Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ayoko ng magaral , ito ang gnawa ko . :(

yah i know sayang ang pera , at maraming gustong mag aral na mahihirap na hindi makapag aral alam ko ang nararamdaman nila , pero ayoko na talaga . pero di baka one day masabi ko sa sarili ko na gusto ko na mag aral . may possibility na ganun



siguro i think the main reason is ayoko na ng course ko and ayoko na talaga magaral , kase wala naman ako barkadang nakaka impluwensya ng masama ,

salamat sa thread mu nakakarelate ako , yung sakin naman, gustong ko un course k , ok pa naman ako 1st semester, alam mu yung feeling na nawawalan kna ng kaibigan un tip0ng cla cla nlng nagkakaintindihan un wala nang pki sau tap0z imbiz na 2lungan ka lalaglag kpa nla, ganun nangyari sken kea 2nd sem ko ka2lad n nangyri sau puro cutting class aq kazama mga 4yr friend q den, gf q galagala dota dami ko kgaguhan. Sa huli nbalitaan ku nlng puro drop un grades q, ptagal ng ptagal lalong kinakabhn aq. Hangang xa dumating un 3rd sem enrolment (trisem kc aq) dun n nalaman ng parent q n ndi aq pumapasok inamin q din ndi kc kinaya ng konsencia ko e. Aun n yari aq peo binigyan another chances ng parents pinuntahan nila un direct0rs offices ksama bute un tym na un ala mxasyad0ng tao, ngdrama un mama ko dun xa director lumuha pa cia aun pinayagan n aq pero under observation n aq un sinasabi nilng "probation ata un" ok na 5 subjects lng nakuha ko , puro sken deep inside sken inisip ko na mangyayari xa 3rd nkakahiya na e, dumating na ang 3rd sem, imbis na mag aayos na aq lalo pang lumala back to 2nd sem nangyari kc ndi ko na makaya tlga prang feeling ko aq center of the eye nila.. Buti ok pa sken un 2 ko frend cla nlng hinuhugan ko nang lkas pra pumasok pero ndi tlaga kya e after 3weks ganun ul8 nang yari ... Nglilihim n naman aq xa parents ko.. Then hindi ko alam na ng inspect un parent ko school then sad to say n feeling ko mamatay na aq un .. Then pagdating ko xa hauz ndi pinagalitan sinavi lng sken punta taung skul bukas syempre galit na galit un.. Inaasar na nga aq ng mga kapatid kc cla mga graduate na eh.. Kinabukasan xa skul pagpunta q ksama mama q nkita ko lhat ng clasm8 q kc kuhaan na ng grades, aun ngkasalub0ng kami ng director and sad to say na super hiya ko pinahiya na aq xa mga clasm8 at teacher ko at ndi na aq pinagbigyan.. Then pag dating xa bhay puro sermon at pnlalait , un tip0ng pinapalayas na aq.. Kulang nlang mamatay na aq.. Dahil xa nangyaring un ndi na aq sinuportahan ng ngpapaaral sken feeling kna iniisip ko na syang.. :( 30k pa naman per semester q.. Nags0rry n tlga xa lhat ng taong niloko q, after 2m0nth gnun pdin tingin ng parents ko sken ginawa ko un natitira kong pera 1.2k someting naaalala ko pa :) pumunta aqng skul at ng decide aqng magtransfer kumuha aq ng tor (transcript of record) at good moral, buti hiwalay hiwalay un grade sheet per sem 1 cofon b0nd gnwa ko tinangal ko un 2nd at 3rd sem na grades ko.. Then nglakas aq ng l0ob na sbihin xa parents ko na guz2 ko mag aral "give me last chance", aun awa nman ni l0rd binigyan aq ng pang transfer xa RTU, pero dis time ala n un nagsusuport sken nwalan n ng tiwala, then ng icip na aq ng plano kinapalan ko n sarili pra kumuha ng part time job sa mcdo den ng seservice aq ng c0mputer repair xa b0rding hauz q, nga pla ng IT kinuha q, ginawa ko last n lihim ko 2ngkol sa TOR aun dun ku nranasan un hirap ng buhay nagfocus na aq xa pagaaral then more friendly person n aq, hindi na aq nahhiya. Aun nka tapoz den aq haha wla clng masabi sken confident na aq khit n hindi ko gus2 un course na nkuha ko sa rtu ok na din kc more c0mputer needed xa mga c0mputer eh , cia nga pla ngwowork n aq xa makati IT Consultant then kumukuha aq sa cisco CCNP ahehe , Tol sana maging aral sau e2ng share q! Ahehe aucin muna hangat maaga pa thnx
 
sayang I.T pa naman balak k0ng tapusin kaso walang pera. 2yrs ako naging tambay ts, gusto ko na n0n mag aral kasi gusto ko matupad yung pangarap ko, kahit walang pera pinilit ko parin mag aral kahit v0cati0nal lang, natapos ko ts 2yrs electrical. Trabaho sa gabi ginagawa ko para may pamasahe, 100+ kasi yung pamasahe ko araw2x. Minsan nga absent ako pag wala talaga pera
 
ganda ng buhay mo ts ahh...palamunin...hahaha!!nganga...sana nung una plang cnbi mo na na ayaw mo magaral...
 
