Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ano kulang sa pinas pra umunlad?

Disiplina. Hind natin kayang magdisiplina sa sarili nating bansa pero sa ibang bansa isa tayo sa madisiplina.
 
puso para sa kapwa wag mangurakot at giginhawa anng pilipinas

Hindi mo na maiiwasan walang bansa at mamayan na hindi kurakot

disiplina na ang pinaka kailangan sa atin
Ultimo pag tapon lang ng balat ng candy alam mo na agad sino may disiplina o wala.
 
Disiplina!! Pag mamahal sa kapwa (sila muna bago ako mentallity). I realized this Im an OFW in Japan... Mga Hapon grabe ang disiplina. napakalinis at maayos dito sa japan. kalat mo iuuwi mo sa bahay para itapon, napaka humble din nila na kahit sa daan mahihiya sila ay ikaw papaunahin dumaan.Lagi silang ng bow to show respect...
 
Walang equivalent ng Marcos regime ang ibang bansa gaya ng Thailand, Japan, Republic of Korea, Indonesia at Malaysia kaya sila mauunlad na ngaun.
 
Ironic yung view mo sa South Korea, dahil umunlad yung Korea dahil sa dictatorship state although hindi ko sinasabi na ganun din our dear savior Ferdi natin. Indonesia dati under din sa Cronyism ni Suharto at ng Thailand monarchism na since lately maraming mass violent protest at maunlad ng Thailand dahil sa tourist industry nila na napakalaki.
 
Tinulungan ng US ang Korea sa rehabilitation after ng Korean War kaya un umunlad bukod sa modernization at westernization na ginawa ng Korea. Tingnan mo ngaun ang Korea halos carbon copy na ng US. Hindi problema sa kanila ang authoritarian regime dahil hindi kasing gahaman ni Marcos ung mga naging dictator nila.

Lahat ng mga bansa sa Asya puro nagkaroon ng dictatorship. Ang kaibhan lang ng Pilipinas, debt-driven lang ung economy natin nung panahon. Utang lang ang nagpapatakbo sa ekonomiya. Umutang nang umutang si Marcos nang higit sa kakayahan ng bansang makapagbayad. Hindi nya pinalakas ang mga industry sa bansa. Walang job opportunities nung panahon ni Marcos kaya nagsimulang magmigrate sa ibang bansa ang mga manggagawang Pilipino. Kung mapapansin mo hindi uso sa Thailand at Indonesia ung mga nagaabroad hindi gaya satin na sa lahat ng sulok ng mundo may makikita kang Pilipino. Mayaman sila sa mga industries.

Ung ang kaibhan ng Pilipinas sa ibang Asian countries.
 
Kulang: Disiplina
Sobra: Kurap... dapat bawasan to :lol:
 
ugali ng pinoy. simulan muna sa paaralan. baguhin din ang sistema ng pagtuturo. unahin muna ang disiplina bago sumabak sa mga teoriya.
 
Tinulungan ng US ang Korea sa rehabilitation after ng Korean War kaya un umunlad bukod sa modernization at westernization na ginawa ng Korea. Tingnan mo ngaun ang Korea halos carbon copy na ng US. Hindi problema sa kanila ang authoritarian regime dahil hindi kasing gahaman ni Marcos ung mga naging dictator nila.

Lahat ng mga bansa sa Asya puro nagkaroon ng dictatorship. Ang kaibhan lang ng Pilipinas, debt-driven lang ung economy natin nung panahon. Utang lang ang nagpapatakbo sa ekonomiya. Umutang nang umutang si Marcos nang higit sa kakayahan ng bansang makapagbayad. Hindi nya pinalakas ang mga industry sa bansa. Walang job opportunities nung panahon ni Marcos kaya nagsimulang magmigrate sa ibang bansa ang mga manggagawang Pilipino. Kung mapapansin mo hindi uso sa Thailand at Indonesia ung mga nagaabroad hindi gaya satin na sa lahat ng sulok ng mundo may makikita kang Pilipino. Mayaman sila sa mga industries.

Ung ang kaibhan ng Pilipinas sa ibang Asian countries.

Yan at my problema din sa mentality nang mga pinoy, backwards thinker tayo at di tayo maka move-on lagi nalang mga Marcoses yung scape goat natin.

Di nag aabroad mga tiga Thailand at Indonesia dahil karamihan sa kanila hindi proficient sa wikang englis.
 
