Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

"Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?"

serialkey07

The Martyr
Advanced Member
Messages
774
Reaction score
33
Points
88
Power Stone
Space Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Mind Stone
"Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?"

Kung tatanungin mo ang mga tao kung ano ang dapat nilang gawin upang makapunta sa langit (kung naniniwala sila sa langit o buhay pagkatapos ng kamatayan), ang lagi nilang isinasagot ay ang iba’t ibang anyo ng pagiging “mabuting tao.” Karamihan, kung hindi man lahat ng relihiyon at mga pilosopiya sa mundo ay nakabase sa mabubuting gawa. Kahit pa ang Islam, Judaismo, o sekular na humanismo ay karaniwang nagtuturo na ang pagpunta sa langit ay sa pamamagitan ng pagiging mabuting tao – pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos, o sa mga katuruan ng Koran o pagsunod sa mga Gintong Utos. Ngunit ito ba ang itinuturo ng Kristiyanismo? Ang Kristiyanismo ba ay gaya ng ibang mga relihiyon sa mundo na nagtuturo na ang pagiging mabuting tao ang magdadala sa tao sa langit? Siyasatin natin ang Mateo 19:16–26 para sa ilang kasagutan. Ito ang kuwento tungkol sa isang binatang mayaman.

Ang unang bagay na ating mapapansin sa kuwento ay ang tamang tanong ng binatang mayaman: “Ano ang aking gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan? ” Sa pamamagitan ng katanungang ito, makikita nating kinikilala niya ang katotohanan ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang ginagawa ay mayroon pa ring kulang, at nais niyang malaman kung ano pa ang kanyang dapat gawin upang magtamo ng buhay na walang hanggan. Gayunman, sa kabila ng pagtatanong ng tamang tanong, sinabi niya ito mula sa isang maling pananaw – na ang pagpunta sa langit ay sa pamamagitan ng gawa (“Ano ang aking gagawin…”); hindi niya nauunawaan ang tunay na kahulugan ng Kautusan, gaya ng ipinapaliwanag sa kanila ni Hesus, na ang kautusan ay nagsisilbi lamang guro hanggang sa dumating ang Panginoong Hesu Kristo (Galacia 3:24).

Ang ikalawang bagay na ating mapapansin ay ang sagot ni Hesus sa katanungan ng binatang mayaman.Sinagot ni Hesus ang binata ng isa ring tanong: “Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti?” Sa ibang salita, nais ng Panginoon na ipaunawa sa binata ang puso ng usapin, na walang sinuman ang mabuti at walang gumagawa ng mabuti kundi ang Diyos. Gaya ng nasabi na, mali ang pananaw ng binatang mayaman: inaakala niya na kaya ng tao na gumawa ng mabuti upang makamit ang buhay na walang hanggan sa langit. Upang bigyang diin ang nais Niyang sabihin, sinabi ni Hesus na kung gusto ng binata na maranasan ang buhay na walang hanggan, dapat niyang sundin ang mga Kautusan. Hindi ni Hesus sinasabi na ang katuwiran ng tao ay makakamit sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan. Sa halip, itinutuwid ni Hesus ang mababaw na pananaw ng binatang mayaman tungkol sa Kautusan at sa kakayahan ng tao na iligtas ang kanyang sarili.

Malinaw ang sagot ng binatang mayaman. Nang sabihin ni Hesus na dapat siyang sumunod sa kautusan, tinanong niya si Hesus, “Alin sa mga kautusan?” Patuloy na ipinakita ni Hesus ng buong hinahon ang maling pananaw ng binatang mayaman sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng ikalawang talaan ng Kautusan – ang mga kautusan na may kinalaman sa pakikipagrelasyon sa kapwa tao. Madadama ang kabiguan ng binatang mayaman sa kanyang sagot kay Hesus na sinusunod na niya ang mga Kautusang ito mula pa sa kanyang pagkabata. Dalawang bagay ang mapapansin sa puntong ito. Una, ang kawalang kabuluhan ng sagot ng binata. Sa pagsasabi na ginaganap na niya ang lahat ng Kautusang iyon mula sa kanyang pagkabata, sinuway niya ang kautusan tungkol sa pagsaksi sa hindi katotohanan. Kung tunay siyang tapat, sasabihin niya na kahit gaano ang kanyang pagtatangka na sundin ang mga Kautusan, lagi siyang nabibigo araw-araw. Mababaw ang kanyang pangunawa sa Kautusan at malaki ang tiwala sa kanyang sariling kakayahan. Ikalawa, alam din niya na hindi sapat ang kanyang kabutihan; kaya’t sinabi niya kay Hesus, “Ano pa ang kulang sa akin?”

