Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit ganito ang parents ko?

Hayaan mo sila. Kung masisira o gaganda ba buhay nila kasama ka?

Alalahanin mo buhay mo iyan. Masira yan, ikaw naman magsusuffer hindi sila.

Maaalaman mo rin iyan kapag parents ka na. Baka nga mas mahigpit ka pa. Sa ngayon kasi hindi naman pwedeng prangkahin ka ng mga magulang mo para sabihin ang lahat. Concern iyan para sa iyo. Hindi iyan basta demokrasya, dapat nasa lugar o nasa tamang panahon.
 
iba iba ang mga magulang. me maluwag sa lahat merong mahigpit.. wag ka muna mag boyfriend ineng makakasira lang yan sa pag aaral mo
mabuti ka nga me magulang na ganyan.. wag ka maiingit sa iba na me boyfriend. hayaan mo sila.. studies muna tapusin mo. after nyan makagraduate
ka.
 
Last na tanong ko na po ito ,promise. Bakit po may ibang teenagers na meron ng mga boyfriend? Bakit sila pinapayagan sila ng parents nila? Kung ako din naman papayagan, hindi ko din naman pababayaan ang studies ko.

Nasasabi mo lang yan ngaun na d mo mapapabayaan ang studies mo. kapag nabuntis ka sigurado ka bang papasok ka pa din kapag kitang kita na evidence sa tyan mo? Tapusin mo muna pag aaral mo.
 
Nako Miss ang swerte mo nga dahil may magulang ka na ganyan :) heed the advice of your parents, mas may alam sila.

Ako nga 19 yrs old na, mag 20 yrs old this year but still no girlfriend :) Focus kc ako masyado sa school/studies ko. hehehe. wag ka mag madali mag BF, anjan lng yang mga lalaki, lalo na pag graduate ka tapos may magandang work ka, nako dadami lalo manliligaw mo hehehe.

sa ngayon kasi wala ka pa sa tamang edad, you will know you are at your right age, when you can decide for yourself, when you can stand on your own feet, when you can defend and protect yourself from others. until that day happen, your parents will be the one to do that for you. They are preparing you, molding you so that when they grow old, they won't have any worries about you because they know you can do it. Life is never easy especially when you are part of the "Society" (that's when you are at the right age and/or working to earn). As we grow older, challenges and problems piles up.

I know after reading my post, you tell yourself "sino ba yang happylol56 na yan eh halos magkalapit lng kami ng edad, kung makapayo kala mo kung sino." Well to tell you honestly, maaga akong namulat sa katotohan at sa reyalidad ng buhay. At an early age, I've seen and experienced how cruel that reality is. Minsan nga na-iinggit ako sa ibang mga kabataan na masayang naglalaro, kasi sila naranasan talga nilang maging bata, yung wala silang ibang iisipin kundi ang maglaro ng maglaro :)


A good song for you~ Batang bata ka pa by Apo Hiking Society

:)

- - - Updated - - -

and btw pla tungkol dun sa lalake na gusto mo ung manliligaw sayo, explain to him na hindi ka pa pinapayagan ng magulang mo mag BF. If hindi nya kayang mag antay na maka graduate ka/kayo muna sa pag aaral, nako mag isip ka na ngayon palang :) ang mga ganyan ay pang madalian lng yan hhahahah.
 
para ndi mu masaktan ung sinasabi mong manliligaw mu..sabihin mu pare ndi tayo talo lol
 
dont worry anak ndi ka nag iisa sa ganyang sitwasyon... pareho kayo ng anak ko..
we love her so much....
study 1st ...ok?
God bless you anak...
 
ts, alam mo po ba ang biggest fear ng bawat magulang ay mapariwala ang kanilang anak,
mbuntis ng maaga at magsilang ng walang ama, kaya ciguro sila naghihigpit ay dahil din
sayong kapakanan.
 
Last na tanong ko na po ito ,promise. Bakit po may ibang teenagers na meron ng mga boyfriend? Bakit sila pinapayagan sila ng parents nila? Kung ako din naman papayagan, hindi ko din naman pababayaan ang studies ko.

Iba iba kasi ang mga parents sa pamamaraan nila. Tingnan mo si Sarah G di ba sabi sobrang higpit ng parents? Pero napariwara ba? Ganun lang yan. Understand always think na para sayo lahat yang mga ginagawa nila.
 