Hindi mo basta pwedeng sabihing kalimutan na lang at mag-move on na dahil sa Marcos era nagsimula ang economic decline ng Pilipinas, nagsimulang lumobo ang utang ng Pilipinas, nagsimulang bumulusok pababa ang halaga ng piso, nagsimulang brain drain sa bansa dahil pag-emigrate ng mga professionals at skilled workers, nagsimula ang malawakang korapsyon sa gobyerno, dumami ang mga rebelde at separatist groups gaya ng NPA, MILF at MNLF. Kay Marcos nag-ugat lahat ng mga problemang ito dahil sa incompetence at mismanagement nya. Hindi ginagawang bayani ang isang corrupt at abusadong lider, at hindi rin iniluluklok sa mataas na posisyon sa gobyerno ang anak ng lider na un na unapologetic pa sa mga ginawa ng pamilya nila. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa kawalan ng hustisya sa bansa. Hindi napaparusahan at inaacquit pa nga ung mga corrupt basta maimpluwensya kagaya nina Marcos, Arroyo at Estrada. Selective ang justice dito sa Pilipinas. Kapag kaalyado ka ng administrasyon lusot ka sa mga krimen mo. Kahit ung judiciary tuta rin ng administrasyon. Walang hustisya. Hindi patas.

Sa Amerika, hindi mareverse ng pangulo ang kahit anong desisyon ng supreme court nila. Dito sa Pilipinas pinatatalsik ang chief justice kapag hindi kaalyado ng pangulo.

Sa South Korea, inimpeach at ikinulong ang pangulo nila dahil sa corruption. Dito sa Pilipinas, ung pinaka corrupt na naging pangulo ng bansa hindi lang sa hindi na naikulong, pinayagan pang makabalik sa gobyerno ang pamilya nya. At ung dalawang dating pangulong nakulong na-pardon at nasa gobyerno na ulit.

Kaya wag na kayong magreklamo kung bakit mahirap pa rin ang Pilipinas dahil ganito mismo ang attitude ng isang third-world country. Walang pakialam sa hustisya. Walang pinaniniwalaan kundi ung mga paboritong pulitikong niloloko lang naman sila. Hindi naniniwala sa media. Hindi naniniwala sa history. Wala kang makikitang bansang maunlad na history-denier at pro-authoritarian maliban na lang kung mayaman sa langis gaya ng GCC countries.

===

Maraming Indonesians sa The Netherlands at Australia. Wala un sa proficiency sa English language. Hindi uso sa mga Asian countries maliban sa Pilipinas, India at China na hindi rin fluent sa English, ang mag-abroad dahil hindi na nila kelangan un dahil malakas na ang mga ekonomiya nila simula pa noon. Nasa 50% ang poverty rate ng Pilipinas nung 1970s samantalang below 20% lang sa mga bansang un. Ang rason ng emigration sa Indonesia ay para mag-settle sa ibang bansa hindi para magtrabaho dahil kaya na nilang mamuhay ng komportable sa mga bansa nila.
 
Allied forces bombed the hell out of Germany in World War 2, the US bomb the hell out of Hiroshima and Nagasaki and the Nazi almost wiped out the Jewish population all of the parties involve remembers. Pero imbis na mag tanim nang galit, nag move on nalang sila but at the same time they still commemorate the tragic events

Sa Amerika, hindi mareverse ng pangulo ang kahit anong desisyon ng supreme court nila. Dito sa Pilipinas pinatatalsik ang chief justice kapag hindi kaalyado ng pangulo.

I can't comment on that, hindi lamang sa Presidente my problem kundi mismo sa mga chief justices.

Sa South Korea, inimpeach at ikinulong ang pangulo nila dahil sa corruption. Dito sa Pilipinas, ung pinaka corrupt na naging pangulo ng bansa hindi lang sa hindi na naikulong, pinayagan pang makabalik sa gobyerno ang pamilya nya. At ung dalawang dating pangulong nakulong na-pardon at nasa gobyerno na ulit.

I can't argue with that, Aquino-Cujancos at lahat nang mga political dynasties sa Pinas ay untouchables.

Kaya wag na kayong magreklamo kung bakit mahirap pa rin ang Pilipinas dahil ganito mismo ang attitude ng isang third-world country. Walang pakialam sa hustisya. Walang pinaniniwalaan kundi ung mga paboritong pulitikong niloloko lang naman sila. Hindi naniniwala sa media. Hindi naniniwala sa history. Wala kang makikitang bansang maunlad na history-denier at pro-authoritarian maliban na lang kung mayaman sa langis gaya ng GCC countries.

Hey! noon nabigyan na ng mga pinoy nang chance na magkaroon nang mga pro-western right wing na pangulo, tapos iiyak yung mga nasa right leaning middle class na binoto nang mga tao si DU30?

===

Maraming Indonesians sa The Netherlands at Australia. Wala un sa proficiency sa English language. Hindi uso sa mga Asian countries maliban sa Pilipinas, India at China na hindi rin fluent sa English, ang mag-abroad dahil hindi na nila kelangan un dahil malakas na ang mga ekonomiya nila simula pa noon. Nasa 50% ang poverty rate ng Pilipinas nung 1970s samantalang below 20% lang sa mga bansang un. Ang rason ng emigration sa Indonesia ay para mag-settle sa ibang bansa hindi para magtrabaho dahil kaya na nilang mamuhay ng komportable sa mga bansa nila.