Sa puntong ito sinalungat ni Hesus ang pagtitiwala ng binatang mayaman sa kanyang sariling kabutihan. Sinabi ni Hesus na kung gusto niyang maging ganap (o perpekto), dapat niyang ipagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at sumunod sa Kanya. Ganap na nailantad ni Hesus kung ano ang kulang sa binatang mayaman – ang pag-ibig nito sa kanyang kayamanan. Naging diyus-diyusan ng binatang mayaman ang kanyang malaking kayamanan. Inaangkin niya na kanyang nasunod ang lahat ng Kautusan ng Diyos, ngunit sa katotohanan, ni hindi nga niya masunod ang pinakaunang utos, ang utos na huwag magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa tunay na Diyos! Tumalikod kay Hesus ang binatang mayaman at lumakad palayo. Ang kanyang “diyos” ay ang kanyang kayamanan, na kanyang pinili sa halip na si Hesus.

Bumaling si Hesus sa kanyang mga alagad at itinuro ang isang prinsipyo: “Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.” Kagulat-gulat ito para sa mga alagad (at sa mga Hudyo) na naniniwala na ang kayamanan ay tanda ng pagpapala ng Diyos. Ngunit ipinaliwanag ni Hesus ang ginagawa ng kayamanan upang hadlangan ang tao sa paglapit sa Diyos – ang pagtitiwala sa kasapatan ng kayamanan sa halip na sa Diyos. Kaya’t nagtanong ang mga alagad, “Sino ngayon ang maliligtas?” Ipinaalala ng Panginoon sa mga alagad na ang Diyos ang nagliligtas at hindi ang tao: “Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari. ”

Sino ang maliligtas? Kung iiwan ng Diyos ang tao sa kanyang sarli, walang maliligtas kahit isa! Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao upang makapunta sa langit? Dahil walang sinuman ang “mabuti”; may isa lamang mabuti at iyon ay ang Diyos mismo. Sinasabi ng Bibliya na “ang lahat ay nagkasala at walang sinuman ang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Roma 3:23). Itinuturo din ng Bibliya na ang kamatayan ang kabayaran ng kasalanan (Roma 6:23a). Salamat at hindi hinintay ng Diyos ang tao na maging mabuti; dahil “ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin (Roma 5:8).

Ang kaligtasan ay hindi nakasalalay sa ating sariling kabutihan kundi sa kabutihan ni Hesus. “Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka” (Roma 10:9). Ang kaligtasang ito ay isang napakamahal na kaloob, at gaya ng tunay na kaloob, hindi ito pinagpapaguran o binabayaran man (Roma 6:23b; Efeso 2:8–9). Ito ang mensahe ng Ebanghelyo: walang sinuman ang sapat ang kabutihan upang makapunta sa langit. Dapat nating kilalanin na tayo’y nagkasala at hindi karapatdapat sa kaluwalhatian ng Diyos at dapat nating sundin ang Kanyang utos na magsisi sa ating mga kasalanan at ilagak ang ating pananampalataya at pagtitiwala kay Hesu Kristo at sa kanyang ginawa sa krus. Si Kristo lamang ang sapat ang kabutihan at karapatdapat sa langit, at ipinagkakaloob Niya ang kanyang katuwiran sa sinumang sumasampalataya sa kanyang pangalan (Roma 1:17).
 
Re: "Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?"

Ano ang ibig sabihin ng kaligtasan sa pamamagitan ng bawtismo? Ang bawtismo ba ay kailangan para sa ikaliligtas?​

Ang "baptismal regeneration" ay ang paniniwala na kailangang mabawtismuhan ang isang tao upang maligtas. Pinaninindigan namin na ang bawtismo ay isang mahalagang hakbang sa pagsunod ng isang Kristyano sa utos ni Kristo ngunit mariin naming tinatanggihan ang katuruan na kailangan ang bawtismo para sa kaligtasan. Naniniwala kami na ang bawat isang mananampalataya ay dapat na bawtismuhan sa pamamagitan ng paglubog sa tubig. Ang bawtismo ay naglalarawan ng pakikipagisa kay Kristo sa Kanyang kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na muli. Idinideklara sa Roma 6:3-4, "Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? "Samakatwid, tayo'y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama'y mabuhay sa isang bagong pamumuhay." Ang paglulubog sa tubig sa isang mananampalataya ay naglalarawan ng pagkamatay niya sa kanyang sarili kasama ni Kristo at ang pag ahon sa tubig ay sumisimbolo sa kanyang pagkabuhay sa bagong buhay gaya ng pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Hesu Kristo.

Ang pagdadagdag ng anumang gawa sa pananampalataya kay Kristo para sa kaligtasan ay kaligtasan sa pamamagitan ng gawa. Ang magdadag ng anuman sa Ebanghelyo ay ang pagtanggi na sapat na ang kamatayan ni Hesus upang ganapin ang ating kaligtasan. Ang pagtuturo na kailangan nating magpabawtismo upang maligtas ay pagtuturo na kailangan nating magdagdag ng mabuting gawa upang gawing sapat ang kamatayan ni Kristo. Ang kamatayan lamang ni Hesus ay sapat ng pambayad para sa ating kaligtasan (Roma 5:8; 2 Corinto 5:21). Ang kamatayan ni Hesus ay ibinilang na pambayad sa ating kasalanan sa Diyos sa pamamagitan lamang ng pananampalataya (Juan 3:16; Mga Gawa 16:31; Efeso 2:8-9). Kaya nga, ang bawtismo ay isang mahalagang hakbang sa pagsunod sa utos ni Kristo pagkatapos ng kaligtasan ngunit hindi maaaring maging sangkap para sa kaligtasan.

May mga talata na tila ibinibilang na sangkap ang bawtismo sa kaligtasan. Gayunman, dahil malinaw na itinuturo sa atin ng Bibliya na ang kaligtasan ay nararanasan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya (juan 3;16; Efeso 2:8-9; Tito 3:5), tiyak na may ibang interpretasyon sa mga talatang iyon. Sa panahon ng isulat ang Bibliya, ang isang tao na napabilang sa isang bagong pananampalataya ay kinakailangang bawtismuhan upang ipahayag na siya ay kabilang na sa isang bagong relihiyon. Ang bawtismo ay isang paraan upang ipahayag sa publiko ang desisyon ng isang tao. Isinasaad ng pagtanggi sa bawtismo na ang isang tao ay hindi tunay na sumampalataya. Kaya sa isipan ng mga apostol at ng mga unang alagad, ang ideya ng isang mananampalataya ni hindi pa nagpabawtismo ay hindi nararapat. Kung ang isang tao ay nag-aangkin na siya ay nanampalataya kay Kristo, ngunit nahihiyang ipahayag iyon sa publiko, ito ay isang ebidensya na hindi pa siya totoong nanampalataya.

Kung ang pagbabawtismo ay kailangan para sa kaligtasan, bakit sinabi ni Pablo na, "Salamat sa Diyos at wala akong binabautismuhan sa inyo kundi sina Crispo at Gayo" (1 Corinto 1:14)? Bakit niya sasabihin na "sinugo ako ni Cristo, hindi upang magbautismo kundi upang mangaral ng Mabuting Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng pananalitang batay sa karunungan ng sanlibutan upang sa gayo'y hindi mawalan ng kabuluhan ang kamatayan ni Cristo sa krus." (1 Corinto 1:17)? Sabihin na natin na ang mga nasabing talata ay laban sa pagkakabaha-bahagi sa iglesia sa Corinto, masasabi ba ni Pablo na "Salamat sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo" o kaya nama'y sabihin niya na "sinugo ako ni Cristo, hindi upang magbautismo kundi upang mangaral ng Mabuting Balita"? Kung ang bawtismo ay kinakailangan para sa kaligtasan, parang sinasabi ni Pablo, "nagpapasalamat ako na hindi kayo naligtas.." at hindi ako ipinadala ni Kristo upang magligtas.." Ang pananalitang ito ay hindi kapani-paniwala na sasabihin ni Pablo. Gayundin, ng magbigay si Pablo ng kanyang detalyadong katuruan tungkol sa kung ano ang tunay na Ebanghelyo (1 Corinto 15:1-8), bakit hindi niya binanggit ang bawtismo? Kung ang bawtismo ay kinakailangan para sa kaligtasan, paanong ang bawtismo ay hindi binanggit sa presentasyon ng Ebanghelyo?

