Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano/Ang orihinal / unang iglesya ba ang tunay na iglesya?

serialkey07

The Martyr
Advanced Member
Messages
774
Reaction score
33
Points
88
Power Stone
Space Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Mind Stone
Tanong: "Ano ang pinakauna/ orihinal na iglesya? Ang orihinal / unang iglesya ba ang tunay na iglesya?"

Sagot:
Ang kakayahang alamin ang pinagmulan ng isang iglesya mula sa "pinakaunang iglesya" sa pamamagitan ng mga katuruan na nagmula pa sa mga Apostol ni Hesus ay isang malimit na argumento sa pagitan ng ilang mga iglesya sa paggiit na ang kanilang iglesya ang "nag-iisa at tunay na iglesya". Ang Simbahang Romano Katoliko ay isa sa mga umaangkin ng ganitong pahayag. Ilan sa mga sektang Protestante ay nagbibigay din ng ganitong pahayag. Ilan sa mga "kristyanong" kulto ay inaangkin din na sila ang tunay na iglesya. Paano natin malalaman kung alin sa mga ito ang totoo? Ang Biblikal na kasagutan ay — hindi mahalaga!

Ang pinakaunang iglesya, ang paglago, katuruan at mga kaugalian, ay naitala para sa atin sa Bagong Tipan. Si Hesus kasama ng Kanyang mga apostol, ay binanggit na magkakaroon mga bulaang guro sa hinaharap, sa katunayan maliwanag mula sa ilang sitas sa Bagong Tipan na ang mga apostol ay kinailangang lumaban sa mga bulaang guro. Ang pagkakaroon ng tala mula sa mga apostol o ang pagbabakas ng pinagmulan ng iglesya mula sa "orihinal na iglesya" ay hindi matatagpuan sa Banal na Kasulatan bilang katibayan kung alin ang tunay na iglesya. Ang binibigay ng Bibliya ay ang paulit-ulit na paghahambing sa pagitan ng mga maling katuruan at mga katuruan mula sa orihinal na iglesya. Ang pagtukoy kung ang iglesya ay ang "tunay na iglesya" o hindi ay malalaman sa pamamagitan ng paghahambing ng mga katuruan at kaugalian sa iglesya na nasa Bagong Tipan, na siyang naitala sa Banal na Kasulatan.

Halimbawa, sa Mga Gawa 20:17-38, nagkaroon si Apostol Pablo ng pagkakataon na makausap ang mga pinuno ng iglesya sa malaking siyudad ng Efeso ng harapan sa huling pagkakataon. Sa talatang iyon, sinabi niya sa kanya na ang mga bulaang guro ay hindi lamang nabibilang sa kanila kundi MAGMUMULA mismo sa kanila (talata 29-30). Hindi ipinahayag ni Apostol Pablo ang katuruan na dapat sundin ang "unang" iglesya bilang sandigan ng katotohanan. Bagkus, iniutos niyang ipagkatiwala ang pangangalaga sa "Diyos at sa salita ng Kanyang Biyaya" (talata 32). Samakatuwid, ang katotohanan ay malalaman sa pagdepende sa Diyos at sa "Salita ng Kanyang Biyaya" (halimbawa, tingnan ang Juan 10:35).

Ang pagtitiwala sa Salita ng Diyos, sa halip na sa pagsunod sa mga indibidwal na mga "tagapagtatag ng iglesya" ay makikitang muli sa Aklat ng Mga Taga-Galacia 1:8-9, kung saan sinabi ni Pablo: "Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil. Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil." Kung gayon, ang pamantayan sa pagtukoy sa katotohanan mula sa kamalian ay hindi nakabatay kung SINO ang nagtuturo nito, "kami o isang anghel na mula sa langit", ngunit kung ito ba ay parehong ebanghelyo na kanila ngang natanggap - at ang ebanghelyo na ito ay nakatala sa Banal na Kasulatan.

