Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano ang daan tungo sa Kaligtasan?

serialkey07

The Martyr
Advanced Member
Messages
776
Reaction score
33
Points
88
Power Stone
Space Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Mind Stone

Share ko lang po mga kaibigan :)
Si Hesu Kristo ang tanging “daan” tungo sa kaligtasan! “Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Efeso 2.8-9). “..datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6.23).

Ano ang pinagdadaanan mo ngayon sa buhay? Ikaw ba ay dumadaan sa pagkakasala, kalituhan, kaguluhan, kahirapan, kalungkutan, sakit, kapaguran, galit at kawalan ng pag-ibig o kawalang kabuluhan? Sadyang mahirap ang buhay! Si Satanas at ang kasalanan ang dahilan! Napapagod ka na ba sa pakikipag-laban sa tao at sa iyong mga problema? Si Hesus ang daan! Iniibig ka Niya! Si Hesus ang tanging tao at Panginoon na nararapat sundin! Muli ngang nagsalita sa kanila si Hesus, na sinasabi, “Ako ang ilaw ng sanlibutan; ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan” (Juan 8.12).

Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14.6). “Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3.23). “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Hesus na Panginoon natin” (Roma 6.23). Namatay si Hesus sa krus dahil sa parusang tayo ang dapat dumanas. Ang pagkamatay ni Hesus ang naging daan para sa kapatawaran ng lahat ng tao” (1 Juan 2.2; 2 Corinto 5.21). Ginapi nya ang kasalanan at kamatayan pagkatapos na mamatay sa krus at Siya'y muling nabuhay (1Corinto 15:1-28). “Na ipinahayag na Anak ng Diyos na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na magmuli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Hesu Kristo na Panginoon natin” (Roma 4.1).

Nais mo bang magkaroon o makaranas ng higit pang kapayapaan, kagalakan, kaligayahan, pag-ibig, kapanatagan at katagumpayan? Iniaalok ni Hesus ang isang relasyon na magbibigay sa iyo ng lahat ng ito! Tanging sa pamamagitan lamang ni Hesus makararanas ang tao ng kapatawaran, pagmamahal, kapayapaan at kagalakan na nagmumula sa Panginoon (Juan 14.6; Gawa 4.12). Ang personal na relasyon sa Anak ng Diyos ang magbibigay sa iyo ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. Ang buhay na na kay Hesus ang tamang buhay para sa iyo! Kailangan mo Siyang tanggapin upang ika'y maging anak ng Diyos. Kailangan mo ang buong pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya (Mateo 22.37,39). Subalit hindi lahat ay maliligtas, tanging ang mga nagmamahal lamang kay Hesus ang maliligtas at mapupunta sa langit pagkatapos na sila ay mamatay. Ang ating kaligtasan ay pwedeng matiyak dahil sa kanyang ginawa para sa atin at sa patuloy nyang ginagawa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.”Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3.16).

Kung nais mong ilagak ang iyong pananampalataya kay Hesu Kristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas at tumanggap ng buhay na walang hanggan mula sa Diyos, narito ang isang panalangin na maaari mong pagbatayan. Ang panalanging ito ay isang paraan upang ipahayag sa Diyos Ama ang iyong pananampalataya sa Kanyang Anak at pasalamatan siya sa regalo Niyang kapatawaran at buhay na walang hanggan. Tandaan mo na walang panalangin ang makapagliligtas sa iyo kundi ang Diyos lamang sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu. “Ama sa kalangitan, naniniwala ako sa inyong Anak na si Hesu Kristo, na Siya ang tanging daan upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan. Inaamin kong nagkasala ako laban sa Iyo at nararapat lamang na ako'y Iyong parusahan. Nagsisisi ako sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan laban sa Iyo. Nalaman ko at nagpapasalamat ako kay Hesus na aking Tagapagligtas sa pag-ako ng parusang nararapat para sa akin. Dahil kay Hesus binabago ko ang aking pag-iisip tungkol sa paggawa ng kasalanan at hinihiling ko ang iyong tulong upang mapaglabanan ang pagnanasang magkasala muli. Salamat sa iyong kahanga-hangang pangako na buhay na walang hanggan. Tatalikdan ko ang aking mga kasalanan at maglilingkod kay Hesus at magtitiwalang Siya ang babago sa aking pagkatao at magliligtas sa kapahamakan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.