Ang "baptismal regeneration" ay isang konsepto na hindi sinasang-ayunan ng Bibliya. Hindi nakapagliligtas ang bawtismo sa kasalanan kundi ito ay kailangan sa paglilinis ng konsensya. Sa 1 Pedro 3:21, malinaw na itinuro ni Pedro na ang bawtismo ay hindi isang seremonya ng paglilinis sa sarili kundi ng paglilinis ng konsensya sa harapan ng Diyos. Ang bawtismo ay isang simbolo kung ano ang nangyari na sa puso at buhay ng isang taong nagtiwala kay Kristo bilang kanyang Tagapagligtas (Roma 6:3-5; Galacia 3:27; Colosas 2:12). Ang bawtismo ay isang mahalagang hakbang sa pagsunod sa halimbawa ni Kristo na dapat gawin ng isang mananampalataya. Hindi ito isang sangkap para sa kaligtasan. Ang gawin itong sangkap sa kaligtasan ay paglaban sa katuruan ng kasapatan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Hesu Kristo para sa ating kaligtasan.

Re: "Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?"

Hindi ko ibinasa. Nakafocus ako sa tanong ito " Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit? " ===> Ang isasagot ko ay ang rason, kung bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit ay dahil people need religion muna to go to heaven. So kung walang religion ay hindi ma sasaved ang tao dahil importante sa tao ang religion.

It means religion ang tangi daan para ma saved sila dahil andoon ang God in religion ng mga tao. I mean literal God in religion.

Hindi makakapunta sa langit kapag walang religion o hindi siya masasaved.

Marami naman lists of religion na pwede pagpilian. Pwede magreligion shopping at alamin ang content ng religion kung meron kalidad or wala dahil kung wala---ganun din, hindi masasaved ang tao. Walang religion ay hindi ligtas plus din ang content quality ng religion to go to heaven.
 
Last edited:

Dapat po binasa niyo sir. Nasa itaas po yung ibang sagot sa post niyo po na ito.
By the way sir. Isummarize ko nalang po.
Ito po ang sabi ng Bible.

Hindi kailangan umanib sa isang relihiyon upang makamit ang kaligtasan..
John 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Joh 1:12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:

Si Jesus Cristo lang ang Daan tungo sa kaligtasan, wala nang ibang paraan maliban ang Tanggapin siya Bilang Panginoon At Tagapagligtas.
Joh 14:6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

Ang pag gawa ng mabuti at pagsunod sa mga haligi, sakrament ng mga relihiyon at kautusan ay hindi makakapag ligtas sa atin sa apoy ng Impyerno.
Eph 2:8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
Eph 2:9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
Isa 64:6? But we are all as an unclean thing, and all our righteousnesses are as filthy rags; and we all do fade as a leaf; and our iniquities, like the wind, have taken us away.?
Act 16:30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
Act 16:31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.

Ang mabubuting gawa ay resulta ng pananampalataya kay Hesu Kristo.
Eph 2:10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Last edited:
Re: "Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?"

