuot ko agad iyon.

"Sorry" hinging-paumanhin ng babae. Mapapatawad ko na sana siya eh kung hindi ko lang nakitang ngumiti.Sapakin ko kaya ito.

Habang busy ako sa pagpunas sa pantalon ko, nakarinig ako ng iyak.Inangat ko ang mukha ko at nakita ko kung sino ang umiiyak---SIYA, ang babaeng lasenggera.May sapak yata ito eh bigla-biglang umeemote.

Bigla nawala lahat ng kabadtripan ko sa babaeng kaharap ko at nagsimula akong makaramdam ng awa sa kanya. Mukha yatang problemado lang ito kaya naglasing.

Nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.
"Hoy, Miss."

----- itutuloy......
 
Ilocano ka TS? Sallabay kasi sa iloco yung piggy backride. :clap:
 
nanay ko ilocano pero ako taga-makati ako..tubong makati toh
 
TS. salamat at nabasa ko nah dun sa blog mo. keep writing TS. more power.!:salute::salute::salute:
 
nagbasa narin ako sa blog mo ts.marami nakong nabasa .at masasabi ko na dagdag sa listahan ko ng mga paborito to.thanks sa pagshare nito ts.sana magpatuloy kapa.
 
ts pa bookmark ha basahin ko to later :D mukang maganda eh sa jeep kasi yung tittle :D
 
pA bookmark nito TS..

ganda ng story hindi na ako makapaghintay sa susunod na kabanata..
 
Kabanata 6:
Kung tutuusin napakamalas kong tao dahil sa babaeng ito. Bakit? Wala siyang awa, niyurakan niya ang pagkatao ko. Isa siyang malaking kontrabida sa buhay ko.
Dinaig pa ang nanay ko sa sobrang higpit sa akin. Lahat yata ng ayaw nito, ayaw ipagawa sa akin. Ultimo , yung dapat kong inumin, suotin at kung kailan pwede ko siyang hawakan sa kamay.
Hindi ko alam kung ano ako sa kanya, Masaya siya kapag binubully niya ako, Ako naman si uto-uto sunod lang ng sunod. Tatlong buwan na kami, para ngang M.U. lang , walang pakialamanan basta kapag trip niya na kasama ako pupuntahan niya ako. Pwede na akong humawak ng titulo ng Most Guillable Guy dahil sa medyo uto-uto kong sarili. Pero sa dami ng reklamo ko, heto ako masaya. Masaya ako dahil may Louisa sa buhay ko. Limited Edition lang ito kaya sinusulit ko na.
Bday q n sa Linggo… alm mo n ga2win mo ah.
Text iyon ni Louisa sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nito nililinaw ang sinasabi nito sa tuwing may ipapagawa siya sa akin. Halos i-decipher ko ang mga sinasabi nito para lang malaman ko ang gusto niyang iparating. Ang gulo ng babaeng ito sa totoo lang.Dati bang hacker ito.
Kpg ndi mo nagwa espesyal ang bday q, lagot ka sa akin.
Sunod na text nito na may halong pagbabanta.
Hindi talaga halatang demanding ang babaeng ito.
Kinagabihan hindi ako makatulog, bakit? Dahil nag-iisip ako kung ano yung bagay na pwedeng ika-espesyal ng birthday ni Louisa. Naglista ako ng ilang pwede pero baka sumablay.
1. Bigyan siya ng bouquet of flowers
- pero baka ihampas lang nito sa mukha ko ‘yon dahil , allergic ito sa lahat ng uri ng bulaklak.
2. Haranahin siya sa labas ng bahay niya
- Pero baka buhusan ako ng mainit ng tubig nito dahil nakakabulabog ako ng ibang nakatira doon.
3. Ipasyal siya sa amusement park
- Epektib ito pero baka masapak niya ako dahil dinala ko siya sa horror house.
4. A candlelight dinner sa isang fine-dining restaurant
- Wag ito baka hindi na ako bigyan ng parents ko ng allowance.
5. Write her a birthday letter
- Pangelemtary naman ito. Baduy.
Nakailang draft na ako sa kakaisip at kakasulat pero ito lang lima ang napili ko sa 101.5 na naisulat ko, yung point five, yun yung napunit kong papel sa kalahati.
“ahrghhh!!!!!!!!!!!!!!” inis na nilukot ko ang panghuli papel na nasulatan ko sa yellow pad paper ko. Takte, mas mahirap pa ito kaysa sa mga math subjects ko. Ano bang formula para dito?
8 hours and 33.5 minutes ang lumipas bago ako nakaisip ng perfect birthday present para sa baliw na babaeng iyon. Ang daming requirements nito. Butas ang bulsa ko.
***
Today is the day. Birthday ni Louisa, coat and tie ang motif ko,gumaganon pa ako eh halos mamulubi ako sa pesteng birthday gift ko sa kanya. Labag na talaga sa aking kalooban ito.
Sinimulan kong padalhan ng sulat si Louisa , nakalagay doon ang procedure papunta sa lugar na kinatatayuan ko. Hindi ko siya tinext at tinawagan para ma-miss niya naman ako ng onti. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa sobrang perfect ng naisip ko.
Sinabihan ko ang bandang inupahan ko para sa music, I want to serenade her, hindi ko kasi nagawa iyon sa kanya. Itinago ko sa likuran ko ang bouquet of flowers , plastic iyon at least flowers pa din. Handang-handa na ako sa mangyayari. Hindi naman palpak ang plano ko dahil dumating din si Louisa gaya ng instructions ko sa kanya kanina.
“Para saan ang mga ito?”takang tanong niya.
Hindi ko alam kung may short memory lost ito o nagmamaang-maangan lang siya na hindi niya alam na birthday niya ngayong araw.
“Tuktukan ko kaya ulo mo, birthday mo ngayon.”
“Ah.. Oo, nga pala”
“Surprise!”
“Nice effort, thanks.”
“Sorry ha ,ito lang nakayanan ko, hiyang-hiya naman ako sa’yo”
Umeffort na nga ako ng bongga tapos yun lang masasabi ng demonyitang ito.
Ngumiti ito at lumapit sa akin.
“Kain na tayo gutom na ako.”
Inabot ko sa kanya ang bouquet of flowers na binili ko sa divisoria.
“Plastic huh?”
“Kung gusto mong magpaconfine sa ospital baka pede pa ko palitan ng totoong bulaklak.”
Tumawa ito. Hindi pala tawa iyon halakhak. Ngayon ko lang nakita ang totoong tawa ni Louisa. Ang sarap pakinggan.
Past 2am na pero nandoon pa kami ni Louisa, masayang nagkukwentuhan. Naubos na nga namin lahat ng Maria Clara na wine na binili ko, sampu kaya ‘yon.
“Alam mo ang saya mo kausap.” Wika ni Louisa.
“Weh? Di nga? ”
“Seryoso ako, sa tuwing kasama kita, you make me smile every single seconds.”
“Ansabehh!!!”
Biglang sumeryoso ang mukha nito at tiningnan ako. Hindi lang basta tingin, tinititigan niya ako. Muntik na akong matunaw.Promise.
“Arvin..can I have a favor?”
“Sure, ano ‘yon?”
“Can you be my bestfriend? I mean, alam ko pinakilala kita sa tita ko as my boyfriend pero gusto ko maging magkaibigan tayo, ayoko mag-assume ka, alam mo na ‘yon..”
Na-gets ko ang point niya, sabagay mas maganda ng maging magbestfriends kami kaysa maging fake boyfriend niya ako. Less emotional iyon sa parte ko.
“Deal, Just bestfriends, kasi hindi ko pinangarap maging girlfriend kita dahil abusado ka.”
Hinampas niya ako sa balikat. “ah ganon? Since bestfriend na kita mas to-torturin pa kita ”
“Pasalamat ka mabait ako”
Kahit ilang torture pa gawin ni Louisa sa akin, hinding-hindi ako aangal basta kasama ko lang siya palagi.
“Teka, anong oras na?” tanong nito.
Sinipat ko ang wristwatch ko. 2:30am na.
“2:30am na”
“Hah!?” napatayo ito mula sa pagkakaupo sa damo.
“Bakit?”
“Anong bakit?! Kailangan ko ng umuwi.Patay ako kay Tita.”
Oo nga pala, strikto sa oras ang tita nito.Gusto ko pa sana magtagal kami doon pero baka pulbosin ako ng tiyahin ni Louisa. Tumayo na din ako at inayos ang sarili.
Sa malas ay walang palang taxi na dumadaan sa lugar na iyon, umupo kami sa may waiting sched. Maghihintay na lang kami ng masasakyang jeep. Wala pang limang minuto ay may humintong jeep. Sumakay kami.
Napansin ko na iilan lang kami na pasahero ng jeep, kami ni Louisa, dalawang babae at may dalawang pang lalaking pasahero. Kinutuban ako dahil iba ang aura ng dalawang lalaking iyon. Mukha silang goons. Nasa kahabaan kami ng biyahe at sumunod na nangyari.

