Thanks dito ako naka tambay now
View attachment 1151006
BROWN AREA - bihirang may lumabas diyan pero pag may lumalabas asahan mo pang ubusan ng pokeballs, Charizard and Aerodactyl yung naspotan kong legit dyan na lumabas sa sightings ko pero di ko naabutan. Sabi nila nest daw yan pero wag ganun., niantic ka pala eh.
WHITE AREA - Dito nagsimula ang sibilisasyon ng pokemon go players sa Rizal Park, kung gusto mo palevel na malapit ang access sa jeep at bus eh dyan ka na tumambay, magsawa ka sa rattata, pidgey, venonat, weedle, caterpie etc. Eeveee lang at magicarp yung medyp hindi mo isusuka dyan. Dyan ko din nakuha Snorlax ko, pero once on a bluemoon talaga maglaglag dyan ng maganda. Palevel na walang tayuan, tambay ka lang dyan.
YELLOW AREA - Etong area na to, Balwarte to ni Electabuzz ngayon, ewan ko kung karelyebo niya o nasisante si Scyther kasi yan ang dati niyang trono.
RED AREA - Etong spot na to, unpredictable to sa drop pag naglure kayo dito, masusurpresa ka na lang sa mga bigayan dito, bibiglain ka ng mga 2 minutes,4 minutes apperance time ng Blastoise,Snorlax, Charizard, Snorlax, Dragonite, Pikachu , Magmar etc. The best tong spot na to kasi kung may lalabas sa blue area,gray area at yellow area eh nasa gitna ka lang talaga. Dala lang ng payong kasi pag umuulan dito wala ka sisilungan, maglulure talaga ng amoy yang paa mo. Madalas dito funrun ng mga pokemon go hunters
GRAY SPOT - Notorious din to sa bigayan, paligid ng Manila hotel pero madalas sa may harap niya, Charmander, Pikachu , Kabuto, etc, mga average pokemon pero minsan may nambibigla din, iready ang paa sa takbuhan din.
BLUE SPOT - the best spot to, lahat ng water type yata nagpapakita dito, pero minsan binibisita nila pidgey at rattata pero tolerable naman at di sila palagiang lumilitaw, parang seaside din sa moa ang bigayan dito, meron dito blastoise,dragonite,dratini tambayan, ponyta, rapidash, lapras na nakuha ko ng madaling araw, Charizard, Snorlax etc.
BLACK DOTS - base on experience, dyan minsang nagpapakita sila pikachu,charmander,snorlax,scyther, omanyte pero bihira yan.
nakuha ko lang sa fb and dami din nag sasabi totoo to. kay rizal may elektabuz talga lalo pag gabi