nakakarelate ako sa inyong lahat..pero medyo iiniba ko diskarte.. kumuha ako ng tesda syempre may kinalaman paren sa IT.....pagmay
klase ako sa school hnd ako napasok...nandun ako sa tesda center nagtetraining haha...
 
sabi ni BO dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo gagawin yan limang dekada kang lugi :lmao:

naranasan ko yan hs palang. maniwala kapag sinabing wala kang mapapala sa pagtambay. oo masarap, pero kapag may edad ka na hindi mo na maiiwasan sabihin ang salitang "sayang"

pahinga ka muna, o kaya mangligaw ka sa mga klasmeyt mo para ganahan kang pumasok araw-araw :lmao:

:salute:
 
tol alam ko yan tol babalik ka sa pag aaral then ma me-meet mo yung babaeng magpapatibok ng puso mo..
 
alam mo TS minsan na rin pumasok yan sa isip ko na gawin yang ginawa mo . kaya lang mahal ko talaga ang programming eh. IT din kase ako actually BSIT, ayoko na mag aral kase tinatamad na akong pumasok sa ibang subject, ang trip ko lang talaga yung programming namin. tsaka marami akong tropa kahit alam kong mga bad influence sila sama parin ako hehe :)

mapapayo ko na lang sayo TS,
maghanap ka ng dahilan para mag-aral at pumasok sa school, kunwari mag hanap ka ng mga tropa na gustong gusto mo pumasok dahil sa kanila, o kaya inspiration tulad ng GF, kase ang mangyayari pag ganito nag aaral ka na nag sasaya ka pa sa buhay mo. wag mong bigyan sarili mo ng problema ts, bahala ka mag sisisi ka
 
nakaka relate ako ts~ haha~ ako naman every sem 6 subjects lang tini take ko~ tas 2 dun bagsak or d ko pinapasukan~ hahaha~ pero mag tthird year na ako next sem hahaha~ wala ako balak mag stop masaya mag aral e kaso tinitake ko lang yung time ko in short pinapatagal ko hahaha~ kaya 1 sub lang ako everyday~ no friends pa naman ako wala talaga~ tas irregular pa kaya wala ako nakakausap madalas~ hahays~


payo ko lang ts~ stop ka muna~ den sideline sideline tas aral ul8 ma rrealize mo naman yan na importante ang pag aaral kapag matured ka na~
 
Last edited:
OLd thread

pero naka relate aq sa TS,

1 Sem puro drop ung subject ko..

nung malaman ng mother ko na ayaw ko ng mag aral,
gumawa siya ng paraan
pinuntaha niya mga kaibigan ko na nag aaral sa ibang school/lugar para kombinsihin ako ipag patuloy ang pag aaral ko sa ibang school.

effective naman ung ginawa ng mother ko
at naka graduate na rin ako..



mahirap maghanap ng magandang trabaho kapag wala kang natapos.
 
salamat sa pag up nito at nabasa ko .... sabihin muna habang maaga pa o kaya pwede ka naman mag request sa magulang mo na mag pahinga muna tapos pag naisipan muna pumasok o na miss muna ung school xD pasok kana ulit :) thanks sa share t.s
 
Last edited:
ts. interior design student ako at graduating na ngayung march. IT sana ang kukunin ko na course kaso hindi ganun ka open parents ko dahil mahirap daw maghanap ng trabaho atsaka pag nag ID ako sure job na ako (architect kasi papa ko). napilitan lang ako sa course ko. pero kinaya ko. yung estudyante ba ako na kung ano meron sige yun nalang. hindi ako masinop sa pag aaral pero pumapasa naman ayaw ko kasing ipahiya ang pangalan ng papa ko na baka sabihin ng mga teachers namin na architect na nga papa ko eh ang hina hina ko parin. (mga architect din kadalasan mga teachers namin) pero i begun to like the course as time passed.

ikaw din ts baka mag change ang mind or feel mo. just try thinking about your future if you do that. yun lang nakapag motivate sa akin. :)
hope i helped?
 
