"Lintek!" Tanghali na naman akong nagising. Bumangon agad sa kinahihigaan at dali-dali akong bumaba upang maligo. "Talaga naman o", walang tubig na lumabas sa gripo. Hindi ko pede hintaying magkaroon ng himala. Nakita ko ang timba na may unting tubig. Siguro mga apat na buhos lang ang kaya. Tinanggal ko ang salawal na panloob at nagsimulang maghilamos. "Ganun talaga", minsan may ligo, minsan hilamos na lang.
Di pa man ako nakakalayo sa aming bahay ay pawis na pawis na ako sa pagmamadali ko, salamat sa pabango, hindi ako nag-amoy pawis.
Nanliit ang aking mata upang hanapin ang karatulang "Pasig-Quaipo" sa mga dumaraan na dyip. "Malas!" Punuan. Walang ibang paraan kundi sumabit. May isang tumigil, sakay agad.
Sanay na ang tuhod ko kung sakaling ang pisngi ng pwet lamang ang kapirasong makaupo sa mala sardinas na pagkakaupo. Pahirapan din ang pagkuha ng otso pesos sa aking bulsa. Anuman oras pede akong malaglag sa kinauupuan ko, nakakahiya yun.
Dumaan sa lubak ang dyip, saktong hawak ko ang pambayad. lumundag ang piso sa aking kamay."Punye,,,," hindi ko na tinuloy. dahil tuluyan ng nagpaalam ang piso palabas ng dyip. Bumagal ang oras sa tagpong yun.
1,2,3..? Walang pagpipilian. Meron siguro, "Bayad ho, estudyante!". Sabay tingin sa drayber habang hinahintay ang reaksyon niya.
"Kuya, pasok po kayo, malapit na po ako, sa Legarda lang". hudyat siguro na ipagsiksikan ko ang katawan ko paloob sa nagsisiksikan pasahero.Nilingon ko ang kanan bahagi upang hanapin ang taong nagsalita kanina. Hindi ko maipaliwanag pero sa tagpong iyon. wala akong inisip kundi pagmasdan ang kanyang maamong mukha, umaalon na buhok at ang kanyang labi. Nahiya ata siya nun napansin niyang nakatitig ako sa kanya.
"Ok lang , sa Pureza ako bababa", bumalik ako sa realidad habang nakatingin lang ako sa mata niya. Bumagal ang tagpong iyon tulad na nangyari sa namaalam na piso.
Hindi ko napansin na lumagpas na pala ako. "Nak ng teteng". Kinatok ko ang bubungan ng dyip hudyat ng may bababa at ako iyon.
5 minutong leyt, sampung hakbang na lang sa opisina ko.
"Ser!, pakisuot na lang po yun ID"
"Bwisit", nalaglag ata kung san ang ID ko. Puro kamalasan ang bumuo sa umaga ko."Lintek talaga",hindi ko namalayan ang pagtunog ng cellphone. Baka galit si boss dahil may deadline ako.
"Hi, ako yun nakatabi mo sa dyip, nalaglag mo yun ID pagbaba..."mahinhin tila nahihiyang boses ang narinig ko.
Kahit papano, sa tagpong iyon, gumanda ang araw ko..

Last edited: