Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Bahaghari

"Lalayuan mo si Islaw ngayon din!! Hindi kita pinalaki sa buhay na langit upang bumagsak sa isang maglulupa lamang."


May kudlit ng kirot ang suyo ng pinapangarap. Hindi pala madali ang manatiling nakatayo kapag ang niyayapakan ang dahilan ng pagtumba.


"Nagmamahalan kami ni Islaw, Papa."


Ngunit ang pagmamahalang langit at lupa ang pagitan ay suntok sa buwan. Kasing imposibleng makasumpong ng bahaghari sa hatinggabi o nang tala sa umagang masanting ang araw.


"Pakakasalan mo si Senior Esteban,sa ayaw at sa gusto mo Simplicia,hindi ka nababagay sa hayop na yaon!!"



Walang pangakong kaligayahan,gaano man kadakila ang pagmamahalan.
Maging kasing lalim man ito at lawak ng dagat,sa huli'y walang saysay ang lahat.


Susubukin ng tadhana ang matimpiing puso.


"Opo Padre,tinatanggap ko."




At kapag mahina ito,sandali lamang upang igupo.


"Paalam Pisyang!"








Ang tao kapag namatay, nagiging isa sa mga bituin,nagiging tala daw ito sa kalangitan na sa payapa ngunit mapanglaw na magdamag,nagmamasid-nagbabantay. Nakatingin sa naiwang mahal sa buhay.
Ngunit ang nais ko'y maging bahaghari.
Ayokong sa bawat gabi ay masilayan mo't maaalalang wala na ako.
Kapag nagsukob ang init at ang hamog,sa muling pagsikat ng araw pagkatapos ng ambon. Sa pambihirang pagkakataong magtagpo ang araw at ang ulan.


Sa maliwanag at makulay na dulo ng bahaghari,asahan mo'ng ako'y naroon.

Hinihintay kita Pisyang.




"Hindi ako lumimot sa sumpaan natin Islaw,naangkin ng iba ang aking kaluluwa ngunit hindi kailanman ang aking puso"



Nilipad ng malakas na hangin ang laglag na mga dahon,kasama ang pinaghalong pait at tamis ng kahapong sa iisa't pinakamalayong sulok na lang ng puso namamahay.









wakas
 
Back
Top Bottom