Kung tatanungin mo ang mga tao kung ano ang dapat nilang gawin upang makapunta sa langit (kung naniniwala sila sa langit o buhay pagkatapos ng kamatayan), ang lagi nilang isinasagot ay ang iba’t ibang anyo ng pagiging “mabuting tao.” Karamihan, kung hindi man lahat ng relihiyon at mga pilosopiya sa mundo ay nakabase sa mabubuting gawa. Kahit pa ang Islam, Judaismo, o sekular na humanismo ay karaniwang nagtuturo na ang pagpunta sa langit ay sa pamamagitan ng pagiging mabuting tao – pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos, o sa mga katuruan ng Koran o pagsunod sa mga Gintong Utos. Ngunit ito ba ang itinuturo ng Kristiyanismo? Ang Kristiyanismo ba ay gaya ng ibang mga relihiyon sa mundo na nagtuturo na ang pagiging mabuting tao ang magdadala sa tao sa langit? Siyasatin natin ang Mateo 19:16–26 para sa ilang kasagutan. Ito ang kuwento tungkol sa isang binatang mayaman.

Ang unang bagay na ating mapapansin sa kuwento ay ang tamang tanong ng binatang mayaman: “Ano ang aking gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan? ” Sa pamamagitan ng katanungang ito, makikita nating kinikilala niya ang katotohanan ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang ginagawa ay mayroon pa ring kulang, at nais niyang malaman kung ano pa ang kanyang dapat gawin upang magtamo ng buhay na walang hanggan. Gayunman, sa kabila ng pagtatanong ng tamang tanong, sinabi niya ito mula sa isang maling pananaw – na ang pagpunta sa langit ay sa pamamagitan ng gawa (“Ano ang aking gagawin…”); hindi niya nauunawaan ang tunay na kahulugan ng Kautusan, gaya ng ipinapaliwanag sa kanila ni Hesus, na ang kautusan ay nagsisilbi lamang guro hanggang sa dumating ang Panginoong Hesu Kristo (Galacia 3:24).

Ang ikalawang bagay na ating mapapansin ay ang sagot ni Hesus sa katanungan ng binatang mayaman.Sinagot ni Hesus ang binata ng isa ring tanong: “Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti?” Sa ibang salita, nais ng Panginoon na ipaunawa sa binata ang puso ng usapin, na walang sinuman ang mabuti at walang gumagawa ng mabuti kundi ang Diyos. Gaya ng nasabi na, mali ang pananaw ng binatang mayaman: inaakala niya na kaya ng tao na gumawa ng mabuti upang makamit ang buhay na walang hanggan sa langit. Upang bigyang diin ang nais Niyang sabihin, sinabi ni Hesus na kung gusto ng binata na maranasan ang buhay na walang hanggan, dapat niyang sundin ang mga Kautusan. Hindi ni Hesus sinasabi na ang katuwiran ng tao ay makakamit sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan. Sa halip, itinutuwid ni Hesus ang mababaw na pananaw ng binatang mayaman tungkol sa Kautusan at sa kakayahan ng tao na iligtas ang kanyang sarili.

Malinaw ang sagot ng binatang mayaman. Nang sabihin ni Hesus na dapat siyang sumunod sa kautusan, tinanong niya si Hesus, “Alin sa mga kautusan?” Patuloy na ipinakita ni Hesus ng buong hinahon ang maling pananaw ng binatang mayaman sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng ikalawang talaan ng Kautusan – ang mga kautusan na may kinalaman sa pakikipagrelasyon sa kapwa tao. Madadama ang kabiguan ng binatang mayaman sa kanyang sagot kay Hesus na sinusunod na niya ang mga Kautusang ito mula pa sa kanyang pagkabata. Dalawang bagay ang mapapansin sa puntong ito. Una, ang kawalang kabuluhan ng sagot ng binata. Sa pagsasabi na ginaganap na niya ang lahat ng Kautusang iyon mula sa kanyang pagkabata, sinuway niya ang kautusan tungkol sa pagsaksi sa hindi katotohanan. Kung tunay siyang tapat, sasabihin niya na kahit gaano ang kanyang pagtatangka na sundin ang mga Kautusan, lagi siyang nabibigo araw-araw. Mababaw ang kanyang pangunawa sa Kautusan at malaki ang tiwala sa kanyang sariling kakayahan. Ikalawa, alam din niya na hindi sapat ang kanyang kabutihan; kaya’t sinabi niya kay Hesus, “Ano pa ang kulang sa akin?”

