Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano ang Naiisip nyong Business sa 10k o 20k?

Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

nag-iisip din ako within this capital ranga.. ang dami palang idea d2 hehe.. pa subs
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

maliit na carinderia or resto muna ganun. or piso net kahit dalawang units muna.
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

sir iba ba ito sa silk screen o heat press?

silkscreen na nga mismo :) eto ung thread po:) hindi ako ung TS nyan pero inampon ko na ung thread. haha! nagtuturo ako ng pang printing jan if gusto mo :)
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

dre, kano aabutin dalawang piso net?

PLDT has new offer : CYBERYA :lol:

Ano ang benefits ng Cyberya?

Low-maintenance, high-profit

P7,2002 ang kita buwan-buwan

P1 = 4 minutes of surfing3

Bundle ng internet connection at complete PC package

Income
7,200/month

P15/hour7
x 16 hours/day operations
x 30 days

P7,200

Expenses
P1,999/month

P1,000 (electricity bill)8
+ P 999 (broadband bill)
P1,999

Profit
P5,201/month

for more info : http://pldthome.com/earn/cyberya/about :clap:
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

pa tambay nga ako dito. Balak ko din mag business within that range eh. Kuha - kuha muna ng mga idea.
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

sir share ko lng.. ung utol k kc puto nmn.. mbaba lng kpital.. sikap at tyaga lng.. as of now ng susupply n xa sa market ng puto.. masarap kc ung timpla ng knya.. lahat nmn ng business is trial and error.. if mag click.. ok.. :D
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

Kailangan lang ng sipag at tyaga at syempre, puhunan :thumbsup:
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

Furthemore kung people person ka naman...
you can consider an Small Lending Biz,

ang prospect mong customers ay yung mga regular na sa kanilang mga pinapasukan, then you'll have their ATMs as collateral, you withdraw their salaries and hand them over their money minus the loan.

5% monthly is optimal value, maximum of 2months
kaso this kind of business can be very high maintenance at times, especially kung hindi maganda pag kaka CI mo dun sa taong pinautang mo :D

TS , I strongly agree with this one. :) Small Lending Business will be good. Ang mama ko, 1.5k lang nagsimula. Kwento ko nalang sayo yung ginawa ni mama (Soon na gagawin ko din). With 1.5k, Una nyang ginawa, bumili sya ng mga biscuits, mga frozen foods like Pampanga's Best, etc. Pero syempre sa may retail outlet ka bibili wag sa palengke. haha. Then marami ka mabibili sa divisoria na pwede mong ialok sa mga kapitbahay or tao na kakilala mo. Ayun, nagkaron na sya ng 5k, may nangutang ng 3k. Daily yung bayaran. Ayaw kasi ng mama ko ng weekly or monthly, masyado matagal. Kaya daily, halimbawa nakacomplete ka na ng 2k dun sa 3k na utang sayo, eh di pag may humiram ng 3k ulit makakapagpahiram ka na kung 5k puhunan mo. parang ikot ikot lang pera. hindi mo gagalawin puhunan. Ganyan po. :) (Dyan po kami nakapagtapos ng pagaaral dahil sa ganyang business pero syempre wag mo kakalimutan si LORD =) )

Tapos pwede kadin buy and sell gadgets. Yung friend ko naman, ito ginawa nya. Sa Lipa Batangas naman sya. Merong lugar dun sa tabi ng SM LIPA malapit. Ang name ng store ay Shima-Mura. Ginagawa nya, bumibili sya ng yung mga antique na cameras. Like old polaroids, canon, nikon, etc. Ganyan. ang bentahan dun ay mga 500-750. Mga Japan Surplus kasi sya (Di sya nakaw ha? haha) tapos medyo may defect kaya ganun presyo. Pero maparaan naman sya kaya ganun. Bili lang sya then ayusin nya ng konti kung may pagasa pa. Ipopost nya sa sulit (search mo lang sya sa cameras sa sulit kung gusto mo lang naman makita na totoo sinsabi ko) then may mga possible buyer sya na collectors (kasi nga mga antique) Binibili sa kanya mga camera ng 2k - 5k depende sa klase nung camera. :) Ayun. Shinare ko lang yung mga alam ko. and lahat yan, based sa true stories. Hindi haka haka. Sana makatulong.

GOD BLESS.
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

Meron pa pala TS.

Natry ko to personally. Pero hindi ako nagpuhunan. Ako lang naghandle. Silkscreen Printing po. :) Malaki po tubo sa ganyan, SOBRA! Natry ko kasi magprint ng shirts. Mga Christian shirts po. I don't know how to set it up pero mga Plywood, paints lang naman mga kailngan nyan. Di ka aabutin ng 10k. then kung nakasetup ka na. Mura lang yan. ishare ko na yung breakdown ko nung nagprint ako ng tshirt.

1 shirt Binebenta ko ng 190 each. Pag limang piraso naman bibilin mo, 160 nalang. Ganyan.