Isa pang halimbawa ng pagdepende sa Salita ng Diyos ay makikita sa 2 Pedro. Sa sulat na ito, lumaban si Apostol Pedro sa mga bulaang guro. Sinimulan ito ni Pedro sa pagbanggit na tayo ay mayroong "mapagkakatiwalaang salita" na higit na masasandalan higit sa tinig ng Diyos na maririnig mula sa langit tulad sa pagbabagong-anyo ni Hesus (2 Pedro 1:16-21). At ang tinutukoy na "mapagkakatiwalaang salita" ay ang nasulat na Salita ng Diyos - ang Bibliya. Sinabi muli ni Pedro na ingatan ang "mga salitang sinabi nang una ng mga banal na propeta, at ang utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol" (2 Pedro 3:2). Ang mga salita ng mga banal na propeta at mga utos ng Panginoon sa mga apostol ay kapwa nakatala sa Banal na Kasulatan.

Paano natin malalaman kung ang katuruan ng isang iglesya ay tama o mali? Ang tanging tiyak na pamantayan na sinasabi sa Kasulatan na mayroon tayo ay ang Bibliya (Isaias 8:20; 2 Timoteo 3:15-17; Mateo 5:18; Juan 10:35; Isaias 40:8; 1 Pedro 2:25; Mga Taga-Galacia 1:6-9). Ang mga kaugalian ay bahagi na ng bawat iglesya, at ang mga kaugalian ay dapat na isangguni sa Salita ng Diyos, baka ito ay sumasalungat sa katotohanan (Marcos 7:1-13). Habang totoo na ang mga kulto at minsan maging mga tinatanggap na tunay na iglesya ay binabaluktot ang Kasulatan upang pangatwiranan ang kanilang mga nakaugaliang tradisyon; gayunman, ang Kasulatan, kung susuriin lamang ang konteksto at matapat na pag-aaralan, ay magbibigay gabay patungo sa katotohanan.

Ang "unang iglesya" ay ang iglesya na nakasulat sa Bagong Tipan, partikular sa Aklat ng Mga Gawa at sa mga Sulat ni Apostol Pablo. Ang iglesya sa Bagong Tipan ay ang "orihinal na iglesya" at ang "tunay na iglesya". Malalaman natin ito dahil ito'y inilarawan, ng buong detalye, sa Banal na Kasulatan. Ang iglesya, ayon sa Bagong Tipan, ay dinisenyo at pundasyon ng Diyos para sa Kanyang iglesya. Sa batayan na ito, ating suriin ang pag-aangkin ng Romano Katoliko na sila ang "unang iglesya" na ginagawa ang mga sumusunod: pagdarasal kay Maria, pagdarasal sa mga santo, pagsamba kay Maria, pagpapasakop sa papa, pagtatangi sa mga pari, pagbibinyag sa sanggol, pagsunod sa sakramento ng pagpapabinyag at komunyon, o pagpapasa ng kapangyarihan ng mga apostol sa kanilang mga kahalili. Ang lahat ng mga ito ay mga pangunahing saligan sa pananampalataya ng Romano Katoliko. Kung karamihan sa kanilang mga pangunahing katuruan ay hindi isinagawa sa Iglesya sa Bagong Tipan (ang una at tunay na iglesya), paanong ang Romano Katoliko ang unang iglesya? Ang pag-aaral sa Bagong Tipan ay malinaw na ibubunyag na ang Romano Katoliko ay hindi katulad ng iglesya na inilarawan sa Bagong Tipan.

