Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Change is coming or Change Scamming!!

i can only say that we had enough. how many presidents na ang nangako ng change? actually "change" or pagbabago ay slogan na lang ng mga pulitiko.
with this current administration? let's give them a chance. 1 year pa nga lang puro na agad tayo reklamo.

majority of the public trust this administration. take it or leave it. it shows naman eh even in the surveys. you know why? this old man is doing good. hindi nga lang tayo comfortable sa style nya. unusual kasi compared sa mga predecessors
 
drug war kunyare pero yung anak nya druglord din. puro naka tsenelas na adik lang ang itinutumba yung mga mayayaman buhay parin.
 
drug war kunyare pero yung anak nya druglord din. puro naka tsenelas na adik lang ang itinutumba yung mga mayayaman buhay parin.

Syempre, ganun talaga ang buhay. Pag mayaman ka marami kang koneksyon, mga Senador, Congressman, Pulis, Military at Opisyal ng gobyerno. Pag mayaman ka kasi marami kang proteksyon kasama na dyan yong mga magagaling mong mga abogado. Dami ngang mga adik na mga mayayaman sa totoo lang kasi madali lang sa kanila ang makakabili ng drugs dahil marami naman silang pera. Halos nga sa kanila ay tumitira muna bago pumasok sa mga discohan, pub o mga bar. Yong iba naman doon na mismo nag-iiskoran. Karamihan ay tumitira ng cocaine (high grade) at yong iba ay tumitira ng ecstasy.

Balik lang ako sa katanungan, bakit mga mahihirap ang natutumba? Simple lang ang sagot dyan, kasalanan nila bakit mahirap sila. Yon lang. We support PRRD!
 
sa dami ng pinatay na drug addict daw at rapist daw sa davao pero maraming addict dyan. sadya yan para mas lalo kayong aasa sa mga duterte clan para foreever and ever after na sila sa pwesto. typical dictatorial style tatakutin mo ang tao na pag mawala ka sa pwesto gugulo ang lugar.. tanungin mo ang mga taga davao yon ang isasagot nila.. hehehe


papatayin mo ang pipitsuging drug addict ititira mo ang big time. sa ganyang paraan patuloy parin ang cycle. paikot ikot lang.

so anung suggestion nyu po? ganito kasi tayu mga pinoy, criticize ng criticize pag sino nkaupo. anu tingin nyu sa change is coming "INSTANT"? it takes time pra makita talaga. at kelangan meron e.sacrifice.
 
ang tanung dapat dito eh SINO BA ANG DAPAT NA PRESIDENTE???ung mga NAKARAANG PRESIDENTE ano ba ang naayos nung sila ang nakaupo???at ngayon ano na nga ba ang naayos ng PRESIDENTE NGYON...halos pare pareho naman my lansang dala...siguro sa opinion lang may mali kc talaga sa Batas natin..Dapat bitay agad ang mga mgkasalang nasa Gobyerno .... eh ginagawa lang naman kasi nila kuhanan ng kapangyarihan kapag napapwesto sila eh..pagpalagay nang hinde dahil sa pera dahil magkano lang naman ang swldo. ang kapangyarihan talaga o ang impluwensya ang napapapunta sa isang taong napapaluklok sa kapangyarihan..kaya lahat halos YATA ng tao gusto mapaluklok sa kapangyarihan..dapat siguro bigyan ng matinding kaparusahan ang mga tao nasa gobyerno para matakot din sila tumakbo palang o gumawa ng masama..ung tipong kamatayan sa para sa knila o kung hinde natatakot sa kamatayan eh pati pamilya nya patayin din para talagang matakot at magisip kung tatakbo o gusto ko ba sa gobyerno..kasi buhay din naman ng tao ang hawak nila sa gobyerno eh..at hinde lang isa pamilya ..buhay ng lahat ng nakatira sa pilipinas... kaya lang di ako magaling sa batas...pede nga kaya mangyare un..hayz basa na lang uli ako ng symbianize.. thanks for posting ts...
 