“Holdap ‘toh!!!”sigaw ng isang pasaherong lalaki na balbas sarado at may bonnet na suot sa ulo. Itinutok nito ang hawak na kutsilyo sa aming dalawa ni Louisa. Nagsimula ng mag-panic ang lahat ng pasahero. Pati ako.
“Akin na mga gamit niyo! Bilis!” wika naman ng isang lalaking kasama ng nakabonnet.
Bukod sa pouch na dala ni Louisa , wala na kaming ibang gamit.
“Kayo! Akin na mga gamit niyo!”
Agad na binigay ni Louisa ang pouch nito.
“ah.. Boss.., wala akong dala.. kung gusto mo eto na lang pera ko, 50 pesos” medyo nanginginig pa ako ng i-abot ko dito ang pera ko.
Ang natitirang pera ko sa bulsa ko hindi pinatawad ng mga ito.
“Pera din yan, akin na!” hinablot nito ang pera sa kamay ko.
Bakit ba napakadesperado na ng mga holdaper ngayon, siguro kahit piso na lang pera mo eh nanakawin pa din ng mga ito.
“Hoy! Driver! Ihinto mo ang jeep! “ utos ng mga ito sa jeepney driver.
Nang huminto ang jeep ay agad na bumaba ang mga holdaper at tumakbo papalayo. Pareho kami ni Louisa na na-shock sa nangyari kanina at dahil wala na kami pera pambayad sa jeep, pinababa kami ng driver.
“Paano tayo makakauwi?” tulalang wika ni Louisa sa akin.
“Malamang maglalakad tayo”
Binagtas namin ang daan pauwi. Walang imikan.Hanggang sa makarating kami sa may police checkpoint. Hinarang kami ng isang armadong pulis.
“Teka, saan ang daan niyo? Ilan taon na kayo?”
Agad akong sumagot.
“21 na po ako, siya 20 po, diretso po kami sa lugar na ‘yon” sagot ko.
Mukhang hindi naniniwala ang pulis sa sinabing kong edad dito.
“ID niyo? Mukha kayong mga estudyante eh.”
Patay. Wala akong dalang kahit anong ID. Binalingan ko si Louisa. Umiling lang ito.
“Sir, wala po akong dalang ID eh.”
“Ako din po.” Si Louisa.
Umiling ito. “Sumama kayo sa akin.”
 