Masyado lang silang protective sayo kaya ganun. Mahal ka nila. Ayaw ka nilang malagay sa alanganing buhay o kapahamakan. Aminin man natin sa panahon ngayon maraming kabataan ang nahumaling sa cellphone lalo na ngayon na smartphone na ang uso marami ka nang pwedeng magawa sa gadget na yan. Maraming napapariwara at naloloko dahil lang sa cellphone minsan nagiging dahilan pa para mabuntis ng maaga. Kasi kung ano-ano ang pinaggagagawa sa cellphone kung sino-sino ang kausap di rin natin masasabi kung may maka meet ka na di mapagkakatiwalaan at may gawin sayong masama. Siyempre ang unang unang masasaktan at makukunsensya ay yung mga magulang mo kasi hinayaan nila na sundin ang luho na gusto mo. Sa manliligaw mo pwede namang di mo muna sagutin pwedeng maging magkaibigan muna kayo. Sabihin mo na lang na kung mahal ka talaga nya makakapaghintay siya hanggang makatapos kayo. Dun malaya ka nang mag boyfriend kung gusto mo mag asawa ka na agad basta siguraduhin mo lang na may maganda kang trabaho at wag na wag mo kakalimutan ang magulang mo. Ganyang ganyan yung mga pinsan ko magkapatid sila. Yung lalake oo may mga pinormahan siya nung nag aaral pa lang siya pero alam nya kung hanggang saan lang yung limit nya di siya nagpalulong sa lovelife at mas tinutukan nya yung pag aaral nya ngayon ang ganda na ng trabaho nya at may formal na siyang relasyon ngayon na maganda rin ang estado sa buhay. Yung kapatid nya naman talagang pinagbawalan mag boyfriend hanggat di nakakatapos may manililigaw siya hanggang ngayon naghihintay sa kanya konti na lang makaka graduate na siya ilang buwan na lang at pwede nang maging opisyal na sila. Simple lang naman ang hiling ng mga magulang kumpara sa mga nagawa nila para satin. Sa mga simpleng bagay man lang mapasaya natin sila at makita nila yung magandang bunga ng paghihirap at sakripisyo nila para satin. Sundin mo na lang wag matigas ang ulo para di ka magaya sa iba na dahil sa kasuwailan at katigasan ng ulo napapahamak pa lalo. Sana makatulong yung advice namin sayo. Good luck and God bless :)
 
Naiintindihan ko po ang mga nais ninyong ipahiwatig. Marunong naman po akong mag-ayos ng sarili kong kwarto, maglaba ng sarili kong panty, etc.

Pero ano pong gagawin ko sa guy, papayag po ba akong ligawan niya ako?

bata kapa makikipag pustahan ako hindi kayo magiging forever plus baka buntisan kalang nya hindi bastos yung sinabi ko alam mo naman totoo buhay raming bata na nag kakaroon nang anak at nagsisi sa mga ginawa nya kung bakit hindi sya nakapag tapos, hindi nya narating yung kung ano yung gusto nya.. buti kapa over protective yung parents mo dahil iniintindi ka nila dahil mahal ka nila at ayaw nila mangyari sa iba.. sasabihin ko lang sa iyo PUPPY Love lang yan Tip lang sayo kapag 25 yrs old to 29yrs old kana dyan ka makakahanap nang tunay. wag ka mag madali mahirap masaktan at nag aaral ka pa tapusin mo muna yung pag aaral mo.. nasa huli yung pagsisisi
 
Ang strict ng parents ko pero not to the point na hindi pwede lahat. May konti pa din naman akong kalayaan. Ayaw nila akong bigyan ng sarili kong cellphone kasi daw hindi naman daw gaanong kailangan pero halaos meron ako lahat ng gadget maliban doon. Inexplain ko din kung bakit kailangan ko ng cellphone pero ayaw padin nilang pumayag. Bakit kaya ayaw nila? Ayaw din nila akong papasukin sa school mag-isa hinahatid-sundo parin nila ako kaya paminsan nakakahiya sa mga kaklase ko.