Ang tshirt (Pinakamurang bilihan nyan syempre sa taytay) white tshirt (it's around 50-60 pesos) colored naman ay around 60-90. tapos paints mo. Kung bibili ka ng 1/4 galon 200 pesos lang yun sa Tulco (Harap ng SM Sta. Mesa) makakagawa ka na ng 40-50 shirts sa 1/4 galon na yun kung di ako nagkakamali. ganyan. :) so malaking kita din. Bilhin mo lang yung color white na paint tapos mga pangkulay nalang na pinapatak bibilhin mo. :)

Or kung gusto mo walang capital, try mo mag parang middleman (dyan ako nagsimula pero tinamad ako. Nagkasakit kasi ako sa puso, at bawal na mapagod kaya tinigil ko na.) Naghanap ako ng Silkscreen printing na malapit samin. Pero kung naghahanap ka talaga, sa Recto and v.mapa station, madami nyan. Hanap ka lang. Tinanong ko sila kung magkano paprint tshirt tapos ako na bibili ng tshirt. May nakikita akong kung more than 10 pcs papaprint mo 30 pesos lang ang print for 2 colors na design sa damit. Eh di ayun 30 pesos. Tapos may discount pa yun kung mas marami ako papagawa. Then syempre yung bilihan ng tshirt, sa taytay nga diba? Sinabi ko na yung presyo sa taas. haha. Then ito na yung kita dun:

Benta ko ng tshirt:

P190 pesos each and P160 each for 5 pcs.

Paprint ko ay 30 pesos each for 10 pcs.

tshirt ay maximum na ang 80 pesos.

eh di 110 diba ang total costing. eh di may kita ka na 80 pesos for each tshirt kung isa isa lang bibili. :) kung sampu yung tshirt mo 800 pesos na.

Pero ito malupit dun salestalk lang men panlaban dyan. Kasi kahit gaano kaganda business mo, kung wala si LORD, wala ka salestalk, walang knowledge about your business, walang mangyayari.

Kumausap ako ng skul. Tamang tama naman na may sportsfest sila. sabi ko nagpprint ako ng tshirt (kahit hindi ako mismo yung nagpprint, syempre middleman ako.) Contract na yun. bibilin nila sakin 200 pesos each yung tshirt. nagpagawa sila ng 250 pcs.

Breakdown

tshirt (puro bata yun kaya maliit lang pero yung maximum price na gamitin ko) = 70 pesos each x 250 = 17500 pesos

Paprint ko ay 20 pesos each madami kasi = 20 x 250 = 5000

Transportation ko lakihan na natin kasi bili pa tubig and food = 1000

17500 + 5000 + 1000 = 23500 Total Costing ko

Pinagawa nila ay 250 pcs x 200 pesos yung singil ko each = 50000 contract price.

50000 contract price - 23500 Total Costing ko = 26500 :rock: :rock: :rock: :madslap:

Yan yung kinita ko. Pero syempre, hindi naman laging gnyan kalaki kinikita ng isang tao. :) Minsan konti konti lang din. Pero walang puhunan yan. Kaya walang puhunan kasi friend ko yung Admin sa school. Kaya pinagkatiwala nila sakin yung pera. 70% downpayment muna hiningi ko. kaya yun. Wala akong puhunan.

So ganun lang. GOD FIRST, Salestalk, Know your product, Lakas ng loob at tiwala sa sarili. :)
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

20k, ganun lang din ang starting capital sa tapsihan namin. sa labas lang naman ng bahay kaya hindi umuupa ng pwesto pero medyo magastos ang materyales ng kiosk. buti na lang di kami nagbayad ng labor, nagpainom na lang. yung mga kaldero, plato, baso, etc sa divisoria ko binili kaya wholesale prices. yung natira ang pinagkasya sa ingredients ng mga pagkaing paninda...
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

very nice thread po Ts. :thanks: gusto ko po talagang matutunan is yung kabuuang capital na gagamitin sa pag print ng mga t-shirts. para my idea po ako magkanu ang need na budget.tia po sa makakatulong.:salute:

and one more thing po. sino po my idea kung saan nakaka bili ng mga damit na terno like mother and daughter or father and son maganda rin po kase na business .tia po
 
Last edited:
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

try to learn investing in stock market like i do... i start at only 5,000 pesos capital.
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

try to learn investing in stock market like i do... i start at only 5,000 pesos capital.

ask ko lang po. Pano po kayo nagstart dyan? Gusto ko po malaman kung pano kalakaran dyan eh. Kung mababasa nyo po yung post ko, i said na nagkasakit ako sa puso kaya mas gusto ko yang ganyang business. Nagsstock sa stock market. Is there any seminar para matutunan po yan? Magkano na po yung kinita nyo simula nung nagstock market kayo? Salamat po.
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

very nice thread po Ts. :thanks: gusto ko po talagang matutunan is yung kabuuang capital na gagamitin sa pag print ng mga t-shirts. para my idea po ako magkanu ang need na budget.tia po sa makakatulong.:salute:

and one more thing po. sino po my idea kung saan nakaka bili ng mga damit na terno like mother and daughter or father and son maganda rin po kase na business .tia po

sir everything's available po sa divisoria although napakalaki ng lugar kaya nakakahilo maglibot pero kung dun ka pupunta, dumerecho ka na sa juan luna or sa ylaya or sa part ng 168mall na hindi airconditioned.

sa baclaran, mas maganda coz airconditioned yung mga pwesto sa baba ng lrt station, left side if you're facing edsa/right side if you're facing roxas boulevard. you can get t-shirts for 55pesos each, minimum of 6pcs at baka makatawad ka pa pag bulk ang bibilhin mo...
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

pano ung sa stock market? >.<
 
Back
Top Bottom