Kabanata 7:
“Magkakilala ba kayo?” tanong iyon ng pulis na nasa helpdesk. Sa isang police station kami dinala nung pulis na nasa checkpoint kanina.
Sabay kaming tumango ni Louisa.
“Taga-saan kayo?”
“Makati po” wika ko.
“Anong ginagawa niyo ngayon dis-oras na ng madaling-araw? Bakit naglalakad kayong dalawa ng ganyan ang ayos?”
Ano ba ito? may krimen bang naganap, wagas makapagtanong si sarhento. At anong masama sa ayos namin. Mukha ba kaming taong grasa.
“Naholdap po kasi kami kanina noong sumakay kami ng jeep.” Sabad ni Louisa.
“Totoo po ‘yon”
“Tsk! Kayong mga kabataan talaga kapag ganitong madilim na, talamak ang holdapan sa mga jeepney.At ikaw, lalaki. May kasama kang babae dapat hindi kayo nagpapagabi.”
“Sorry po.”
“Teka, at amoy alak kayo ah.”
“Wine lang po yung ininom namin at saka hindi po kami lasing, nakainom lang”
“Pwede na po ba kami makaalis?” wika ni Louisa.
“Hindi pwede, ibigay niyo sa akin ang number ng mga magulang niyo, tatawagan namin sila at sila na mismo maghahatid pauwi sa inyo”
Wala na kami nagawa kundi ibigay ang numero ng telepono ni Tsong Macoy, sigurado ako ibibitin ako ng patiwarik niyon. Tumambay lang kami ni Louisa sa police station hanggang mag-umaga kausap ang mga presong naka-vibes na din namin ng ilang oras. Kung sasali sa beauty pagent si Louisa , malamang grandslam na ito sa Ms. Friendship award. Kakosa na niya pati mga SPO sa station.
Pareho na kaming zombie ni Louisa ng pumatak sa alas-sais ng umaga ang orasan doon. Mukhang prone na ang mga tao doon sa presinto sa zombie virus. Pilit ko man ipikit ang mata ko eh hindi ko magawa dahil mas nauna pang matulog sa akin si Louisa, ginawa pang unan ang balikat ko , makatulog lang.
“Arvin!”
Nandoon na ako sa momentum na papikit na ang mata ko ng marinig ko ang boses na iyon. Si Tsong Macoy iyon. Sumunod na nangyari ay umuwi na kami. Si Tsong Macoy na ang naghatid kay Louisa, ako dumiretso na ng bahay para matulog, bahala na si batman pagdating ni Tsong.
Sampung pingot ang lumatay sa tenga ko pagkagising ko. Nabingi na yata ako dahil doon sumabay pa ang armalite na bunganga ni Tsong Macoy, basag ang earlobes ko.
Sinabi sa akin ni Tsong Macoy na huwag na muna akong makipagkita kay Louisa, sabi daw ng Tita nito. Agad kong tinawagan si Louisa para kamustahin siya. Sigurado akong napagalitan ito.
“Hello?”
“Mabuti tumawag ka, kanina ko pa hinihintay tawag mo.” Wika ni Louisa.
“Napagalitan ka ba?”
Tumawa ito. “Hindi nga eh”
“Weh? Baka sinasabi mo lang yan para hindi ako makonsyensya”
“Ang totoo niyan, inamin ko na kay Tita na hindi kita talaga boyfriend, hayun,nagalit.”
“Mabuti na sinabi mo kaso nagsinungaling ka sa kanya.”
“Okay lang yon, minsan lang naman magsinungaling”
“Pagsisinungaling pa din ‘yon, baliw”
“Pero, honestly, nag-enjoy ako. Salamat sa birthday gift mo ah.”
Na-touch naman ako sa sinabi nito. Worth it naman pala ang effort ko. Kahit na humantong kami sa overnight sa police station.
***
After three days normal na naman ang lahat pero hindi kami nagkita ni Louisa dahil nga sa pakiusap ni Tsong na huwag muna akong makipagkita dito. Buong araw ko siyang inexpect na Makita pero hindi ko siya nakita. Nang matapos ang klase sa last subject ko ay agad kong naisipang umuwi, wala naman akong extra-curricular activities ng araw na iyon.
Naghintay ako ng jeep na masasakyan sa labas ng campus. Sa waiting sched nakita ko si Grace, lumingon ito sa gawi ko at ng Makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin.
“Kanina pa kita hinihintay”
“Ako?”
Nagtanong pa ako eh ako na nga yung nilapitan nito. Minsan may pagkaengot din ako.
“May kailangan ka ba?”
“Oo, gusto ko sana mag-usap tayo”
Weird naman. Si Grace makikipag-usap sa akin. Ano naman kaya ‘yon?
“Tungkol saan”
“Kay Louisa”

