Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

A Jeepney Love Story

Kabanata 1:

"Anong oras na naman kaya ako makakasakay pauwi" badtrip na wika ko sa sarili habang nasa kaduluduluhan ng pila sa sakayan ng jeepney sa may guadalupe. Dumagdag pa ang mga taong tanong ng tanong kung pila ba ito. Tapos magtatanong ulit sa katabi na pinagtanungan nito hanggang sa humantong din sa pagpila sa pinipilahan ko. Jakamawatan, lalo lang umiinit ang ulo ko.

Napagpasyahan kong magsoundtrip muna habang nakapila baka sakaling mawala ang masamang espiritung unti-unting lumulukob sa katauhan ko. Kinuha ko ang earphone at sinaksak sa tenga ko, buti na lang hindi pa lobat yung i-phone ko. Nakailang kanta na din ang nai-play ko pero hindi pa din umuusad ang pila. Para kaming mga na-stranded na mga pasahero ng barko sa sobrang haba ng pila. Maghuhuramentado na sana ako ng biglang may tumulak mula sa likuran ko, natulak ko tuloy yung ale na nasa harapan ko.
Nakanang botcha!.Inis na tinanggal ko ang earphone sa tengga ko.

"Ano ba 'yan!"wika ng ale na nasa harapan ko. Nag-sorry muna ako bago ko nilingon ang tumulak, uupakan ko kapag lalaki 'yon.Pero nagulat ako ng makita ko ang isang babae na pasuray-suray .Lasing yata.

Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil halos magmukhang sadako na ito sa pagkakalugay ng mahabang buhok nito. Tama nga ang hinala ko, lango nga sa alak ang babae, amoy chico eh.Tila natauhan ito ng maramdaman ang presensya ko, umangat ang ulo nito para mapagsino ang nasa harap.Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil natatakpan ng buhok ang mukha niya.

Sinimulan kong magsalita." Hoy! Miss, Lasing ka ba?
"Teka bakit ko pa tinanong eh obvious naman." wika ko sa isip ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot ang babae dahil umuusad na ang pila,pinabayaan ko na lang ang nangyari. Ano ba mapapala ko kung maghuramentado ako sa harap ng isang lasing na babae? Masasapak ko ba ito para makaganti ako sa ginawa nitong pagtulak sakin? Ang sagot : Wala akong mapapala. Kaya tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad habang umuusad ang pila.

Alas siyete na ng gabi , pumila ako pasado alas-sais pero heto nandito pa din ako sa terminal ng jeepney. Kasama ang mga pasaherong demanding at isang lasenggerang babae.Hindi naman kalayuan ang bahay ko, mga limang kalye lang naman.Pwede ko naman lakarin pero mas gusto ko sumakay ng jeep dahil alam kong mas mabilis akong makakauwi. Sa wakas nakasakay na din ako sa jeep,prente akong umupo sa unahan sa may tabi ng driver. Isasandal ko sana ang hapong katawan ko sa sandalan ng biglang may umupo pang isang pasahero,at sa kamalas-malasang pagkakataon, makakatabi ko ang lasenggerang babae kanina. Umusog ako malapit sa driver.

"Anak ng..." mahinang sambit ko sa katabi ko. Halos sakupin na kasi nito ang kinauupuan nilang dalawa. Napakabalahura ng babaeng ito, isabay mo pa ang masangsang na amoy-alak.

Sa biyahe, hindi ko mapigilan tingnan ang itsura ng babaeng katabi ko.Bukod sa parang sinabunutan ng isang dosenang bakla ang buhok niya eh mukhang disente naman ang pananamit nito, Lasing lang talaga.

"Bakit kaya walang kasama 'tong babaeng ito?Saan kaya ito bababa?" tanong ko sa aking isip habang nakatingin sa natutulog na babae. Nahagip ng mata ko ang suot nitong ID--school ID iyon at sa parehong university pa yata na pinapasukan ko nag-aaral ang babae, pasimple kong tiningnan iyon. Baka sakaling may address ng babae pero nabigo ako. Nahahabag ako sa itsura ng babae, siguro kung walang harang sa unahan ng jeep kanina pa ito nalaglag at pinagpipiyestahan na ng alikabok sa kalsada ito.

Muntik na akong lumagpas sa bababaan ko,buti na lang naka-para agad ako.Isa na lang ang problema ko. Paano ako baba kung nakaharang itong babaeng 'to.? Nilingon ko si Manong Driver.

"Teka lang Manong ah,lasing kasi itong katabi ko".wika ko dito bago bumaling sa katabi ko.
"Hoy! Miss, paraan naman. Bababa na ako." Niyugyog ko ang kaliwang braso nito.

Nagising ito sa ginawa ko, Inayos ang buhok bago lumingon sakin.Doon ko na naaninag ang mukha nito, Laglag ang panga ko dahil maganda pala ang kanina ko pa kinaiinisang babae. Kaso , turn-off agad, kasi kababaeng tao naglalasing ng ganun.

