Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit ganito ang parents ko?

CuriousGal

Recruit
Basic Member
Messages
17
Reaction score
0
Points
16
Ang strict ng parents ko pero not to the point na hindi pwede lahat. May konti pa din naman akong kalayaan. Ayaw nila akong bigyan ng sarili kong cellphone kasi daw hindi naman daw gaanong kailangan pero halaos meron ako lahat ng gadget maliban doon. Inexplain ko din kung bakit kailangan ko ng cellphone pero ayaw padin nilang pumayag. Bakit kaya ayaw nila? Ayaw din nila akong papasukin sa school mag-isa hinahatid-sundo parin nila ako kaya paminsan nakakahiya sa mga kaklase ko.

Very open ako sa kanila. Lahat talaga sinasabi ko sa parents ko kasi mahal ko sila kahit strict sila. Pero merong may gustong manligaw sa akin at gustong -gusto ko rin siya pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya at papayagang manligaw sa akin. Naalala ko kasi dati na pumayag akong may manligaw sa akin at sinabi ko yon sa parents ko at sinabi na hindi pa daw ako pwedeng mag-boyfriend pagkatapos nalang daw mag-aral mas maganda daw kung mag-focus nalang daw muna ako sa studies. Ano ngayon ang gagawin ko? Bakit ganito parents ko? Please help.
 
aba bakit mo ako tinatanong? ikaw din makakasagot nyan lol

bata ka pa kasi..ni hindi ka pa siguro nag aayos ng sarili mong kwarto manliligaw na inaatupag mu? pinoprotektahan ka lang ng mga parents mu sa paglabas mu sa totoong mundo(magulo ito ineng..ndi xa laro) kaya ganyan sila ka strict sau..look at the positive side and ndi lagi sa negative side ok? one side ka kasi mag isip e..
 
Ang strict ng parents ko pero not to the point na hindi pwede lahat. May konti pa din naman akong kalayaan. Ayaw nila akong bigyan ng sarili kong cellphone kasi daw hindi naman daw gaanong kailangan pero halaos meron ako lahat ng gadget maliban doon. Inexplain ko din kung bakit kailangan ko ng cellphone pero ayaw padin nilang pumayag. Bakit kaya ayaw nila? Ayaw din nila akong papasukin sa school mag-isa hinahatid-sundo parin nila ako kaya paminsan nakakahiya sa mga kaklase ko.

Very open ako sa kanila. Lahat talaga sinasabi ko sa parents ko kasi mahal ko sila kahit strict sila. Pero merong may gustong manligaw sa akin at gustong -gusto ko rin siya pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya at papayagang manligaw sa akin. Naalala ko kasi dati na pumayag akong may manligaw sa akin at sinabi ko yon sa parents ko at sinabi na hindi pa daw ako pwedeng mag-boyfriend pagkatapos nalang daw mag-aral mas maganda daw kung mag-focus nalang daw muna ako sa studies. Ano ngayon ang gagawin ko? Bakit ganito parents ko? Please help.

Maswerte ka at may Parents ka na sobrang nag aalaga saiyo, yung iba wala nang direksyon ang buhay nila dahil wala nang nag gaguide sa kanila. Lilipas rin ang ganyan pag strikto ng parents mo kapag nakita ka na niyang kaya mo nang itaguyod sarili mo nang walang alalay sa iba.
Marami na experience parents mo, kaya kinikwento palang natin maaring alam na agad nila magiging resulta. Paglipas ng panahon marerealized mona buti nalang ganun sina mama at papa, yan lage ang masasambit mo, at magkakaanak karin, saka mo mararamdaman feeling nila ngayon. ;)
 
Last edited:
They love you so much kaya ganyan sila, love them in return pakita mo sa kanila na your worthy to have a boyfriend na kumbaga handa kana, when that time comes eh ako man parent mo papayagan na kita basta nakikita ko ready kana, pero kahit panty mo di mo kaya pang labhan eh di tlaga ako papayag nyan mag bf kana kagad, sana ma gets mo ibig namin sabihin.
 
Naiintindihan ko po ang mga nais ninyong ipahiwatig. Marunong naman po akong mag-ayos ng sarili kong kwarto, maglaba ng sarili kong panty, etc.

Pero ano pong gagawin ko sa guy, papayag po ba akong ligawan niya ako?
 