 
Kabanata 8:
Dinala niya ako sa Starbucks para doon kami mag-usap. Wala akong ideya kung ano ang sasabihin nito tungkol kay Louisa. Na-cucurious tuloy ako.
Nag-order muna ng kape si Grace bago simulan ang pag-uusap namin dalawa.
“Pasensya ka na sa abala ah”
“Okey lang nilibre mo naman ako ng starbucks eh.Kahit araw-araw mo pa ako abalahin.”
“Palabiro ka talaga.”
“So.. anong tungkol kay Louisa?” agad kong tanong.
Biglang sumeryoso ang mukha nito. Diretsong tumingin sa akin at nagsimula ng magsalita.
At ikinuwento nito ang isang bahagi ng buhay ni Louisa na hindi ko alam.

Limang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko pero blangko pa din ang isip ko, kahit anong pilit kong isipin ang nalaman ko tungkol kay Louisa eh hindi ko talaga ma-gets ng utak ko. Madami na naman tanong ang nagpa-popout sa earlobes ko. Isa na ang tanong na, BAKIT?
Natauhan lang ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyon dinampot at sinagot, hindi ko nga alam na si Louisa pala ang tumawag.
“Yes, hello?”
“Nasaan ka?”
“Louisa?”
Sinabi nito na pumunta daw ako sa isang restaurant sa may morato, nandoon daw siya. Kailangan niya daw ako makausap. Ano bang nangyayari sa mundo, lahat na lang gusto akong kausapin.
Hindi ko naman kayang tiisin si Louisa kaya agad akong pumunta sa sinabi nitong lugar. Isang fine-dining restaurant pala ‘yon. Mukha akong gusgusing bata sa get-up ko. Plain gray t-shirt at maong pants. Kamusta naman yon.
Pumasok ako sa loob, agad akong iginiya ng waiter sa isang table. Nandoon si Louisa at isang lalaki na sa tingin ko kasing edad ko lang din. Mas guwapo lang ako.
Sinalubong ako ni Louisa.
“Akala ko hindi ka na dadating eh, tara upo ka” yaya nito.
Walang akong ideya kung ano ang nagaganap sa mga oras na iyon, pati ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi naman siguro ito yung ex ni Louisa na nang-iwan dito.
“So, Louisa… siya pala yung sinasabi mong bestfriend mo?” tanong agad ng lalaki.
“Oo, Arvin, si Mike, Mike si Arvin” pakilala ni Louisa.
Nagkamay kami ni Mike.
“Sino ba siya?”agad kong binulungan si Louisa.
“Blind date ko.”
Bigla akong natahimik sa sinabi ni Louisa. Blind date? Gusto na ba nitong magkaboyfriend agad. Naka-move na agad ito. Paano na ako? Hanggang bestfriend na lang ba ako?
Sampung minuto ako nanahimik. Tinitigan ko lang si Louisa at si Mike habang masayang nagkukwentuhan ng kanilang buhay. Medyo na OP ako ng onti kaya yung orange juice na lang ang binalingan ko. Ilang saglit pa ay nagpaalam muna na mag-CR si Louisa. Ako at si Mike ang naiwan.
“Arvin right?”
Bingi ba ito, kakapakilala lang ni Louisa sa akin nakalimutan agad pangalan ko. Grrr!
Tumango lang ako at nanahimik ulit.
“I heard a lot about you, ikaw lagi bukambibig ni Louisa. I guess you two really are bestfriends. Buti ka pa”
Makapag-English naman ito wagas, Pwede naman mag-tagalog. Pinahirapan niya lang sarili niya.
“Malamang… ah eh este oo.”
“Pare, pwede bang makahingi ng pabor sa’yo?”
Aba pumapare na ang loko, sorry hindi tayo close.
“Anong pabor?”
“Gusto ko sanang malaman yung gusto at ayaw ni Louisa, since ikaw ang bestfriend niya, alam kong alam na alam mo ‘yon..you see, I like her at gusto kong mas makilala pa siya”
First Blood! Ouch! Ito na yung kinakatakot ko eh yung may kakompitensya ako sa babaeng mahal ko.
Sa huli ay ibinigay ko din ang hinihingi nitong pabor.
After 2 minutes bumalik na si Louisa.
Tumayo ako para salubungin siya.
“Louisa pwede ba tayong mag-usap saglit”
Nagpaalam muna kami kay Mike. Lumabas kami ng restaurant at sa parking lot kami nag-usap.

