Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang Divina Mahika

evilmerodac

Apprentice
Advanced Member
Messages
59
Reaction score
0
Points
26
maraming kabataan bago dumating ang kanilang maturity , makikitang interesado sa witchcraft.
may dalawang klase ang wicthcraft. Ang sikat na sikat na alam na ng lahat ay ang tinatawag na Black Magic. Ito rin ay tinatawag na Mahica Negra. Kaya marami rin ang nagsasabi na ito ang Itim na Karunungan. Itim dahil sa salitang Black at salitang Negra. Ang mahica naman o magic ay Karunungan ang kahulugan.
Ang isa pa na Divine Magic o Divina Mahica , kilala rin ito sa tawag na Mahica Blanka. Ang salitang Divina o Divine ay Banal ang kahulugan at ang Blanca ay Puti naman ang ibig sabihin.
Ito ang dalawang pwersa na naglalaban at ang kanilang pagtutunggalian ay magpakailaman. Ayon kasaysayan , maging sa Langit ay nagkaroon ng labanan , ang Mabuti laban sa Masama . Ang panig ng kabutihan ay gumagamit ng Divina Mahica at ang panig ng Masama ay nagtataglay naman ng Mahica Negra. Inilarawan ang kanilang matinding pagpalalaban sa kwento ng digmaan ng mga angel sa kalangitan na kung saan , pansamantalang nanalo ang panig ng kabutihan laban sa panig ng kasamaan.
Pansamantala lang na nanalo ang isa dahil hindi naman lubusan nagapi ang isa pa ,ayon sa kwento , pagsasagupa ng dalawang makapangyarihan pwersa nahulog sa lupa ang isa pero buhay pa. kaya hindi ganap na nagapi dahil nga nahulog lang ay hindi naman namatay.
Sa lupang kanyang kinahulugan , nandito ang Tao. Kaya dahi dito nahulog ang panig kasamaan , siya at ang tao ay magkasama na nandidirito. Samantala ang panig ng kabutihan na kanyang nakalaban ay nanatiling nasa kahiraan ng Langit , dahil siya lang naman ang nahulog sa kung saan tulad ng ansabi na ay naninirahan ang Tao.
Ang Tao ay hindi kakampin ng masama pero hindi rin siya kakampi ng Mabuti. Dahil ang tao ay may sariling kapangyarihan.Mahirap man na paniwalaan pero isang katotohanan ang Tao hindi mabuti pero hindi rin masama.
Pero bakit nga ba siya o ang tao ay nagiging masama pero siya rin naman ay pwedeng maging Mabuti. Dahil ang isa pang totoo taglay ng bawat tao ang dalawang kapangyarihan , nasa kanya ang kapangyarihan ng Kabutihan pero nasa kanya rin ang pwersa ng Kasamaan. Kaya nga tulad ng nasabi na siya o ang tao ay pwede maging mabuti pero pwede rin siyang maging masama.
Ang espesyal na katangiang ito ng bawat tao , ang isa sa dahilang kung bakit inggit na inggit sa kanya o sa tao ang tinatawag na Satanas. Dahil si Satanas , isa lang ang kapangyarihan at ito nga ay ang ang pwersa ng kasamaan. Samantalang ang bawat tao , dalawa ang taglay , muli ,ang isa ay ang Pwersa ng kabutihan at ang isa pa ay ang pwersa ng kasamaan. Si Satanas , hindi pwedeng mamili dahil kahit kailan hindi niya pwedeng piliin ang kapangyarihan ng Mabutim, samantala ang bawat tao pwede kung ano ang gusto niya sa dalawang kapangyarihan nasa kanya. Kaya nga kahit ikaw si Satanas ,maiinggit ka rin sa tao , di ba?
Natatangi , kumbaga , kakaiba at espesyal talaga ,di ba ,ang Tao kaysa sa lahat ng nilalang dahil siya lang ay may karapatang mamili kung ano ang gagamitin niya sa dalawang pwersang nasa kanya?


______________________________

http://sun2papa.wix.com/divine-assistant

http://anting-anting.com

wala pong paliwanag ang KABALA , KASI po hindi yon para ipaliwanag ang Diyos. dahil hindi po kailangan ng Diyos na ipaliwanag ang Kanyang sarili. (Socrates magnus)
 
Last edited:
View attachment 154080

____________

ang hindi nating magawa sa tunay na buhay sa PANAGINIP nagkakaroon ng katuparan
 

Attachments

  • 381689_549152241774036_263486755_n.jpg
    381689_549152241774036_263486755_n.jpg
    36.9 KB · Views: 8
Tulad ng astral projection, sa panaginip lang iyon nagagawa.
 
Tulad ng astral projection, sa panaginip lang iyon nagagawa.

kung minsan ang mga panaginip natin talo pa ang reyalidad, tulad halimbawa kapag nanaginip ka ng wet dream na tinatawag. yung sarap na naramdaman mo sa panaginip hindi mo magagawa sa reyalidad.

pangkaraniwan nalang sa isang communidad ang ganitong usapan, na may nagsasabi na bago pa mangyari ang isang bagay napapanaginipan na nya ito. as in kuing ano ang nasa panaginip nya ganun na ganun ang nangyari.

yun nga lang ay pa chamba-chamba lang ito, na wala naman talaga tayong control sa mga ganitong bagay
 
ang astral projection po ay magagawa kahit ikaw ay gising. brainwave frequency theta state and alpha state pwede kang mag astral projection
 
Back
Top Bottom