Pero mas marami ng pinoy, tayo lang talaga pinaka maraming overseas workers. India hindi fluent sa English? eh sila lang naman nauna sa BPO/call center kinuha lang natin sa kanila yun. Maraming Indonesians sa Australia dahil isang banka lang yung layo nila sa Australia.
 
Patay na si Hitler pati pamilya nya kaya wala nang sinisisi ang mga German. Sa Germany itinuturo sa skul ang history ng Third Reich para hindi na maulit un at banned ang lahat ng expressions ng Nazism. Makukulong ka sa Germany at Austria kapag nag-Nazi salute ka o itinanggi mo na nangyari ang Holocaust.

Kabisado ng mga German ang history nila dahil itinuturo un sa mga bata kahit bago pa sila pumasok sa skul.

Dito sa Pilipinas, maraming hindi naniniwala sa history ng Marcos regime. Ang pinaniniwalaan ung revisionist history na nagkalat sa social media na "Golden Age" daw ng Pilipinas ang Marcos years.

Hindi kasama sa pag "move on" na gawing bayani ang dating diktador ng bansa at payagang makabalik sa gobyerno ang pamilya nya. Masama ang opinyon ng lahat ng mga tao kay Hitler sa Germany at Austria kaya nga walang bumabanggit ng pangalan ni Hitler sa mga bansang un. Krimen sa mga un ang pagiging Nazi sympathizer. Ibang iba sa Pilipinas na sobrang daming Marcos loyalist.

Kitang kita mo ang difference sa mentality ng first world at third world countries.
 
haha meron paring mga Neo-Nazi group sa Germany at mukhang dadami pa mga members nila sa Europe through ultra-nationalist party at dahil narin sa paglaganap nang sentiments nila sa Syrian refugee crisis.

Bakit nga ba lumaganap at sumikat ulit ng mga pro-marcos movement? hmmm..... baka naman nawalan na nang compiansa mga tao sa kabilang partido kaya kumapit sila sa sinasabi mung fake news?

Ng Japan ay first world-world class country din naman, pero sila yung numbawan revisionist pagdating sa WW2.
 
Walang organized neo-nazi groups sa Germany. Illegal ang magpahayag ng pro-nazi views at expressions sa Germany. Mahigpit ang Germany pagdating sa mga neo-nazi. Kamakailan lang merong 80-year old na babae nakulong dahil sa Holocaust denial. Hindi konektado sa neo-nazism ang mga nationalist movements dun. Anti-immigration at anti-refugee lang ang objective nila hindi white supremacy, racism at fascism. Itinuturing na joke ang mga neo-nazi groups sa Western Europe. Wala kang tyansang manalo sa ekeksyon kapag nagkaroon ka ng reputation na neo-nazi gaya ni Marine Lepen ng France.

Misinformation ang rason kung bakit nabubuhay ang pro-Marcos sentiment sa Pilipinas. Full force ang mga online trolls ng mga Marcos sa pagpapakalat ng false propaganda sa facebook. Libre ang facebook sa Pilipinas kaya kahit mahihirap may access at madaling nabebrainwash ng mga un. Kung tatanungin mo mga Marcos supporters ngaun kung bakit gusto nila si Marcos, karaniwan mong maririnig gusto nilang ibalik ung Marcos years na maunlad daw ang Pilipinas, mababa presyo ng bilhin, mababa kriminalidad, konti mahihirap, hindi gaya ngaun. Lahat puro kasinungalingan at kabaligtaran ng realidad.
 
Mukhang bago kalang nagka interest sa mga world news, madaming documentary from DW to Vice. Carry on

hmmm.... sa view ko mukhang even lang yung "troll force" nang magkabilang partido sa internet and that is quite funny how those delawan at dutertrds go apesh!t on the internet.
 
Matagal na akong acquainted sa world news pati sa world history. Sa Amerika lang tolerated ang mga neo-nazi, racist orgs at hate groups dahil protected sila under First Amendment. May hate speech laws sa Western Europe bukod pa sa outright ban sa mga nazi expressions at Holocaust denial sa Germany. Walang sumeseryo sa mga neo-nazis dun at wala rin silang political influence at malakas na public support.

Mas masahol ang mga pro-Marcos kesa sa mga yellowtards dahil literal na nagpapakalat sila ng maling version ng history para malinis at maitaas ang reputasyon ng mga Marcos para sa political ambitions nila. Sila ang counterpart ng mga neo-nazis sa Europe. Ang kaibhan lang irrelevant at powerless small minority ang mga neo-nazis sa Europe samantalang majority na yata ngaun sa Pilipinas ang mga pro-Marcos.
 
Back
Top Bottom