Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Anyone else here still not ready to get married or have a family?

crotonbane52

Apprentice
Advanced Member
Messages
50
Reaction score
0
Points
26
I have a girlfriend and we're together for almost 5 years now. I'm in my middle 20's and it's the age where a lot of my friends and peers are starting to get married. But I feel like I'm not ready for it. My mentality feels like it's not up to it yet especially because I know it will be immediately followed up by raising a child. I've talked about this with my gf for honesty's sake and she feels the same way.

It's not like we don't want to get married I mean it's in the back of my mind but it's just never a priority for me right now. But I feel the pressure from my family and her family. We just don't feel like entering that phase yet...
 
Nothing wrong with that I believe.

but you gotta set a bar where you'd have to marry na rin..
some kind of achievement level, status or time constraint..

not because you have to marry
but the need to show your commitment

Siguro we both are at the part of our lives na rin na
we want so much of the world
and we just dont want to be restrained just yet..

and that we don't want to get bound
regretting that we didnt do this or that

so that when we get married...
we know we just want that. :approve:
 
Kung di ka pa ready eh di wag. Laking sakit sa ulo talaga ang pag-aasawa. Ako balak ko mga 40 years old.
 
Ah ganun ba? Ayun pala. Haha. Iyon pala ang rason na bakit meron tao na iinggit sa akin. Feel ko lang. Ang sinasabi sa akin na "wow ang saya. single ka pa" . Ang nagsabi ay meron asawa na. Naramdaman ko tuloy na blessed ang maging single. Ang dami benefit.

Minsan , meron nagsabi na ang lucky ko dahil single raw ako . Basta. Parang ayoko na talaga mag-asawa. Happiness ko na iyon.

Kaya ikaw , tama , huwag muna. Masarap ang wala asawa. Sobra.
 
Ah ganun ba? Ayun pala. Haha. Iyon pala ang rason na bakit meron tao na iinggit sa akin. Feel ko lang. Ang sinasabi sa akin na "wow ang saya. single ka pa" . Ang nagsabi ay meron asawa na. Naramdaman ko tuloy na blessed ang maging single. Ang dami benefit.

Minsan , meron nagsabi na ang lucky ko dahil single raw ako . Basta. Parang ayoko na talaga mag-asawa. Happiness ko na iyon.

Kaya ikaw , tama , huwag muna. Masarap ang wala asawa. Sobra.

masarap walang asawa, kasi magagawa mo lahat ng gustuhin mo, pero ang pag kakaroon ng pamilya ay isang blessing din, kahit ayaw mong ginigising ka sa umaga, may gigising sayo nakahain na yung pagkain mo tapos kinukulit kana ng mga anak mo, im in 30's na pero masaya ako kahit 24 ako nag asawa,
iba ang may asawa sa wala. wala kang gastos
wala kang aalalahanin
wala akng po problemahin dahil sarili mo lang ang problema mo ( para sa iilan na kayang mabuhay ng bawat myembro ng pamilya) ibahin din ninyo yung mga taong tumutulong sa magulang kasi sila may mga problema na din sila at problema din sa kanila ang hindi makatulong sa pamilya,
iba iba ang estado ng buhay ng tao.
iba iba ang kwento .
pero kung tatanungin mo din kung ano ba ang mas masaya,
pero nsa huli din ang pagsisisi.
sabi nga nung matatanda,
"" KUNG ALAM KO LAMANG NA MAGKAKAGANITO SANA NAG IPON AKO NOONG BATA PA AKO AT BUMILI NG MGA BAHAY AT LOTE AT KAUNTING KAGAMITAN ""
ang sagot sa sinabi ng matandang yan at masasagot mo din pag dating ng oras na ikaw ay nkapag asawa kana. dahil hindi lahat ng nag aasawa ay bumabagsak ang buhay at hindi lahat ay TUMATAAS ANG ESTADO SA PAMUMUHAY!!!
 
Ah ganun ba? Ayun pala. Haha. Iyon pala ang rason na bakit meron tao na iinggit sa akin. Feel ko lang. Ang sinasabi sa akin na "wow ang saya. single ka pa" . Ang nagsabi ay meron asawa na. Naramdaman ko tuloy na blessed ang maging single. Ang dami benefit.

Minsan , meron nagsabi na ang lucky ko dahil single raw ako . Basta. Parang ayoko na talaga mag-asawa. Happiness ko na iyon.

Kaya ikaw , tama , huwag muna. Masarap ang wala asawa. Sobra.


well sure being single has its ups gaya ng enumerated mo
pero i am pretty sure there are those days that loneliness comes creeping in...

ive been happily married for the past 8 years
and was recently widowed, my wife was kind enough to sorta prepare me and my kid for what is the worst point in our lives,her passing.
currently my kid stays at her sisters,so technically single ako ngaun.
why am i saying this coz i can compare a single life vs being married

oo siguro swerte ka paningin ng mga not so doing well in their marriages
pero sa isang ok na marriage.

well i just feel sad for those who are single,
the days when you feel tired from work and stress of life
nothing,not even a ferrari waiting in the garage will equivocate the amount of relief a husband's/wife's and childs kiss will bring to you.
among other things, sure wala kang ibang gastos,mas madaming pera for luho and stuff,
pero end of the day not even the latest smartphone will compare to seeing your family smiling at you.

not saying something wrong with being single.
but rather you are missing a lot.

@TS
nothing can make you ready for a married life,
nothing...
but dont get married for the wrong reasons,
dont get married because of peer/family pressure.
but do get married if you can imagine spending your days with her
and if you cant live a day without seeing her.
 
well sure being single has its ups gaya ng enumerated mo
pero i am pretty sure there are those days that loneliness comes creeping in...

ive been happily married for the past 8 years
and was recently widowed, my wife was kind enough to sorta prepare me and my kid for what is the worst point in our lives,her passing.
currently my kid stays at her sisters,so technically single ako ngaun.
why am i saying this coz i can compare a single life vs being married

oo siguro swerte ka paningin ng mga not so doing well in their marriages
pero sa isang ok na marriage.

well i just feel sad for those who are single,
the days when you feel tired from work and stress of life
nothing,not even a ferrari waiting in the garage will equivocate the amount of relief a husband's/wife's and childs kiss will bring to you.
among other things, sure wala kang ibang gastos,mas madaming pera for luho and stuff,
pero end of the day not even the latest smartphone will compare to seeing your family smiling at you.

not saying something wrong with being single.
but rather you are missing a lot.

@TS
nothing can make you ready for a married life,
nothing...
but dont get married for the wrong reasons,
dont get married because of peer/family pressure.
but do get married if you can imagine spending your days with her
and if you cant live a day without seeing her.

Aray ko. Nasaktan ako sa sinabi mo sa word na "you are missing a lot". It seems na sinasabi mo na "you are incomplete and so, find a husband or a boyfriend". Kirut lang naman , but ika nga ayos lang , tutal , meron kasabihan na *happiness is a choice , not a destination* raw.

Aaminin ko , lonely rin ako paminsan-minsan pero hindi ibig sabihin ay magja-jump over ako para maghagilap ng boyfriend o husband dahil kahit hindi ako mag-asawa ay nakakayanan ko nga e.

Iba-iba ang personal experience ng mga tao. Nagkataon na iba ang personal experience mo sa experience ko. Lahat ng tao ay iba-iba experience.

Oo. Nalulungkot din ako pero negative ang loneliness so tayo ang magcocontrol nun. Hahanap tayo na way upang maging happy pero in fairness , hindi basehan ang happiness sa boyfriend-girlfriend or getting married. Ang dami happiness na pagpipilian (kaya nga choice to be happy).

Meron pets, meron friends, madami, meron dieties or Gods/Goddess, meron love yourself. Kaya nga ang mga madre at pare ay single for life but happy. Wala sila husband and wife.

Sologamy - uso sa iba country especially girls who want to marry themselves , single but happy. If you love yourself , marami na raw na cocontribute sa society as a whole at spiritually connect ka na rin sa iba tao and you love everyone na daw.

Nagkataon siguro na alone ka at nalulungkot dahil nasanay ka maging dependent sa ganoon bagay , kaya ang nakikita mo rin sa tao single ay nakakalungkot din dahil mag-isa at wala dinidepende.

Hindi mo naman alam ang sitwasyon ng iba single diba? Malay mo ang iba single ay sanay sa pagiging independent (ang iba) so andoon ang happiness nila. Ako kase nasanay ako maging independent but not too much. Hindi ako sanay sa extreme dependent sa lalake though case to case basis. Iba kase ang happiness ko.

Pero hindi ako nagcocompare na keyso kapag meron ako nakita kinakasal o married ay mababa ang tingin ko o ipinagdidirian ko sila. Hindi a. Minsan , napapasambit sa mind ko na I am lucky kapag nakikita ko ang mag-asawa o magsyota dahil keyso ayoko ng burden or whatever but negative thoughts iyon , sa akin. Erase iyon. Erase.

Mas inaappreciate at tinotolerate ko na lang na "hey happiness nila iyon so mind our own business na lang and don't judge, and don't compare" --- ganun.

Meron rin ako weakness , minsan. I admire guys na self-reliant at self-help (diba mostly ay lalake ganun , lalo na ang mga successful katulad nila Bill Gates at mga ilan lists na famous and rich , tulad ng owner ng facebook , na kulang sa tulog dahil iba ang focus nila) andoon ang inspirasyon ko na feeling ko , na ako rin. Haha. Sina Anita Moorjani at sina Bo Sanchez, mga inspirasyon ko.

You see, masarap maging single for me but depende sa tao kung papaano niya ededeal ang pagkasingle niya , basta ako , ayoko maging malungkot o kung naramdaman ko iyon , hahanap ako ng way para maging healthy at happy ako.

Talaga lang. Ang happiness hindi lang base sa marrying someone o pagkakaroon ng syota o whatever.
 
Aray ko. Nasaktan ako sa sinabi mo sa word na "you are missing a lot". It seems na sinasabi mo na "you are incomplete and so, find a husband or a boyfriend". Kirut lang naman , but ika nga ayos lang , tutal , meron kasabihan na *happiness is a choice , not a destination* raw.

Aaminin ko , lonely rin ako paminsan-minsan pero hindi ibig sabihin ay magja-jump over ako para maghagilap ng boyfriend o husband dahil kahit hindi ako mag-asawa ay nakakayanan ko nga e.

Iba-iba ang personal experience ng mga tao. Nagkataon na iba ang personal experience mo sa experience ko. Lahat ng tao ay iba-iba experience.

Oo. Nalulungkot din ako pero negative ang loneliness so tayo ang magcocontrol nun. Hahanap tayo na way upang maging happy pero in fairness , hindi basehan ang happiness sa boyfriend-girlfriend or getting married. Ang dami happiness na pagpipilian (kaya nga choice to be happy).

Meron pets, meron friends, madami, meron dieties or Gods/Goddess, meron love yourself. Kaya nga ang mga madre at pare ay single for life but happy. Wala sila husband and wife.

Sologamy - uso sa iba country especially girls who want to marry themselves , single but happy. If you love yourself , marami na raw na cocontribute sa society as a whole at spiritually connect ka na rin sa iba tao and you love everyone na daw.

Nagkataon siguro na alone ka at nalulungkot dahil nasanay ka maging dependent sa ganoon bagay , kaya ang nakikita mo rin sa tao single ay nakakalungkot din dahil mag-isa at wala dinidepende.

Hindi mo naman alam ang sitwasyon ng iba single diba? Malay mo ang iba single ay sanay sa pagiging independent (ang iba) so andoon ang happiness nila. Ako kase nasanay ako maging independent but not too much. Hindi ako sanay sa extreme dependent sa lalake though case to case basis. Iba kase ang happiness ko.

Pero hindi ako nagcocompare na keyso kapag meron ako nakita kinakasal o married ay mababa ang tingin ko o ipinagdidirian ko sila. Hindi a. Minsan , napapasambit sa mind ko na I am lucky kapag nakikita ko ang mag-asawa o magsyota dahil keyso ayoko ng burden or whatever but negative thoughts iyon , sa akin. Erase iyon. Erase.

Mas inaappreciate at tinotolerate ko na lang na "hey happiness nila iyon so mind our own business na lang and don't judge, and don't compare" --- ganun.

Meron rin ako weakness , minsan. I admire guys na self-reliant at self-help (diba mostly ay lalake ganun , lalo na ang mga successful katulad nila Bill Gates at mga ilan lists na famous and rich , tulad ng owner ng facebook , na kulang sa tulog dahil iba ang focus nila) andoon ang inspirasyon ko na feeling ko , na ako rin. Haha. Sina Anita Moorjani at sina Bo Sanchez, mga inspirasyon ko.

You see, masarap maging single for me but depende sa tao kung papaano niya ededeal ang pagkasingle niya , basta ako , ayoko maging malungkot o kung naramdaman ko iyon , hahanap ako ng way para maging healthy at happy ako.

Talaga lang. Ang happiness hindi lang base sa marrying someone o pagkakaroon ng syota o whatever.

And I must agree with your arguments on the matter.
Indeed happiness is a choice not a sum of certain circumstances,regardless be it you are single or with a family.

kahit naman sa marriage, believe me, when the romance stops, when everything becomes a routine, when you are so used to having someone beside you,everything becomes a chore and thats when you decide to become happy,,,others result to cheating thou :)

When I said you are missing a lot, i meant that. there are things that only your own family(your own,like really your own, not your mom and dad,sibling etc)can bring something ,something unique that you will only experience in a married life/family life,

What i did not mean thou was what you picked up "that haivng no partner makes you incomplete", being "complete" varies thou and is highly subjective,its one of those profound questions in life, along with why do I exist,as much fun as that would be discussed, not the thread to do so. :)

and again like ng sabi ko para ke TS,dont marry for the wrong reasons..
one of those would be like what you mentioned,na kapag malungkot ka hahanap ka ng jowa or asawa :), thats a band aid fix something even marriage could not fix :)

Well di naman ako ganun kalungkot to a point na tingin ko sa lahat ng single ay malungkot din,pero gaya ng sabi ko sometimes i feel sad for them kasi i know the difference.

I just can see the retrospect between the two states married and single. Ika nga ive been lucky enough to see both ends of the tunnel.

thou I must say this thou, tama ka naman in a sense na you have to love yourself first before you can actually give love to others.
and this day and age,being independent is something that I think is required.
Independence is sort of a gateway to being an adult and something that is much needed,regardless if you choose to be single or married. Being married doesnt always equate that you have to be dependent on each other,rather be independent and yet be confident that should you fuck up in life there is that safety net of your wife/ husband that will assure you that everything is fine and you just need to get up and move forward. That atleast is something that 8 years of being married has thought me. Not saying that being single you dont have that safety net,your friends can do that too, but the difference between the 2 kinds of these safety nets are night and day.

Same thing din naman , I dont think na single people are lonely people or even compare,
every one has their way of being happy and i do respect that
I guess you initial post was just enough to make me say something , something that made me think na you have not been exposed to a certain type of marriage and only been exposed to a certain kind.

"Pero hindi ako nagcocompare na keyso kapag meron ako nakita kinakasal o married ay mababa ang tingin ko o ipinagdidirian ko sila. Hindi a. Minsan , napapasambit sa mind ko na I am lucky kapag nakikita ko ang mag-asawa o magsyota dahil keyso ayoko ng burden or whatever but negative thoughts iyon , sa akin. Erase iyon. Erase.

Mas inaappreciate at tinotolerate ko na lang na "hey happiness nila iyon so mind our own business na lang and don't judge, and don't compare" --- ganun. "

this is something that made me cringe i think...
marriage is not a burden or any relationship for that matter the moment you think that it is , tells something that you have not been with anyone that you actually jived with or share the same things.

any relationship only becomes a burden the moment that you push yourself too hard to be with that person,keyword here is too hard.
thou tama ung thinking na dont compare and stuff, coz the moment you do compare..well that opens pandora's box.

well I think i did mention this earlier,independence is a must nowadays,specially for men.
hindi na ba ganun ang mga tao?sabagay i see more and more spineless people nowadays.who cant even strike a good conversation.
i mean before getting married, i was independent waaayyyy before getting married,had my own place and was self sustaining.
not as wealthy as the people you enumerated,but in my own standards i think i am equally successful in my own right, success thou is like happiness and contentment , very subjective,
but if you are referring to the more typical, socio economic definition of success,well ....


as for being single its your choice and no one is saying that its wrong.
nor that it puts you below married or puts you above , no such thing exist.
and let me just point out as well,
regardless kung married ka or single ka,
lahat nakakramdam ng lungkot,
married or single,parehas hahanap ng way para maging healthy and happy.

And its so true na happyness doesnt just solely rely on being with someone,

just like the other guy said,once you know what are things you want in life,once you gain the independece that youve been fighting to since highschool, once you get to know what makes you happy ,
eventually specially sa lalaki, marriage will eventually come,

bill gates is married last time I checked,
mark zuckerberg has someone if i recall right
anita moorjani is married according to a quick google
even the most powerful right now in the world has a wife behind him :)
 
Last edited:
Marriage? Better think 10x bago magdesisyon at kapag nakapagdesisyon ka na eh pag-isipan mo ulit ng sampung beses.
 
@ zeus001

It seems you are trying to pursuade me of how married life is so unique and awesome. Meron PROS and CONS ang married life. Same lang sa single na meron PROS and CONS din. Meron ako mga sekreto na natutunan. Na-analyze ko ang tungkol sa married life at sa single. Based ito sa personal experience ko at based sa personal experience ng iba tao. Nagkataon talaga na magkaiba tayo na nakita at naranasan.

Natutunan mo. Sinishare mo sa akin. Sinasabi mo na "meron ako na mimiss" sa buhay ko. Ayos sa akin ang ganoon eksakto na pagkakasabi mo sa akin. Iyon nga lang ay lumabas na parang ako ang "nabulag" dahil sa ganoon pagkakasabi mo. Parang ipinalalabas mo na "blinded" ako sa araw-araw na sitwasyon na ginagawa ko sapagkat hindi ko naranasan ang "married life" ... Ang pagka-observe ko ay parang *pinopromote* mo sa akin ang "how marriage life is so wonderful and perfect" which is hindi naman dapat kinakailangan. Ang totoo ay hindi ko naman talaga kailangan ang "married life".

