Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Alaala ni Agnes

Sumigaw si Mang Xander sa simbahan nang makita si Agnes. Hindi niya pinansin ang mga taong nagbulungan o nabigla sa kanyang inasal. Para sa kanya natural ang kanyang reaksyon.

Kahit may kabagalan na ang pagkilos ay pilit siyang tumakbo pauwi. Nagkulong siya sa loob ng bahay. Isinara ang pinto at bintana. Nanginginig ang kanyang kamay. Kinuha niya ang larawan ni Agnes at biglang nagmura.

"Hayop ka Anges! Kasalanan mo ang nangyari sa akin!"

Si Agnes ang nag-iisang babaeng minahal ni Mang Xander. Kahit pareho na silang may katandaan at maputi na ang buhok ay hindi nila malilimutan ang itsura ng bawat isa. Nakaukit sa kanilang mga puso ang mga sandaling pinagsaluhan noon. Ang kantyawan, pag-ibig at romansa.

Mahal na mahal niya si Agnes. Subalit mapanghusga ang mga parokyano ng kanilang pagtitinginan. Malaking tanong ang kabuhayan para magkaroon ng pamilya. Hanggang sa kinausap ng magulang ni Agnes ang batang Alexander noon, ipinamukha ang agwat, estado at height.

Umalis si Xander at nangakong hindi na magpapakitang muli. Ayaw niyang makitang may ibang mamahaling lalaki si Agnes. Subalit totoong mapaglaro ang tadhana. Ang inakala niyang swerteng araw ng pamamalimos sa simbahan ay may isang Agnes ang lilitaw sa kanyang harapan.

Bumalik sa kanyang alaala ang iniwang tanong ni Anges. "Xander? Anong nangyari sa iyo? Ang iyong kamay sobra ang panginginig!"

"Kasalanan mo Agnes!" sago niya.

Umupo si Mang Xander sa sulok pagkatapos matiyak na walang nakita sa kanya. Tinitigan niya ang larawang tanging alaala ni Agnes. Nahiga siya.

Muli niyang tiningnan ang larawan. "Kasalanan mo Agnes kaya nanginginig ang aking kamay! Ibinaba niya ang kanyang short. "Kasalanan mo kung bakit ako napasma!"

=wakas=



www.tuyongtintangbolpen.com
 
:rofl: ang bad, bad mo Agnes!!
pero mas bad ka Xander :p

ganda ng kwento mo boss, hindi ko akalain :rofl:
 
Ang lungkot ng kwento.
Lumalabas lang na mahal pa rin ni Xander si Agnes magpahanggang ngayon,sayang lang at bitin. Akala ko ay masusundan pa ng kwentong pag-ibig at romansa ang muli nilang pagkikita.

Kapupulutan ng aral (yun pala ang dahilan ng panginginig ng mga kamay)
Mainam ito sa mga bata :lmao::lmao::lmao:
 
di ko napigilan matawa :rofl:
buti nalang nag iisa ako sa office :whistle:
 
papa p dapat itong malipat sa AZ :lol:
 
Juice colored. Napabulwak ako sa tawa dito. Bwahahaha!
 
mariang palad na lang ba magagawa ni xander pag naalala niya si agnes? :rofl:
 
Ang galing talaga natawa talaga ako sa kwento.
 
Back
Top Bottom