English Version

Salvation by grace alone through faith alone, without works
Romans 3:28, "For we maintain that a man is justified by faith apart from works of the Law."
Romans 4:1-5, "What then shall we say that Abraham, our forefather according to the flesh, has found? 2 For if Abraham was justified by works, he has something to boast about, but not before God. 3 For what does the Scripture say? “ABRAHAM BELIEVED GOD, AND IT WAS CREDITED TO HIM AS RIGHTEOUSNESS [Genesis 15:6].” 4 Now to the one who works, his wage is not credited as a favor, but as what is due. 5 But to the one who does not work, but believes in Him who justifies the ungodly, his faith is credited as righteousness."
Romans 4:11, "And he received the sign of circumcision, a seal of the righteousness of the faith which he had while still uncircumcised, that he might be the father of all those who believe, though they are uncircumcised, that righteousness might be imputed to them also."
Romans 5:1, "Therefore, having been justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ."
Romans 9:30, "What shall we say then? That Gentiles, who did not pursue righteousness, attained righteousness, even the righteousness which is by faith."
Galatians 2:16, "nevertheless knowing that a man is not justified by the works of the Law but through faith in Christ Jesus, even we have believed in Christ Jesus, that we may be justified by faith in Christ, and not by the works of the Law; since by the works of the Law shall no flesh be justified."
Galatians 2:21, “I do not nullify the grace of God; for if righteousness comes through the Law, then Christ died needlessly.”
Galatians 3:5-6, "Does He then, who provides you with the Spirit and works miracles among you, do it by the works of the Law, or by hearing with faith? 6Even so Abraham believed God, and it was reckoned to him as righteousness."
Galatians 3:24, "Therefore the Law has become our tutor to lead us to Christ, that we may be justified by faith."
Eph. 2:8, "For by grace you have been saved through faith; and that not of yourselves, it is the gift of God."
Phil. 3:9, "and may be found in Him, not having a righteousness of my own derived from the Law, but that which is through faith in Christ, the righteousness which comes from God on the basis of faith."
Paul
Paul the apostle said in Romans 3:28 that a man is justified by faith apart from the works of the law. The works of the law are Deuteronomy 6:5 to love God, and Leviticus 19:18, to love your neighbor (summarized by Jesus in Matt. 22:37-39). Paul the apostle clearly tells us that we are justified by faith IN CHRIST apart from the works of the law, apart from doing good. GOOD is a result of our salvation it does not keep us saved.
Eternal Security
SCRIPTURAL PROOF THAT WE CANNOT LOSE OUR SALVATION: Jesus said, John 8:29, "And He who sent Me is with Me; He has not left Me alone, for I always do the things that are pleasing to Him." And, John 6:39, "This is the will of Him who sent Me, that of all that He has given Me I lose nothing, but raise it up on the last day." If people lose their salvation, then Jesus will have failed to do the will of the Father by both losing some and by not resurrecting them. But, if Jesus were to fail to do this, he would have sinned. Therefore, we must necessarily conclude that not only will Jesus do the will of the Father by not losing anyone who has been given to him, but that he will also do the will of the Father by resurrecting those same people to glory. Also, to say that some are lost means that God the Father himself failed because some of the ones the Father decided to give to the Son for the Son to keep ended up being lost. Doesn't the Father, in all his omniscience, know who to give to the Son so that they will not be lost? Of course! But to say that some of the ones given to the Son by God the Father will be lost is to accuse God the Father of making a mistake in his judgment of trusting Christ not to lose any.
SHORTER: Jesus said in John 6:39, "This is the will of Him who sent Me, that of all that He has given Me I lose nothing, but raise it up on the last day." If people lose their salvation, then Jesus has failed to do the will of the Father and he has sinned. The will of the Father is that Jesus lose none. Jesus always does the will of the Father (John 8:29). So, Jesus cannot fail to do the Father's will; therefore, none can be lost.
by both losing some and by not resurrecting them. But, if Jesus were to fail to do this, he would have sinned. Therefore, we must necessarily conclude that not only will Jesus do the will of the Father by not losing anyone who has been given to him, but that he will also do the will of the Father by resurrecting those same people to glory. Also, to say that some are lost means that God the Father himself failed because some of the ones the Father decided to give to the Son for the Son to keep ended up being lost. Doesn't the Father, in all his omniscience, know who to give to the Son so that they will not be lost? Of course! But to say that some of the ones given to the Son by God the Father will be lost is to accuse God the Father of making a mistake in his judgment of trusting Christ not to lose any.
Hebrews
Hebrews 10:26. In our immediate context we see that many in the Hebrew Christian community were still looking to the Old Testament sacrificial system (Hebrews 10:1-4), with its burnt offerings (Hebrews 10:6, 8), Temple work (Hebrews 10:19, 20), priesthood (Hebrews 10:21), and the Law of Moses (Hebrews 10:28). We cannot assert that Hebrews 10:26 is written specifically to those who are saved. After all, how could they be saved if they are looking back to the old sacrificial system? But, without knowing exactly who is and is not trusting in Christ, the writer of Hebrews would generically address everyone and give the proper warning that if you go on sinning willfully (i.e. abandon the truth found in Christ and his sacrifice) then there will be no sacrifice for sins, because Jesus' sacrifice is the only one that can take away sin (Hebrews 10:4, 12-18). That is why it says in verse 18 it says "Now where there is forgiveness of these things, there is no longer in the offering for sin." He is telling us that when someone is forgiven, there's no longer a need for another offering, the Old Testament type offerings. To reject Christ's sacrifice is to go on sinning willfully by remaining in the Old Testament sacrificial system. For those who do that, there is no longer sacrifice remaining for sin, because for them, Christ is not a sacrifice that will save them. But for the real Christians, he is.
James 2:24
James begins this section by using the example of someone who says he has faith but has no works, "What use is it, my brethren, if a man says he has faith, but he has no works? Can that faith save him?" (James 2:14). In other words, James is addressing the issue of a dead faith; that is nothing more than a verbal pronouncement. It is empty of life and action. He begins with the negative and demonstrates what an empty faith is (verses 15-17, words without actions). Then he shows that that type of faith isn't much different from the faith of demons (verse 19). Finally, he gives examples of living faith that is words followed by actions. He writes of Abraham and Rahab as examples of people who demonstrated their faith by their deeds. In brief, James is examining two kinds of faith: one that leads to godly works and one that does not. One is true, and the other is false. One is dead, the other alive; hence, "Faith without works is dead," (James 2:20).
 