I was satisfied , happy and contented na sa ginagawa ko. Araw-araw. Siyempre , andoon na ang UP and down na parang roller coaster ang buhay. Survival of the fittest para maka-survive sa personal and ekonomikal ng buhay at wala ako iniisip na problema about love life , and ang inuunawa ko ay para sa sarili ko. Medio bigla nadisturb ang mind ko dahil sa 'pag-insist' mo sa akin na 'there is something missing in my life' which is iyon ang makabago o makaluma inpormasyon na pilit pumapasok sa cognitive function ng akin brain , ngunit hindi ko hinahayaan pumasok sa utak ko.

Ang rason ay alam ko ang kaligayahan ko at ang iba inpormasyon na ka-store sa akin brain , na kung saan ako liligaya. Iyon ang sa tingin ko dahilan na bakit wala pumapasok sa akin sarili na meron ako "na mimiss" sa araw-araw ako nabubuhay.

Nakaka-challenge , dahil sa sinabi mo sa akin , sapagkat mas lalo ako matututo mag-survive para manatili ako maging single.

Mahirap maging single. Hindi ko ibig sabihin na mahirap maging single dahil mag-isa ako. Mahirap maging single dahil effort ko para hindi ako pumunta sa punto na mag-aasawa ako. Kapag nakapag-asawa ako ay consider failure ako. Choice ko ang hindi mag-asawa dahil alam ko na I will never be happy. Alam ko ang desire at happiness ko.

Tutal ang "married" ay isa manipis na papel na kahit *ano* o *sino* ay pwede emarried , except if religious na tao at Christian ay meron law na sinusunod like man and woman. Wala ng iba.

Siguro , pwede ako "magmarried" pero to myself. Sologamy. Marrying oneself. Married na iyon. Madre o pare ay married to God. Married means commitment diba? Pwede ko e-commit ang sarili ko, like normal na husband and wife na committed sa bawat isa.

So dapat wala na kataga "missing in our lives" dahil ang love is pwede mahagilap kahit saan-saan sa sulok ng mundo. Sa akin iyon.

Ang tungkol sa sinasabi ko na burden sa akin kapag married life ay mabubuntis pa , ma hohospital pa , maninilbihan pa , mag-aaway pa , mag-aargue pa , nakakulong pa sa house , puyat pa sa bata , sasabog pa ang utak sa kakasaway ng bata , madami ... you know na didisturb ako pero sabi ng iba tao ay happy sila sa ganoon routine. Sadya magkaiba kami. Sabi ko nga ay negative ang mga ito na dapat eerase sa mind ko tungkol sa kung ano ang iniisip ko sa "married life". Wala ako magawa. Single ako. Minsan ay andoon lumalabas ang pagka proud to be single ako (tukso siya pero bad siya so controlled ko) but napipigilan ko.

Negative. So choice ko hindi ko isipin ang mga ganoon.

Tutal , ang family , friends , siblings , husband and wife (or whatever) ay same affectionate ang lahat when it comes to love. Ang difference ay with sex ang husband and wife. Ang ginawa ay procreation. Bakit kinakailangan na maisip na "meron kulang sa mga buhay" natin kung matatagpuan naman kahit saan talaga? Sabagay , if gusto magcreate ng own family ay magbubukod talaga ang tao.

Ako , I see the world as one whole family so I need not create my own family (pero hindi ako religious , madre o pare or whatever ha) sapagkat ang mga madre at padre ang mahilig sa katawagan na sister at brother sa kapwa hindi nila kadugo dahil lahat tayo raw ay pamilya at magkakapatid (wala earthly mother and father dahil meron na sila heavenly god , the father without a wife na mother goddess , na ipinanganak tayo sa sinapupunan ng lupa [adan at eba na gawa sa lupa] kaysa sa sinapupunan ng ina na the real mother , the goddess). So andoon ko na realize na one whole family ang resulta without sex because God , the masculine characteristic of diety is without sex. Biruin , kapag influential role is Goddess , the feminine characteristic is sex , pregnancy , motherhood or whatever --- e di kahit family rin ay puros sex lang din (Iyon ang rason kung bakit ata meron disease na kumalat sa family Egyptian noon bukod sa inheritance. Ngayon, organizado na tayo , kaya meron na tayo knowledge na huwag magsex within blood related family --- kahit nakasurvive ang Goddess sa panahon ngayon which is rare ay hindi na ganoon ang ginagawa within family pero pre-dominant at influential pa rin ang sex sa kanila but meron din sila knowledge sa HIV and AIDS kaya na preprevent din nila). Noon. Sa iba kultura. Iba lang naman. Hindi lahat.

Ngayon , hindi na.

More on companionship and love kapag married life. Same lang sa family and friends natin.

Sinabi ko din kay TS na huwag muna mag-asawa dahil masarap maging single sapagkat para siya single. Girlfriend pa lang ang babae niya. Hindi pa natin sigurado kung ano ang pwede mabago , kaya para siya single na sabi ko na huwag muna mag-asawa dahil masarap maging single. Ang girlfriend ay companionship at love ang kanila. Same sa family and friends or whatever. Ang pinagkaiba ay meron sex at gagawa ng sarili family. Procreation.

Anyway , inspirasyon ko sina Bill Gates , Anita Moorjani , Bill Gates , Mark Zuckerberg at kahit sino famous at rich people dahil successful sa life nila. Magaling magpa-inspired ng tao at meron mga tips o sharing based on experience na kung papaano narating at nakuha ang gusto nila kunin. Hindi dahil sa iniisip ko na sila lahat ay single at na inspired ako. Alam ko na lahat sila ay married.

Ang focus nila ay "love what they are doing" . Iyon ang kasama din sa rason kung bakit nanatili ako single dahil "I love what I'm doing" dahil ang dami ko nagagawa kapag single ako. I love 'sologamy' too.

Ang totoo talaga , ayoko dito magshare ng mga posts sapagkat ang mental ng nakakarami sa symbianize ay hindi makarelate sa ODD, WEIRD at UNFAMILIAR posts ko unlike sa iba community forum (siyempre , international talaga ang mga miembro ay nakakarelate ang iba tao doon na feel ko , same ko lang din mag-isip. the problem is it is difficult for me to write in english so it is better for me to stay here and share my ideas , but it is a risk so I will accept the consequence) ...