Very open ako sa kanila. Lahat talaga sinasabi ko sa parents ko kasi mahal ko sila kahit strict sila. Pero merong may gustong manligaw sa akin at gustong -gusto ko rin siya pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya at papayagang manligaw sa akin. Naalala ko kasi dati na pumayag akong may manligaw sa akin at sinabi ko yon sa parents ko at sinabi na hindi pa daw ako pwedeng mag-boyfriend pagkatapos nalang daw mag-aral mas maganda daw kung mag-focus nalang daw muna ako sa studies. Ano ngayon ang gagawin ko? Bakit ganito parents ko? Please help.

Bakit ganyan parents mo? Unang una kasi nga mahal ka nila, priority ng magulang mo ang pag-aaral mo. Swerte mo nga at may ganyang kang magulang kasi karamihan sa mga batang katulad mo walang pakealam ang magulang nila sa kanila. Nandiyan na yung pinagbubuhatan sila ng kamay, hindi nabibigyan ng atensyon, at kung anu ano pa.
Tapos ikaw tingnan mo sitwasyon mo. Hindi naman para sa kanila yung ginagawa nila para sayo yun in the future. Sabi nga ng magulang ko madaling maghanap ng bf/gf o mag-asawa pero mahirap pag nasa ganun ka na. Madaming magbabago, madaming mawawala at ang pinaka mahirap pag nawala sa magulang ay yung tiwala nila na ibinigay sayo.
Dun sa part na manliligaw mo kausapin mo siya na kailangan makapag tapos muna. Mas ok ipakilala ang lalaking nakagtapos kesa hindi. Kasi ang gusto lang naman ng magulang natin ay yung makakabuti satin. well opinyon ko lamang ito goodluck kung makikinig ka sa mga payo ng mga ka-symb natin. :beh:
 
Ganyan talaga TS, Ako nga nakagraduate na lahat lahat at nakapgtrabaho hindi parin pinapayagan. Minsan nakakapagtampo na..HaHa
 
Hmm.. Kung ako ang parent mo e proud ako sa iyo kasi open ka sa magulang saka nag aaral ng mabuti.

Alam mo kasi e ang tingin ko e may standard ang iyong parents and they consider you "pure". Ayaw nilang mabahidan ka at maimpluwensyahan ng masama. Parents tend to do that when they love their kids too much. Over protective ika nga. Kung ako ang tatanungin mo e panig ako sa magulang mo. Kasi it seems like nasa high school ka pa lang. Masyado ka pang mapusok sa mga bagay bagay. Yung mga kabataan ngayon e gusto agad nilang tumanda. Gusto agad nilang magkaproblema sa pag ibig...

Please do understand that life is a matter of priorities. What is your priority No. 1??? ano ang dapat mong unahin ngayong stage na ito ng buhay mo??? Syempre sasabihin mo e priority mo mag aral... Then, can you afford na pagsabayin ang lovelife at pag aaral? Babae ka pa naman. Mas emotional ang babae pagdating sa pag ibig. Mas talo ang babae palagi. Natatakot lang ang parents mo kasi nakita na nila ang maaaring mangyari. And believe me, almost 75% ng naiinlove sa hyskul e hindi nagkakatuluyan... Such a waste ng youth.

Pero naiintindihan ko naman na meron kang matinding silakbo ng damdamin para sa iyong minamahal. However, i would not recommend na seryosohin mo ito. Kasi hanggat hindi mo naiipaliwanag sa akin kung ano ang theory of relativity at mga pangyayari noong 1942, hindi pa ako naniniwala na develop na ang brain mo.

Prioritize kung ano ang hinihingi ng panahon at mas kelangan... True love waits.
 
Ang strict ng parents ko pero not to the point na hindi pwede lahat. May konti pa din naman akong kalayaan. Ayaw nila akong bigyan ng sarili kong cellphone kasi daw hindi naman daw gaanong kailangan pero halaos meron ako lahat ng gadget maliban doon. Inexplain ko din kung bakit kailangan ko ng cellphone pero ayaw padin nilang pumayag. Bakit kaya ayaw nila? Ayaw din nila akong papasukin sa school mag-isa hinahatid-sundo parin nila ako kaya paminsan nakakahiya sa mga kaklase ko.