 
Kabanata 9:
“Anong sasabihin mo? Hindi ba pwedeng doon na lang sa loob?” tanong ni Louisa.
Umiling ako at bumuntong-hininga.
“May problema ba? Kung tungkol kay Mike, sorry kung hindi ko nasabi sayo.”
“Ah.. hindi yon,ano kasi… hindi ka pa nakamove-on nakikipag-date ka na agad.”
“Anong ibig mong sabihin?”
Kinuha ko ang kanang kamay niya. “Obvious na hindi mo pa din siya makalimutan noh? ”
Tinanggal ko ang singsing na suot-suot nito.
“Sa kanya galing ito di ba?”
“Paano mo nalaman na sa kanya yan?”
“Ang mga bagay na mahalaga sa atin, lagi nating iniingatan kahit anong mangyari.”
Inilagay ko sa palad niya ang singsing.
“Palagi kong nakikita na suot mo yan kaya nalaman ko,hindi mo naman susuotin yan kung wala lang di ba? Hindi ka mahilig sa alahas di ba? Bakit magsusuot ng isang singsing ang isang taong kung hindi naman ito mahilig sa alahas?”
Umiwas ito ng tingin sa akin.
“Sorry kung…”
Ngumiti ako. “Kung desidido ka na magka-boyfriend ulit, huwag mo ng suotin yan. Oo nga pala, mukhang matino naman si Mike, give him a chance. At masaya ako kasi makakamove-on na ang bestfriend ko. Paano? Sige , mauna na ako. ” paalam ko dito.
Mahirap aminin sa sarili ko na ayoko talaga ng mga ganoong eksena sa buhay ko—ang magparaya. Naiinis ako dahil hindi ko binigyan ng chance ang sarili ko na ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Louisa. Ni hindi nito alam na mahal ko siya, wala kasi akong lakas ng loob para sabihin. O sadyang natatakot lang ako. Natatakot na hindi tugunan ni Louisa ang nararamdaman ko para sa kanya dahil all this time alam kong hindi pa din ito nakakalimot sa totoong lalaking minahal nito at isabay mo pa si Mike na may gusto dito.
Hay buhay nga naman! Bakit ba kailangan may magsakripisyo para may sumayang tao? Yan tuloy broken-hearted ako.
At dahil sawi ako sa pag-ibig natural na maglasing ako. Mabuti na lang pumayag si Tsong Macoy na makipag-inuman sa akin. At least may kausap ako.
Nakakalimang bote pa lang ako ng Red Horse kaya hindi pa ako lasing, kapag nakaisang case na siguro baka gumapang na ako.
Tahimik kong nilagok ang panglimang bote ng red horse na iniinom ko. Matagal na din akong hindi umiinom ng ganon, kapag basted lang. Katulad ngayon.
“Babae noh?” biglang basag ni Tsong sa tahimik naming pag-iinuman.
Hindi ko na kailangan sagutin ang tanong na iyon, obvious naman. Sinimulan kong ikwento sa kanya ang tungkol kay Louisa.
“Hayy! Ang mga tao talaga ngayon, ginagawang kumplikado ang pag-ibig. Yan tuloy nahawa na pamangkin ko. ”
Natawa ako sa sinabi ni Tsong.
“Pinapatawa lang kita, kanina ka pa nakasimangot dyan eh. Hayaan mo na yon, madami pang bebot dyan. Ihahanap na lang kita.”
Kung meron nga lang carbon copy ni Louisa bakit hindi.
“Tsong, nainlove ka na ba?” hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
“Oo naman.”
“Eh bakit single ka pa din hanggang ngayon?”
“Sira-ulo ka talaga pati lovelife ko pinapakialaman mo.”
“Bakit nga Tsong?”
Seryoso ako sa tanong ko kay Tsong Macoy. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi na ito nag-asawa pa at nanatiling single.
Tinitigan ako ni Tsong Macoy bago ulit ito magsalita.
“Matagal tagal na din yon, pero sige ikukwento ko.”
Umayos ako ng pagkakaupo. Para akong batang sabik sa kwento.
“Bente anyos ako noong umibig ako, katulad mo.. nagmahal din ako, si Maria, anak ng punong-barangay. Nagkakilala kami noong nasangkot ako sa isang gulo, nakipag-away kasi ako sa isang sigang kapitbahay, nakipagsapakan ako. Hayun, diretso kami kay kapitan. Bugbog sarado ako kaya madami akong natamong sugat sa mukha. Si Maria ang gumamot sa akin. Hayy! Nalove at first sight ako sa kanya noon.”
“Tapos?”
“Hindi ko na siya nilubayan, palagi ko siyang binibisita sa bahay nila, hinahatid ko siya kapag pauwi na siya sa eskwelahan. Sa madaling salita, niligawan ko siya. Pero…”
“Pero ano?”
“Ayaw sa akin ni Kapitan, at saka masyado pa daw kaming bata. Pero binalewala ko yon. Palihim kaming nagkikita ni Maria noong naging kami, itinago namin ang relasyon naming dalawa sa ama nito. Umabot ng isang taon ang relasyon namin ng malaman ni Kapitan na magkasintahan na kami ni Maria. In short, pinagbawalan na si Maria ni Kapitan na makipagkita sa akin, naghiwalay kami.”
“Tapos ano pa nangyari?”
In fairness, mala-nobela ang lovelife ni Tsong Macoy.
“Wala na,the end.. nalaman ko na lang na ikakasal na ito sa anak ng kaibigan ni Kapitan, sumuko ako kasi, wala naman akong magagawa eh… hindi na ako nagpakita sa kanya. ”
“Ganun lang yon? Hindi mo man lang pinaglaban Tsong?”
“Ah ‘yon ang isang katangahang hindi ko nagawang gawin. Kaya ito single pa din ako.”
Tama si Tsong, katangahan nga. Wala na naman mangyayari kung ipaglaban mo pa. Tanggapin ko na lang sa sarili ko na hindi para sa akin si Louisa. Na isipin ko na lang na isa siyang panaginip na hinding-hindi magiging totoo.
Lesson learned. Huwag masyado assuming pagdating sa love. Baka madismaya ka lang kapag nalaman mong pinaasa mo lang ang sarili mo sa isang bagay na walang kasiguraduhan. I made a decision: Get rid of Louisa.
 
