Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Bawal na Pag ibig

Bawal na Pag ibig



Ako'y minsa'y naipit
Sa isang bawal na pag ibig
Kahit subukang ipihit
Sadyang mali pang ipilit

Nabighani sa'yong titig
At sa malambing mong tinig
Sa kaperaha'y nanlamig,
At Patuloy na nanahimik

Kahit pa alam ko na mali
Pinagpatuloy ko padin
Tumatakas pakonti konti
Natutong mag sinungaling

Sayo'y lumabo ang paningin
Dahil sa tukso'y bumaon ng madiin
Naliwanagan ka na din
Tayo'y nagawang paghiwalayin

Dumaan ang mga araw na wala ka
At dumalas na sya ang kasama
Di kalaunan sya'y nagsawa
At naiwang mag isang lumuluha

Sana di ko pala to ginawa
Umiwas na sana nung simula
Sabihin mang nagsisi na ako
Wala namang mapapala

Di ko na magagawang ibalik
Ang ating mga nakaraan
Sabihin ko mang nagbago na ako
Nasira na ang dating tuwid na daan

Subukan ko man na takpan
Sakit ay di na malilimutan
Gaya ng katawang sugatan
Meron pa ding lamat na maiiwan

Ako'y minsa'y naipit
Sa bawal na pag ibig
Sinubukan mang kumabig
Ngunit tuluyan ng di nakabalik
 
hahaha ayos sir true to life ba to...?
 
haha. yung ibang part siguro. :lol: pero di pa naman ako nangaliwa,.

salamat sa reply boss!
 
Back
Top Bottom