Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

Nice post @rueryuzaki :salute: Tanong ko lang, ano pong course nyo? hehe :D

Ay, thanks. Dun nga pala sa tanong mo, I'm taking Master in Information Technology in TUP Manila. :lol:
 
Re: Ano po ba pinagkaiba nila Computer Science at Information Technology?

Actually, pare-parehas lang yang tatlo. Walang pinagkaiba halos. Ang nagpagulo lang nito ay yung mga schools na gusto kumita ng malaki. Ganito kasi yon.

Huwag muna kayo tumingin sa school, curriculum , subjects o sa magagandang teacher na nagtuturo nito. Tingnan nyo lang ang basic concepts kung bakit nabuo ang mga courses na yan na nagpahirap sa atin ng 4 hanggang 5 taon.

Ang concepts ay:
  • Mathematical foundations
  • Algorithms and data structures
  • Artificial intelligence
  • Communications and Security
  • Computer architecture
  • Computer graphics
  • Concurrent, parallel, and distributed systems
  • Databases
  • Programming languages and compilers
  • Scientific computing
  • Software engineering
  • Theory of computation

Kung titingnan nyo yung timeline ng concepts, Mas mauuna ang Math foundation, Theory of computation, Algorithm and data structures at scientific computing. Sisihin nyo si Charles Babbage, Isaac Newton, Ada Lovelace at higit lahat si Alan Turing. Bakit? Noong WW2, meron na computer noon pero yun nga lang ay mas mabilis pa ang 5110 ng nokia kung ikukumpara mo dun. Dahil sa gusto nila ma-break ang Enigma Code ng mga Nazi, yang mga concepts na nabanggit ang ginamit ng mga mathematician na yan. Oo, mathematician at hindi computer scientist. Itama nyo na lang kung mali ako. :lol:

Kaya lang nabuo ang Computer Engineering, in my opinion, kasi nagpasukan na ang concepts na Computer Architecture, Programming languages and compilers, Concurrent, parallel, and distributed systems at Artificial Intellegence. Sa isang basa lang, mukhang pang-engineering na ang dating. Pero mali kayo dun, Under pa rin sya ng Computer science.

Yung Software Engineering, kaya lumitaw yan kasi noong unang panahon, bara-bara kasi gumawa ng programs ang mga coder noon. Parang tayo lang sa school, gawa lang ng kahit ano para may mapasa lang. So naimbento ang Soft Eng para meron tayong methodologies. Kung sino mang taong nagimbento nyan, hindi tayo bati. :lol:

Finally, Computer Graphics nabuo sya dahil maganda na video/paint/sound applications ,new methodologies at dahil sa Computer Architecture ng mga monitor at CPU. Dyan nabuo ang multimedia na course na pinauso na naman ng mga Schools natin.

So please lang, wag nyo na pag-awayin or pagkumpara ang tatlong course natin kasi iisa lang tayo ng concepts kahit saang computer ka pa lumingon. :salute:

Pasensya na at mahaba ang storytelling. :rofl:



ang ganda nang explanation mo boss naliwangan ako :thanks:
 
Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

Ay, thanks. Dun nga pala sa tanong mo, I'm taking Master in Information Technology in TUP Manila. :lol:
wow nice! Sir ask ko lang po ilang taon po ba yang masteral? mahirap po ba yan?
 
Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

tama, magkakapatid lang yang course na yan. ako naman fresh grad ng computer engineering. kaibahan lang cguro maraming math pag engineering tska 5 years pero sa knowledge naman hindi nagkakalayo, ako na lang mamimili kung anu gusto ko trabaho, network, programming o hardware. lahat ng computer related knowledge makuha mu sa computer engineering.
 
Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

Comsci grad ako. And nung tinanong ko mga IT stud bakit IT ang kinuha nyo at hindi comsci. Sabi nila mahirap daw ang comsci. Ang comsci nakafocus sa programming. Without program hindi mo mapapagalaw ang isang bagay sa gusto mong gawin nung bagay. Ang networking kahit hindi ka IT matutunan mo yan. Anyway kung survival ang paguusapan go ako sa accountancy or engineering.
 
Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

up para sa mga nalilito jan. :)
 
Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

salamat sa info ninyo naliwanagan din aq pero ano po ba tlaga pinakadabest sa kanilang tatlo pagdating sa trabaho i mean ung madaling mkakahanap at mas mataas ang sahod tska marami po bang pwdng applyn ang mga course na yan pag nag-apply ka sa abroad kumbaga indemand ba sila??gusto q lng po malaman kc gusto sana itake this year ung course na compsci..tnx in advance po!
 
Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

ano ba yan thread necromancy
 
Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

Comsci grad ako. And nung tinanong ko mga IT stud bakit IT ang kinuha nyo at hindi comsci. Sabi nila mahirap daw ang comsci. Ang comsci nakafocus sa programming. Without program hindi mo mapapagalaw ang isang bagay sa gusto mong gawin nung bagay. Ang networking kahit hindi ka IT matutunan mo yan. Anyway kung survival ang paguusapan go ako sa accountancy or engineering.

-Sige pakuhain mo ng Networking yun barbero sa inyo :upset:
Tignan natin makapag subnett sya ng ip within 5-10 secs..
bat napunta bigla sa accountancy ?:salute:
 
Re: Ano po ba pinagkaiba ng Computer-related courses (CS, IT, ComEng) t ECE?

patapak po. :music:
 
Re: Ano po ba pinagkaiba nila Computer Science at Information Technology?

Pa marka. BSIT 1st year here. :hat:
 
Yung mga IT graduates po diyan, gaano po katagal yung inabot bago kayo nakukuha ng trabaho? Salamat po!
 
in my humble opinion, I go for ECE. kasi kung sa palwakan ng employment, panalong panalo ka jan..
 
Back
Top Bottom