Ilang taon ka na ba? Tanungin mo ulit parents mo dba open ka sa kanila? sabihin mo may nangliligaw nanaman sayo tapos ask mo kung papaligaw ka. PAg ayaw ng parents well baka hindi ka pa handa or wala pa silang tiwala sa kakayahan mo. Medyo paranoid din parents mo kaya naging uber strict sila sayo. Tama yung sabi ng iba magpasalamat ka nalang talaga kasi may parent na gumagabay sayo. Follow mo lang parents mo kasi lahat ng ginagawa nila para din yan sa ikabubuti mo at ng pamilya mo. Parent ako so alam na alam ko yan, marerealize mo rin yan pag naging Mom ka na :) Good morning
 
Naiintindihan ko po ang mga nais ninyong ipahiwatig. Marunong naman po akong mag-ayos ng sarili kong kwarto, maglaba ng sarili kong panty, etc.

Pero ano pong gagawin ko sa guy, papayag po ba akong ligawan niya ako?

Lam mo kasi hinde lang marunong kana sa mga gawain ay kaya mona sarili ko, in real world, mas malupit, mas malalim, mas maraming mapagsamantala,walang fairy tales story sa tutuong buhay, lage mong ineexpect ang worse scenario everytime na lalabas ka ng bahay mo. May mga taong mabait sa iyo yung pala dinadala kana sa trap nila. Example, Maaring smart ang isang tao pagdating sa academic pero pagdating sa aplication nahihirapan nang iapply, marami akong kilalang ganyan. Be smart at maging mapanuri.
 
Ang strict ng parents ko pero not to the point na hindi pwede lahat. May konti pa din naman akong kalayaan. Ayaw nila akong bigyan ng sarili kong cellphone kasi daw hindi naman daw gaanong kailangan pero halaos meron ako lahat ng gadget maliban doon. Inexplain ko din kung bakit kailangan ko ng cellphone pero ayaw padin nilang pumayag. Bakit kaya ayaw nila? Ayaw din nila akong papasukin sa school mag-isa hinahatid-sundo parin nila ako kaya paminsan nakakahiya sa mga kaklase ko.

Very open ako sa kanila. Lahat talaga sinasabi ko sa parents ko kasi mahal ko sila kahit strict sila. Pero merong may gustong manligaw sa akin at gustong -gusto ko rin siya pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya at papayagang manligaw sa akin. Naalala ko kasi dati na pumayag akong may manligaw sa akin at sinabi ko yon sa parents ko at sinabi na hindi pa daw ako pwedeng mag-boyfriend pagkatapos nalang daw mag-aral mas maganda daw kung mag-focus nalang daw muna ako sa studies. Ano ngayon ang gagawin ko? Bakit ganito parents ko? Please help.

May point naman parents mo and i think masunurin ka namang anak. Mahal na mahal ka lang nila kaya ganun at iniiwas ka lang sa pwedeng mangyari lalo na iba na ang panahon ngayon. Hindi lang naman ikaw nakaranas ng ganyan. Tiis lang ng konti at makikita mo rin yung magandang resulta. By the way ilang taon kana ba kasi?
 
Simpleng kanta lang to, pero siguradong iyan lang din ang iniisip ng magulang mo. Ibang iba na ang panahon ngayon kumpara sa panahong kinalakihan nila. Siguradong ang gusto lang nila ay yung ikabubuti mo. Kung pinagbabawalan / pinaghihigpitan ka, wag mo isiping KJ lang sila. Mas malamang, dumaan na sila sa ganun, maalam na sila sa kung ano ang posibleng mangyari, at ayaw nila na maranasan mo ito. Huwag pagmalakihan na kaya mo na tumayo sa sarili mong paa. Mas malamang ay hindi mo pa talaga kaya. Malayong-malayo buhay-bata / buhay-binata / buhay-dalaga kung ikukumpara mo sa totoong buhay. Kapag bata ka pa, ang isip mo sa mundo ay parang puro saya at ligaya lang. Kapag tumanda ka, mamumulat ka na lang na hindi pala ganun ang buhay. Maswerte ka at may magulang ka na ganyan.

Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo. Yan ang totoo.
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na na alam
mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw
ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang makinig ka na lang

Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa ‘king payo pagkat musmos ka lamang
At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian

Batang-bata ako nalalaman ko ‘to
Inamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan alam
ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man kahit bata pa man

Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata

Batang-bata ka pa at marami ka pang
kailangang malaman at intindihin sa mundo
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Batang-bata ka lang at akala mo na na alam mo
na ang lahat na kailangan mong malaman

Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
Ay isang mumunting paraiso lamang
 
Bilang magulang gusto ka lamang nila mapabuti. Ayaw nila na madistract ka sa pag-aaral. Hangga't ikaw ay nasa puder ng magulang mo matuto kang sumunod sa kanilang nais dahil para ito sa kabutihan mo. Walang magulang ang naghahangad ng masama para sa anak.