Kabanata 10:
Tinotoo ko ang desisyon ko na huwag ng magpakita kay Louisa. Hindi ko na ito tinetext at tinatawagan dahil binura ko na ang number nito kahit kabisado ko naman. Hindi na din ako nagfa-facebook para hindi ko mabasa ang mga message niya sa akin, kung meron man. At hindi na ako sumasakay ng jeep dahil naalala ko lang siya.
Lahat ng makakapagpaalala sa akin kay Louisa ay inilayo ko na . Ipinokus ko na lang ang sarili ko sa mga bagay katulad ng pag-aaral. After 2 months ga-graduate na din ako. Mabilis lang ang 2 months, lumipas na ito at ngayon graduate na ako.
“Arvin, may sulat galing sa mga magulang mo” iniabot ni Tsong ang isang sobre sa akin. Agad ko iyon kinuha at binasa.
Isang magandang balita galing sa mga magulang ko. Napetisyon na pala ako at legal na akong US Citizen. Pwede na daw akong pumunta sa New York at doon tumira. Siguro kung si Tsong iyon malamang buong barangay imbitado sa Farewell party nito, sino ba naman hindi sasaya kung malaman mong titira ka sa America dahil US Citizen ka na.
Obviously Masaya ako dahil makakasama ko na mga magulang ko sa wakas, halos sampung taon nila akong ipinakupkop kay Tsong Macoy. Sampung taon hindi ko sila kasama sa buhay ko. Kaya yung panibagong sampung taon ng buhay ko ay igugugol ko sa magulang ko, pupunta ako sa New York at doon na ako titira kasama nila.
Paano ba yan, goodbye pinas na ako. Goodbye na din kay Louisa. Actually wala na akong balita sa kanya. Pakialam ko, malamang boyfriend na nito yung Mike na naka-blind date nito.
Umupo ako sa sofa, tinigan ko lang ang papel na kakabasa ko lang.
“Habang buhay kong pagsisihan ang isang bagay na hindi ko nagawa sa buong buhay ko”--- hindi ko akalaing mare-realize ko yon ng isang minuto lang.
“Tama! ”
Napatayo ako at dali-daling umalis ng bahay. May kailangan akong dapat gawin.

Ayokong magaya sa tiyuhin kong walang lovelife at age 40, ayokong maging malungkot buong buhay ko, ayokong dumagdag sa mga tangang lalaking pinakawalan ang pag-ibig nila dahil natakot silang ipaglaban iyon at higit sa lahat ayokong mawala si Louisa dahil she is the one for me, nakakahawa din pala ang english speaking kong professor noon sa subject ko na Filipino.
Kailangan ko ng aminin kay Louisa ang feelings ko bago pa magbago isip ko at bago pa ako tumulak papuntang New York.
Dumiretso ako sa tinitirhang boarding house ni Louisa, doon naghintay ako hanggang sa makauwi siya. Sa labas ako naghintay.
Tik tak tik tak
After 8 hours of waiting……. May nai-spotan akong kotse na huminto sa tapat ng boarding house. Nagtago ako sa may poste, ng iniluwa ng kotse ang sakay nito, nakita ko si Louisa pero hindi lang siya may kasama pa siya at kilala ko kung sino iyon---si Mike. Masayang niyakap at hinalikan sa pisngi ni Louisa si Mike. Bigla akong nakaramdam ng selos, ayokong may ibang nagpapasaya sa Louisa ko. Bwisit na Mike yan.
Pumasok na sa loob ng boarding house si Louisa kasabay noon ay ang pag-alis ko. Ayoko ng gawin ang dapat kong gawin, malinaw sa akin ang lahat. Akala ko may something kami ni Louisa pero wala talaga kahit anong piga ko. Kainis!