Sa puntong ito sinalungat ni Hesus ang pagtitiwala ng binatang mayaman sa kanyang sariling kabutihan. Sinabi ni Hesus na kung gusto niyang maging ganap (o perpekto), dapat niyang ipagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at sumunod sa Kanya. Ganap na nailantad ni Hesus kung ano ang kulang sa binatang mayaman – ang pag-ibig nito sa kanyang kayamanan. Naging diyus-diyusan ng binatang mayaman ang kanyang malaking kayamanan. Inaangkin niya na kanyang nasunod ang lahat ng Kautusan ng Diyos, ngunit sa katotohanan, ni hindi nga niya masunod ang pinakaunang utos, ang utos na huwag magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa tunay na Diyos! Tumalikod kay Hesus ang binatang mayaman at lumakad palayo. Ang kanyang “diyos” ay ang kanyang kayamanan, na kanyang pinili sa halip na si Hesus.

Bumaling si Hesus sa kanyang mga alagad at itinuro ang isang prinsipyo: “Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.” Kagulat-gulat ito para sa mga alagad (at sa mga Hudyo) na naniniwala na ang kayamanan ay tanda ng pagpapala ng Diyos. Ngunit ipinaliwanag ni Hesus ang ginagawa ng kayamanan upang hadlangan ang tao sa paglapit sa Diyos – ang pagtitiwala sa kasapatan ng kayamanan sa halip na sa Diyos. Kaya’t nagtanong ang mga alagad, “Sino ngayon ang maliligtas?” Ipinaalala ng Panginoon sa mga alagad na ang Diyos ang nagliligtas at hindi ang tao: “Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari. ”

Sino ang maliligtas? Kung iiwan ng Diyos ang tao sa kanyang sarli, walang maliligtas kahit isa! Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao upang makapunta sa langit? Dahil walang sinuman ang “mabuti”; may isa lamang mabuti at iyon ay ang Diyos mismo. Sinasabi ng Bibliya na “ang lahat ay nagkasala at walang sinuman ang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Roma 3:23). Itinuturo din ng Bibliya na ang kamatayan ang kabayaran ng kasalanan (Roma 6:23a). Salamat at hindi hinintay ng Diyos ang tao na maging mabuti; dahil “ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin (Roma 5:8).

Ang kaligtasan ay hindi nakasalalay sa ating sariling kabutihan kundi sa kabutihan ni Hesus. “Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka” (Roma 10:9). Ang kaligtasang ito ay isang napakamahal na kaloob, at gaya ng tunay na kaloob, hindi ito pinagpapaguran o binabayaran man (Roma 6:23b; Efeso 2:8–9). Ito ang mensahe ng Ebanghelyo: walang sinuman ang sapat ang kabutihan upang makapunta sa langit. Dapat nating kilalanin na tayo’y nagkasala at hindi karapatdapat sa kaluwalhatian ng Diyos at dapat nating sundin ang Kanyang utos na magsisi sa ating mga kasalanan at ilagak ang ating pananampalataya at pagtitiwala kay Hesu Kristo at sa kanyang ginawa sa krus. Si Kristo lamang ang sapat ang kabutihan at karapatdapat sa langit, at ipinagkakaloob Niya ang kanyang katuwiran sa sinumang sumasampalataya sa kanyang pangalan (Roma 1:17).

Yes in CHRIST ALONE!, not by works nor religion. but by FAITH in JESUS CHRIST.
 
Re: "Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?"

Salamat Brod :)
 
Re: "Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?"

Dapat po binasa niyo sir. Nasa itaas po yung ibang sagot sa post niyo po na ito.
By the way sir. Isummarize ko nalang po.
Ito po ang sabi ng Bible.

Hindi kailangan umanib sa isang relihiyon upang makamit ang kaligtasan..
John 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Joh 1:12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:

Si Jesus Cristo lang ang Daan tungo sa kaligtasan, wala nang ibang paraan maliban ang Tanggapin siya Bilang Panginoon At Tagapagligtas.
Joh 14:6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

Ang pag gawa ng mabuti at pagsunod sa mga haligi, sakrament ng mga relihiyon at kautusan ay hindi makakapag ligtas sa atin sa apoy ng Impyerno.
Eph 2:8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
Eph 2:9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
Isa 64:6? But we are all as an unclean thing, and all our righteousnesses are as filthy rags; and we all do fade as a leaf; and our iniquities, like the wind, have taken us away.?
Act 16:30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
Act 16:31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.

