Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Bakit sa Pinas walang...]

marcssiel0611

Novice
Advanced Member
Messages
31
Reaction score
0
Points
26
Bakit dito sa Pinas, wala tayong shows na parang Walking Dead, Sherlock , Game of Thrones at iba pang TV series. Puro na lang telenovela na tungkol sa pamilya, nagkapalit na anak, may kabit, naaksidente tas nagparetoke ng mukha, o kaya yung isa mahirap yung isa naman mayaman. Wala bang bagong "flavor" silang maisip? Gusto ko po ng kasagutan at marinig ang mga opinyon niyo :)


At diba matagal ang pagitan bago lumabas ang isang episode :)
 
Be careful with my heart..... ang pinaka best telenobela of all time.. :lol: :upset: :lol: :upset: :lol: :upset: :lol: :upset:
 
Be careful with my heart..... ang pinaka best telenobela of all time.. :lol: :upset: :lol: :upset: :lol: :upset: :lol: :upset:

highschool pa lang ako palabas na ata yun, 2nd year college na ako ngayon HAHAHAHAHA

sabi nga ng abs, happy lang walang ending XD
 
ilang taon kana ts.

dimo ba naabutan yong like pedro penduko? at marami pang iba. kung ganyan ang trip mong tema eh di iyan ang panoorin mo

sa atin kasi walang zombie. ang meron lang aswang kapre mga ganon
 
mahal e-produce ang mga show na gaya nyan dre. kong sa pilipinas lang ang market mo malulugi ka talaga, unlike sa Hollywood ng buong mundo ang market mo kaya pwede kang magsugal ng pera para gumawa ng ganyang TV series. pareho lang tyan pelikula, kaya wag na kayong magtakal kong bakit ayaw gayahin ng pilipinas ang mga nakikita natin sa hollywood films.
 
Last edited:
mahal nga e-produce... di naman sa hindi kaya, at hindi naman dahil sa market... kundi masyado lang kasi malaki mawawala sa milyon milyong kita ng mga tv networks. tutal mababaw lang naman utak daw ng pinoy kaya babawan na rin nila mga shows nila. kasi kahit mura ang gastos eh patok pa rin sa masa. di tulad sa us na kailangan magexert ng effort ang mga networks at maging creative para makahatak ng viewers dahil yun viewers duon eh di mo basta makukuha sa mga kababwan.
 
nagkaleksyon ang mga film producer ng pilipinas sa nangyari sa movie na jose rizal (cezar montano). ginastusan yon ng GMA Films ng 200 million pero anong nangyari lugi.. take note 1997 pa yata ang movie na yon at wala pang masyadong piracy di gaya ngayon.. oo, maraming award pero aanhin mo ang award kong ang first priority mo ay kumita ng pera.
 
Oo nga no, kahit ano naman kasi pinapatos natin eh XD
 
natawa naman ako sa nagsabing nacorrupt... gayong isang tv network lang ang hosted ng government...

karamihan ng networks ay pag-aari ng mga top millionaires hehehe.... pangilinan, lopez.... in other words capitalists... ano ba main motive ng capitalist di ba profit...

kung sa pagkain pa... ang market mo ay masaya na sa streetfood eh di pangstreetfood ibenta mo... alangan naman na magtinda ka ng steak or omelette au fromage na bukod sa mahal eh di patok sa masa... CS lang po
 
^^
sakto yan brod.. yan talaga ang capitalism kong ano ang siguradong kikita yong ang gagawin.

kilan pa kaya magkakaroon ng capitalist ang pilipinas na parang bill gates at steve jobs, yong visionary at may ma-econtribute sa mundo. parang mall lang yata ang kayang gawin ng negosyante dito sa atin. hinihigop ang pera ng tao di pa nagbabayad ng tamang tax at underpaid pa ang mga empleyado.:slap:
 
^^
sakto yan brod.. yan talaga ang capitalism kong ano ang siguradong kikita yong ang gagawin.

kilan pa kaya magkakaroon ng capitalist ang pilipinas na parang bill gates at steve jobs, yong visionary at may ma-econtribute sa mundo. parang mall lang yata ang kayang gawin ng negosyante dito sa atin. hinihigop ang pera ng tao di pa nagbabayad ng tamang tax at underpaid pa ang mga empleyado.:slap:

yan ang kailangan ng pilipinas, mga mayayaman na galing sa hirap yung totoong nagsumikap at hindi nangibang-bansa. kaso lahat ng courses na foundation ng isang industry ay nakaingles... kahit na nga carpentry ingles pa rin.... imbes na yun konsepto na lang ang iintindihin mo eh itratranslate mo pa...

lastly, yun culture at tradition na naipasa sa atin ay counter productive at nakakasagabal sa creativity.... sa pilipinas lang makikita na ang pinakapriority na makita sa isang bata ay ang paging pagkamasunurin nya, imbes na palaguin ang kanyang potential... sa pilipinas ka lang makakakita na magulang nagsasabi kung anong kurso ang kukunin ng bata... sa pilipinas ka lang makakita na ang mga guro ay isinasaksak na ingles ang ituro sa mga bata gayong sila mismo ay di ginagamit ang wikang ito...

ehek ehek ehek ito ang meron tayo... kaya bagay na siguro ang mga art natin...... isipin mo top 3 sa mmff last year hindi nalampasan ang kinita ng feng shui at yun kay bakla... dun pa lang makikita mo na anong klaseng art ang gusto ng masa
 
^^agree ako sayo. dapat talaga e-translate na sa tagalog ang lahat ng subject lalo na ang science at mathematics sa pilipinas para madaling maintindihan ng mga estudyante.

sa math kasi pag binigyan ako ng problem na naka english nahihirapan akong intidihin:lol: bibiliang ka pa ng ilang minuto para lang e-translate sa tagalog para pumasok sa utak mo.
 
Walang panlasa ang karamihan sa pinoy pag dating sa lahat ng bagay eh.
Sang-ayon din ako sa lahat ng mga sinabi niyo. Bat ka pa magtitinda ng omelete kung pwede na ung lumamig na tae ng aso na dinampot mo sa kalye. Sigurado naman may bibili pa rin nyan.

Tungkol naman dun sa dahilan kung bakit pinepwersa satin ang salitang ingles, hindi na kasi masustentuhan ng sarili nating bansa ang dumadaming bilang ng mga pinoy na nagtatrabaho. Maraming gumagraduate, iilan lang ang nakakapagtrabaho sa loob ng bansa na naaayon sa kursong tinapos nila (hindi under-employed). Pero off-topic na usapin na yan LOL.
 
meron nman yung sa gma 7 na incantadia at indio sa abs yung lobo at mga fatasy kaso yung mga artista walang ka kwenta2x umarte.
 
Kaya hindi ako nanonood ng abscbn at gma kasi nakakasawa mga shows nila

US tv channels panoodin nyo mas maganda mga shows nila, like SPIKE TV :salute:
 
Kahit ako mas prefer ko manood ng tv series ng ibang bansa kesa dito sa atin. Kase eye-opener sa mga tao yung mga topics or depende pa rin talaga sa genre ng palabas. Saka hindi masyado censored shows nila kaya makikita mo talaga mga nangyayari sa real world na di aakalain.
 
walang pera kasi. pero kung gugustuhin ng mga taong behind sa telenobela, keri naman yan kaso baka low quality at hindi papatok sa mga viewers.
 
Back
Top Bottom