.
bata ka pa kasi kaya ganyan.
panigurado yung "love" na sinasabi mong nararamdaman mo sa umpisa eh isang
infatuation o crush lang.
malaki ang kaibahan niyan sa
pagmamahal.
ganyan kasi ang
kalakaran ng mga kabataan ngayon eh... maski naman noong HS pa 'ko
pag crush, ligaw agad... sasabihin ni lalake, "mahal" na daw niya si babae. tapos pag naging sila na o ganyang nagtagal na nga, biglang nawawala yung "nararamdaman" nila... nananamlay. kaya nga i'm sure na infatuation lang yan. typical highschool stuff. hehe.
kung gusto mo nang magkaroon ng seryosong relasyon, wag kang padalos-dalos sa panliligaw. kilalanin mo muna yung babaeng nakakasalamuha mo. baka kasi crush mo lang talaga siya sa umpisa o malakas lang ang appeal sayo. kaya pag dumaan ang mga araw, nasasanay ka na sa kanya. nawawala na yung physical attraction mo sa kanya. kaya mas maganda kung kilalanin mo muna ang babae bago ka magdesisyong kumilos. pinakamaganda talaga kasi kung attracted ka sa isang babae di lang sa itsura niya kundi pati sa ugali.
mas maganda din kasi na maging sigurado ka kesa sa padalos-dalos ka sa mga bagay/desisyon mo sa buhay na kadalasan eh pinagmumulan ng mga kamalian.
yun lang.