Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Cassie

Cassie

Bago sumapit ang alas tres ay gising na ko. Eksaktong pitong oras na tulog. Kakailangin ko to para sa trekking ko mamaya. Ganitong oras pinakamalamig dito sa Baguio. Magisa man ako dito sa Hotel 45, alam kong ilang oras pa makikita din kita. Atat na kong maligo, magbihis, magalmusal para mahagkan ka at matulog ulit kasama sa tent sa tuktok ng bundok.

Naaalala ko pa nuong una kitang dinala dito sa hotel 45.. Ito ang pinakamura, pinaka-accesible sa lahat, at pinaka fully booked na hotel nuon. Pero sa tinagal natin at laging pagstay dito, suki na ang turing nang staff satin.

"Akala ko ba hotel? Parang motel to eh" unang lait mo pa.

"Eh ano ba pangalan? basahin mo nga.. " turo sa karatula

"Hotel 45.. pero kahit na.. parang luma na, parang motel sa recto" kutya ulit ni connie.

"O di ba.. hoottttteeell! E low budget tayo eh, tyaka isipin mo, ang lapit sa simbahan, malapit sa mall, malapit sa tyangge" isa isa kong tinuro ang pasyalan..

"Hay nako.. sige na nga, tara na" simangot ni connie

"Ok lang yan, maayos naman dito. Tyaka aalis din naman tayo after two days" kumbinsi ko sa kanya

"Oo na, ok na sakin" sabay hawak sa kamay ko. habang papasok sa entrance.

"Yey! wag ka mag-alala, next time sa magandang hotel na talaga" ngiti ko sa kanya sabay halik sa pisngi

Mayaman si Connie at hindi sya sanay sa pangmahirap na mga lugar, pagkain, damit at kung ano ano pang pangmahirap na bagay. Sikat na engineer sa toyota ang tatay ni Connie at mula din sa mayamang angkan ang nanay nya. Civil engineer din si Connie at ang dalawang kuya nya, architect at engineer din. Kada taon, meron silang bagong kotse mula sa toyota, at ang gamit naming toyota pick up truck papunta dito sa baguio, ay kay Connie. In short, mayaman talaga sila. At in short ulit, napaka swerte ko dahil bukod sa matalino at mayaman si Connie, mapagmahal at maganda rin sya.

Unang punta namin dito sa Baguio dahil first year aniversary namin, at gusto kong maging memorable kahit na sakto lang ang budget ko. May pride pa din naman ako paminsan minsan pag dating sa pag gastos.

Pagtapos naming magbihis, magpahinga at magtakutan kung may multo sa hotel 45, naisipan na naming mamasyal.

"Pag ako di nakatulog mamaya, babantayan mo ko hanggang umaga ah" pagalit na sabi ni connie

"Wala naman talagang multo, tinatakot lang kita, corny naman nito.. sorry na babe.. " pagmamakaawa ko habang papalabas ng hotel.

"Ewan ko sayo, sabi ko kasi sa iba na lang tayo magstay eh.. mamaya may multo talaga dun" simangot

"O sige, simba na lang muna tayo, tapos pray tayo na sana walang multo at gabayan tayo ni God sa hotel" ngiti ko sa kanya

"Hay nako, ginagamit mo na naman si God para manalo sakin.. o sige na nga" pasimangot na ngiti ni connie

"Di naman sa ganun, si God lang kasi lagi kong takbuhan pag dating sayo.. hiniling kasi kita sa kanya" ngiti kay connie

"Sus, nambola pa.. kawawa ka naman kasi kaya pinagbigyan ka ni God at pinakilala ka sakin"

"Uy hindi ah, kuntento na ko nuon sa buhay ko, naging kumplikado nga nung nakilala kita eh"

"So ibig sabihin pasakit ako sa buhay mo? ganun?" simangot uli ni connie

"Naging kumplikado dahil parang nabaliw ako nung nakilala kita, lagi ako nagiisip ng paraan para mapasaya ka"

"hay nako, bola na naman.. ewan ko sayo babe" biglang yakap ni connie sakin..

"I love you babe" habang yakap ko sya sa gitna ng sidewalk papuntang session road

"I love you too babe" at isang matamis na halik

Balewala ang lamig sa baguio sa init ng pagmamahal namin sa isat isa. Kahit di ako kagwapuhan at di rin mayaman. Proud si connie na ako ang nobyo nya. Tanggap nya kung ano ako at tanggap ko din sya. Sa twing magkasama kami, di namin naiisip ang oras, ang mga taong nasa paligid namin, ang problema, at kung ano pang mga bagay-bagay. Nawawala kami sa kawalan, tumitigil ang mga sasakyan, ang oras, ang mga naglalakad at nagpapatuloy ang pag huni ng mga ibon, ang masarap na ihip ng hangin at ang pag tugtog ng "close to you" ng the carpenters twing napapatigil kami, magyayakap at sasabihing mahal namin ang isat isa.

Kinabukasan. Sinimulan na namin ang byahe papuntang Mt pulag. Salitan kami sa pag-drive pero mas madalas ako ang nagdadrive dahil sa takot sa bilis ni connie magpatakbo.

Nakarating kami sa peak bago magtakip silim kaya may panahon pa kaming maglatag na ng tent at magpahinga. Ilang minuto pa, nasaksihan namin ang dahan dahang paglubog ng namumulang araw sa mga ulap.

