Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Alibugho ba ako?

sleep04

The Martyr
Advanced Member
Messages
754
Reaction score
2
Points
28
hello po, first time ko po hihingi ng payo sa inyo mga ka symb, ganito kase yun, maaga kase ako nag asawa, 23 years old pa lang nag pakasal na ako, ngayon mula nun, lage na maiinit ang ulo sakin ng nanay ko, lahat ng mali ko sa bahay, pinupuna niya, parang feeling ko tuloy wala akong puwang sa bahay, dito pa kase kami nakatira ng misis ko sa bahay ng nanay ko, actually ala pa kami pera pambukod, at kung bubukod man kami walang mag aalaga sa ananak ko ng 3 years old, nahihirapan lang kase ako, lage niya sakin sinasabi na gumawa daw kasi ako ng tama para hindi ako nabubulyawan, gustong gusto ko na umalis kasama misis ko sa bahay kaso ala kami sapat na pera, anu ho ba ang maipapayo niyo sa akin, salamat PO,

kung tutuusin nga po, wala naman ako bisyo, walang luho sa sarili, bahay, trabaho, at nung nag aaral ako school bahay lang, pero bakit ganun, hindi maappreciate ng nanay ko mganagagawa ko, lage niya pinapaboran yung bunso,
 
Last edited:
Mataas siguro ang pangarap ng nanay mo sa iyo tapos parang pabigat ka na sa tingin nya kasi may masambahay ka na. I feel you ganun din dati ang ina ko pero wala na ako magagawa kung ganun ang tingin nya sayo at nasasabihan ka pa. Kung ako sa'yo, bow down ka na lang. Hayaan mo na lang ganun sasabihin sa'yo, wag mo na patulan ang nanay mo at focus ka na lang sa pamilya at trabaho mo muna. Wag mo na lang aalahanin mga negative na sinasabi sa'yo ng nanay mo, instead, enjoy mo lang trabaho mo at pamilya at sabayan mo ng panalangin sa panginoon. Hanap ka ibang pagkakakitaan bukod sa trabaho mo. Hanggang maaari, wag mo sila (parents) patulan.
 
maramimg salamat po, alam ko marami akong kamalian sa buhay, mataas ang expectation sakin ng nanay ko kase ako lang nakapag tapos saming dalawa ng kapatid ko, pilit ko namang tinatama mga pagkakamali ko sa buhay eh, pero sir maraming salamat sa payo niyo, naliwanagan ako ng husto,
 
Their house, their rules.

Hangga't nakapisan ka sa kanila, makakarinig at makakarinig ka ng mga salita lalo't sya din yata ang nag-aalaga sa anak mo. Kumbaga, inistorbo mo na nga sila (sa paggamit mo ng bahay nila), inabuso mo pa (sa pagpapa-alaga ng anak mo). Hindi mo din sila pwede pagmalakihan. Tandaan mo, sa kanila ka nakikitira.

Ano ang pwede mo gawin? Wala. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Kaya nga ang sabi sa marriage counseling, hangga't maari na bumukod kayo sa inyong mga magulang (after magpakasal). Posible din maging dahilan yan ng pag-aaway nyo ni misis lalo na kung maramdamin din ang iyong napangasawa. Hindi pa yata pumapasok jan ang usapin tungkol sa mga bayarin. Lalo kayo magkakagulo.

Ikaw ang makisama. Sabihan mo din si misis na makisama. Tandaan mo, magulang mo pa din yan.
 
Buhay mag-asawa , dapat talaga nakabukod ka.... ngayong nakikitira pa din kayo sa iyong nanay, wala kang magagawa kundi makisama at umintindi...
Gusto mo ikaw ang hari, gumawa ka ng iyong kaharian. Nakikisilong ka bahay ng may bahay, magpasakop ka....
 
naiintindihan kona po ngayon, maraming salamat sa inyong mga payo, alam ko na mali rin talaga ako
 
i feel you brother... hirap pag ganyan pero may magagawa ka ... magsikap ka sa abot nangyong makakaya bigyan mo ng maayos na kinabukasan pamilya mo sikapin mo talaga na sa unti unti magkaroon karin ng sarili mong bahay sa matinong paraan tsaka kung magkakapera ka bigay2 din sa magulang mo kahit kunti lang wag madamot:salute:
 
hello po, first time ko po hihingi ng payo sa inyo mga ka symb, ganito kase yun, maaga kase ako nag asawa, 23 years old pa lang nag pakasal na ako, ngayon mula nun, lage na maiinit ang ulo sakin ng nanay ko, lahat ng mali ko sa bahay, pinupuna niya, parang feeling ko tuloy wala akong puwang sa bahay, dito pa kase kami nakatira ng misis ko sa bahay ng nanay ko, actually ala pa kami pera pambukod, at kung bubukod man kami walang mag aalaga sa ananak ko ng 3 years old, nahihirapan lang kase ako, lage niya sakin sinasabi na gumawa daw kasi ako ng tama para hindi ako nabubulyawan, gustong gusto ko na umalis kasama misis ko sa bahay kaso ala kami sapat na pera, anu ho ba ang maipapayo niyo sa akin, salamat PO,

kung tutuusin nga po, wala naman ako bisyo, walang luho sa sarili, bahay, trabaho, at nung nag aaral ako school bahay lang, pero bakit ganun, hindi maappreciate ng nanay ko mganagagawa ko, lage niya pinapaboran yung bunso,

ibig sabihin ng nanay mo ay bumukod na kayo. simple lang yun brad. alam ko mahirap yan. na pre presure kana. pero ini isip mo pag bumukod kayo baka hindi mo kaya. pero mali ka. kaya mo yan. pag mag sumipag kalang. kasi tingin ng nanay mo sa inyo ay pabigat lang kayo sa kanila kaya madaling uminit ang ulo nang nanay mo.
 
boss mahirap talaga nakitira sa magulang, yes mahirap mag bukod pero hindi mo malalaman kung kaya nyo o hindi kung hindi susubukan, wag kang matakot mag bukod bastat masipag lang kyo wlang imposibly, always pray lang po, good luck....
 
Back
Top Bottom