Kabanata 11:
Nakahanda na akong lisanin ang Pilipinas at pumunta sa America. Iniayos ko na ang dapat kong dalhin, nai-empake ko na lahat ng gamit ko. Medyo hindi naman ako excited dahil next week pa naman ang alis ko.
Nagkulong ako sa kwarto ko buong araw. Iniisip ko kung paano ako magpapaalam kay Louisa. Tatlong paraan ang naisip ko: Una, sa personal, pero baka hindi ako makapagsalita dahil mukhang iiyak ako kapag ginawa ko yon. Pangalawa, email na lang, pero naalala ko wala pa lang email si Louisa. Pangatlo, Sulat.
Sa huli ay yung pangatlo ang pinili ko. Kumuha ako ng malinis na yellow pad paper at ballpen.
30 minutes ko ng tinititigan ang yellow pad paper pero ni isang patak ng tinta ng ballpen ay hindi pa sumasayad dito. Takte, wala akong maisip na farewell words.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Ito ang ginagawa ng mga writers kapag humuhugot sila ng inspirasyon para makapagsulat.
“Bahala na, kahit ano lang.”
Sinimulan ko ng magsulat.
***
This is it! This is really is it is it! Bon Voyage.
“Wala ka na ba nakalimutan dalhin?” tanong ni Tsong Macoy sa akin.
Nasa NAIA na kami at naghihintay ng flight ko.
“Wala na po”
“Mag-iingat kayo doon ah.”
“Opo kayo din po”
Niyakap ako ni Tsong Macoy. Nagpapasalamat ako dahil naging pangalawa kong ama ito for the past ten years na nasa poder niya ako. Wala na itong makakasama kapag umalis na ako.
“Sige na, bago pa ako umiyak dito,aalis na ako. Mag-iingat ka doon ah”
“Opo, hayaan niyo tsong padadalhan kita ng chicks galing new york”
“Sira-ulo!”
“Ay! Teka , Tsong pwede ba makahingi ng pabor sayo?” mula sa bulsa ay kinuha ko ang nakatuping sobre. Iniabot ko ito dito.
“Pakibigay naman kay Louisa ito.”
“Sige ba.”
“Salamat po.”
Iyon ang huling sandali ko sa Pilipinas. Sa isang iglap nakatira na ako sa sopistikadong lungsod ng New York.
Major major culture shock ang inabot ko, inabot ako ng dalawang taon para makapag-adjust sa uri ng pamumuhay doon. Sa tulong ng magulang ko ay nagkaroon ako ng trabaho, nakapag-ipon na din ako kahit onti sa kinikita ko. In short, naging successful ako sa buhay ko. Madami na din akong nakarelasyon dito, yung iba pinay, yung iba kano at hindi tumatagal iyon,mga isang buwan lang pinakamatagal. Flirt lang sigurong matatawag iyon, ewan, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganoon.
Bigla kong naalala si Louisa, natanggap kaya nito yung sulat ko para sa kanya. I missed her, so badly. Sana okay lang ito at sana masaya ito sa piling ni Mike. Naiiyak tuloy ako, napaka-emo kong tao.
Nakatanggap ako ng isang hindi inaasahang sulat mula sa Pilipinas, hindi galing kay Tsong Macoy kundi kay Louisa. Mukhang naawa na sa akin si Kupido, narindi na yata sa kakahiling ko magkaroon ng matinong lovelife.
 
Last edited:
Kabanata 12:

Nagpasya akong bumalik ng Pilipinas hindi dahil ayokong makasama ang mga magulang ko, sa katunayan kasama ko silang babalik . Balak na nilang permanenteng tumira sa Pilipinas, nakabili na naman ng sariling bahay at lupa ang mga ito kaya bakit hindi.At isa pa, Filipino Citizen pa din kami kahit US Citizen kami sa America.
“Arvin!”masaya akong niyakap ni Tsong Macoy ng bumisita kami sa bahay nito.
“Namiss kita Tsong!”