Naisip ko nga eshare ang "babies and pets" (pagcompare sa dalawa) pero nagstop ako. Kung elilist ko at ecocompare ko ang dalawa ay malakas ang kutob ko ay aatakehin ako o talaga arguement arise ito so better huwag na lang.
 
@mama meow

and that was a handful :)
i think I hit your home right there :)

well for one I wasn't really convincing you regarding marriage,people like you are more or less decided already on what to do and no longer listen to other people's opinion on the matter.Obvious naman un,and your latest post just proves it. i think its more of for the people reading so they do get to see two sides of the coin.
and like what I did mention on my previous post, being single and married is to be a choice and I do respect what ever your choice is,but ofcourse will rebut on certain points this is a forum after all :)
it just so happens na maganda ung arguements mo :)

one,
being married has its cons and pros true,but its not at all a walk in the park nor is it anything close to wonderful and perfect.
wala naman ako sinabing being married is perfect

Kung mahirap na sayo ang pagiging single,mas mahirap ang pagiging married.

madaming ups and downs ang married life,
from finances to everyday life.
but there are things na hinding hindi maiintindihan ng isang single na tao and probably never will.
and ito ung mga bagay na "you are missing out"
one would be having a son/daughter.
ung ngiti lang ng anak mo kapag pagod ka, ung yakap..
ung halik...iba..
and dont tell me na parehas lang un sa halik ng pamangkin at kapatid ..dahil ...well ibang iba..something na di mo magegets ever.
kung tingin mo dyahe ang pagbubuntis, hospital at pananatili sa bahay.
well oo naman,
pero kapag nahawakan mo na ung bata...
sobrang mawawala lahat ng yan..
pero then again...di mo alam un.



parang ganito,
di mo malalaman ang salitang gutom hanggat lagi kang busog.
hindi mo alam ang salitang ginhawa kung di ka naghirap.

me mas malalim pa,
di mo alam ang umaga hanggat di mo pa nakikita ang gabi.

given na mahirap ang married life..pero bakit madami pa din ang nag eengage sa ganitong compromises?
well its something na your brain wouldn't understand anyway.

good for you kung alam mo ang desires and happiness mo
lahat naman ata ng tao e dapat ganun.
kasi para saan ba ang lahat ng ito,ika nga.
bawat ginagawa natin sa mundo e halos lahat to satisfy our own needs and wants
pero ika nga sa ibang relihiyon,once we stop and we do something selfless thats when we start a higher calling.

kung ang tingin mo sa marriage e isang manipis na papel lang.
at isang pahirap sa buhay gaya nga ng nabanggit mo,
well
it doesnt really equate na un ang katotohanan, sa mundo mo sigurong ginagalawan mo baka.
pero para sa iba ,at karamihan ang kasal at hindi lamang isang kasunduan.
Di ko alam kung anung background mo,
pero sa isang typical na pamilyang pilipino,kumpara sa ibang lahi, mas matibay ang mga salitang kasal at hindi lang procreation gaya ng pinopoint out mo.
siguro naman me kilala kang isang pamilya na masaya ...
tuwing tinignan mo ba sila procreation lang ba talaga?

even sa relihiyon matagal ng tinaggal ang idea ng pro creation,dahil sa over population. :), well except on certain areas na talgang konti lang ang population.

totoo na ang pag ibig e makikita kahit saan at kahit kanino,
at pede mong ituring na pamilya ang bawat isa na nakakasalamuha mo,
pero ung pag ibig na mag eendure sa lahat ng pagkakataon e bukod sa magulang, minsan hindi pa nga,
e ....well...choice ...na un..hehehehe
ever wondered why most people kahit na alam na masasaktan, are still willing to risk falling inlove?
well,...you wouldnt know.

i am skipping the discussion on God, and creation :)

regarding sa mga inspirasyon mo,yeeah true they love what they are doing.
kaya nga sila successful and stuff as pero your indications,
pero there is a trait about them that you would never get and will stop you from being close to their footstep :)

as for your sologamy,
well its another term for narcissm if you ask me,this is my personal opinion thou,
and totoo madalas banyaga lang meron nito,kaakibat ng superiority complex :)
there is a reason why pinoys are considered one of the most happiest people on earth.

as for ts.
like i said nothing will prepare you for marriage .
and dont get married for the wrong reasons.

ung sa babies and pets, sure why not,
pero expect na di maganda ang kakalabasan.
specially at wala kang anak :)
i have both a dog and a kid,and they are worlds apart,specially sa self satisfaction and gratification.
pero again you wouldnt understand that.kasi all you have is a hypothesis.

:)

:)
 
Last edited:
I have a girlfriend and we're together for almost 5 years now. I'm in my middle 20's and it's the age where a lot of my friends and peers are starting to get married. But I feel like I'm not ready for it. My mentality feels like it's not up to it yet especially because I know it will be immediately followed up by raising a child. I've talked about this with my gf for honesty's sake and she feels the same way.

It's not like we don't want to get married I mean it's in the back of my mind but it's just never a priority for me right now. But I feel the pressure from my family and her family. We just don't feel like entering that phase yet...

Wag ka padadala sa pressure. Choice ang marriage. Halos ganyan din yung nararanasan ko ngayon, lalo na sa parents ko. Naunahan pa nga ako ng kapatid kong babae na sumunod sa akin na magkaroon ng asawa at anak. Hahaha. Pero ayoko pa talaga kasi mag-iipon pa ako. Then again, choice yan na pinag-iisipang mabuti at ng ilang ulit. Dahil next level commitment yan na hindi mo pwedeng ayawan na lang ng basta-basta at kung kelan mo gusto sakaling ma-realize mo na di ka pa pala ready or fit.
 
Last edited:
@ zeus001

Same lang din. Subjective ang pagpipilian na kung ano ang pagiging mas mahirap sa dalawa , single at married.

Same ng family , siblings at mga pamangkin pagdating sa love. Same ang affectionate nito ng husband , wife and children. Only difference ay ang husband and wife ay meron sex. Meron sex para magcreate ng child. Child na buo dahil sa love.