Ayon sa Bagong Tipan, sa kasaysayan ng iglesya, ito ay humigit-kumulang mula 30 A.D. hanggang 90 A.D. Sa ikalawa, ikatlo, at ikaapat na siglo, naitala sa kasaysayan ang ilang katuruan at kaugalian ng Romano Katoliko sa mga sinaunang Kristyano. Hindi ba'y makatwirang isipin na ang mga pinakaunang mga Kristyano ay higit na makakaintindi sa tunay na nais ipabatid ng mga Apostol? Oo, lohikal, ngunit may isang problema. Ang mga Kristyano sa ikalawa, ikatlo, at ikaapat na siglo ay hindi ang mga pinakaunang mga Kristyano. Muli, ang Bagong Tipan ay may tala ng mga katuruan at kaugalian ng mga pinakaunang Kristyano at ang Bagong Tipan ay hindi itinuro ang Katolisismo Romano. Ano ang paliwanag kung bakit noong ikalawa, ikatlo, at ikaapat na siglo ay nagsimulang ipakita ang mga tanda ng Katolisismo Romano?

Simple lamang ang sagot - ang mga iglesya noong ikalawa, ikatlo, at ikaapat na siglo (at mga sumunod pa) ay wala pang kumpletong kopya ng Bagong Tipan. Ang mga iglesya ay may kopya ng ilang bahagi ng Bagong Tipan, ngunit ang buong Bagong Tipan (at ang kabuuan ng Bibliya) ay wala pa noon hanggang naimbento ang paglilimbag noong 1440 A.D. Ang mga sinaunang iglesya ay ginawa sa abot ng kanilang makakaya na isalin ang mga katuruan ng mga Apostol sa pamamagitan lamang ng tradisyunal na pagsasalita, at sa pamamagitan ng limitadong pagkakaroon ng Salita na naisulat. Gayun din, madaling makapasok ang mga maling katuruan sa iglesya na ang tanging mayroon lamang ay ang Aklat ng Mga Taga-Galacia, halimbawa. Kapuna-puna na ang mga "Repormasyong Protestante" ay agad sumunod pagkatapos na maimbento ang palimbagan at ang mga salin ng Bibliya sa karaniwang wika ng mga tao. Nang magsimulang mag-aral ang mga tao ng Bibliya sa kanilang sarili, naging malinaw kung gaano kalayo ang Iglesya ng Romano Katoliko kung ikukumpara sa inilarawang iglesya sa Bagong Tipan.

Hindi nagbanggit kailanman ang Kasulatan ng "aling iglesya ang nauna" bilang batayan kung alin ang "tunay" na iglesya. Nangangahulugan ito na dapat gamitin ang Kasulatan ng isang iglesya bilang batayan upang tukuyin kung ito ay nagtuturo ng katotohanan at katulad ng unang iglesya. Napakahalaga na isangguni sa Kasulatan ang katuruan ng isang iglesya lalo na sa mga malalim na usapin gaya ng pagiging tunay na Diyos at tunay na tao ni Hesus, ang pagtubos ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo, ang kaligtasan mula sa kasalanan ayon sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang kawalan ng pagkakamali ng Banal na Kasulatan. Ang "unang iglesya" at "ang tunay na iglesya" ay nasusulat sa Bagong Tipan. At iyon ang iglesya na dapat tularan, sundin at gawing modelo, sa katuruan at gawain, ng lahat ng mga iglesya.
 
magtatally dapat yan ang history at nilalaman ng bible.

sabihin mo na lang sino ang founder niyo at saan ang head office nyo. :lol:
 
may naging cos ako iglesya

di ko na pahabain pa,,

di daw nila ako pinipilit maganib sa kanila,
pero iglesya lang daw maliligtas,,

arugoy,,nu bayan,napaghahalataan na
 
Last edited:
magtatally dapat yan ang history at nilalaman ng bible.

sabihin mo na lang sino ang founder niyo at saan ang head office nyo. :lol:

Hindi naman po iyan ang importante sir.
Ang Pinaka importante po ay kung naaayon po ba sa Bibliya ang Paniniwala ng isang Simbahan.
Pero kung gusto niyo pong malaman paki basa po ito History of Baptist
 
Last edited:
yung mga sinaunang pope namin nasa bible din

- - - Updated - - -

Hindi naman po iyan ang importante sir.
Ang Pinaka importante po ay kung naaayon po ba sa Bibliya ang Paniniwala ng isang Simbahan.
Pero kung gusto niyo pong malaman paki basa po ito History of Baptist

tao pala founder nyo.