“May ipapakilala ako sayo”
Mula sa kusina ay nakita kong lumapit ang isang babaeng na sa tingin ko kasing edad lang ni Tsong Macoy. Mukhang may lovelife na si Tsong.
“Siya si Maria”
Nagulat ako.
“Di nga?”
“Asawa ko na siya”
“Paanong…”
“Mahabang kwento” sabad na wika ni Maria.
Nice.Ngayon napatunayan ko na totoo ang true love. Isang malupit na example ang lovelife ni Tsong Macoy.
Nagpaalam ako na kay Tsong Macoy muna matulog ng araw na iyon.
“Bakit gising ka pa?” takang tanong ni Tsong ng madatnan niya ako sa sala habang mag-isang nagkakape. Hindi ako makatulog dahil nag-iisip ako ng sorpresa kay Louisa.
“Hindi po kasi ako makatulog eh, iniisip ko kung paano kami magkikita ni Louisa. May balita ka po ba sa kanya?”
“Siya pa din pala hanggang ngayon ah.”
“Syempre naman, mana kaya ako sa inyo. Isa akong malaking tanga ”
Natawa ito.
“Doon pa din sa boarding house nakatira si Louisa”
“Sa tingin niyo ba single pa din siya hanggang ngayon?”
Binatukan ako nito. “Aray! Bakit niyo ginawa yon?!Aw!”
“Sa tingin mo , bakit ka pa susulatan ni Louisa kung taken na siya?”
Oo nga ano, ang engot ko talaga hindi ako nag-iisip. Sa mga oras na iyon ay napuno ako ng pag-asa at sa mga oras din na iyon ay may biglang pumasok sa isip ko. Hulaan niyo.
***
“Bayad po!” isang boses na pamilyar na pamilyar sa akin—si Louisa.
Nasa isang jeep kami. Katapat ko siya . Walang bakanteng upuan dahil puno ito ng mga pasahero kasama kami. Kanina sinundan ko siya mula sa boarding house hanggang sa makasakay siya sa jeep.
Nagdisguise ako, nagsuot ako ng fake na balbas at sombrero habang may hawak na bouquet of roses na plastic. Pasimple ko siyang tinititigan. Hindi pa din nagbabago ang ganda nito katulad pa din noong dati, diyan ako na-inlove sa kanya eh. Habang papalapit na kami sa destinasyon namin ay isa-isang nagsisibabaan na ang mga pasahero hanggang sa ako, siya at ang jeepney driver na lang ang natira. Parte pa lang yan ng plano ko.
“Nandito na tayo, Boss.”wika ng driver.
“Manong, hindi po dito ang baba ko.”
Imbes na sumagot si Manong driver ay pumailang ang kanta ni Noel Cabangon, Di na natuto sa stereo ng jeep. Bumaba na din ang driver at kami na lang dalawa ni Louisa ang naiwan.
“Nandyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso…”
Isa-isa kong tinanggal ang disguise outfit ko habang nagpe-play ang kanta.
“Teka, sino ka?” wika ni Louisa.
“Ilang ulit na ba,iniiwasan ka di na natuto…”
“Kapag hindi ka nagpakilala, sisigaw ako”
“Sulyap ng iyong mata, aking nadarama,kahit malayo”
“Nahihirapan na,lalapit-lapit pa, di na natuto”
“Isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo….mo wohoo”
“Nawala lang ako ng dalawang taon, nakalimutan mo na agad ako.”wika ko ng matanggal ko na ang disguise ko.
Napatigil ito. Tila nagulat ng Makita ako.
“Hindi mo na din siguro naalala kung paano nagtagpo ang landas natin, dito.. sa jeep na ito…. Una kong nakilala ang malas na babaeng iyon”
“Yakapin mong minsan, at muling magbabalik sayo…na walang kalaban laban”
“Noong una, turn-off talaga ako sa kanya dahil kababaeng tao naglalasing… akala ko hindi na kami magkikita… pero nasundan yon…ng madaming araw…hanggang sa yung unang impression ko sa kanya eh nawala…”
“Ang puso ko’y tanging iyo…. Lamang…”
Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng luha sa mga mata ni Louisa habang nagsasalita ako.
“Lalo na ng maging fake boyfriend niya ako….. nalaman ko na may dahilan pala kung bakit siya naglasing ng ganoon…at nung nalaman ko yon…unti-unti akong nahulog sa kanya…pero.. nung sinabi niya sa akin na maging bestfriends kami, saka ko lang na-realize na hindi pala pwede…dahil alam kong hindi pa siya nakakamove-on sa lalaking minahal niya….pero nagulat ako ng may ipinakilala siya sa akin, ka-blind date niya daw….Sa totoo lang … sobrang sakit yon dahil….. nandito naman ako bakit kailangan pa niya makipag-date sa iba…. Naalala ko , hindi pa pala niya alam na gusto ko siya…”
“oh heto na naman, laging nananabik…ang aking puso”
“Muling bumabalik..sa’yong mga halik…di na natuto….”
“Noong araw din iyon… sumuko ako…kasi ayokong umasa na isang araw akodin pala ang masasaktan…gusto kong maging masaya siya… kasi alam ko, naging masakit sa kanya ang pagkamatay ng lalaking mahal niya…gusto ko lang palaging may ngiti sa labi niya….kahit hindi ako yung dahilan ‘non”
“Isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo..wohoo”
“Ngayon.. bumalik ako..umaasa na masasabi ko ng harapan sa kanya na….. ”
“Yakapin mong minsan at muling magbabalik sa’yo…na walang kalaban laban”
“Louisa, Mahal na mahal kita.”
“Ang puso ko’y tanging iyo ….lamang….”
“Arvin!” umiiyak na niyakap ako ni Louisa.
Isang mahigpit na yakap ang itinugon ko sa kanya.
 
EPILOGUE:


“Paano mo nalaman na siya yung may-ari ng singsing?” tanong ni Louisa.
Nandoon kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Miguel--- ang ex-boyfriend ni Louisa. Nalaman ko ‘yon dahil sa ikinuwento ni Grace sa akin.
“Si Grace… sinabi niya sa akin ang tungkol sa kanya…pati na ang dahilan kung bakit palagi mong suot ang singsing niya.”
“Sorry kung hindi ko inamin sa’yo..kasi..”
Pinitik ko ang noo niya.
“Aray! Bakit mo ginawa ‘yon?!”
“Praning !”
“Anong pra----”
Isang halik ang iginawad ko kay Louisa. My first real kiss sa totoong mahal kong babae. Kinikilig ako.
“Praning na praning ako sa’yo” wika ko ng maghiwalay ang mga labi namin.
“Sinabi ko bang halikan mo ko!” isang malakas na hampas sa balikat ang pinakawalan ng kamay ni Louisa at masakit ‘yon.
“Aray! Grabe ka na naman, bakit hindi ba pwede… girlfriend na naman kita di ba..sakit ‘non ah!”
“Hala! Sino may sabi na girlfriend mo na ako? Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh.”
Isang hampas ulit ang pinakawalan nito at sa mukha ko dumapo ‘yon.
“Aray!!! Ayoko ng nga….. wag na lang… binubugbog mo ko…hindi na tayo bati.. babalik na ako ng New York…”para akong batang nagtampo, nagpapadyak ako habang patalikod na naglakad palayo sa kanya. Kunwari tototohanin ko.
“Teka! Sama ako!”
Nagulat ako ng mag piggy backride si Louisa sa likuran ko. Mabigat talaga ito. Muntik na nga kami matumbang dalawa sa damuhan.
“Baboy ka ba?”
“Hindi ..bakit?”
“Ang bigat mo kasi eh..”
Binatukan niya ako. “Corny mo!”
Hindi naman ako matuturing na masokista, manhid, tanga at praning. Isa lang naman ako sa milyong-milyong tao sa mundo na nangangarap ng matinong lovelife. At salamat kay kupido dahil ibinigay niya sa akin si Louisa. Ngayon, natapos na ang chapter ng lovelife ko. Totoo ang happy ending.
THE END.
 
hay! salamat nai-post din lahat ng kabanata :)
pasensya na tinamad mag-internet ehehe
 
Back
Top Bottom