Ang family , siblings and pamangkin ay nasabi na iba kaysa sa own family katulad ng husband , wife and children sapagkat it is not enough. Halimbawa. Sa family like mom , dad and siblings at sino blood related ay meron love within sa circle na iyon , but sa circle na iyon ay meron misunderstood at meron conflict sa family although magkakasundo pa rin. Unlike ang boyfriend or girlfriend or future partner ay meron din conflicts at misunderstood sa isa't isa ay isa kiss at meron kasama sex (if ever) ay ayos na ang magsyota. Iyon ang resulta na bakit sobra different. Iba ang feeling. Dagdag ay *magka-same ng interest at hobby* at sa huli ay *getting married* na ang two lovers.

Pagcompare sa family like mom , dad , siblings at any blood related. Minsan , ang family ay meron sari-sarili buhay , sari-sarili interest at sari-sarili hobbies at minsan lang maka-bonding. Hindi naman pwede na isa kiss at isa sex (if ever) ay magkasundo agad. Minsan , ang kiss ay *halik ni Hudas* na deep inside ay meron hate o naiirita (kapag rival o conflict).

Ang ibig ko sabihin ay *meron kulang* kung baga sa family na pagdating sa mom , dad , siblings o any related blood. So pagdating sa iba na hindi natin blood related ay andoon tayo nakakakuha ng love na katulad ng boyfriend-girfriend stuff. Pagkatapos ay masasambit natin na ka gaano kasarap ang meron boyfriend-girlfriend stuff sapagkat companionship iyon with love is on the air , kaya , kakaiba.

Pwede natin maging companionship ang family na katulad ng mom , dad , siblings or any blood related ay iyon lang , hindi sila forever sapagkat tatanda ang isa sa miembro ng family at mamamatay din. And so , magkicreate talaga ang tao ng own family para meron makasama.

Ang totoo , kapag naging focus at center rin tayo sa family at naging committed tayo , and e-love ang family talaga ay same lang ang feeling nito sa sinasabi mo na getting married o married life na husband and wife , and kasama ang anak.

Alam ko din ang pakiramdam na meron anak kahit wala ako anak sapagkat meron ako pamangkin na halos ako ang nag-alaga simula bata. Nag-alaga din ako ng isa bata babae na pinsan ko , na ngayon ay dalaga na. Andoon ko nga natutunan na kapag nag-alaga ng bata ay pwede ito mainpluwensyahan o pwede meron matutunan sa tao nag-aalaga na katulad ng values , moral at beliefs especially kung attach tayo sa inalagaan natin.

Alam ko iyon , kaya nga , ako ang ipinalalabas na marami raw ako sinasabi sa pinsan ko babae (feel like ako ang sinisi) dahil ang totoo , ang patungkol sa patriarchal culture ng Pilipinas , na madami pa ako sinishare about masculine society , about masculine moral and authority in society at blah ... blah ... blah ... sa kanya ay ang ipinalabas ng mga kadugo ko na ako ang nagtulak sa babae na pinsan ko , na maging independent at huwag umasa sa lalake. Pagkatapos nagkaroon ang pinsan ko ng social phobia at nawalan ng interest sa Philippine culture (dahil sa akin). Masyado raw patriarchy (which is kahit ako ay naniniwala sa ganun --- patriarchy naman talaga ang Pilipinas , masculine society at androcentric culture)

Alam ko talaga. Isa pa , alam ko na mangyayari ang ganoon sitwasyon. Kung kaya , nang ibinigay sa akin ang bata na babae ay nagkaroon ako ng fear na baka iba ang mahubog ko sa kanya. Wala choice. Sa akin ibinigay kahit ayaw ko dahil alam ko ang mangyayari sa kasalukuyan. So kahit wala ako own child , alam ko ang pakiramdam na nagkaroon ng anak at inalagaan.

At saka , pwede naman maunawaan ang katayuan ng isa tao na kahit hindi pa nararanasan. Katulad ko ay hindi ko naranasan mabuntis but alam ko kung kagaano kahirap mag-alaga ng bata sapagkat nag-alaga din ako. Isa ay pamangkin ko. Pangalawa ay pinsan ko na babae.

Choice ng mga tao ang married life. Doon sila masaya. Naiintindihan ko ang married life. Sadya hindi ko ipinili lang ang married life.

Tama nga. Baka sa mundo ginagalawan ko ay burden ang married life , but negative kase ito kapag inisip ko na burden ang married life , kaya , hindi ko iniisip na burden ito.

If itinatanong mo sa akin na kung procreation lang talaga ay oo , hindi lang procreation. Meron love din.

Ang sologamy ay madami mali inaakala. Ang narcissm ay depende sa indibidwal na tao. Ang mahalaga ay "love yourself" sapagkat kahit sa biblia , meron nakalagay. Ang iba tao ay narcissm pero hindi lahat. Meron "kasal ang sarili" na nakakapag-asawa pa. Depende sa indibidwal.

Nagkataon lang na "mas una minamahal ang sarili nila" like health , physical and spiritual. Pagkatapos career. Pagkatapos ang love ay spread and connect sa iba-iba tao. Ang iba ay hindi na nakakapag-asawa. Depende sa motibo. Meron iba na , oo , narcissm pero depende lang sa indibidwal na tao.

Anyway , hindi ito hypothesis dahil hindi ito SCIENCE (I mean science na meron halo experimentation and observation , and kuhanan ng data analysis). Beliefs at experience lang natin ito. Dagdag ang knowledge na ikinuha natin sa iba.

P.S.

Alam ko din ang sinasabi mo na falling in love dahil nasaktan na ako. Dalawa pusa ko ang iniyakan ko. Ang una , nawala. Ang pangalawa , ganun din. Nasaktan ako. Still , nag risk ako na kukuha ako ng pusa uli. Babae pusa. Kaya alam ko. Ke tao o hayop o ano man love na ipinagkukuhanan , love pa rin iyon na nagtatake ng risk.
 
