GOOD PM ADMIN! Ah gusto ko pong mag-share sa inyo ng tungkol sa lovelife ko.
Hindi po naging maganda ang takbo ng Lovelife ko, mga 7 times ako na-reject [2010-2018]
Though masakit but inaccept ko na rin ang mga nangyari sa huli at marami akong natutunang aral.
But im still curious lang about why does that happen to me.
Nakakatawa rin kasi lahat sila nagkaroon ng Boyfriend [BUT sa pagkakaalam ko walang nagtagal na relasyon]
since lahat sila ay friends ko pa rin in real life and nakakausap ko pa rin til now. At tropa ko rin ang mga kaibigan nila.
Ive been honest all the time, and sinasabi ko na Ill be doing my very best in life
And the Best effort I can give. Sabi ko pa nga, Sagutin man nila ako or Reject.
Tatanggapin ko kahit masakit.
I made God as a Center of My Life, but Singko (5.0 Failed) pa rin ako
sa ganitong aspeto.
Sabi ng mga tropa ko masyado daw akong mabait, pursigido sa pag-aaral ko
at sobrang masipag sa buhay.
[Naisisingit ko pa po ang Paglalaro ko ng DOTA 2 at CSGO #TimeManagement #GAMER
]
Computer Engineer Graduate nako ngayon from FEU! Salamat sa Diyos!
Sobrang Tuwa ng Mama at Papa ko sakin dahil Iginapang nila ako T_T
P.S. : Scholar ako since Highschool til makagraduate kaya halos libre tuition ko with allowance na 15K per sem.
This June balak kong mag take ng CSS NCII TESDA and ComptiaIT Certifications.
Sana maipasa ko rin.
Kung gusto nio magparepair ng Computer, Laptop, Hardware, Software, kahit smartphones, Nagre-Repair ako.
Magpagawa ng Program or Website Pede rin. Gumawa ng Circuitry Pede rin. PM nio lang ako dito.
Or Follow nio yung Forums dito sa Symbianize dun sa PC Hardware and PC Software Threads.
Questions that boggles my mindset:
Mga kapwa ko lalaki at girls rito ano ang maipapayo nio sakin sa lovelife ko?
Ginawa ko naman ang mga payo sa lahat ng
"LIGAW TIPS COMPILATION", Mga Tips sa Panliligaw , Galawan sa Babae, etc.
Ang last option lang na ginawa ko is yung sa Tip ni BlueberryJams na:
I-Quote
"Kung ikaw yung tipo ng lalaking laging nirereject, isave mo muna ang lahat ng payong ito
sa notepad at itago mo ito for the future."
End Quote
Tama po kaya mga tropa ko na darating din ang #TamangPanahon sa Akin?
Ive been praying everyday to God for the right woman.
Pero parang Tinutulugan Niya lang ako at nawawala na ang tiwala ko sa Kanya
Nadidisappoint talaga ako.
Nakakatawa pero malungkot din. May pagkukulang po ba ako sa buhay lovelife ko? o kahit sa buhay ko?
Mukhang Pera / Gwapo na lang ba gusto ng mga Girls ngayon?
Gwapo ba ako? Pakiramdam ko kasi HINDI eh.
Segurista ba talaga mga babae ngayon at mayaman lang ang gusto?
Masyadong Demanding ba talaga lahat ng mga babae ngayon? Puro gusto ng ganito at ganyan?
Hindi fair ba ang lovelife? Babae lang lagi nasusunod? Tapos kapag ano, sila pa galit.
Matino naman ako pero ako pa yung nirereject, sabi ng mga tropa ko sumama daw ako sa kanila minsan sa gabi para makita ko daw minsan yung "LIWANAG", may point ba sila? Magloloko na rin ba ako kagaya nila?
Anong pedeng maging gameplan ko sa lovelife ko habang nagwo-work habang tumutulong sa magulang at pagpapaaral ko sa kapatid ko?
[Napansin ko na puro KPop Boys na gwapo ang gusto ng girls ngayon] o ako lang nakapansin?
[Yung pinsan kong babae na lakwatsera 16 Years old pa lng NA-JONTIS na hahaha! kakapanganak lang last week ....]
Sa batch namin magpipinsan, mother and fathers side, ako na lang walang lovelife, may pag-asa pa ba? 22 years old nako
Tatanda ba akong binata? Ayokong mangyari yun at some point, baka mag-pari na lang ako pag nangyari un.
Ill Respect po all of your opinions even its either Positive or Negative man, walang problema at all.
Post ko rin ito dun sa isa pang thread.
P.S. : KUNG PC Enthusiast at GAMER KAYO, magkakasundo tayo hahahaha
Sincerely Yours,
markanthony3342
#TOTGA