Last edited:
Salamat sir..nakagawa ka ng ganitong Thread about Salvation...Kepp Sharing...Sa lahat po ng di pa Save...eto po basahin nyo ung Post ni TS...Salamat sa ating panginoon.
 
tama yan sa TS...ung sa aking lang din is Receive Jesus Christ as your personal Lord and Saviour....and be baptized in the name of Father and of the Son and of the Holy Spirit, baptized in water and in Spirit, and accept that you are a sinner and you'll be saved
 
tama yan sa ts...ung sa aking lang din is receive jesus christ as your personal lord and saviour....and be baptized in the name of father and of the son and of the holy spirit, baptized in water and in spirit, and accept that you are a sinner and you'll be saved


salamat ts:)
 
paano kung wala ka sa simbahan na itinatag ni Jesus Christ? tapos personal saviour m Siya,

tapos yung pastor, ministro kumokontra sa aral Nya
 
Patanong lang po.


Kung ito'y kaloob ng Diyos eh bakit hindi niya na lang ibigay sa lahat?
 
paano kung wala ka sa simbahan na itinatag ni Jesus Christ? tapos personal saviour m Siya,

tapos yung pastor, ministro kumokontra sa aral Nya

Linawin ko lang po sir.
Bale po ang kaligtasan ay Makakamit sa pag anib sa Simbahan niyo po? Ang mga hindi kasali sa inyo ay walang kaligtasan?

- - - Updated - - -

Patanong lang po.


Kung ito'y kaloob ng Diyos eh bakit hindi niya na lang ibigay sa lahat?

Ang kaligtasan po ay para sa lahat.
Pero karamihan ay tinatanggihan nila ito, hindi lamang sa pamamagitan ng pag sabi na ayaw nila tanggapin si Kristo, kundi makikita ito sa kanilang mga masasamang gawain na resulta ng pagtanggi nila kay Kristo.
Dahil ang tunay na nanampalataya kay Kristo ay nagbubunga ng mabuting gawa. Eph 2:10; 2Cor.5:17

Ang kaligtasan ay Makakamit ng Sinumang sumampalataya kay Cristo Jesus. John 3:16; 1:12.
 