Last edited:
@meow

one independence and masculine culture :)

one personally wala akong nakikitang mali sa pagtuturo ng independence sa kahit kanino bata man or me edad na
gaya ng una ko ng nasabi ang independence ay necessity na dapat sa panahon ngaun.

independence is something na madalas misunderstood sa cultura natin.
doesnt always equate na kapag independent ka e,financial lang,
kaakibat din nito ang ilang values

gaya ng napoint out mo na male dominant culture
as far as gender equality once gets mo na at tanggap ito
independent ka na din sa masculine dominant thinking.

saka db mas maganda nga na pantay ang lalaki at babae?
....ill cut this short kasi off topic lalabas :)

as far as sa comparison mo
at sa example given

gaya ng nasabi ko
dahil wala kang anak hinding hindi mo magegets period.

gets ko ung me blood relative ka na entrusted sayo.

pero then again.
before ako nag asawa at na byudo,(32,pa lang ako)
nqgaalaga na ako ng pamangkin ko,at full time din un,
sa akin pinanganak at lumaki,
nagkaroon din ng time na anak ng barkada din hahahhaa kasi pasaway na manginginom ang ina.

ganyan din akala ko nung una parehas lang
pero take it from me magkaibang magkaiba yan sa sinasabi mong parehas lang


pero again ,since wala kang anak di mo mageggets
at never mo mageggets.
gaya nga ng kasabihan

ina kapag anak mo na.....

specially ung level ng love...


wala naman akong sinabing di ka pa naiinlove.
stalked your post,and it seems na nagka jowa ka na
so ung capacity to love is there,just not sure what happened sayo to give up on better things,more challenging things.

again choice mo naman ang pagihing single at i am not convincing you to do the the relationship shit.

qnd sorry,really cats?
naaah loving cats vs loving a kid or another human is too simple to be compared.

i wont touch on sologamy na,
fxed na ang perception mo e.

but let me say this

your reality is based on perception
like the future it is fluid
 
@ zeus001

Ang totoo ay not literal na itinuro ko sa pinsan ko na babae na kinakailangan nito maging independent at huwag umasa sa lalake. Nagkataon na marami ako ipinapaliwanag sa pinsan ko na babae about patriarchal culture , masculine society , androcentrism , paternal law of men katulad ng " keep the virginity " to women , " virgin collector " from men , men's knowledge na tungkol sa " bleeding na sign to be a virgin sa women " --->>> na meron pa " laspag " , " lawlaw " at marami terminology to women's sexuality which is extremely negative connotation and sobra dami na hindi ko maalala ang lahat. Na inpluwensyahan at na-acquire ng pinsan ko na babae ang iba na sinabi ko. Iyon ang *nagtrig* sa pinsan ko na babae na huwag umasa sa lalake at gusto nito maging independent. Ang disisyon na maging independent at huwag umasa sa lalake ay iyon ang hindi ko alam kung ano motibo ng pinsan ko na babae. Kung ang disisyon ng pagiging independent at huwag umasa sa lalake ng pinsan ko ay dahil sa Philippine culture (you know something social stigma sa loob ng society which is pressure ba o ano) or dahil sa gusto lang maging independent at huwag umasa sa lalake sapagkat gusto nito maging free or ... ano? Hindi ko alam.

Ang sipag mo mag-argue sa ganito sitwasyon. Ako , noon , hindi ko iniisip na arguement ito. Ngayon ko nga lang na realize na arguement ito dahil meron ka gusto patunayan. Meron ka gusto patunayan sa married life sa mga tao single(s) na katulad ko , na ang totoo ay hindi naman mababa ang tingin ko sa mga tao married upang epa-gets mo sa akin na kung ka gaano kasarap ang married life.

Kahit sabihin ko na gets ko kung ano ang itinutukoy mo about married life and pagkakaroon ng anak ay you will not accept na gets ko nga iyon.

Ako , noon , ang akala ko ay magkaiba ang feeling ng love ng boyfriend-girlfriend stuff and getting married sa mismo family and / or friends. Alam ko ang feeling na ganoon na tipo meron boyfriend-girlfriend stuff and getting married or whatever , na andoon ang mismo feeling na gusto magprocreate ng child because of love.

Ang akala ko ay magkaiba. Nang hindi kami nagkatuluyan ng boyfriend ko ay naramdaman ko ang feeling of love within family. Once in a lifetime lang iyon dahil nagbond kami lahat. Ang feelings of love is so unique and awesome. Kakaiba siya. Iba talaga. Special iyon. I still remember ang ganoon feelings.

Then , andoon ang depression. Andoon ang stress. Ang boyfriend ko noon is not an inspiration but depression talaga. Pagkabangon , here comes my inspirational idols na mga NOTABLE NEAR DEATH EXPERIENCER na (salamat sa kanila) based on their personal experience , nang nakarating sila sa HEAVEN AFTERLIFE ay hindi na kinakailangan ng boyfriend , girlfriend , family , husband , wife , friends , pets at marami iba pa because ang feeling of LOVE raw in afterlife is so special and awesome.

Andoon pumasok sa mind ko at na realize kung ano ang itinutukoy ng mga " near -death experiencer " about feelings and emotion na iyon. Depressed ako noon. The only thing I learned is to " love yourself " , " love everything you see " daw at many to mention. Nakatayo ako sa sarili ko paa and from now on , I do everything I can na huwag ma depressed.

Based sa personal experience ko plus , ang knowledge na hawak ko about sa nakikita ng aking mata at dagdag ay experience ng iba tao ay ang love dito sa mundo , ke hayop , ke tao o ano pa man ay equal. Nagkataon na temporary lang ito earth na inaapakan natin. Hindi forever.

Marami love talaga pwede pagkuhanan. Nagkataon na iba ang akin dahil nagfocus ako sa sarili ko at sa pangarap ko at marami iba pa (ang feeling and emotion is so unique and awesome) and it is a reason why andoon naisip ko na I want to marry myself but , hindi ganoon kadali. Meron UP and DOWN --- na basta iba ang feeling na nakikipagsapalaran ako sa sitwasyon na hindi angkop sa akin.

Kakaiba siya. Iyon nga lang meron tukso na pwede ako masway sa destinasyon na tatahakan ko.

Then na in love ako sa pusa ko. Ibinigay sa akin ang two kittens. Ipinalaki ko at inalagaan ko. Love na iyon. Love na rin ang ginagawa ko bukod sa pusa ko sapagkat meron ako ginagawa other stuff (meron distraction so another UP and DOWN na naman --- survival) ... ganoon , na honest speaking , I have forgotten about boyfriend-girlfriend stuff and getting married.