Last edited:
Basta ako support pa rin sa presidente, yung lugar kc namin dati pugad ng mga adik pero mula ng maupo c digong nagtabaan na ang mga tambay at higit sa lahat wla ng masyadong krimen.
 
Ramdam kong may nagbago. Tumino na siga sa bayan namin hahaha. Iba s kulungan na.. Dba libre na sa stateuniversty ngaun? Tska skin lng rklamo ko dito s aklan wala pading plastik na lesensya papel padin. At plaka. Tagal dumting pero un ganun din nman dati pang unang admin ganun din. Ung ejk nman na yan dati pa yan khit kapanahunan pa ni kupong kupong meron na yan. Sakin lang ha ilang factory ng ????? lab at ilang kilo n ng ????? nahuli sa loob lng ng isang taon. Ang lam ko kasi ang mga druglord nasa loob n lhat ng kulungan. Galamay lng ang nasa labas sguro paraas safe sila s loob.

- - - Updated - - -

Hahaha totoo un mahirap patayin ang druglord pag nasa loob ng selda. Ibalik ang bitay para mapatay sila ung bity na para sa druglord lng..
 
ramdam na din pag babago ilang years na ngaun lang nabawasan bisyo samin
nawala bentahan abutan na parang candy lang ang binili

karamihan po kase sa mahihirap ehh bat0 ang abot ng bulsa
mas madami po kase ang user ng bat0 at marijane

ang mayayaman cocaine po mga yan pano mo sila mahuhuli kung mga nasa private jet o yatch sila tumitira

grabe nung namatay ung anak ni palparan
nag punta dito nag sona kadaming pinatay
asan ung human rights na yan

saka ang issue lang naman jan ejk
samin madami ng napapatay ngaun pero backround nila madumi panget user pusher magnanakaw mamamatay
Huwag ka matakot kung matino ka period
 
Last edited:
Okay lang naman talaga ako ke duterte eh. May ginagawa naman siya pero kasi.. alam mo yun minsan mapapaisip ka na lang if totoo ba sinasabi nya or hindi kasi may mga ebidensya kasi na ganito sinabi nya dati tapos after a few months, iba nanaman kaya hirap paniwalaan minsan and sa totoo lang.. siya kasi nag uudyok sa mga vigilante na pwedeng pumatay ng drug dealer. Drug dealer lang sila.. kahit patayin mo silang lahat, magkakaroon at magkakaroon ulit dahil may drug lord. sana unahin nya bigshot bago yung mga lackeys dahil wala naman mangyayare talaga. Nagkaroon pa tayo ng factions - Dilawan and DDS. Pag taliwag sa sinasabi ni Duterte, Dilawan kagad.. bakit ganon? wala na rin bang freedom of expression dito sa pilipinas? Labeling na lang ang natira?

Pagdating naman sa balita, karamihan ng Tao naniniwala sa FB kaysa sa mga sites. Like.. Inquirer and other news sources.. Bago nila ilabas yan, nireresearch nila yan. Hindi lahat ng journalists, bayaran. Yung iba, may paninindigan pero naapektuhan sila dahil mas pinapaniwalaan ang credibility ng FB pages kaysa sa kanila which is kung kaya ng mga news sites na mag "EDIT" mas lalo naman sa FB no? di naman yan nalabas sa TV or dyaryo. If mahuli na peke yan, DELETE ng post wala na ebidensya eh pag dyaryo or news? MAY video tayo at newspaper so me ebidensya kaya di sila dapat labas ng article na di maayos.. Sana maintindihan nila yan.. pinapalaki pa nyan problema sa pilipinas eh..

Isa lang alam ko, hindi na maayos nangyayare ngayon. Okay si Duterte sa ibang bagay pero may mga pamamalakad din siyang di maganda. Sana wag natin siyang sambahin.
 