Maski pa tanggihan ng marami, kung para sa lahat dapat para sa lahat di ba?
 
Maski pa tanggihan ng marami, kung para sa lahat dapat para sa lahat di ba?

Ang basehan po natin sa pananampalataya ay ang Bibliya sir. Ito po ang tanong ko sayo sir, Tatanggapin mo po ba ang libreng kaloob na kaligtasan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Jesus? Yes or No?
 
Ang basehan po natin sa pananampalataya ay ang Bibliya sir. Ito po ang tanong ko sayo sir, Tatanggapin mo po ba ang libreng kaloob na kaligtasan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Jesus? Yes or No?

Ewan basta kung lahat eh dapat lahat. Bakit may kundisyon pa?
 
tama yan sa TS...ung sa aking lang din is Receive Jesus Christ as your personal Lord and Saviour....and be baptized in the name of Father and of the Son and of the Holy Spirit, baptized in water and in Spirit, and accept that you are a sinner and you'll be saved

kung personal savior mo si Jesus,,ibig sabihin ikaw lang ang ililigtas niya,
parang sepilyo mo, personal thing mo yun, hindi yun ginagamit ng iba,,
bakit hindi ko po makita sa bible ang "personal savior'?
 
Tanong: "Si Hesus ang Tagapagligtas?"

Sagot: Ang mga salitang “Si Hesus ang Tagapagligtas” ay isang palasak na salita na ginagawang sticker ng kotse, bandera sa mga palaro at minsan ay ginagawa pang banderitas na hinihila ng maliit na eroplano sa ere. Ngunit nakalulungkot na kakaunti lamang ang tunay na nakakaunawa ng salitang ito na si “Hesus ang Tagapagligtas.” Hindi alam ng marami napakalaking katotohanan at malakas na kapangyarihan sa likod ng mga salitang ito.

Si Hesus ang Tagapagligtas ngunit sino ba talaga si Hesus?

Maraming tao na ang pagkakilala kay Hesus ay isa lamang tao na nabuhay sa Israel may 2,000 taon na ang nakalilipas. Halos lahat ng relihiyon ay kumikilala kay Hesus bilang isang mahusay na guro o kaya nama'y isang propeta. Habang ang mga pagkakilalang ito kay Hesus ay totoo rin naman, hindi pa rin nila ganap na nauunawaan kung sino ba talaga si Hesus o kaya naman ay maipaliwanag kung paano at bakit si Hesus ang tinatawag na Tagapagligtas. Si Hesus ay Diyos na naging tao (Juan 1:1, 14). Si Hesus ay tunay na Diyos na nanaog mula sa langit at naging tunay na tao (1 Juan 4:2). Ang Diyos ay naging tao sa pamamagitan ni Hesus upang iligtas tayo. Ang kasunod na tanong ay: Bakit natin kailangang maligtas?

Si Hesus ang Tagapagligtas, ngunit bakit natin kailangang maligtas?

Sinasabi ng Bibliya na ang lahat ng tao na nabuhay sa balat ng lupa ay pawang nagkasala (Mangangaral 7:20; Roma 3:23). Ang pagkakasala ay paggawa ng isang bagay, sa isip, salita o gawa na salungat sa kalikasan ng Banal na Diyos. Dahil sa ating kasalanan, lahat tayo ay nararapat na tumanggap ng parusa ng Diyos (Juan 3:18, 36). Ang Diyos ay makatarungan kaya hindi Niya papayagan ang masama na hindi maparusahan. At dahil ang Diyos ay walang hanggan at ang lahat ng kasalanan ay ginawa laban sa isang walang hanggang Diyos (Awit 51:4), tanging ang walang hanggang parusa lamang ng Diyos ang sapat na kabayaran sa ating mga kasalanan. Iyan ang dahilan kung bakit natin kailangang maligtas.

Si Hesus ang Tagapagligtas, ngunit paano Siya nagliligtas?