may nauna nang simbahan noong panahon panahon ni Jesus.

so sasapawan nyo yung nauna? saan naman mababasa sa bible na sasapawan mo yung simbahan ni Jesus?
 
palusot mo lang yang buy cd.

ang dami dami dyang pinagkukunan.

yung sa inyo nga mgci. tanung ako sa yo,may incorporated bang nasusulat sa bible.?

yung logo nyo nga eh pang philippine navy
 
Last edited:
palusot mo lang yang buy cd.

ang dami dami dyang pinagkukunan.

yung sa inyo nga mgci. tanung ako sa yo,may incorporated bang nasusulat sa bible.?

yung logo nyo nga eh pang philippine navy

Imbento ko ba yan??? :lol:

Chillax ka lang idol! tinatanong ko lang naman how Credible ung mga references mo eh.. mahilig ka kasi sa Wikipedia pagdating sa references mo...

Tapos ngaun may bago kang binigay na yun din ang laman nung Wikipedia link mo, na wala atang pampondo sa kanyang website kaya nagbebenta ng CD hindi ko lang alam kung ano laman ng CD na binebenta dun, defensive ka agad sa reaction mo?? :lol:

Disregard mo muna ung sinasabi mong "inyo"... Palagay mo na na hindi totoo yung sinasabi mong "inyo" which you are referring to mcgi. na un...

Does it make you justify yung kinikilala mo namang inyo?? :naughty:

Divert ka nanaman ng topic... dun muna tayo sa references mo... How Credible ba mga references mo? :naughty: mahirap ba sagutin at nagaalburuto ka nanaman? Pati NAVY dinadamay mo sa usapan... :lol:
 
Last edited:
palusot na lang kasi yang cd mo. .at accuracy ng wikipedia

di ka ba nakaka intindi ng foot notes. lol ibig sabihin reliable ang sources nyan.


bakit di nyo muna kilatisisin yung sa inyo? bago
punahin mo yung sa amin.

logo ng philippine navy ang logo ng mgci

sasali sali ka dyan. di mo pa alam masyado
 
Last edited:
may naging cos ako iglesya

di ko na pahabain pa,,

di daw nila ako pinipilit maganib sa kanila,
pero iglesya lang daw maliligtas,,

arugoy,,nu bayan,napaghahalataan na


Actually para sa akin, ROMAN CATHOLIC, IGLESIA NI CRISTO, MUSLIM, BORN AGAING CHRISTIAN, DATING DAAN, PROTESTANT o kung anu ano pa man religion, walang sinumang makapagligtas sa atin kundi SARILI NATIN...come to think kung may isa sa religion dyan ang makapagligtas sa atin, edi sanay sumanib na lahat ng tao...
 
palusot na lang kasi yang cd mo. .at accuracy ng wikipedia

di ka ba nakaka intindi ng foot notes. lol ibig sabihin reliable ang sources nyan.


bakit di nyo muna kilatisisin yung sa inyo? bago
punahin mo yung sa amin.

logo ng philippine navy ang logo ng mgci

sasali sali ka dyan. di mo pa alam masyado

Bakit nga ako magpapalusot? Palusot saan?? Oh ikaw ang sumesegwey nanaman?? Pati NAVY dinadamay pa sa usapan! :lol:

So para pala sa'yo sa footnotes natin malalaman ang pagiging reliable nung reference?? yun pala pagkakaintindi mo sa footnotes.. :lol:

Ang pagkakaintindi ko kasi sa footnotes eh dun nakalagay ung mga references na nabanggit sa isang libro o babasahin... Pero for you to judge wether credible sources ito, eh hindi sa footnotes mo malalaman un... :naughty:

Resolve muna natin yung credibility ng sources mo tapos tska na tayo pumunta sa "inyo" na gusto mong punahin... :think: ok lang ba sa'yo??

