Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Change is coming or Change Scamming!!

Syempre, tataas talaga ang bilihin dahil sa TRAIN act na yan. Sino ba ang magkaka benepisyo nyan? Syempre, din naman yong mga minimum wage earners kasi dati pa eh exempted naman talaga sila. Ang magbebenipisyo daw ay yong mga income earners na hindi lalagpas yong income per annum na P250,000. May sinasabi pa na yong mga non-taxpayers ay magkakabenepisyo rin (di ko maintindihan, ba't pa sila magkaka benepisyo pa,eh dati naman talaga silang di nagbababayad). Totoo kaya ito? Sa palagay ko hindi. Kasi nga babawiin lang yong mga 'exemptions' doon sa pagtaas ng buwis sa mga pangunahing bilihin. May sinabi pa yong DTI na 5 sentimos lang daw yong increase pero nung bumili ako ng 'coke kasalo' sa tindahan eh dati ang presyo ay P20, pero, ngayon naging P25 na. Saan ngayon yong sinasabing 5 sentimos? Kalokohan talaga.

Ano pala ang layunin ng TRAIN act?
Simple lang naman talaga ang layunin ng TRAIN act at ito ay ang lahat ng Pilipino, mahirap man o mayaman, magsasaka man o propesyonal ay makakabayad na ng buwis. Di kasi tulad nung una, na mahihirapan sumingil yong BIR sa ibang sektor kasi di naman sila nagfa file ng ITR. Yong magsasaka o mangingisda halimbawa ay di naman yan nagbabayad ng buwis kaya dito bumabawi ang BIR sa mga bilihin at gastusin.

Bakit nga ba kelangan ng TRAIN act?
Kelangan kasi ito para may sapat na malilikom na pondo ang pamahalaan natin, na ipambabayad natin sa magiging utang natin dahil sa 'Build build program' ng ngayong administrasyon at para na rin may ipambabayad sa mga increases sa mga kawani ng gobyerno, gaya ng sundalo, pulis, titser atbp. Importante kasi ito para masiguro ang 'loyalty' at suporta ng mga taong gobyerno para sa isinusulong na Federalismo at para na rin pambayad doon sa mga panatiko na nagpo promote ng 'fake news'. 'Brainwashing', ito kasi ang epektibong technique na ginawa noon ng NPA na ginagawa ngayon. Dahil madali mauto ang Pinoy, maganda itong gawin.

Sino ngayon ang magdurusa?
Syempre, yong mga minimum wage earners at yong mga walang magandang kita. Exempted ka nga, pero, kulang pa rin yong benepisyo dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin, gaya ng pamasahe, asukal, atbp. Paano kung tsuper ka? Paano kung hindi ka miyembro ng 4Ps? Giginhawa kaya buhay mo? Ikaw lang ang makakasagot nyan. Gagawin ka lang gatasan ng iyong gobyerno.

Meron ka pa nalimutan, yung Dollar kontra piso tumaas din, haha pero oky lang pabor sa aming mga kumikita ng dolyar lol.
 
dapat unang pinapatay e yung kapitalista

maraming mawawalan ng trabaho tol

- - - Updated - - -

Wala naman sumasamba sa kanya. Di naman siya Diyos. Umaasa at naniniwala lang talaga ang mga tao sa kanya dahil presidente siya ng Pilipinas. Nung nakaraang admin mga kabaro lang nila at mayayaman ang nakinabang sa pag-upo nya. Maging positive na lang tayo sa mga mangyayari. Di naman masamang umasa ng magandang pagbabago. Mahaba pa ang termino nya. Marami pa tayong aasahan sa kanya.

I agree and so far he has done a lot in just two years compared to previous administration (not just Aquino) . The president that we currently have is truly a man of action.
 
dapat unang pinapatay e yung kapitalista

Lahat ng private corporations ay capitalist at karamihan ng mga bansa sa mundo ay capitalist ang economic system. Capitalism ang dahilan kung bakit may nasisilungan kang bahay, naiisuot na damit, nagagamit na laptop na may internet. Kahit saan ka tumingin lahat ng yan ay produkto ng mga kapitalista. Capitalism ang nagpapagalaw sa mundo. Pwede kang pumunta sa North Korea kung ayaw mo sa mga kapitalista. Simple lang ang buhay dun. Walang mga capitalist corporation, walang internet, walang shopping malls, wala ring makain.

- - - Updated - - -

maraming mawawalan ng trabaho tol

- - - Updated - - -



I agree and so far he has done a lot in just two years compared to previous administration (not just Aquino) . The president that we currently have is truly a man of action.

Si Duterte ang may pinakamaraming napatay sa lahat ng mga naging pangulo ng Pilipinas. Sa loob lang ng ~2 years, +14,000 na ang namatay sa drug war niya. Mas marami pang namatay sa loob lang ~2 years sa ilalim ni Duterte kesa sa buong 21 years ng rehimen ni Marcos na nasa +3,500 lang. Walang sinabi ang mga Islamic dictators at si Kim Jong Un kay Duterte. Mas lalo na kung magiging full-blown dictator 'to pag naipasa na ang Con-Ass.
 
Lahat ng private corporations ay capitalist at karamihan ng mga bansa sa mundo ay capitalist ang economic system. Capitalism ang dahilan kung bakit may nasisilungan kang bahay, naiisuot na damit, nagagamit na laptop na may internet. Kahit saan ka tumingin lahat ng yan ay produkto ng mga kapitalista. Capitalism ang nagpapagalaw sa mundo. Pwede kang pumunta sa North Korea kung ayaw mo sa mga kapitalista. Simple lang ang buhay dun. Walang mga capitalist corporation, walang internet, walang shopping malls, wala ring makain.

- - - Updated - - -



Si Duterte ang may pinakamaraming napatay sa lahat ng mga naging pangulo ng Pilipinas. Sa loob lang ng ~2 years, +14,000 na ang namatay sa drug war niya. Mas marami pang namatay sa loob lang ~2 years sa ilalim ni Duterte kesa sa buong 21 years ng rehimen ni Marcos na nasa +3,500 lang. Walang sinabi ang mga Islamic dictators at si Kim Jong Un kay Duterte. Mas lalo na kung magiging full-blown dictator 'to pag naipasa na ang Con-Ass.

San ang source nitong 14k na namatay dahil sa war on drugs?

Ibig sabihin ang mga drug lords pala mababaet at hindi pumapatay para maprotektahan sila bravo! :clap:
 
Tingnan mo ung footnotes sa ibaba ng page. 171 ang external sources kabilang ang Human Rights Watch, Amnesty International at local at foreign media. Hayag na sa buong mundo na 14k ang casualties ng drug war ni Duterte. Mga supporters na lang nya ang in-denial.
 
Tingnan mo ung footnotes sa ibaba ng page. 171 ang external sources kabilang ang Human Rights Watch, Amnesty International at local at foreign media. Hayag na sa buong mundo na 14k ang casualties ng drug war ni Duterte. Mga supporters na lang nya ang in-denial.

Puro dilawan opposition I don't expect that info to be fair haha! :lmao:
 
Last edited:
Kahit ung official figures ng PNP na 3,987 casualties sa loob ng halos dalawang taon lang mas malaki pa rin sa casualties sa ilalim ng Marcos regime na nasa 3,257 lang sa loob ng 21 years.
 
Mahal daw nya ang bayan kaya ngayon nagmamahalan na lahat.mahal na ang gasolina,mahal na pamasahe at mga goods dahil sa chu chu TRAIN.Change is ___________,alam na
 
Sana naman hindi brasuhin yung federalismo. parang hindi pa ngayon yung tamang oras.
 
walang mangyayaring masama sayo kung ikaw ay tunay at matinong pagkatao...
kung adik ka di wag kang aasa na walang batas hahabol sayo..no problem to obey the law...short cut yan..
sa totoo lang gustong gusto ko nangyayari ngayo kasi yung mga adik samin? no way tago tago sa lunga di ka gaya ng dati benta na parang nagtitinda ng isda
 
somehow nakakadismaya kasi parang walang pagbabago na tunay. china is making a foothold in our country and we cannot deny that. chinese sponsor halos lahat pro china presidente natin.

not to mention the train law na to be honest burden siya kasi ang mahal ng gasolina at mga bilihin pero kami hindi walang increase sa income.
 