Dahil tayo ay nagkasala laban sa walang hanggang Diyos, kailangan na isang walang hanggang persona ang magbayad sa ating mga kasalanan ng minsanan sa lahat ng panahon. Walang ibang paraan maliban dito. Si Hesus ay namatay upang akuin ang ating mga kasalanan. Sa kamatayan ni Hesus, naghandog ang Diyos para sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng walang hanggang kabayaran na si Hesus lamang ang makagagawa (2 Corinto 5:21; 1 Juan 2:2). Inako ni Hesus ang kabayaran ng ating mga kasalanan upang iligtas tayo sa kahindik hindik na patutunguhan - sa walang hanggang pagdurusa sa apoy ng impiyerno na siyang karampatang parusa para sa ating mga kasalanan. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig sa atin, ibinigay ni Hesus ang Kanyang sariling buhay (Juan 15:13) at inako ang parusa na tayo ang dapat tumanggap. Nang mabuhay na mag-uli si Hesus, kanyang pinatunayan na sapat ang Kanyang bayad para sa ating mga kasalanan (1 Corinto 15).

Si Hesus ang Tagapagligtas, ngunit sino ang Kanyang ililigtas?

Inililigtas ni Hesus ang lahat ng nagsisisi at tumatanggap sa Kanyang kaloob na kaligtasan. Inililigtas Niya ang lahat ng buong pusong magtitiwala sa Kanyang handog para sa kabayaran ng mga kasalanan (Juan 3:16; Gawa 16:31). Habang ang kamatayan ni Hesus ay sapat upang bayaran ang lahat na kasalanan ng lahat ng tao, ang inililigtas lamang ni Hesus ay yaong mga nagsisisi at nananampalataya sa Kanya (Juan 1:12).

Kung nauunawaan mo ang ibig sabihin ng salitang “si Hesus ang Tagapagligtas” at nais mong magtiwala sa Kanya ngayon bilang iyong Tagapagligtas, tiyakin mo na naiintindihan mo at pinaniniwalaan ang mga nabanggit sa itaas. Bilang pagpapahayag ng iyong pananampalataya, maaari mong idalangin ang ganito sa Diyos. Tandaan mo lamang na hindi ang panalanging ito ang makapagliligtas sa iyo. Ang Diyos lamang ang makagagawa nito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. “O Diyos, alam ko po na ako ay isang makasalanan at nararapat lamang na mahiwalay sa Iyo magpakailanman. Kahit na hindi ako karapatdapat, salamat po na ako ay iyong inibig at pinagkalooban ng sapat na handog para sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Hesu Kristo. Ako po ay nagsisisi na sa aking mga kasalanan at nananampalataya po ako na si Hesus ay namatay upang akuin ang parusa sa aking mga kasalanan. Nagtitiwala ako na Siya lamang ang makapagliligtas sa akin. Mula sa araw na ito, tulungan mo po ako na mamuhay ng ayon sa iyong kalooban sa halip na mamuhay sa pagkakasala. Tulungan mo po ako na gugulin ang aking nalalabing buhay sa pasasalamat sa iyong kahanga-hangang kaligtasan na ipinagkaloob sa akin. Salamat po Panginoong Hesus sa iyong pagliligtas!”
 
totoo po ang nakasaad

Nakasaad san po?

- - - Updated - - -

Ewan basta kung lahat eh dapat lahat. Bakit may kundisyon pa?

Anong kundisyon po yung tinutukoy mo sir?
Ito po ba yung point mo sir.
Ang mga nananampalataya sa Diyos (Sumusunod) at hindi nananampalataya(Ayaw tanggapin ang Diyos) ay parehong maliligtas?
If iyan po .
Tingin mo sir, Makatarungan kaya yan sa Diyos,? Kahit na yung ayaw siyang tanggapin ay ililigtas niya?
 
Last edited:
bakit mas magaling pa ang mga bulaang propeta, pastor, ministro, lahat ng kasalanan ay maliligtas kung sumanib ka sa kanilang sekta

si Jesus na nagsabi may mga kasalanan ding hindi mapapatawad



1 John 5:16 ►
Parallel Verses
New International Version
If you see any brother or sister commit a sin that does not lead to death, you should pray and God will give them life. I refer to those whose sin does not lead to death. There is a sin that leads to death. I am not saying that you should pray about that.