Pero huwag mong daanin sa patutsadahan pati NAVY idadamay mo pa! Cheap Shot yan kung tawagin idol! :lol:
 
yung mga sinaunang pope namin nasa bible din

- - - Updated - - -



tao pala founder nyo.

may nauna nang simbahan noong panahon panahon ni Jesus.

so sasapawan nyo yung nauna? saan naman mababasa sa bible na sasapawan mo yung simbahan ni Jesus?

hay naku talaga naman po :)
Nakita nyio lang na may mukha ng tao, tao po kaagad ang Founder.
Siya po yung nag explain ng History :)
ok po kung yan ang interpretatin niyo :)
Nabasa niyo po ba ng buo.?

Tanong ko po sir.
Saan nakasulat sa Bibliya na pwedeng ipasa ang Pagka apostol? With explanation po ha.
Wala po bang kasalanan ang PAPA?
Si apostol Pablo po ba ang unang PAPA ng Simbahang Katoliko?
 
Last edited:
si san pedro ang unang santo papa,

si san pedro din ang binigyan ng authority mula sa sa Diyos

yung founder nyo nakatanggap ba ng authority mula sa Diyos oo self proclaim para makapag negosyo?
 
si san pedro ang unang santo papa,

si san pedro din ang binigyan ng authority mula sa sa Diyos

yung founder nyo nakatanggap ba ng authority mula sa Diyos oo self proclaim para makapag negosyo?

Tanong: "Naaayon ba sa Bibliya ang pagmamana ng pagiging apostol?"

Sagot: Ang doktrina nag pagmamana ng pagiging apostol ay ang paniniwala na ipinasa ng 12 apostol ang kanilang awtoridad sa kanilang mga kahalili na ipinasa naman ang kanilang awtoridad sa mga sumunod sa kanila at nagpatuloy ito sa pagdaan ng mga siglo, hanggang sa kasalukuyan. Pinaniniwalaan ng mga Romano Katoliko na si Pedro ang lider ng mga apostol at siya ang may pinakamataas na awtoridad kaya't ang kanyang kahalili ay mayroon din ng parehong awtoridad. Inihalo ng Simbahang Katoliko ang paniniwalang ito sa konsepto na naging unang Obispo diumano ng Roma si Pedro at tinanggap ng mga sumunod na Obispo sa Roma ang kanyang kapamahalaan at awtoridad sa lahat ng simbahan sa kalaunan. Ang pagsasalin ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang mga kahalili at ang katuruan ng pagiging tagapanguna ni Pedro sa mga apostol ang pundasyon ng doktrina ng pagkakaroon ng pinakamataas na awtoridad ng Obispo sa Roma sa buong iglesya Romano Katoliko - at ito ang Papa.

Ngunit hindi makikita saanmang pahina ng Bibliya na itinuro ng Panginoong Hesus o maging ng kahit sinong apostol o ng sinumang manunulat ng Bagong Tipan ang ideya ng pagsasalin ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang kahalili. Gayundin, hindi rin ipinakilala si Pedro na siyang pinakamataas sa mga apostol. Sa katunayan, sinaway ni Pablo si Pedro ng kampihan niya ang mga Kristiyanong Hudyo at iwasang makisama sa mga kristiyanong Hentil (Galacia 2:11-14). Oo nga't nagkaroon ng prominenteng gawain si Apostol Pedro bilang tagapanguna ng mga apostol (bagama't ipinakilala rin si Pablo at Santiago bilang mga tagapanguna na may prominenteng posisyon sa iglesya sa Aklat ng mga Gawa). Anu"t anuman, hindi si Pedro maituturing na "kumander" o may pinakamataas na awtoridad sa mga apostol. At kahit pa totoo ang pagmamana ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang mga kahalili, na hindi mapapatunayan sa Bibliya, ang pagmamanang ito ng awtoridad ay hindi magbubunga sa pagkakaroon ng pinakamataas na awtoridad ng kahalili ni Pedro sa lahat ng mga apostol o alagad man ng Simbahan.

