Pasali ako dito..wasak n wasak ang puso ko almost 3 years na kme ng gf ko,,tapos bigla nalang xa nakipagbreak..ang dahilan nya nagising nlang xa na hindi na nya ako mahal..ndi ako pumayag sa break up na yun pinaglaban ko..one week later ok na kme..Pero nitong last saturday may inamin xa..may mahal na daw xang iba at binigay na nya ang virginity nya dun sa lalakegrabe sobrang sakit nun.help me ilang days na ako hindi makakaen at makatulog.
Teka, naligaw ata ako ng thread. But since nandito na din naman ako, baka pwede na din akong makipayo. Kung may magalit, first and last comment ko na ito. Naghahanap kasi ako ng mapagkukunan ng inspirasyon sa gagawin kong story. Dito ako dinala ng cursor ng mouse ko.
Anyway, as what they have said, acceptance din naman talaga ang bagsak nito. Pero ika nga, madaling sabihin, mahirap gawin. Mga gasgas na salita pero paulit-ulit nating naririnig sa tuwing tayo ay nasasawi sa pag-ibig.
After 3 years, ganun-ganun na lang? Pero bilib ako sa'yo at hindi mo sinamantala ang kanyang kahinaan sa loob ng nasabing taon, na ginalang mo ang kanyang pagkababae hanggang sa huli.
Hindi din naman mabilis ang healing process e. Actually, matagal nga eh. Pwedeng tumagal ng ilang buwan o ilang taon. No definite time, but sure akong matagal. Sa paglipas ng panahon, unti-unti ka ding makaka-recover. Sa ngayon kasi, hindi ka pa nakakaabot sa 'Acceptance' stage eh. Naghihinagpis ka pa din. Kung sakaling marating mo na 'yung acceptance, dun pa lang magsisimula 'yung 'Healing'.
I've been cheated before. Not once, not twice, but several times. Swerte ko no? Bakit ako napa-reply sa'yo? Kasi naranasan ko din 'yan e. 1 week lang kaming nag-cool off (kasi ni-request niya) at ayun, sinuko na ang bataan.
Sa ngayon, masasabi kong mas masaya na ako kesa noon. Actually, friends pa nga kami ng ex ko na 'yun. Natutunan ko din kung paano tanggapin ang mga pangyayari, pero hindi ko nakakalimutan. Ang nakalimutan ko lang ay yung sakit na naramdaman ko. Napalitan na kasi ng mga magagandang ala-ala e.
Masaya ako para sa kanya at ganun din naman siya sa akin. Masasabi kong talagang naka-move on na ako.
Teka napapakwento na ako.
Kapag nasa 'Acceptance' stage ka na, balitaan mo naman kami.
Last edited: