Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang Pakahulugan ng Pagbibilang o "Imputation"

s0nicfl0od

Proficient
Advanced Member
Messages
223
Reaction score
5
Points
28
Pagbibilang* ( Imputation )

[ * Ang katuturan ng salita ay hango sa Rom. 4:6-8: “ Gaya naman ng sinasabi ni David tungkol sa pagiging mapalad ng tao na kung kanino ibinibilang ng Diyos ang katuwiran na hiwalay sa mga gawa. Mapapalad ang mga pinatatawad sa kanilang mga masasamang gawa, at ang mga tinakpan ang kanilang mga kasalanan. Mapalad ang tao na hindi ibibilang laban sa kanya ng Panginoon ang kasalanan.” ]

  • Ang pananampalataya ba ang batayan ng kaligtasan? “ Maraming Kristyano ang sumasagot ng OO sa tanong na ito. At ito ay naghahayag ng malungkot na katotohanan na maraming nag-aangking ‘kristyano’ ang hindi nakakaunawa sa kanilang inaangking pananampalataya.
  • Roger Smalling: “ To assume faith is the ground of our acceptance with God is like saying a cement truck is the foundation of our house because the truck brought the cement. This is not to downplay faith. Without it, we cannot be justified. Our intent is to underscore the importance of imputation. “ [ “ Ang ipalagay na ang pananampalataya ay siyang batayan ng pagtanggap ng Diyos sa atin ay parang pagsasabi na ang trak ng semento ang pundasyon ng ating bahay dahil ang trak ang nagdala ng semento. Hindi natin winawalang-halaga ang pananampalataya (dahil) kung wala nito, hindi tayo mapapawalang-sala; (ngunit) ang layunin natin ay upang idiin ang kahalagahan ng pagbibilang. “ ]


I. Kahulugan at Paliwanag ng Prinsipyo ng Pagbibilang:

  • Ang teolohikal na salitang ‘imputation’ o ‘pagbibilang’ ay galing sa Rom. 4:6-8 [ “ Even as David also describeth the blessedness of the man, unto whom God imputeth righteousness without works, [Saying], Blessed [are] they whose iniquities are forgiven, and whose sins are covered. Blessed [is] the man to whom the Lord will not impute sin.” ] Mula sa Gr. ‘logizomai’; Heb. ‘hashab’.
  • Paliwanag ng mga Lexicon tungkol sa kahulugan ng ‘logizomai’:


  • — United Bible Societies Greek New Testament & Lexicon: count, reckon, calculate, take into account; credit, place to one’s account; [ ibilang, ituring, ilagay o ikargo sa pangalan ng isang tao ]
  • — Louw&Nida: to keep records of commercial accounts, involving both debits and credits — ‘to put into one’s account, to charge one’s account, to regard as an account.’ [ magtala ng listahan sa pangalan ng isang tao ]
  • — Thayer’s Lexicon: to take into account; to pass to one’s account; impute. [ maglista ng kwentada; ipasa sa talaan ng isang tao ]
  • — The Evangelical Dictionary summarizes: ‘to charge to one’s account’...is an adequate rendering of the Greek term logizomai. This forensic [legal] notion of imputation has its partial roots in the commercial and legal language of the Greco-Roman world; one who has something imputed to him is accountable under the law. [ ikargo sa talaan ng isang tao… Ang legal na ideyang ito ng pagbibilang ay may bahaging galing sa Greco-Romanong mundo; ang isang may ibinilang na anuman sa kanya ay may pananagutan sa ilalim ng batas. ]



II. Gamit sa bibliya ng ‘logizomai’ na hindi kaugnay sa pagpapawalang-sala:

  •  Philemon 1:18: “ Pag may ginawa siyang mali sa yo o may utang sa iyong anuman, ikargo mo sa akin.“
  •  Lev.17:4 [ Septuagint ]: “ …ang taong iyon ay ituturing na maysala… “ [ may kasalanang ibibilang ]
  •  Lev.7:18: “…kapag ang laman ng alay pangkapayapaan ay kinain sa ikatlong araw, hindi ito tatanggapin. Ito ay hindi ibibilang sa kanya na nag-alay nito…ang taong kumain nito ay mananagot. “


PUNTO: Ang prinsipyo ng ‘imputation’ o ‘pagbibilang’ ay itinuturo ng Bibliya.


III. Ang Pagbibilang Kaugnay ng Pagpapawalang-sala:


o Kaugnay sa kaligtasan ng makasalanan, may inilalahad ang Bibliya na 3 kaso ng pagbibilang bunsod ng kaisahan ng tao sa 2 tumayong kinatawan ng kanilang lahi:

1. Ang kasalanan ni Adan ay sinasabing ibinilang sa kanyang salinlahi.

 Rom. 5:18-19 — “ 18 Kaya’t kung paanong sa pamamagitan ng isang kasalanan, sa lahat ng tao ito’y tungo sa kahatulan; gayundin, sa pamamagitan ng isang katuwiran, sa lahat ng tao ito’y tungo sa pagpapawalang-sala ng buhay; 19 sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, ang marami ay pinaging-makasalanan; gayundin sa pamamagitan ng pagsunod ng isa, ang marami ay mapapaging-matuwid.“ ( salin mula sa Young’s Literal Translation )

— E. H. Gifford: “ The master-thought of the whole passage ( Rom. 5:12-19 ) is that unity of the many in the one, which forms the point of comparison between Adam and Christ. [ Ang pangunahing-kaisipan ng buong talata ay ang kaisahan ng marami sa isa, na siyang punto ng paghahambing sa pagitan ni Adan at ni Kristo. ] ”