walang mangyayaring masama sayo kung ikaw ay tunay at matinong pagkatao...
kung adik ka di wag kang aasa na walang batas hahabol sayo..no problem to obey the law...short cut yan..
sa totoo lang gustong gusto ko nangyayari ngayo kasi yung mga adik samin? no way tago tago sa lunga di ka gaya ng dati benta na parang nagtitinda ng isda


actually ibback up ko sinabi mo pre.. dati nung college pa ako everytime na laseng ako nakakatulog sa jeep..nawwalan ako ng gamit...ngayon kapag nakakatulog ako sa jeep kumpleto dala ko kahit laptop at cellphone..

dati kapag sasabit ako ng jeep may bigla na lang papalo sa binti mo or maghahagis sayo ng bato sa mdidilim na lugar.. dati mkkita mo sa tulay malapit samin puro abutan ng drugs..ngayon tlga wla na..

dati tuwing bmbyahe ako mkkita ko mga nadadaanang police station parang matamlay...ngayon tuwing madaanan ko sa umaga palageng naka FALL IN mga police at may officer nagbbigay ng assignments for the day.. dati walang rmronda at checkpoint sa harap ng bahay...ngayon plge may police mobile romronda at checkpoint.. I feel safer talaga at nkkipagbiruan pa nga mga police..

kaya i cant think of any reason bkit scamming?

as for the TRAIN law..yes masakit nagmamhalan tlga mga bilihin. kahit mga kumpanya nagaadjust natataranta sa Witholding Tax ng kanilang mga empleyado. Pero ang sabi naman temporary lang ito..

so kung iisipin mo dahil daming gastos ng gobyerno sa build build build at libreng matrikula...okay lang sana magtiis muna tayo wag sana puro reklamo.. maibsan lang yung build build build liliit yung mga taxes afterwards by 2022 as far as I know ah.

Parang sa pamilya lang na nagkaproblema at need maghigpit ng sinturon..pero kung puro reklamo dahil walang pangluho eh para kang suwail na anak na rebelde dahil hindi nabigyan ng allowance..disiplina lang po sa expenses..

as for sa mahihirap disiplina pa din po..ginusto po nila mag anak ng maganak...bibigyan mo nga ng pbahay ng libre ibebenta pa..minsan sakanila din tlga problema wag isisi lahat sa gobyerno...pero tutol ako sa 200 pesos per month para sa buffer ng mahihirap na pamilya kulang yun.

tayo din naman po makikinabang nyan lalo na yung mahihirap..ito lang tlga POV ko.. modern transportation plus federalism uunlad tlga mga sector/probinsya edi ba nga pinagkokonek na lahat? yung mga squatter mga mahihirap makakauwi na po at mddevelop yung mga lugar nila hindi na sila mkkipagsiksikan sa maynila. mabbawasan pa krimen..kasi magkakatrabaho sila. hindi na sila magagagamit ng masasamang grupo. magkakaroon sila ng self respect at confidence na mamuhay ng legal at mapayapa. magkakaroon sila ng disiplina. satin lang naman po tlga problema kaya lagpak bansa natin..hindi naman din tlga sa namumuno.

marami lang po talagang mga grupo na nangugulo mapaleft man or right mapa LP man or mapa DDS or produterte...pare parehas po tlga may mga nangugulo para mahati hati ang views na masa..may pasaway din po tlga na pro duterte na wala din sa hulug.
 
Last edited:
Change Scamming for sure!!

All the corrupt and drug lords walk free
Only small addicts or even innocents are killed without due process
China will soon own our natural resources
The country will be ruined for decades because of the loans at very high-interest rate
Prices of basic items are getting higher every day
Foreign investors pledges plunged by 54%
and so many pa... kawawa Pilipinas!
 
Dami haters dito ah... Lol
I belong to 20% of davao population na hindi Rody fan. Pero di rin naman ako hater ni Mayor este ni President. Pare-pereho lang naman kasi lahat ng mag pulitiko. Walang mapili. Walang deserving. Kung meron man lang, hirap silang mabago ang kultura natin (kultura na negatibo tulad ng kurakot, etc.)