Tamad pa tong si T.S, wala pang kamuang muang sa realidad..

Hindi habang buhay nandyan mga magulang mo. Sana may plano ka sa buhay mo kaya gusto mong huminto. Good fortune sayo
 
TS,ganito gawin mo magstop ka muna kung talagang tinatamad ka,at mag-aral ka na lang ulit pagnarealize mo na namaswerte ka dahil may nagpapa-aral sayo,kase sigurado sa bandang huli magsisi ka,itatanong mo sa sarili mo bakit di ko pinagbuti,sana pwede ibalik ang nakaraan at ulitin ang dati.Yan din kase tinatanong ko sarili ko.
 
ang daming gustong mag-aral ts wag mo sayangin :)
 
Last edited:
Maling desisyon yang pinipili mo TS !
Dapat tapusin mo yang pag-aaral mo , sayang ang Gastos at Paghihirap ng iyong mga magulang , Ikaw bahala .
Take note : Nasa Huli ang Pagsisisi
:upset:
 
TS.. don't blame yourself first of all me mga time, i think mostly pa nga, na dumadating sa atin na ayaw na natin ang kasalukuyang ginagawa natin at most of din pinipilit pa rin natin gaya ko nagtapos ako ng 5 years course as engineer then worked na di naman tugma sa natapos ko, pro still kumikita naman ng maganda. sa madaling salita di naman importante kung anu ang tinapos mo, ang importante masusuportahan mo sarili mo sa bandang huli. Isa pa naniniwala ako na mas alam ng katawan natin o ng sarili natin ang maganda para sa atin, kumbaga kung ayaw mo n mag aral siguro di yun ang nararamdaman ng katawan natin na makakabuti sa atin, ang gawin mo isipin mo ang mga bagay na gusto mo. sayang ang panahon gamitin mo ang sobra mong panahon sa pagtuklas ng mga pangangailangan mo at gusto mo. pagplanuhan mo ang buhay mo ika nga. sa ngaun kumikita ako ng maganda sa pagfoforex-currency trading sa maliit na halaga kumikita ako ng malaki dolyar pa at ngeenjoy pa ko pro indi ko naman natutunan ang pagfoforex sa pagsschool interasado lang talaga akong kumita ng malaki. sayang ang perang ginagastos mo sa pagpapalipas ng oras paroo't parito sa mga lugar na magliligaw lang ng landas mo. subukan mo munang magbakasyon ng makapagisip isip ka, minsan isipin mo rin kung di ka tinatamad kung anu ang mangyayari sa buhay mo kung ipagpapatuloy mo ang ganyang ginagawa mo. kahit mayaman ka pa at pamanahan ka ng milyon milyon ng magulang mo kung indi mo naman alam ang plano mo sa buhay ay ala ring magagawa kayamanan mo. marami aq kilala na kumikita rin ng malaki sa pagfoforex na mga high school students habang nagaaral at marami rin ako kilala na indi nagtratrabaho at pagfoforex lang pinagkakaabalahan. malay mo pagfoforex na lang ang pagasa mo...

sana nakatulong ako
 
been there, done that. 5 years ko din ginawa yung ganito, I just forged yung class cards ko pati yung receipts ng enrollment. nalaman lang ng parents ko dahil may sumulat sa kanila na friend ko na hindi nga ako pumapasok but till now di ko pa din kilala kung sino gumawa nun. but thankful ako sa kanya kahit papano. anyway, ito lang ma-share ko,

- "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. "

- “Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

Quote, Unquote from Bob Ong.

Baka lang makatulong sayo kasi sa kin nakatulong yan though late ko na din nabasa yan but at least I realized kung ano ba yung nawala sakin. Hindi nga totoo na kapag nakapag-tapos ka eh yayaman ka na o gaganda ang buhay mo but at least kahit papaano may maipagmamalaki ka sa mga anak mo, ngayon okay naman work ko etc. but meron pa din talagang pakiramdam na may kulang sa buhay ko & when I searched deep within, yung hindi nga ako nakapagtapos. Hindi dahilan na may Call Center naman na puwedeng pasukan kapag hindi nakapagtapos kais ngayon hanap na nila is 2nd year college kaya hindi na talaga puwedeng dahilan. Try mo na lang mag-shift ng course baka hindi kasi yan ang gusto mo tapos kung wala pa din talaga sabihin mo na lang sa parents mo na hinto ka muna but sana lang wag kang maging pabigat sa kanila. Lastly, pray and ask for guidance. Be blessed & be a blessing! ;)
 
Back
Top Bottom