— Ang esensya ng kaisahang ito ay ganito, na ang kahatulan at kamatayan ay dumating sa lahat ng tao bilang resulta ng kasalanan ni Adan— “ in which man, all men sinned “ ( Rom. 5: 12, Wycliffe NT ). Lahat ng tao ay hinahatulan at mananagot sa kaparusahan dahil sa kasalanan ni Adan. ( Bukod sa sariling mga kasalanang aktwal na ginawa ng tao. )

 1 Cor. 15:22 — “ Sapagkat kung paanong kay Adan, ang lahat ay namamatay; gayundin, kay Kristo ang lahat ay bubuhayin. “ May kaisahan kay Adan sa kamatayan; inihambing nang paayon kay Kristo

2. Ang kasalanan ng mga mananampalataya ay ibinilang kay Kristo.

  •  Isa. 53:6 — “ …At ipinataw sa kanya ng Panginoon ang kasalanan nating lahat. “
  •  Heb. 9:28 — “…gayundin si Kristo ay minsang inihandog na nagpasan ng mga kasalanan ng marami…”
  •  1 Pet. 2:24 — “ Siya mismo ang nagpasan ng ating mga kasalanan sa Kanyang katawan sa krus…”


— Ang mga talatang ito ay naghahayag ng pagpasan ni Kristo sa ating mga kasalanan. Ihambing:

 2 Cor. 5:21 — “ Sapagkat ginawa Niya Siya na kasalanan para sa atin, Siya na walang kasalanan, upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa Kanya. “ [ “ For he hath made him to be sin for us, who knew no sin; that we might be made the righteousness of God in him.” -- KJV ]

— Dito ay ipinapahayag ang prinsipyo nang kung paano pinawawalang-sala ang makasalanan. Ang katuturan ng salitang ‘ginawa’ ay ‘pagbibilang’ sapagkat hindi maaaring gawing literal na ‘ginawang kasalanan’ si Kristo dahil ipinaliwanag na ‘Siya ay walang kasalanan’. Ibinilang Siya na kasalanan para sa atin kaya Siya pinarusahan ng kamatayan sa krus.

3. Ang katuwiran ni Kristo ay ibinibilang sa mananampalataya.

  •  Isa. 61:10 — “ Ako’y magagalak na mabuti sa Panginoon…sapagkat binihisan Niya ako ng mga damit ng kaligtasan, Kanyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran…” = Inilalarawan dito ang kaligtasan at katuwiran bilang damit at balabal na isinuot ng Diyos sa mananampalataya.
  •  Jer. 23:6 — “ Sa kanyang mga araw ay maliligtas ang Juda at ang Israel ay tiwasay na maninirahan. At ito ang pangalan na itatawag sa Kanya: ‘ Ang Panginoon ang ating Katuwiran ‘. “ = Si Kristo ang ating katuwiran.
  •  Rom. 3:21-22 — “ Ngunit ngayon ang katuwiran ng Diyos na hiwalay sa kautusan ay nahayag, na pinatotohanan ng Kautusan at ng mga Propeta, ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampa-lataya kay Hesukristo, sa lahat at nasa lahat ng sumasampalataya. [ “ But now the righteousness of God apart from the law is revealed, being witnessed by the Law and the Prophets, even the righteousness of God, through faith in Jesus Christ, to all and on all* who believe. For there is no difference; “ ] * Inalis sa NU-Text; nasa KJV, NKJV at YLT = Ang katuwiran ng Diyos na tinutukoy ay hindi gawa ng mananampalataya, ito ay katuwirang ibinibilang ng Diyos sa sumasampalataya. Ito’y katuwiran ni Kristo.

IV. Ang Doktrina ng Pagbibilang:

 Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo at sa Kanyang ginawa ay ibinibilang ng Diyos sa sinumang sumasampalataya ang lahat ng merito ng ginawa ni Kristo sa ilalim ng Kautusan:

  1. Ang sumasampalataya ay itinuturing na wala nang sala sapagkat ang kanyang mga kasalanan ay ibinilang kay Kristo at kaugnay nito, ay ibinilang naman sa kanya ang pagbabayad-sala ni Kristo.
  2. Ang sumasampalataya ay itinuturing na matuwid ( = nakasunod nang perpekto sa Kautusan ) sapagkat ibinibilang sa kanya ang perpektong pagsunod ni Kristo.


 Paglalarawan ni John Bunyan sa katotohanang ito: “ Isang araw habang ako’y papunta sa bukid…ang pahayag na ito ay dumating sa aking kaluluwa. Ang katuwiran mo ay nasa langit. At naisip ko, bukod pa rito, nakita ng mata ng aking kaluluwa si Hesukristo sa kanan ng Diyos; hayun, sabi ko, ang aking katuwiran; na kung nasaan man ako, o anuman ang aking ginagawa, hindi masasabi ng Diyos sa akin na kapos ang aking katuwiran, sapagkat ito ay nasa Kanyang harapan. Nakita ko rin na hindi ang mabuting kalooban ng aking puso ang magpapabuti ng aking katuwiran; at hindi rin ang aking kasamaan ang magpapasama ng aking katuwiran, sapagkat ang aking katuwiran ay si Hesukristo mismo, “ Ang siya rin kahapon, ngayon at magpakaylanman.”

Aplikasyon: Ang pagkaunawa sa doktrina ng pagbibilang ay mag-iiwas sa mananampalataya na magkaroon ng pagmamalaki sa kanyang mga gawang-kristyano.
 
Last edited:
Back
Top Bottom