Nasa indibidual ang pagbabago. Wala sa namumuno lang.
 
walang mangyayaring masama sayo kung ikaw ay tunay at matinong pagkatao...
kung adik ka di wag kang aasa na walang batas hahabol sayo..no problem to obey the law...short cut yan..
sa totoo lang gustong gusto ko nangyayari ngayo kasi yung mga adik samin? no way tago tago sa lunga di ka gaya ng dati benta na parang nagtitinda ng isda



sabihin mo yan sa casualty of war on drugs, hagang ngayon wala parin sila nakakamit na hustisya
ngayon sinasabi natin na okey lang yan, pero ilagay mo sarili o madamay anak o mga kapamilya mo doon sa casualty
ewan kolang ........ may rule of law bakit kailangan pang labag sa batas tsk tsk tsk
 
change has comed, hindi man 100% pero malaking pinagbago. gaya ng mga nabasa ko na comment sa taas. sa lugar din namin dati parang yosi lng ung drugs kahit sa basketball court meron mga bumabatak pero ngaun wla na ako makikita, wala na ung mga siga siga marahil natumba na o nagpalamig lng sa ibang lugar atlist tumahimik ung brgy namin. Sa tingin nyo kung si Mar Roxas na nanalo baka lumalangoy tau sa droga sa kalsada..hahah..Ung sa train law naman dahil sa mejo mataas ang bilihin in the future mabawas bawasan na ung mga anak ng anak ng walng maipapakain sa pamilya. At ang train law para yan sa mga infra para meron maipapagawa ng mga tulay kalsada etc. Pansin nyo ngaun ang ambilis na ngaun makakapunta sa probinsiya daming mga bagong kalsada na natapos at nabuksan dahil sa build build at hanga ako dun kay sir Mark Villar at isa sa pinakamasipag at magaling na naappoint ni Pdigong.Tingnan mo MRT ngaun laki narin improvement di gaya nung nakaraan admin walng ginawa kung kuratin.

Malaking pinagbago sa ngaun kumpara nun, mga meron hepa lng ang hindi nakkapansin ng mga pagbabago at mga addict.
GodBless kay Pdigong GodBless Pinas.
 
Totoo naman change is coming gaya ng pagtaas ng mga bilihin, pagkain, gasolina, tax, dollar value at inflation rate. Puro na lang katarantaduhan ang nangyayari, kunyari may natanggal daw sa kurapsyon pero di naman nakasuhan at wala pa akong nabalitaan na may nahabla sa Ombudsman. Ibig sabihin tatanggalin lang kasi nga nagka pera na, maglalagay naman ng mga bago para magka pera rin. Pambayad utang na loob siguro. Ganito ba ang gusto nyo na pagbabago?

Saan na yong sinasabing suporta ng China? Di kaya alanganin ang China ibigay ang lahat ng suporta dahil alam nila pag pinaunlad nila ang Pilipinas baka maging balakid pa sa kanila. Syempre pag nag improve ang Pilipinas baka may pambili pa ng mga kagamitang militar na baka gamitin naman sa kanila. Tuso ang China, alam nila ang kanilang ginagawa, di yan magbibigay na makasisira sa kanila sa bandang huli. Puro pangako at habang nangangako at nararahuyo tayo, kinukuha naman nila unti-unti mga pag-aari natin.

Ano bang Presidente meron tayo? Sinasabi pa ng iba na magaling daw siya sa Geopolitics, pero, wala pa namang napapatunayan. Siguro nga magaling lang maging puppet o clown ng China. Talagang matapang sa mga addict na pobre, pero, bahag naman ang buntot pagdating sa mga makapangyarihan gaya ng China. Trabaho lang ba ng Presidente ang pag sugpo sa drugs? Sa palagay ko hindi, isa lang yan sa mga trabaho niya. Dapat nya ding puntiryahin ang iba pang aspeto ng pamamahala sa bansa gaya ng ekonomiya, job creations, stability of food supply, energy, etc., foreign relations at iba pa. Trabaho ng Pulisya ang 'war on drugs'. Kung di sila epektibo, ibig sabihin dapat silang managot kung hindi nila kaya ang kanilang trabaho.

Ikaw na tagasunod niya, ano ba ang naiambag mo para sa bayan? Pahirap din ba gaya ng iniidolo mo. Buksan ang iyong mga mata at mag-isip ka naman kahit konti lang.

:read:
 
Last edited:
Back
Top Bottom