Very open ako sa kanila. Lahat talaga sinasabi ko sa parents ko kasi mahal ko sila kahit strict sila. Pero merong may gustong manligaw sa akin at gustong -gusto ko rin siya pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya at papayagang manligaw sa akin. Naalala ko kasi dati na pumayag akong may manligaw sa akin at sinabi ko yon sa parents ko at sinabi na hindi pa daw ako pwedeng mag-boyfriend pagkatapos nalang daw mag-aral mas maganda daw kung mag-focus nalang daw muna ako sa studies. Ano ngayon ang gagawin ko? Bakit ganito parents ko? Please help.

sosolusyonan naten ang problema mo enge ng contact number mo o kaya email address mo



akong bahala sayo :)
 
bilang isa ring magulang ganyan din kami ni misis sa anak naming dalaga,16yrs old na sya.nag ka bf sya ng di namin nalalaman gawa nga ng nahikayat ng barkada tusuhan.pero ng malaman ko nagalit ako sa kanya at sinabi ko sa mama nya pinagalitan din sya.suma tutal pinapunta namin ung guy sa bahay may kasama sya pinsan nya.nagkataon naman na wala anak namin at ung araw na un ay aalis at magbabakasyon sa tita nya.so sinabihan namin ung guy na bata pa kayo at pagaaral muna atupagin nyo.pumayag naman sya at pagdating ng anak ko kinausap sya at nakipag break na.mahal na mahal namin ang anak namin panganay sya at may kapatid pa syang malilit.pinagaaral namin sya sa private iskul.ayaw namin matulad sya sa mga ka idadan nya samin na walang pakialam ang magulang kung mag bf man o kung ano mang oras umuwi,at ngaun buntis na ang ibang mga fren nya at huminto na din sa pagaaral.ang sitwasyon mo at sitwasyon ng iyong magulang ay halos kaparehas ng samin ni misis.istrik kami pagdating sa ganyang mga bagay.sana maintindihan mo na marami na kaming karanasan kaysa sa iyo at alam na namin ang magiging bunga ng ganyang mga bagay.kase sa sitwasyon mong yan dika makakasiguro na makakapagpigil kayo sa inyong mga sarili,mapusok ang mga kabataan ngaun.magaral ka munang mabuti,hangat kaya kang pagaralin ng magulang mo.marami pang lalaki na darating at makikilala mo sa paglipas ng panahon.at kung makapagtapos kana at may magandang trabaho....DIBA ANG SAYA SA PUSO NG MAGULANG NA MAKITA ANG ANAK NILA NA NASA MAGANDANG KALAGAYAN ANG ANAK NILA!nagbunga ang kanilang pagpapagal sa buhay.kaya laging payo ko sa anak kong dalaga MAGARAL..MAGARAL..MAGARAL KA,hangat kaya ka naming pagaralin pa,hangat malakas pa kaming mga magulang mo.ung nanliligaw sayo diretsahin mo ng sagot...sabihin mo na di pwede kasi pagaaral muna ang priority ko.gawin mong inspirasyon ang mga magulang mo or kung may mga kapatid ka gawin mo silang inspirasyon.sana ma gets mo ung mga sinasabi ko at ganon din ung mga payo ng mga ka sb natin.magaral kang mabuti-para sayo yan.
 
Naintindihan ko po. Salamat po sa mga payo mga ka-symb



Sinabihan ko na rin pala yung guy nung last day of school. Makakapaghintay daw po siya :)
 
Atta girl. Strict din ang asawa ko sa anak kong kolehiyala. Tulad mo, hatid sudo pa rin sya. Hindi rin naming sya iniiwan kani-kanino lang at walang overnight with friends. Yung mga friends nya, pwede mag-overnight sa amin. Maaring may bf na rin sya, kahit online lang; pero that will remain to be proven. Ganoon pa man, lagi ko syang pinaaalalahanan na unahin ang pag-aaral. Isang pagkakamali lang na mabuntis o makabuntis ang kabataan, maaring magbago na ang kinabukasan nya...Forever. Agree ako sa lahat ng nagbigay ng reply...Mahal ka kasi ng mga magulang mo. Ang laging payo ko lang sa anak ko ay mag-aral ng mabuti. Tiisin ang pagiging strict ng Nanay nya. Pag tuntong sa panahon na makatapos sya at magka-trabaho, lahat ay magiging pwede na. Sa tamang panahon. goodluck and Godbless.
 
Last edited:
mag-aral ka muna saka na ka lang magpaligaw kong 18 ka na.. or after mag college maghanap ka ng trabaho, bumokod ka ng bahay para malaya ka ng maglandi.. :lol:
 
Last edited:
Back
Top Bottom