maliwanag na yan, may mga kasalanang di mapapatawad kahit idasal mo pa yan
 
bakit mas magaling pa ang mga bulaang propeta, pastor, ministro, lahat ng kasalanan ay maliligtas kung sumanib ka sa kanilang sekta

si Jesus na nagsabi may mga kasalanan ding hindi mapapatawad



1 John 5:16 ►
Parallel Verses
New International Version
If you see any brother or sister commit a sin that does not lead to death, you should pray and God will give them life. I refer to those whose sin does not lead to death. There is a sin that leads to death. I am not saying that you should pray about that.

maliwanag na yan, may mga kasalanang di mapapatawad kahit idasal mo pa yan

Ang unang Juan 5:16 ang isa sa mga pinakamahirap na ipaliwanag na talata sa Bagong Tipan. "Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya." Sa lahat ng mga interpretasyon na ating mababasa ngayon, tila wala ni isa man sa kanila ang nasagot ng malinaw ang mga katanungan patungkol sa talatang ito. Ang pinakamagandang interpretasyon ay maaaring makuha kung ikukumpara ang talatang ito sa nangyari kay Ananias at Safira sa Gawa 5:1-10 (tingnan din ang 1 Corinto 11:30). Ang "kasalanang nakamamatay" ay isang kasalanang sinasadya, pinagiisipan, ipinagpapatuloy at hindi pinagsisisihan. Ang Diyos sa kanyang biyaya, ay hinahayaan ang Kanyang mga anak na magkasala ng hindi agad agad pinarurusahan. Gayunman, may mga pagkakataon na hindi na pinapayagan ng Diyos na magpatuloy ang isang Kristiyano sa isang kasalanan na hindi niya pinagsisisihan. Kung dumating ang puntong ito, minsan ay nagdedesisyon na ang Diyos na parusahan ang isang Kristiyano hanggang sa punto na bawiin na ang kanyang buhay.

Ito ang ginawa ng Diyos sa Mga Gawa 5:1-10 at 1 Corinto 11:28-32. Maaaring ito ang inilarawan ni Pablo sa iglesya sa Corinto sa 1 Corinto 5:1-5. Ipanalangin natin ang mga Kristiyano na nagkakasala. Gayunman, maaaring dumating ang panahon na hindi na didinggin ng Diyos ang ating mga panalangin para sa isang mananampalataya na nakatakda ng hatulan ng Diyos. Mahirap na malaman kung kailan ang mga pagkakataon na huli na para ipanalangin ang isang tao. Ang Diyos ay mabuti at makatarungan at nararapat na Siya lamang ang magdesisyon patungkol sa bagay na ito.
 
tadtarin mo pa ako ng sweet verses.

ang linaw ang pagkasabi ni Hesus
 
Hindi ako namimilit na paniwalaan mo yan sir.
Desisyon mo yan.
 
Revelation 21:8 ►
Parallel Verses
New International Version
But the cowardly, the unbelieving, the vile, the murderers, the sexually immoral, those who practice magic arts, the idolaters and all liars--they will be consigned to the fiery lake of burning sulfur. This is the second death.

eto pa , maliwanag pa sa sikat ng araw
 
Tanong: "Kung ako ay nakagawa ng kasalanang gaya ng __________, patatawarin ba ako ng Diyos?"

Sagot: Tukuyin mo ang anumang kasalanan na iyong nagawa sa puwang. Oo, kaya ng Diyos at maaari ka Niyang patawarin sa anumang iyong nagawang kasalanan. Ang katuruan ng Bibliya tungkol sa pagtubos ang makapagpapaliwanag sa kaligtasan at kapatawaran ng mga kasalanan. Ipinagkakaloob ng Diyos ang katwiran ni Kristo sa sinumang magpapakumbaba at hihingi ng kapatawaran mula sa kanyang mga kasalanan (Isaias 53:5-6; 2 Corinto 5:21). Binayaran Niya ng buo ang ating mga kasalanan at pinatawad na ang mga tunay na mananampalataya sa lahat ng kasalanang kanilang nagawa – sa nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap. Mayroon ding pang araw araw na kapatawaran habang ipinagtatapat natin at inihihingi ng kapatawaran ang ating mga kasalanang nagagawa sa bawat oras at araw. Ang pang araw araw na kapatawarang ito habang inihihingi ng tawad ang mga kasalanan at iwinawaksi ang mga iyon ay tinatawag na pagpapaging banal. Kung ikukumpara mo ang lahat ng kasalanang nagawa natin sa pagpatay kay Hesus, walang makakatapat sa kasalanang ginawa kay Hesus, ngunit sinabi ni Hesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” (Luke 23:34).