You may be pissed at them kasi tingin mo ayaw nila na magdesisyon ka para sa sarili mo pero balang araw marerealize mo na may tama sila kung bakit pinipigilan ka nila magkalovelife.

Ako dumating na ako sa edad na kaya ko na magdecide on my own pero I still confide to my parents. Nadala na kasi ako, madami na akong naranasan na kung sana sinunod ko ang nanay ko eh di sana ako nagkaganito o nagkaganyan despite of that I am proud to say na dahil din sa paghihigpit ng magulang ko eh nakatapos ako ng di nabubuntis ng maaga o nagaasawa ng maaga dahil kinikilatis ng nanay ko lahat ng naging manliligaw ko. Naging strikto din sila sa akin pero nagbenefit din naman ako. Maganda ang buhay ko ngayon. Masaya ako sa boyfriend ko at aprub sila sa bf ko.

At totoo ang sabi ng iba dito kaswerte ka dahil ganyan ang magulang mo. Yung iba kasi pinapabayaan lang, napariwara sila.

Kung ayaw mo sundin parents mo, bumukod ka at wala ng magdidikta sayo ng gagawin mo pero kung kumakain ka pa sa mga palad nila marapat lang na sumunod ka, at di ka naman mauubusan ng lalaki, mahaba pa itatagal mo, makikilala mo ang taong para sayo sa tamang panahon. Books before boys muna.
 
Makinig kay mam imma :praise:
 
PARENTS ..
bigyan kita ng maiksing kwento .,
yung anak ko., kahit maliit na lamok hindi ko pinapadapo ..
pag nadadapa sya napapabalikwas ako ng galaw ., para bang automatic reflexes na ng katawan ko na saluhin sya ..
pakainin at bigyan ng magandang tirahan ..
paluin pag may nagagawang mali para hindi na nya ulitin .,, minsan masyadong exsaherado tayo kasi hindi pa nya ginagawa pinapagalitan na natin
AT kapag ipinilit nya yung isang bagay ., pinapalo natin sya ., kasi hindi na natin pinaparating pa na gawin nya yung isang bagay na alam nating masasaktan lang sya ..
example talaga ?? yung paglapit sa electric fan ., madalas sinusundot ng bata yun ..
lalapit palang pagagalitan na ., malapit na sisigawan na . at pag andun na sa harap at akma nang susundutin yung elisi ., palo talaga para hindi na nya ulitin ..

ganyan ang PARENTS ..
hindi mo maiintindihan kasi nga wala ka sa posisyon nila ..
hindi mo maiintindihan kasi akala mo alam mo na ang lahat ..
kaya mo na ang lahat ..
MALI !!
kahit section 1 ka simula ng grade 1 up to 4rth year mo .,, hindi mo pa din alam ang pakiramdam ng magulang ..
pero 101% .. pag nakatapos ka ., kahit anung gawin mo sa buhay mo mag asawa ka man agad .. hindi ka nila pa din pababayaan .,
they may tell you that hindi nila gusto yung guy ., or sila pa ang pipili para sayo .. problema hindi mo din gusto .. haha
alam ko sobra ., pero try to understand !
hindi k nga bata ng 1050's .. pero napaka swerte mo kung ang magulang mo ay iniingatan ka ..
may mga taong walang pakialam sa anak ..
kung kumain na ba ., nakaligo ., nakatae ng ayos ., umiinom ng tubig o puro softdrinks .,
sugal duon sugal dito ..
promise hindi mo magugustuhan ang ganyang magulang ..

halos lahat puro kalokohan sa forum na tahanan na to ..
pero kung seryoso ang post mo .,
hindi ka masyadong makakakita ng masakit sa mata ..
try mo mag post sa fb .. haha BASHERS ang mag popost para sayo te ..

--SHIN
 
Ang strict ng parents ko pero not to the point na hindi pwede lahat. May konti pa din naman akong kalayaan. Ayaw nila akong bigyan ng sarili kong cellphone kasi daw hindi naman daw gaanong kailangan pero halaos meron ako lahat ng gadget maliban doon. Inexplain ko din kung bakit kailangan ko ng cellphone pero ayaw padin nilang pumayag. Bakit kaya ayaw nila? Ayaw din nila akong papasukin sa school mag-isa hinahatid-sundo parin nila ako kaya paminsan nakakahiya sa mga kaklase ko.