Wala naman sumasamba sa kanya. Di naman siya Diyos. Umaasa at naniniwala lang talaga ang mga tao sa kanya dahil presidente siya ng Pilipinas. Nung nakaraang admin mga kabaro lang nila at mayayaman ang nakinabang sa pag-upo nya. Maging positive na lang tayo sa mga mangyayari. Di naman masamang umasa ng magandang pagbabago. Mahaba pa ang termino nya. Marami pa tayong aasahan sa kanya.
 
Sa palagay ko. karamihan sa mga anti duterte anjan talaga sa manila or luzon. bakit nga ba ? :D dito province very peaceful naman may namamata din dito sa drugs piro wala naman react mga tao kasi too naman na mga drug supect talaga
 
Parang Democrats vs. Republicans lang ng Amerika ang "Dilawan vs. DDS" sa Pilipinas. Democrats ang "Dilawan" - ito ang educated elite ng Pilipinas/educated majority naman sa Amerika. Republicans ang DDS - ito ang ignorant masses ng Pilipinas/ignorant vocal minority naman ng America - ito ung mga tipong hindi naniniwala sa science, history at media kundi sa mga false propaganda at fake news lang .
 
Parang Democrats vs. Republicans lang ng Amerika ang "Dilawan vs. DDS" sa Pilipinas. Democrats ang "Dilawan" - ito ang educated elite ng Pilipinas/educated majority naman sa Amerika. Republicans ang DDS - ito ang ignorant masses ng Pilipinas/ignorant vocal minority naman ng America - ito ung mga tipong hindi naniniwala sa science, history at media kundi sa mga false propaganda at fake news lang .

Educated elite ang mga dilawan oo pero ginagamit sa mga pansarili nilang interest. Para sa ikabubuti ng sarili nilang partido at kagustuhan. Paano mo namang nasabing ignorant masses ang mga kabilang sa Republicans at gayun din sa America na ignorant vocal minority naman kung sila ang majority at nanalo? Both ng parties may elite, may educated at may mga ignorants. Mali ang paghusga mo sa magkabilang partido. Halatang biased at may pinapanigang partido. :)
 
Ang naiisip ko dito eh, parang nagkkaroon na kasi talaga ng diversion ang mga tao sa paniniwala nila which is very sad. May mga kaibigan ako sa ibang bansa na nagtatanong sakin kung bakit S T R O N K E S T (di strongest) RACE tayo. parang namomock na tayo na ewan... nakakainis lang talaga..
 
Ang naiisip ko dito eh, parang nagkkaroon na kasi talaga ng diversion ang mga tao sa paniniwala nila which is very sad. May mga kaibigan ako sa ibang bansa na nagtatanong sakin kung bakit S T R O N K E S T (di strongest) RACE tayo. parang namomock na tayo na ewan... nakakainis lang talaga..

Dahil yan sa mainstream media. Meron pa akong nabasa from Amnesty International PH, 13m na daw yung napatay sa War on Drugs. San nila nakuha ang data? Di talaga mapagkakatiwalaan ang mga journalist(di ko nilalahat ha). Teenager pa lang ako at wala pang du30 di ako bilib agad sa lahat ng pinapalabas na news sa TV. Alam mo naman kung makadagdag bawas yang mga yan. Syempre ginagawa nila yan for Ratings. Ang gusto kasi ng mga tao malateleserye na balita.
 
Dahil yan sa mainstream media. Meron pa akong nabasa from Amnesty International PH, 13m na daw yung napatay sa War on Drugs. San nila nakuha ang data? Di talaga mapagkakatiwalaan ang mga journalist(di ko nilalahat ha). Teenager pa lang ako at wala pang du30 di ako bilib agad sa lahat ng pinapalabas na news sa TV. Alam mo naman kung makadagdag bawas yang mga yan. Syempre ginagawa nila yan for Ratings. Ang gusto kasi ng mga tao malateleserye na balita.