Habang pinagmamasdan namin sabay ang ganda ng paglubog ng araw, di ko maiwasang sumulyap kay connie. Di ko maiwasang titigan ang ganda nya sa sinag ng magandang takipsilim. Di ko maiwasang titigan ang ganda ng mata nya habang nagrereflect ang ganda ng araw sa mga ito. Di ko maiwasang ikumpara ang ganda ng takip silim at ang ganda ni connie. At di ko maiwasang mamangha sa ganda ng pagmamahalan naming dalawa.

"Ang ganda.. sobrang ganda" bigkas ni connie na parang naluluha

"Oo nga.. sobrang ganda" habang nakatitig sa ngiti ni connie

Lumipas ang ilang minuto at tuluyang nawala na ang araw sa paningin namin.

"Sobrang ganda babe! Happy anniversary! I love you.. Salamat dinala mo ko dito!" mahigpit na yakap ni connie habang naiiyak

"buti babe nagustuhan mo.. happy aniversary! mahal na mahal din kita.." paluha ko ding sinabi sa kanya at matagal na halik sa labi.

Kinagabihan. May nilagay akong sticky note sa loob ng tent. Sinigurado kong si connie ang unang papasok sa tent para mabasa ang sinulat ko.

Napaka ganda ng takip silim
pero wala to sa ganda mong lihim
isang taon o isang milyon pa
para sakin, ikaw ang pinaka maganda
mahal na mahal kita, constancia y. ventura

"BABE!!!" Sigaw ni connie..

"Babe! ano nangyari?" biglang silip ko sa tent

"Halika dito!" at bigla ding hila sakin ni connie sa loob

pinupog ako ng halik ni connie, ng yakap, at ng pagmamahal. Di alintana ang nagtinginang mga tao sa paligid dahil sa sigaw na narinig.

Lumipas ang mga taon. Every two years, dito kami nag cecelabrate ng aniversary. Sinama na namin dito ang mga close friends namin at mga pamilya. Kinasal kami nuong 6th aniversary namin. Nag-honey moon sa France care of his rich daddy. Nagkaroon ng sariling bahay na pundar ko at kalahating galing kay connie. Maayos na trabaho at buhay. Sumunod na taon, ipinanganak si Cassie. Limipas pa ang dalawang taon. 9th aniversary na. January 22, 2016. Dalawang taon na si Cassie. Panahon na naman para bumalik kung saan nagsimula ang taon para satin.

Di na ko makapaghintay makita kang muli. Makita ang pag lubog ng araw. Makita ang pinaka maganda. Maramdaman ang init ng pagmamahal mo habang napapaligiran ng lamig ng klima.

Ilang oras din akong umakyat, ilang beses nadulas, at di ininda ang mga galos at lamig. At sa wakas, naabot ko rin ang tuktok. Hanggang tenga na ang ngiti ko. Excited na masilayan ka..

Habang nakaharap sa nagsisimulang paglubog ng araw. Nakatitig sa malaking bato sa paanan ko. Binasa ko muli ang huling text mo.

Mahal na mahal kita Jazz :-*
10:43pm June 28, 2015

Di ko na pinigilan ang luha ko. Nakangiti. Malamig ang dahan dahang pag gapang ng mga luha sa pisngi ko. Ramdam ko ang nanunuot na lamig, lamig na di dahil sa natural na klima dito sa mt pulag. Ito ang lamig mula sa katotohanang wala ka na.

Masakit at masaya ang pagpunta ko muli dito. Di ko alam kung kakayanin ko muling dumalaw dito nuong dinala ko mga abo mo. Bakit kasi ang bilis bilis mong magpatakbo. Nakakaasar ka.. Pero wala na kong magagawa. Wala ka na dito at andito ako. Pinagmamasdan ang magandang takip silim kung saan nag simula ang unang taon natin. Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw na parang paglubog ng pagsasama natin. Gusto kong pigilan ang araw sa paglubog, gusto kong pigilan ang pagkamatay mo, gusto kong maramdaman muli ang init ng yakap mo, ang mga labi mo, ang init nang pagmamahalan natin sa napaka lamig na klima.

Nakatitig lang ako habang lumulubog ang araw. Habang dumidilim. Habang magisa ko at wala ka.

Natulog akong magisa sa tent. Ramdam na ramdam ko ang lamig. Di ko alam kung lamig ng nagmumulto o lamig dahil sa klima. Sana multuhin mo ko ngayon. Ang lungkot kasi.. kahit lasing ako sa alak masakit pa rin.. malungkot pa rin..

Inaasahan kong late na ko magigising dahil sa dami ng nainom ko. Inaasahan ko ding tatalon ako sa peak pero di ko naman ginawa. Nagising ako ng maaga.. parang late yung init na epekto ng alak sakin..
Lumabas ako ng tent.. mejo madami na ang gising.. may inaabangan sila.. naglakad ako papunta sa spot natin.. at duon naramdaman ko unti unti yung init.. dahan dahang lumalabas ang araw sa makapal na ulap.. paangat sa madilim na lupa.. nagpapahiwatig na matatapos ang takip-silim, pero darating ang pagsikat ng araw.. magdidilim pero magliliwanag ulit.. mawawala ka man sa piling ko, pero nasa puso't isipan pa rin kita.. ikaw man ang takip silim.. si cassie natin ang pagsikat ng araw..
Sa paglubog ng araw, bukas sisikat itong muli..
 
Salamat sir, subok lang :)
 
Back
Top Bottom