Ginagamit na halimbawa ng mga Romano Katoliko sa pagmamana ng awtoridad ng apostol ang ginawang pagpalit ni Matias kay Judas bilang ika 12 apostol sa Aklat ng mga Gawa kabanata 1. Habang totoong pinalitan ni Matias si Judas nilang apostol, hindi ito magagamit na halimbawa sa pagpapapasa ng awtoridad bilang apostol. Ang pagpalit ni Matias kay Judas bilang apostol ay magagamit na argumento sa paghalili ng isang makadiyos na tagapanguna (Matias) sa isang taksil na apostol (Judas). Walang katuruan saanman sa buong Bibliya na ipinasa ng sinuman sa mga apostol ang kanilang awtoridad sa kanilang kahalili. Itinalaga ni Hesus ang mga apostol upang maging pundasyon ng iglesya (Efeso 2:20). Ano ang pundasyon kung saan nakatayo ang iglesya? Sa Bagong Tipan - kung saan nakatala ng mga gawa at mga katuruan ng mga apostol. Hindi kailangan ng iglesya ang mga kahalili ng mga apostol. Ang kailangan ng iglesya ay ang mga katuruan ng mga apostol na nakatala sa Bagong Tipan. Ang pundasyong ito mismo ang ipinagkaloob ng Diyos sa iglesya sa pamamagitan ng Bibliya (Efeso 1:13; Colosas 1:5; 2 Timoteo 2:15; 4:2).

Sa madaling salita, hindi ayon sa Bibliya ang pagsasalin ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang kahalili. Ang konseptong ito ay hindi matatagpuan kahita saan sa Kasulatan. Ang matatagpuan sa Kasulatan ay ang katuruan na ang tunay na iglesya ay magtuturo ng ikatulad itinuturo ng Bibliya at ikukumpara ang katuruan sa lahat ng doktrina at gawain na itinuturo ng Bibliya upang mapanatili ang kadalisayan ng turo ng iglesya at malaman kung anong turo ang tama o mali at ang ayon at hindi ayon sa Kasulatan. Inaangkin ng mga Romano Katoliko na kung hindi naisalin ang awtoridad ng mga apostol sa kanilang kahalili, magbubunga diumano ito sa kaguluhan ng doktrina at katuruan. Isang nakalulungkot na katotohanan na sinabi ng mga apostol na lilitaw ang mga bulaang guro (2 Peter 2:1). Totoo rin na ang kawalan ng "pinakamataas na awtoridad" sa katuruan ang nagbunga ng pagkakaiba-iba sa interpretasyon ng Bibliya ng mga grupong hindi Romano Katoliko. Gayunman ang pagkakaibang ito sa mga katuruan ay hindi dahil sa malabo ang katuruan ng Bibliya. Sa halip ang pagkakaibang ito sa doktrina ay bunga ng parehong ginagawa ng Romano Katoliko - na pagunawa sa Bibliya ayon sa kanilang nakaugaliang tradisyon. Kung pag-aaralan ang Bibliya sa kabuuan at sa tamang konteksto nito, madaling makikilala ang katotohanan. Ang pagkakaiba-iba sa doktrina at kaguluhan sa mga denominsayon ay bunga ng pagtanggi sa malinaw na itinuturo ng Bibliya hindi dahil sa sa kawalan ng isang mataas na awtoridad sa simbahan na magpapaliwanag sa Kasulatan.

Ang pagsang-ayon sa katuruan ng Kasulatan, hindi ang pagsasalin ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang kahalili ang pagkakakilanlan ng totoong iglesya. Itinuturo ng Bibliya na dapat na ito ang dapat na maging pamantayan sa lahat ng katuruan na paniniwalaan ng iglesya (Gawa20:32). Ang Bibliya ang hindi nagkakamaling sukatan ng lahat ng katuruan at gawaing panrelihiyon (2 Timoteo 3:16-17). Ang Bibliya ang dapat na gamitin sa pagkukumpara sa mga katuruan (Gawa 17:10-12). Ang awtoridad ng mga apostol ay nasa kanilang mga katuruan na nakasulat sa Bibliya, hindi sa sinumang kahalili na nagmana diumano ng kanilang pagiging apostol sapagkat hindi kailanman itinuro sa Kasulatan na namamana ang pagiging apsotol.


