Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Awkward Moment

AWKWARD MOMENT​

Niyaya ako ng kaibigan kong babae. Pumayag ako. Unang pagkakataon ko na lumabas ng bahay ulit. Hindi ako kase madalas lumabas ng bahay. Minsan lang kapag libre ako.

Dadalawin ng kaibigan kong babae ang crush niya na lalake na pogi. Pogi sa kanya. Ewan ko sa akin dahil hindi ko pa nakikita ang itsura ng lalake. Nang nakarating kami sa bahay ng lalake ay nagulat ako. Malaki ang bahay. Mayaman at may pera.

Napatingin ako sa kaibigan kong babae at hindi ko akalain na hayop siya mamili ng lalake. Marunong siya mamili ng mayamang lalake.

Then, nagdoorbell ang kaibigan kong babae sa gate ng malaking bahay.

Walang dumating.

Nagdoorbell siya ulit.

Wala pa rin dumating.

Ang lupit! Mukha pahihintayin pa ata kami sa labas ng gate a! Sabi ko sa sarili. Mga ilan minuto ay bigla lumabas ng pinto ang lalake na crush ng kaibigan kong babae.

"Ay!" Napasigaw ang kaibigan kong babae sabay takpan ng dalawang kamay niya sa mata.

Ako naman ay nagulat sa ginawa ng kaibigan kong babae na napatingin sa kanya at napatingin din ako sa lalake crush niya.

Okay.

Naiintindihan ko.

Nakahubad ang lalake crush ng kaibigan kong babae ngunit nakatakip ang tuwalya sa ibaba. Basa ang buhok ng lalake at halatang galing sa labas ng banyo.

May abs ang lalake.

Macho ika nga although wala akong hilig.

"Ano nangyari sayo? Bakit lumabas ka na walang saplot na pan-itaas?", tanong ko sa lalake.

"Walang magbubukas ng gate sapagkat ako lang ang tao dito sa bahay", sagot ng lalake habang binuksan niya ang gate at ipinapasok kami sa loob ng sala, habang ang kaibigan kong babae ay tinatakpan-takpan ang kanyang dalawang mata ngunit nakikita pa rin ang nilalakaran niya.

"Naliligo kase ako. Sorry girls, hindi pa ako natapos maligo", sabi ng lalake sa amin at sininyesan kami na maupo sa sala. "Mag-antay lang kayo a?", sabi niya at sabay siya bumalik na nagmamadali sa banyo.

Naupo kami sa sala upang mag-antay.

Nang itinanggal ng kaibigan kong babae ang dalawang kamay niya sa mata ay napasambit siya ng "Grabe! Bakit siya walang saplot?!" -ngunit medio mahina-hinang boses upang hindi marinig ng lalake. "Hindi ba niya alam na babae tayo?! Crush ko pa naman ang lalake na iyon", dagdag niya sa akin.

Aw. Crush niya at kutob ko na hindi alam ng lalake na crush siya ng kaibigan kong babae.

"Well, sayo ay hindi okay. Sa akin ay okay", sabi ko na sabay napataas ang kaliwang kilay ko na may halong pagtataka.

"Ano? Okay lang sayo iyon?", gulat na gulat ang kaibigan kong babae sa akin. "Babae ka naman din. Ang libog mo kung ganun."

Napatahimik ako at sampal sa akin ang sinabi niya. Hindi ko alam kung papaano ko ededepensa ang sarili ko but still, hindi ko maunawaan if bakit kinakailangan pa niya takpan ang dalawang kamay niya nang nakita ang lalake crush niya na walang saplot sa itaas ng kanyang katawan ngunit meron tuwalya sa ibaba.

"A-alam mo... kase... kase..." Napabulong ako ngunit huminto na ako sa sasabihin ko.

Wala ako naintindihan.

"Alam mo, pangit sa babae ang tumitingin sa katawan ng lalake", sabi ng kaibigan kong babae sa akin.

"Bakit pangit?", weirdong tanong ko. Hindi ko pa rin maintindihan.

"Nakakailang-", sagot niya.

"Ano pa?",

"A- basta- ma-fe-feel mo naman iyon. Tipong- tipong- tipong- basta!- hind siya maganda if babae ang tumitingin sa katawan ng lalake. Para ka naman hindi babae if hindi mo alam iyon."

Napatahimik ako. Ulit. Naramdaman ko ang lakas ng sampal sa puso at damdamin ko.

Wala pa rin ako naintindihan.

"O sige. Ano ba ang dapat maging babae? Anong- anong- anong standard rule niyo doon? Honest speaking, I really do not understand if bakit meron lalake naglalantad ng kanyang katawan na kahit pantaas lang ay pare-parehas kayo nagtatakip ng mata. Natatakot kayo doon. Aksidente man siya or wala. Sa lalake nga ay wala pa akong nakitang nagtatakip ng mata kapag nakakita ng katawan ng babae. Worst pa nga ay ang iba doon ay hubo't hubad." Napasambit ako sapagkat hindi na ako makatiis sa sitwasyon na hindi ko maunawaan.

"Girl, ganun talaga. Wala ako alam. Basta, ang initial reaction ko ay tinatakpan ko ang mata ko if lalake na nakahubad lalo na if galing sa banyo. Pangit tingnan sa babae na tumitingin sa katawan ng lalake. It is a sin.", ang pagpapaliwanag ng kaibigan ko sa akin.

Napabuntong hininga ako. Oh well, my awkward moment in my whole life. Napaisip ako na baka ako nga ang kahiya-hiya huh?



A.) Prostitute
B.) Love of Woman or Woman Hater
C.) Boyfriend 2
D.) Artificial Intelligence 3
E.) Female Dominated Society
F.) Death Note Anime Series : Light Yagami = Adolf Hitler and/or Ferdinand Marcos
G.) Re: Libog o Pag-ibig
H.) Women Are Physically Stronger Than Men
 
Last edited:
Back
Top Bottom