ako di ko alam kung connected ba kamo ito sa pagiging broken hearted.
may gusto kasi akong girl na classmate ko nung high school. Aaminin ko na marami akong babaeng gusto lalo na pag maganda pero sya lng tlga ung gusto kong seryosohin kaso, sa fb lang kami nagkacommunicate nung kelan lang...
sabi ko pa nga nun, desidido tlga ako... liligawan ko na lang sya pag nakatapos n ako at may trabaho para may pagmamalaki ako. (dati kc akong adik sa computer, nakick out sa college school, naging tambay, then eto aral ulit).
lagi kong sinisilip wall nun. sya pa nga unang nag pm sakin nagulat ako kasi nung inadd ko sya, hindi ko pa sya kinakausap. then ayun kht babae sya, nagjojoke sya sakin so lalo akong nagkagusto sa kanya..
nung tumagal na kinakamusta ko sya kht sa text, d sya nagrerespond. nabanggit nya na rin na isang beses na masaya raw ang buhay nya ngaun... as in. dun pumasok sa isip ko na siguro wag ko na lang sya kulitin kasi masaya na sya... ayoko kasi maging istorbo sa mga tao eh.
then nung tumagal, hindi ko na sinisilip ung wall nya pag nag ffb ako...lalo n nung naging "in a relationship" na sya. then dun ko nalaman patay na pla xa nung nagtext ung friend / classmate ko rin nung high school. Akala ko malaking joke kasi d nmn halata na may sakit sya or something. so naisip ko na kung totoo nga, baka aksidente ung ngyari.
Then ayun na nakumpirma ko na patay na nga tlga sya. Hindi ko nga naisip na makikita ko sya ulet eh nasa kabaong na sya eh... May halong lungkot at poot ung naramdaman ko nun.
Dun ko napag-isip na eto pala ang pinakamalalang mangyayari bukod sa mabasted nya ako or mailang sya sakin. Napakabobo ko. sana pala kinulit ko nlng sya kahit mairita n sya sakin.
Ayun tutal wala akong gingawa, hindi nmn ako adik sa dota, hindi ako babad masyado sa computer, nag-aaral lng ako then uwi kain tulog kaya naisip ko na lng na bumisita sa kanya.. mejo malapit lng ako sa cemetery so pumupunta ako ng 2-3 times every week...
naiinis din ako kasi kung kelan wala na sya, tsaka ko pinakita kung gaano ko sya kamahal.. nagpopost na ako ng mga kacornyhan sa wall nya, kahit hindi n gngamit ung phone nya, tintext ko p rin xa minsan, kinakausap ko sya sa puntod nya.