- - - Updated - - -

Tanong: "Si apostol Pedro ba ang unang Papa?"

Sagot:
Pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko na si Pedro ang unang papa kung kanino itinayo ng Diyos ang Kanyang iglesia (Mateo 16:18). Dahil sa posisyong ito, may kapamahalaan siya sa ibang mga apostol. Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ilang panahon pagkatapos ng mga pangyayaring natala sa Aklat ng Gawa, si apostol Pedro ang naging unang obispo sa Roma at di naglaon, ang obispo sa Roma ay tinanggap ng unang iglesia na may kapamahalaan sa lahat ng iglesya. Itinuturo nila na ipinasa ng Diyos ang awtoridad ni Pedro sa mga sumunod sa kanya na naging obispo sa Roma. Ang katuruang ito na ipinasa ng Diyos ang awtoridad ni Pedro sa kanyang mga kahalili ay tinatawag na "pagsasalin ng pagkaapostol."

Tinitindigan din ng simbahang Katoliko na si Pedro at ang kanyang mga kahaliling apostol ay hindi nagkakamali kung nagtuturo sila ayon sa kanilang posisyon bilang mga papa. Ang tawag sa hindi pagkakamaling ito ay ex-cathedra. Itinuturo ng simbahang Katoliko na dahil hindi maaaring magkamali ang papa, siya ang hindi nagkakamaling gabay ng simbahan sa lahat ng katuruan. Inaangkin ng simbahang Katoliko na kaya nitong tuntunin ang linya ng papa mula kay Pedro at ginagamit ang argumentong ito upang patunayan na ang Simbahang Katoliko ang tunay na iglesya dahil ayon sa kanilang interpretasyon sa Mateo 16:18, itinayo ni Kristo kay Pedro ang iglesya.

Ngunit habang si Pedro ang unang naging instrumento sa pagkalat ng Ebanghelyo (ang kahulugan sa likod ng Mateo 16:18-19), kung titingnan sa tamang konteksto ang katuruan ng Kasulatan, hindi nito kailanman itinuturo na may mataas na kapamahalaan si Pedro sa ibang mga apostol o sa ibang mga iglesya (Tingnan din ang Gawa 15:1-23; Galacia 2:1-14; at 1 Pedro 5:1-5). Hindi rin itinuro sa Kasulatan na ang obispo ng Roma o sinumang obispo ang kailangang maging tagapamahala ng iglesia. Hindi rin itinala sa Kasulatan na nakarating si Pedro sa Roma. Sa halip may isa lamang banggit sa Kasulatan na sumulat si Pedro mula sa Babilonia, isang pangalan ng lugar na minsan ay ginagawang taguri sa Roma (1 Pedro 5:13). Mula sa nagiisang talatang ito at sa makasaysayang paglawak ng impluwensya ng obispo ng Roma, nanggaling ang katuruan ng pagiging pangunahin ng obispo ng Roma. Gayunman, ipinakita sa kasulatan na ang awtoridad ay hindi lamang kay Pedro kundi para sa lahat ng apostol (Efeso 2:19-20), at ang karapatan ng "pagkakalag at pagtatali" na idinidikit kay Pedro ay pinaghatian din ng mga lokal na iglesya, hindi lamang ng mga tagapanguna ng iglesya (tingnan ang Mateo 18:15-19; 1 Corinto 5:1-13; 2 Corinto 13:10; Tito 2:15; 3:10-11).

