Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ano kulang sa pinas pra umunlad?

well walang disiplina mga tao, pugutan ulo lahat ng corrupt na official yun lang solution
 
para sakin amendyahan ang philippine constitution. napakaraming loophole...bulok na batas at mga outdated na batas... dapat ireview ulit from the start lahat ng artikulo at section kung nababagay pa ba sa panahon at pangangailangan ng pilipinas ngayon.

Jan ang basehan ng mga senador at ng supreme court ukol sa pagagawa ng batas at pagdedecision sa mga hukuman....subalit kung bulok at ugok ang constitution, bulok din ang mga ginagawang batas at pagdedecision ng mga hukuman..

jan din ang basehan ng mga corrupt..ng mga buwaya...dahil alam nila mga loophole kaya nakakakurakot sila ng mga legal...nakakapatay ng walang pagaalinlangan especially mga negosyante at pulitiko....tuwing cha-cha or issue ng charter change sino ba mga kumkontra palage? mga negosyante..pulitiko na may negosyo...mga walang kuwentang mga religious groups na kadikit ng mga negosyante... kasi ayaw nila mawalan ng mga way sa pangungurakot..
 
Last edited:
Ang masaklap na katotohanan ay mananatili nang mahirap na bansa ang Pilipinas sino man ang maging pangulo. Hindi na maaabot ng Pilipinas ang first world status. Hindi niya nagawang umunlad nung Marcos Era na 50 million pa lang ang mga tao. Lalo niyang hindi magagawa ngaung doble na ang populasyon. Walang bansang mahigit sa 100 million ang populasyon ang mayaman maliban sa Amerika at Japan.
 
Our country will take a bloodshed before they change that.

Ang masaklap na katotohanan ay mananatili nang mahirap na bansa ang Pilipinas sino man ang maging pangulo. Hindi na maaabot ng Pilipinas ang first world status. Hindi niya nagawang umunlad nung Marcos Era na 50 million pa lang ang mga tao. Lalo niyang hindi magagawa ngaung doble na ang populasyon. Walang bansang mahigit sa 100 million ang populasyon ang mayaman maliban sa Amerika at Japan.

That's right, Philippines can't change forever because Filipino people are already destroying our own culture.
 
Last edited:
kapag mawala na ung corruption at ipatupad ng maayos ang batas walang mayaman mayaman.
 
1. Kulang ang pasilidad ng Edukasyon lalo na sa mga liblib na lugar.
2. Kulang ang suporta sa mga magsasaka. Uunlad lamang ang isang bansa kung gagamitin nitoang sariling likas yaman kung sa Pilipinas mayaman ang bansa nating sa sektor ng agrikultura.
3. Kulang ang imprastraktura. Lagi na lamang ito ang dahilan ng nakawan sa ating pamahalaan.
4. Bulok ang systema ng kasalukuyang pamahalaan.

Lahat ng apat na nabanggit ay may nakalaang solusyon si DU30.

Iboto si Digong para presidente.!!
 
Disiplina.. kahit sino pang ma halal na presidente kung tamad at walang disiplina ang mamamayan. tapos lakas magreklamo e sila yung may kasalanan :slap:
 
try natin si Duterte, MAN OF ACTION! 6 years lang naman yan.. BAKA MAGBAGO PA ANG PILIPINAS PAG NAGING PANGULO SIYA. LAHAT NAMAN YANG PRESIDENTIAL CANDIDATES NAGMUMURA PERO HINDI LANG LANTARAN SA MEDIA. TRY NATIN SI DUTERTE! HE IS A FILIPINO HE LOVE HIS OWN COUNTRY AND THE PEOPLE
 
Disiplina talaga ang kelangan para sa ikakaunlad ng Pilipinas.

Eto ang problema ng sistema ng bawat isa.

Ultimo pagtapon nila ng basura sa drainage o kanal at kapag bumaha ay sisisihin ang gobyerno.

Kapag sinabi ng gobyerno na mag-evacuate dahil tumataas na yung tubig, landslide o pumutok yung bulkan at ayaw nilang umalis. Kapag may nangyari sa kanila sisisihin pa rin nila ang gobyerno.

Ang tanong anu ba una dapat baguhin? Ang sistema gobyerno o tao?
 
1. Kulang ang pasilidad ng Edukasyon lalo na sa mga liblib na lugar.
2. Kulang ang suporta sa mga magsasaka. Uunlad lamang ang isang bansa kung gagamitin nitoang sariling likas yaman kung sa Pilipinas mayaman ang bansa nating sa sektor ng agrikultura.
3. Kulang ang imprastraktura. Lagi na lamang ito ang dahilan ng nakawan sa ating pamahalaan.
4. Bulok ang systema ng kasalukuyang pamahalaan.

Lahat ng apat na nabanggit ay may nakalaang solusyon si DU30.

Iboto si Digong para presidente.!!