"Nasaan na ba ako" tanong ng dalaga.
"Nasa Cembo na tayo, Miss, kaya pwede ba paraanin mo ko, bababa na ako".
Imbes na paraanin ako ng babae ay nauna itong bumaba sa akin.Agad naman na sumunod ako dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang pasahero pati ng driver. Ilang saglit pa ay umalis na ang jeep.
Nilingon ko ang lasing na babae. Nakakatayo pa naman ito pero pasuray-suray na. Nauna itong naglakad sumunod ako. Ayaw niyang magpakagentleman, pero nababahala ako sa kalagayaan ng babaeng 'yon. Paano kung mapagtripan ito ng mga tambay sa tabi-tabi? eh di konsenya pa niya. Pareho pa naman kaming estudyante ng iisang univeristy na pinapasukan,baka mabalitaan ko na lang na may isang estudyanteng bababe na na-rape habang pauwi o di kaya na-salvage ng mga adik na tambay sa tabi-tabi. Napailing ako sa isiping iyon, OA ko yata masyado.

Mabagal ang paglalakad ng babae kaya naabutan ko agad, nilingon ko ito."Bakit kaya naglasing ito?" tanong ko sa isip ko.
Bigla akong nagulat ng lumingon siya sakin, nataranta ako kaya binilisan ko ang paglalakad.

"Hoy!"
"Hoy! Sinabi eh!"

Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng lasing na babae mula sa likuran, napalingon ako. Nakanang botcha! sinundan ako. Pinagpatuloy ko pa din ang mabilis na paglalakad.Hindi ko na pinansin ang babae.

"Teka, hoy! mister!sandali lang!" tawag pa din nito sakin.
Medyo naiinis na ako sa kakatawag niya sakin, baka isipin ng mga taong dumadaan girlfriend ko ito. huminto ako sabay lingon.

"Bakit Miss?"
Nakasalubong kami ng babae kaya ang nangyari ay na-untog tuloy siya sa dibdib ko. Automatic na napahawak ako sa magkabilang balikat nito, baka kasi matumba na ito ng tuluyan.Ilang segundo kaming ganoon, agad akong lumayo dito. Nakaramdam kasi ako ng pagdaloy ng maliliit na boltahe sa mga kamay ko. Ang weird!.

"Ikaw yung katabi ko sa jeep di ba?"
"Oo ako nga, bakit?"

"Sa'yo ba 'to?"
Inabot niya sakin ang earphone ko.

"Sakin 'yan ah!" sabay hablot sa earphone.
Tiningnan niya ako ng masama dahil sa ginawa ko, natahimik tuloy ako. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng bigla itong yumakap sakin, hindi agad ako nakagalaw dahil sa nangyari.

"Type yata ako ng babaeng ito" wika ko sa isip ko.Pero mali ang akala ko, naramdaman ko na lang na parang nabasa ako at sa sobrang malas, sa akin pa sumuka ito.

Napasigaw ako.

"Ay! Ano ba 'yan!Miss, Ano ba!"

Wala na akong paki kung babae siya basta ang alam ko kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Baka gawin akong toilet bowl nito. Halos masuka na din ako dahil sa sa dami ng inilabas nitong kinain sakin umabot pa hanggang sa pantalon ko. Badtrip.

"Badtrip!Yuck!"
Inis na hinubad ko and T-shirt ko. Mabuti na lang may sando akong dala-dala, sinuot ko agad iyon.

"Sorry" hinging-paumanhin ng babae. Mapapatawad ko na sana siya eh kung hindi ko lang nakitang ngumiti.Sapakin ko kaya ito.

Habang busy ako sa pagpunas sa pantalon ko, nakarinig ako ng iyak.Inangat ko ang mukha ko at nakita ko kung sino ang umiiyak---SIYA, ang babaeng lasenggera.May sapak yata ito eh bigla-biglang umeemote.

Bigla nawala lahat ng kabadtripan ko sa babaeng kaharap ko at nagsimula akong makaramdam ng awa sa kanya. Mukha yatang problemado lang ito kaya naglasing.

Nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.
"Hoy, Miss."

----- itutuloy......
 
As of now I have a lot of story draft Kaso puro on going haha adik lang, pag may pumasok Kasi NA idea sa utak ko type agad but Hindi ko natatapos, Ito pa Lang yata Yung matino kong na tapos NA story. Anyways I'll be posting new stories soon once sipagin ako, thanks for reading my story. Nahahati ako sa wattpad at dito Hindi ko alam Kung San koi po post haha

- - - Updated - - -

Meron NA nasa mga pages lang pahanap NA lang po hehe complete NA yan until end. Thank you for reading!
 
:thanks: ts... more stories to come... pa share na din po sa fanpage q... big credit po sa inyo... :salute:
 
buhay pa pala to :)

- - - Updated - - -

salamat sa mga nagbabasa at feedbacks :)

buhayin ang thread hooo!
 
Last edited by a moderator:
Re: REPOST: A Jeepney LoveStory

Napaka-ganda ng story mo TS, alabyu na haha.
 
TS buhay ka pa ba? Gawa ka pa haha hindi ko namalayan ang oras kakabasa neto :thumbsup:
 
First time ko mag basa ng mahabang love story.hehehe. ayos ts. tnx
 
Napaka-ganda ng story mo TS, alabyu na haha.

haha salamat sa comment :P

complete chapters na po ito, trace mo na lang yung thread :) thanks for reading!

- - - Updated - - -

idol. inform mo ko pag may kabanata2 ka na ah/

HELLO PO, COMPLETE CHAPTERS NA PO ITO HEHE SALAMAT SA PAGBABASA!
 
Last edited by a moderator:
matagal na pala to TS, ngayon ko lang nabasa..ngayon lang din akong napadpad sa section na ito.
dami palang magagandang babasahin dito. Sana ay gumawa ka pa ng ibang kwento..

Thank you TS.
 
Back
Top Bottom