Gayundin, hindi makikita saanman sa Kasulatan na upang maingatan ang iglesya sa pagkakamali, kailangang ipasa ng mga apostol ang kanilang awtoridad sa kanilang mga kahalili. Ang pagsasalin ng pagkaapostol ay pinilit na pinalabas sa mga talata na ginagamit ng mga Romano Katoliko upang suportahan ang doktrinang ito (2 Timoteo 2:2; 4:2-5; Tito 1:5; 2:1; 2:15; 1 Timoteo 5:19-22). Hindi ni Pablo sinabihan ang mga mananampalataya sa iba't ibang iglesya na tawagin sina Tito, Timoteo at iba pang mga lider ng iglesya sa kanilang awtoridad bilang obispo o sa pagkakaroon nila ng awtoridad bilang apostol, kundi ayon sa kanilang pagiging kapwa manggagawa (1 Corinto 16:10; 16:16; 2 Corinto 8:23).

Ang itinuturo ng Kasulatan ay maraming maling katuruan ang lilitaw maging mula sa mga lider mismo ng iglesya at ang kailangang gawin ng mga mananampalataya ay ikumpara ang mga katuruan ng mga lider ng iglesya sa Kasulatan na siyang tanging hindi nagkakamali (Mateo 5:18; Awit 19:7-8; 119:160; Kawikaan 30:5; Juan 17:17; 2 Pedro 1:19-21). Hindi itinuro ng Bibliya na hindi nagkakamali ang mga apostol maliban sa mga Salita ng Diyos na kanilang isinulat na nakabilang sa canon ng Kasulatan. Sa pagtuturo sa mga lider ng iglesya sa Filipos, binanggit ni Pablo ang tungkol sa pagdating ng mga bulaang guro at sinabihan niya sila na labanan ang kanilang mga kasinungalingan at hindi niya sa kanila itinuro na ang mga apostol ang kanilang lapitan kundi itinuro niya sila sa "Diyos at sa Salita ng Kanyang biyaya" (Gawa 20:28-32). Ang Kasulatan lamang ang hindi nagkakamaling sukatan ng lahat ng pananampalataya at mga gawa (2 Timoteo 3:16-17), hindi ang mga kahalili ng mga apostol. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa Kasulatan, malalaman kung ang isang katuruan ay tama o mali (Gawa 17:10-12).

Si Pedro ba ang unang Papa? Ayon sa Kasulatan ay malaking hindi. Hindi kailanman inangkin ni Pedro ang kanyang awtoridad sa ibang mga apostol. Hindi makikita sa kanyang mga sinulat (1 at 2 Pedro) na nagangkin si Pedro ng espesyal na papel, awtoridad o kapangyarihan sa iglesya. Wala saan man sa Kasulatan na sinabi ni Pedro o ng sinuman sa mga apostol na ipinasa nila ang kanilang awtoridad sa kanilang kahalili. Oo, may ginampanang papel si Pedro bilang lider ng mga apostol. Oo, ginampanan niya ang mahalagang papel sa unang pagbabahagi ng Ebanghelyo (Gawa kabanata 1-10). Oo, si Pedro ang "bato'" na hinulaan ni Hesus (Mateo 16:18). Gayunman, ang mga katotohanang ito tungkol kay Pedro ay hindi sumusuporta sa anumang kaparaanan sa konsepto na si Pedro ang unang Papa o siya ang naging pinakamataas na lider ng mga apostol o ipinasa niya ang kanyang awtoridad sa iba pang obispo ng Roma. Itinuro tayo mismo ni Pedro sa tunay na Pastol at Tagapangasiwa ng iglesya, ang Panginoong Hesu Kristo (1 Pedro 2:25).
 
ibang iba talaga doktrina nyo


Matthew 16:18-19New International Version (NIV)

18 And I tell you that you are Peter,[a] and on this rock I will build my church, and the gates of Hades will not overcome it. 19 I will give you the keys of the kingdom of heaven; whatever you bind on earth will be[c] bound in heaven, and whatever you loose on earth will be[d] loosed in heaven.”

ang liwa liwanag kaya nyan
 
Andiyan po ang explanation sa itaas sir pustiso.
Binasa mo po ba sir?
 
Back
Top Bottom