Ang mabubuting gawa ay resulta ng pananampalataya kay Hesu Kristo.
Eph 2:10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Ah... ang ibig sabihin ay deed than creed. Ang spirit within ng tao mismo, resulta from Jesus. Wala sa relihiyon. Uhm... oo nga noh? Meron ako nabasa online na meron nagsasabi na ang Christian is not religion daw. Wala sa religion sect raw.

Totoo ba iyon?

Ang alam ko sa bible din na spiritual leader si Jesus. Hindi religious leader. Siya ang naging mediator. Ang mga religious leader kase ay mga Jews. Sila ang makalaw na kung baga strict laws na dapat sundin. Si Jesus lang ang naiba, kaya kinicriticize siya ng mga Jews.

Tama nga. Ang teaching ni Jesus ay universal. True love ang teaching niya. Oo nga noh? Panguniversal katulad ng Buddhism, Shintoism at maraming iba pa. It is all about love, kaya si Jesus ang daan dahil si Jesus lang talaga ang nakapagturo nun.

I mean because of love kaya nagagawa ang deed dahil walang saysay ang deed kung walang love. Ang creed ay iyon ang meron sa mga religion at wala din saysay ang creed kung walang love. Love nga, kaya nakakagawa ng mabuti at resulta from Jesus the messiah.

Actually, madali meron mediator kaysa wala. Yung mga Hinduism ay napupunta sa hell pero hindi dahil sa Hindu sila, kungdi hindi pa rin enhance ang spirit nila. Mas madali siguro kung meron mediator.

Kahit naman ako, nahihirapan ako sa kakameditate ng sarili ko. Magkakaseperate pa ang ibang lists of meditation. Sa Buddhism ata ay meron level-level pang meditation.

Sa Christian ay meron mediator ay okay na. Sabi ko nga, kapag hindi ko kaya ay baka bumalik ako as a Christian.

Siyempre kung bumalik ako, ang natutunan ko sa basic meditation ay apply ko na rin iyon doon.
 
Ahh sir pasensya na po. Hindi ko po masyadong maunawaan yung ibang binabanggit niyo na word diyan sa post mo po. Hindi po ganoon kalawak ang kaalaman ko sa Biblia.
If willing po kayo na mag hanap ng mga kasagutan sa mga tanong niyo na yan sir, try niyo pong pasyalan ito. About The Christian Apologetics & Research Ministry
at ito po gotquestions.org/Tagalog/, hindi ko po alam if saang Iglesia kaanib ang mga bumubuo ng website na iyan but kumbinsido po ako sa mga paliwanag nila About sa mga nakasulat sa Bible.
 
Haaa?! *kamot ang ulo ko*

Wala naman ako question dahil nauunawaan ko na ang summary mo. Nang nag-agree ako sa summary mo ay hindi mo pala naunawaan ang sinabi ko huh?

Naguluhan ako tuloy sa sinabi mo.

E diba sinabi mo na sa summary... kaya nga napa-oo ako sayo.

Hindi ata tayo nagkaintindihan.

Naiintindihan ko na siya, kaya nga sabi ko, oo nga noh? Meron nagsasabi na hindi religion sect ang Christian. Napaconfirm ako kung true ba iyon?

Iyon ang sabi. Hindi religion ang Christian.

Kakasabi mo kanina diba na wala sa religion ang kaligtasan kaya napa-oo nga pala ako sayo dahil na remember ko na meron nagsabi sa akin na ang Christian raw ay hindi religion.

Nah. Huwag na nga. Nagulo ang utak ko. Sorry.

Naiintindihan ko na siya kaya nag-agree ako sayo na kaya pala ganun. Kaya nga sabi ko--oo nga pala noh? and then na-enlighten ako na tama ka nga.

Huwag na nga. Sorry. Magkaiba lang ata tayo ng interpretation.
 
Last edited:
Re: "Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?"

ahh ok po :)
Hindi ako masyadong maka intindi ng english po e :)
 
Back
Top Bottom