Ang konsepto ng kaligtasan at kapatawaran ay magkaugnay. Ang pinakamaganda sa lahat, sapat ang biyaya ng Diyos sa lahat ng uri ng kasalanan, anumang uri ng kasalanan ang iyong ilagay sa puwang. Ang pagtanggap ng kapatawaran ay depende sa indibidwal. Ito ang unang isyu: tatanggapin mo ba ang kaligtasan (kapatawaran ng mga kasalanan) na iniaalok ni Kristo? Kung ang sagot mo ay “oo,” tunay na pinatawad ng lahat ang iyong mga kasalanan (Gawa 13:38-39). Ang kapatawarang ito ay nararanasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus at sa kanyang biyaya, hindi sa iyong anumang mabubuting gawa (Roma 3:20-22). Ang karanasan ng kaligtasan ay naguumpisa sa pagkilala na hindi tayo maaaring maligtas sa pamamagitan ng ating sariling kabutihan at nangangailangan tayo ng isang Tagapagligtas. Ang pagtanggap kay Kristo ay nangangahulugan ng pananalig na binayaran na ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ang lahat ng ating mga kasalanan na nagawa at sapat ang Kanyang paghahandog upang mapatawad ang lahat na ating mga kasalanan (2 Corinto 12:9).

Kaya kung tinanggap mo si Kristo na iyong Tagapagligtas at tinanggap ka rin naman Niya bilang Kanyang Anak, pinatawad na ng Diyos ang lahat ng iyong mga kasalanan. Kung hindi mo pa nagagawa ito, ihingi mo ng tawad ang iyong mga kasalanan sa Diyos at lilinisin ka Niya sa iyong mga kalikuan at ibabalik ang iyong relasyon sa Kanya (1 Juan 1:8-9). Kahit napatawad ka na ng Diyos, maaari mo pa ring maranasan ang paguusig ng budhi. Ang paguusig ng budhi ay natural na reaksyon ng ating konsensya sa tuwing tayo ay nagkakasala, at ito ang nagpapaalala sa atin upang hindi na ulitin pa ang ating mga nagawang kasalanan. Ang pangunawa na kaya ni Hesus patawarin ang kahit na gaano kalaking kasalanan ang ating pag-asa para sa kaligtasan. Ang pangunawa sa kapatawaran ang lunas sa paguusig ng budhi.

Ang pagkilala na ang kapatawaran ang isang napakaganda at napakamabiyayang kaloob na mula sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng pangunawa kung gaano Siya kabuti at kahanga hanga. Kung iisipin natin ang laki ng ating pagkakasala at kung gaano tayo kawalang halaga at hindi karapatdapat sa Kanyang kapatawaran, higit na nagiging malinaw sa atin na ang Diyos ay mahabagin, mapagmahal, at karapat dapat sa ating pasasalamat at pagsamba. Ang ating likas na pagiging mapagmataas na lumalaban sa paghingi ng tawad sa Kanya ang siyang hadlang sa pagpapanumbalik ng ating relasyon sa ating mahabaging Tagapagligtas. Ngunit para sa mga humingi ng kapatawaran, makapagtitiwala sila na si Hesus ay tapat at nagnanais na magpatawad at magligtas sa kanila mula sa kanilang mga kasalanan at sa gayon, papasok sila sa Kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang (Awit 100:4).


- - - Updated - - -

Revelation 21:8 ►
Parallel Verses
New International Version
But the cowardly, the unbelieving, the vile, the murderers, the sexually immoral, those who practice magic arts, the idolaters and all liars--they will be consigned to the fiery lake of burning sulfur. This is the second death.

eto pa , maliwanag pa sa sikat ng araw


Rev 21:8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

Explain ko lang po sir.
Duwag = Duwag na tanggapin ang katotohanan na nakasulat sa Bibliya.
Ang resulta po niyan ay hindi pananampalataya.
At ang resulta ng mga hindi sumasampalataya ay pamumuhay sa masasamang gawain.
And last po ang resulta ay itatapon sa Impyerno, at parurusahan araw at gabi magpakailanman.
 
Last edited:
Back
Top Bottom