Very open ako sa kanila. Lahat talaga sinasabi ko sa parents ko kasi mahal ko sila kahit strict sila. Pero merong may gustong manligaw sa akin at gustong -gusto ko rin siya pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya at papayagang manligaw sa akin. Naalala ko kasi dati na pumayag akong may manligaw sa akin at sinabi ko yon sa parents ko at sinabi na hindi pa daw ako pwedeng mag-boyfriend pagkatapos nalang daw mag-aral mas maganda daw kung mag-focus nalang daw muna ako sa studies. Ano ngayon ang gagawin ko? Bakit ganito parents ko? Please help.

ang landi mo:madslap::madslap::madslap::madslap::madslap::madslap::hit::hit::hit::hit::hit::hit::hit:
 
17 po ako. Salamat po sa mga payo ninyo ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit at nagpapasalamat ako para doon. Pero nasabi ko na po sa parents ko kagabi and hindi po ulit sila pumayag sayang gusto ko pa naman yung guy :( . Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa guy, ayaw ko kasi masaktan feelings niya pero gusto kong maging friends kami.

Salamat po ulit sa lahat ng payo niyo.
 
maiintindihan mo din yan pag nagkapamilya't anak kana TS.
sa ngayon sundin mo sila at gawin mo lahat para matapos sa pag aaral mo.
 
17 po ako. Salamat po sa mga payo ninyo ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit at nagpapasalamat ako para doon. Pero nasabi ko na po sa parents ko kagabi and hindi po ulit sila pumayag sayang gusto ko pa naman yung guy :( . Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa guy, ayaw ko kasi masaktan feelings niya pero gusto kong maging friends kami.

Salamat po ulit sa lahat ng payo niyo.

Tell him the truth. Pili ka masaktan parents mo kasi sususwayin mo sila o masaktan yung guy kasi di ka pa pwede ligawan? If gusto ka niya maiintindihan niya ang sitwasyon mo.
 
Sunod ka muna sa parents mo. 17 ka pa lang panahon ng pagkilala sa sariling desisyon. Na sa akala mo alam mo na lahat. Natural iyan sa ganyang edad ang humanga sa ibang kasarian pero tapusin mo muna pag-aaral mo. Matagal pa lalakbayin mo sa pag-ibig at huwag magmadali. Sa ngayon paglalakbay sa pag-aaral para sa kinabukasan mo at ang ilalagi mo sa mundo ang paghandaan mo.

Natural sa parents ang ganyan lalo na sa mga ganyang edad dahil mas kaialangan kang gabayan. Upang hindi magkamali lalo na kung babae ka. Mahirap mag-aral kung sakali ng may kalong na maliit na bata.
 
may point ung parents mo at may point ka din kase modern na ngayon siguro d sila makasabay sa panahon ng pagbabago ,
kase natural na yan sa mga teens ngayon ang magka BF , nasa sayo naman yan kung magpapabaya kasa study mo .
mahirap din kase kapag strict ang parents , mas lalong nagloloko ang bata .

balance dapat :)
 
Ang strict ng parents ko pero not to the point na hindi pwede lahat. May konti pa din naman akong kalayaan. Ayaw nila akong bigyan ng sarili kong cellphone kasi daw hindi naman daw gaanong kailangan pero halaos meron ako lahat ng gadget maliban doon. Inexplain ko din kung bakit kailangan ko ng cellphone pero ayaw padin nilang pumayag. Bakit kaya ayaw nila? Ayaw din nila akong papasukin sa school mag-isa hinahatid-sundo parin nila ako kaya paminsan nakakahiya sa mga kaklase ko.

Very open ako sa kanila. Lahat talaga sinasabi ko sa parents ko kasi mahal ko sila kahit strict sila. Pero merong may gustong manligaw sa akin at gustong -gusto ko rin siya pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya at papayagang manligaw sa akin. Naalala ko kasi dati na pumayag akong may manligaw sa akin at sinabi ko yon sa parents ko at sinabi na hindi pa daw ako pwedeng mag-boyfriend pagkatapos nalang daw mag-aral mas maganda daw kung mag-focus nalang daw muna ako sa studies. Ano ngayon ang gagawin ko? Bakit ganito parents ko? Please help.

Npakaswerto mo TS. my bad experience na siguro ung parents mo nung mga bata pa sila. for example sumuway sila sa parents nila. etc. kaya nangako sila sa magiging anak nila na hinding hindi mangyayari sa anak ko yan. susubay-bayan kong maigi ang paglaki ng anak ko. Later on in your life malalaman mo din kung bakit sila ganyan sayo at magiging thankful ka pa.

matuto munang mg square root bago humarot ~ Lola Nidora
 
Last na tanong ko na po ito ,promise. Bakit po may ibang teenagers na meron ng mga boyfriend? Bakit sila pinapayagan sila ng parents nila? Kung ako din naman papayagan, hindi ko din naman pababayaan ang studies ko.
 
Back
Top Bottom