Good luck po.

http://www.bloomberg.com/news/artic...bts-sink-peso-as-mayor-likened-to-trump-leads
 
Disiplinado ka nga pero yung mga mayayamang tao naman sa Pilipinas e makasarili at gahaman sa pera. Wala rin kawawa parin tayo. Nagtatrabaho ka ng maayos pero ang pasahod sayo e di naman sapat wala rin silbi wala paring kaunlaran dagdag mo pa yang contractualization na yan. Anong mabubuo mong career dyan at anong magiging future meron tayo kung walang stable na trabaho? Iilan lang ang sinusuwerteng maging regular at di rin kataasan ang sahod at benepisyo kaya yung iba natututo rin mandaya at manloko sa trabaho nila. Magandang trabaho at pasahod ang sagot sa pagunlad ng bansa. Gumaganda nga ekonomiya pero dumarami rin naman ang mga naghihirap wala rin silbi yun. Dapat kung gumaganda ang ekonomiya ibig sabihin nun maganda ang kita ng mga investors o negosyante sa bansa natin kaya bilang kapalit e bigyan naman nila ng magandang sahod at benepisyo ang mga trabahador nila dahil kung wala ang mga yan di aangat at magiging successful ang negosyo nila. Kahit magrally pa tayong lahat na mga ordinaryong tao at punuin ang EDSA para ipaglaban ang kaunlaran ay wala tayong magagawa. Kahit anong sipag natin at pagkayod araw-araw wala parin silbi. Pinaglalaruan lang tayo ng mga nasa taas natin.

Ang sagot ko DISIPLINA para sa mga taong nasa taas, nakakaangat at mga nakaupo. Walang problema sa mga tao. nagtatrabaho tayo, kumikita at pumapayag na magbayad ng malaking buwis kahit mababa ang sahod. Pero ang buwis na binabayad natin nalulustay lang ng mga nakaupo sa gobyerno para gamitin sa pansarili nilang kagustuhan. Buti pa sila nakakabili ng mamahaling lupain at sasakyan at nakakalibot ng ibang bansa pero tayo eto mukhang kawawa sa sarili nating bayan. Di ba unfair yun? Kung sino pa ang kumakayod ng todo yun pa yung naghihirap at walang mapala.

Inattach ko na din nakolektang pondo o tax ng BIR from January to June 2015 pa lang yan. Ramdam ba natin yung ginhawa sa ganyang kalaking pera at pondo ng bansa natin? Pagdating sating mga ordinaryong tao mugmog o latak na lang ng budget ang natitikman natin.
 
Attachments

  • Coll per NSCB Region_1st Sem 2015.pdf
    112.5 KB · Views: 5
Last edited:
Disiplina talaga ang kelangan para sa ikakaunlad ng Pilipinas.

Eto ang problema ng sistema ng bawat isa.

Ultimo pagtapon nila ng basura sa drainage o kanal at kapag bumaha ay sisisihin ang gobyerno.

Kapag sinabi ng gobyerno na mag-evacuate dahil tumataas na yung tubig, landslide o pumutok yung bulkan at ayaw nilang umalis. Kapag may nangyari sa kanila sisisihin pa rin nila ang gobyerno.

Ang tanong anu ba una dapat baguhin? Ang sistema gobyerno o tao?

Unang una trabaho ng gobyerno magfacilitate ng tapunan ng tao ng basura kahit san. Trabaho ng gobyerno ianticipate ang kakulangan ng mga tao, kaya dapat akuin nila ang kakulangan habang dahan-dahang inaangat ang kamalayan ng mga tao. Kaya nga nagbabayad ng tax ang mga tao para pambayad sa serbisyong iyan na dapat ibigay ng maayos ng pamahalaan.

Tulad na lang ng ilog Pasig. Pano mo oobligahin ang karaniwang mamamayan na huwag magtapon ng kung ano2 diyan eh samantalang yung gobyerno hinayaan ang malalaking industriya magpawala ng kung anu-anong nakalalason na kemikal sa kahabaan niyan mula pa sa Montalban Rizal? Kung ano ang nangyayari sa Pasig, ganun din sa iba pang lugar.

At sa paksang disiplina: masyadong madali magsabi ng disiplina. Ang problema maraming may disiplinang walang trabaho at walng direksyon ang buhay. Karamihan ng may disiplina at delikadeza sila yung mga lugmok. Alam naman natin na kailangan sa lipunan makapal ang mukha para makaangat sa maraming bagay. Kung masyado kang mabaet sa trabaho, lalamangan at sisipain ka lang ng mga tusong boss at coworkers mo.

Ang mga mga walanghiya sa atin may disiplina sa pagmimaintain ng ranks nila. Ang disiplina ay di unique sa matinong tao. Ang komunista, mga fascists, mafia, triads, organized crimes may kanya-kanyang disiplina pinaiiral.

Ang kailangan natin kamay na bakal na may alam sa paghikayat ng mamumuhunan at negosyo para pumasok sa bansa. Para basagin at sirain ang diskarte ng mga hinayupak na artificial na monopolies sa bansa. Ng mga magkakatropang negosyante sa atin na di naman tayo tinatangi kahit bilang kabayan, bagkus ay mga prey lang ng mga predators na mga yan. May alam sa palakad sa ekonomiya, sa pagmimaintain ng peace and order and rule of law. Ang tanong, sino ang makapagbibigay nito?
 
Yung pagiging MAKABAYAN natin parang nawala na sa mga Pilipino.
Kong makabayan ka hindi lang sarili mo iisipin dapat sa pag unlad mo kasama ang bayan mo.
Di mo kokorakutin ang pera ng bayan.
Handa ka mag-alay ng buhay para sa bayan.
 
Back
Top Bottom