Ang dami rin challenging sa buhay ng mga single(s).

Ikaw ang una naglagay ng inpormasyon sa mind ko na meron ako na mimiss on something like pagbubuntis at magkaroon ng anak , na ang truth , alam ko iyon ang ganoon feeling. Same lang din kase ito feelings and emotion na sa family na naranasan , ka dugo at pamangkin at pets but , ayos lang kung ayaw mo maniwala. Nagsasabi lang ako.

Yung sinasabi mo kase na the feeling of love na di ko gets sa married life sapagkat hindi ako nagkaroon ng anak o keyso hindi ako na in love ay lagi mo inuulit sa akin at feel mo talaga na hindi ko gets.

Na gets ko siya. Hindi ko ipinili ang ganoon landas lang dahil iba ang na-in-love-an ko.
 
maybe someone is takot sa commitment or being married kaya ayaw nya :)
 
@ zeus001

Nga pala , nagtataka ako. Sabi mo , masarap magkaroon ng anak na kapag nabuntis ay masakit ito. Pagkatapos ay kapag nahawakan na ang bata ay masarap ang feeling.

E diba? Lalake ka? Papaano mo nalalaman ang ganoon kung hindi ka naman nabubuntis? Ako ang babae. So alam ko ang pakiramdam kung paano mabuntis at magkaroon ng anak. Masyado subjective lang ang pagiging pregnant if it is a joy or it is a curse.

Ako , kahit hindi ko naranasan , alam ko.

Ano ba ang meron?

Nagtataka lang naman.

Totoo.

Blessed/Joy or a curse.

Ang lalake lang ang wala ganoon kataga dahil siyempre , ipinagmamalaki diba ng lalake (sabi) na keyso WALA RAW NAWAWALAN sa KANILA dahil keyso HINDI DAW SILA NABUBUNTIS.
 
Last edited:
@meow

again, gaya ng una ko ng nasabi,
nothing wrong with teaching independence sa pinsan mo, or kahit kanino pa.
and gaya ng nasabi ko na,
its something na needed nowadays.

pangalawa,
arguement, debate, expression call it anything you wish.

pero gaya ng nasabi ko na, the point is not to convince you but to balance the opinion out :)

regarding sa magkaibang feeling sa jowa and asawa.
to a degree mag aagree ako sayo,
kasi saan ba nagsisimula ang mag asawa, sa mag jowa db?
kung ang point of comparison mo is simpleng feeling ng in love.
oo tama ka parehas lang,
nagkakaiba lang sila sa salitang commitment.

paano ba nagiging mag asawa or kaibahan nito sa pagiging mag jowa?

kapag parehas kayo nagdecide na tumahak ng iisang landas.
kapag wala ng romansa.
kapag boring na ang sex
kapag lahat e nagiging routine na lang
kapag inuulan kayo ng problema
kapag parehas na kayong stress
kapag sa kabila ng lahat ng nabanggit e,nagdesisyon kayong dalawa, independently, to stick it out and to stay true sa mga pangakong binitawan nio sa isat isa at
pinili na mag endure yan ang pag aasawa at hindi lang ung pumirma ka ng isang kasulatan.

something na sa tingin ko e , sa naging takbo ng lovelife mo e hindi nio nalagpasan.

Depression...
wag na muna natin pag usapan,kung tingin mo depression ang state nung naghiwalay kayo ng jowa mo,
imagine mamatayan ka ng asawa, or dahil di ka nakakarelate sa notion na un,imagine mawala ang kalahati ng pagkatao mo.

regarding sa temporariness ng mundo,.
we do share the same sentiments there,pagbabago lang ang di nagbabago sa mundo...at lahat e pansamantala lamang.

quote ko to ha

Then na in love ako sa pusa ko. Ibinigay sa akin ang two kittens. Ipinalaki ko at inalagaan ko. Love na iyon. Love na rin ang ginagawa ko bukod sa pusa ko sapagkat meron ako ginagawa other stuff (meron distraction so another UP and DOWN na naman --- survival) ... ganoon , na honest speaking , I have forgotten about boyfriend-girlfriend stuff and getting married.

me aso ako,actually family dog namin siya kinuha namin siya nung time na magjowa pa kami ng asawa ko,
pero tell me,bakit di ko makuha sa aso ko ang parehas na feeling na nakuha ko sa asawa ko?
kasi according sayo, same lang dapat un, pagmamahal db,regardless kung saan galing.
me anak din ako na nagmamahal sa akin,
me magulang pa ako at kapatid, andyan din kapatid ng asawa ko na tinuring na naming pamilya.

pero bakit ganito pa din ang pakiramdam ko? :)


regaridng sa pagbubuntis uu naman,
pero gaya ng sabi ko,me sacrifices.
me kanya kanya sacrifices na ginagawa kayong dalawa independently,
para sa kapakanan ng bata.
uu hindi ako ang me dala, di ako ung nasaktan.

pero ung makita ung hirap ng taong pinakamamahal mo nung nagbubuntis siya.
ung feeling na sana ikaw na lang ang nasasaktan,
ung feeling na sana sayo na lang ung sakit.
ung feeling na wala kang magawa despite ng lahat ng kaalaman mo,lahat ng kapasidad mo.
ung helplessness...

tapos ung makita mo siyang masaya ung iba ung saya sa normal niyang saya sa bawat sipa ng bata,
nung paglabas.
kahit di ko naranasan, kaya kong ikwento dahil asa tabi niya ako bawat hakbang.

regarding blessed joy/curse
depende na yan sa tao
kung paano mo titignan.

lahat naman ng bagay at pangyayari sa buhay natin
e double edged sword
nasa sa humahawak na yan kung paano mo gusto gamitin.

ung mga linyang yan.

Ang lalake lang ang wala ganoon kataga dahil siyempre , ipinagmamalaki diba ng lalake (sabi) na keyso WALA RAW NAWAWALAN sa KANILA dahil keyso HINDI DAW SILA NABUBUNTIS

wag mo sana ilahat.
di mo alam kung ilang oras at kung anung sakripisyo din ang binibigay ng iba kapag buntis ang mga asawa nila.
 
Last edited:
Back
Top Bottom