13 Million? Dinaig pa nyan yung Holocaust ah. Sa holocaust 6 Million Jews "daw" ang pinatay ni Hitler doble naman ang bintang nilang biktima ng war on drugs sa Pilipinas. Dinaig din ang war on drugs ng Mexico. Nakakatawa yan. Hahaha.
 
13 Million? Dinaig pa nyan yung Holocaust ah. Sa holocaust 6 Million Jews "daw" ang pinatay ni Hitler doble naman ang bintang nilang biktima ng war on drugs sa Pilipinas. Dinaig din ang war on drugs ng Mexico. Nakakatawa yan. Hahaha.

Nag post ng erratum. "Typo" raw 13k daw dapat. LOL The damage has been done kahit pa magpost sila na typo raw. Ano na lang yan pag nabasa ng mga foreigners. At yung 13k, hindi din yan ang data na galing sa PNP. Dinagdagan pa din nila. Grabe.
 
Change Scamming!! tataas na lahat ng bilihin lumala ang endo!! NO TO PDP LABAN ako..
 
Change Scamming!! tataas na lahat ng bilihin lumala ang endo!! NO TO PDP LABAN ako..

Syempre, tataas talaga ang bilihin dahil sa TRAIN act na yan. Sino ba ang magkaka benepisyo nyan? Syempre, din naman yong mga minimum wage earners kasi dati pa eh exempted naman talaga sila. Ang magbebenipisyo daw ay yong mga income earners na hindi lalagpas yong income per annum na P250,000. May sinasabi pa na yong mga non-taxpayers ay magkakabenepisyo rin (di ko maintindihan, ba't pa sila magkaka benepisyo pa,eh dati naman talaga silang di nagbababayad). Totoo kaya ito? Sa palagay ko hindi. Kasi nga babawiin lang yong mga 'exemptions' doon sa pagtaas ng buwis sa mga pangunahing bilihin. May sinabi pa yong DTI na 5 sentimos lang daw yong increase pero nung bumili ako ng 'coke kasalo' sa tindahan eh dati ang presyo ay P20, pero, ngayon naging P25 na. Saan ngayon yong sinasabing 5 sentimos? Kalokohan talaga.

Ano pala ang layunin ng TRAIN act?
Simple lang naman talaga ang layunin ng TRAIN act at ito ay ang lahat ng Pilipino, mahirap man o mayaman, magsasaka man o propesyonal ay makakabayad na ng buwis. Di kasi tulad nung una, na mahihirapan sumingil yong BIR sa ibang sektor kasi di naman sila nagfa file ng ITR. Yong magsasaka o mangingisda halimbawa ay di naman yan nagbabayad ng buwis kaya dito bumabawi ang BIR sa mga bilihin at gastusin.

Bakit nga ba kelangan ng TRAIN act?
Kelangan kasi ito para may sapat na malilikom na pondo ang pamahalaan natin, na ipambabayad natin sa magiging utang natin dahil sa 'Build build program' ng ngayong administrasyon at para na rin may ipambabayad sa mga increases sa mga kawani ng gobyerno, gaya ng sundalo, pulis, titser atbp. Importante kasi ito para masiguro ang 'loyalty' at suporta ng mga taong gobyerno para sa isinusulong na Federalismo at para na rin pambayad doon sa mga panatiko na nagpo promote ng 'fake news'. 'Brainwashing', ito kasi ang epektibong technique na ginawa noon ng NPA na ginagawa ngayon. Dahil madali mauto ang Pinoy, maganda itong gawin.

Sino ngayon ang magdurusa?
Syempre, yong mga minimum wage earners at yong mga walang magandang kita. Exempted ka nga, pero, kulang pa rin yong benepisyo dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin, gaya ng pamasahe, asukal, atbp. Paano kung tsuper ka? Paano kung hindi ka miyembro ng 4Ps? Giginhawa kaya buhay mo? Ikaw lang ang makakasagot nyan. Gagawin ka lang gatasan ng iyong gobyerno.
 
Last edited:
Back
Top Bottom