Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

College of COMPUTER STUDIES (INFORMATION TECHNOLOGY students,ACE,CS,etc) welcome po!

Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

@fazerazer

I.T. student ako...2nd year...ang nasa I.T. curriculum namin ay may programming (like C, C++, Visual Basic, Java, PHP, HTML, etc..) tapos application of I.T. like hardware and software (includes troubleshooting computers through hardware or through software)...tapos may field knowledge rin like Networking, etc.....

hope magustuhan mo ang I.T. kasi parang overall knowledge na siya na pinagsama (hindi siya nakafocus talaga sa isang field like programming)

:yipee: :yipee: :yipee: :yipee:
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

may tanong ako may pagasa bang makapasok ang isang high school grad lang... sa mga company na ang environment na trabaho is sa mga computer like network, webdesign, hardware.. meron kasi akong kakilala grabe sa galing sa computer pero ayaw nyang mag aral sa school pero nakakagawa sya ng website nakakagawa ng script like sa java or c++ and malupet din sa networking kaya nyang mag analyse tungkol sa networks.. pano b naman hindi lulupet eh hindi n umaalis sa computer magdamag nakaharap sa computer d nayata to na tutulog eh hahaha grabeee..!!! tapos ang galing din sa animation and photoshop may mga nag papaayos p ng computer... laptop or hardaware

pero high school grad lang to may pag asa kaya to or need nya talaga magaral para makakuha ng diploma para makapag apply sa mga malalaking company??

and pahabol ang problema rin sa taong to eh ayaw mag pakita ng talento sa computer parang sobrang humble b hahaha hindi nya inexpose ang sarili nya sayang talaga tong tao n to hahaha
 
Last edited:
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

Need niya mag-aral + experience.
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

,,kailangan po talaga kasi yung mga companies ngayon ay matataas ang standards pagdating sa pag aaply..pero malay natin kapag napahanga nya talaga yung mga employer ng company ay baka matanggap siya... pero mas mabuti kung makagrad siya ng college at may experience...

:) :)
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

Sana ipursue mo pagaral sir, kasi kaya sinasabi na ng CHED na walang trabaho ang IT kasi sa sobrang daming school na nagproproduce ng IT trainee, hindi maabot yung standards ng mga company ngaun wala din sa school yan pero dapat dedicated sa performance :)
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

TAMA unlike samen o samen lang? haha BSCS grad ako hehe. kakahiya pero actually vb 6 lang
natutunan ko sa school namen, buti na lang adik ako, now alam ko na vb.net, php, mysql,
networking, windows server, web designing using dreamweaver, haha pati pagiging comp tech,
kinareer ko na rin,.. dahil jan masasabi kong wala sa school yan nasa tao yan :D:D:D:D:D:D:D
at dahil na din sa symbianize kaya mejo lumawak ang knowledge ko regarding sa Computer
weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.

pero siguro mas marami akong alam kung may naging mentor akong malupit, kaso unfortuantely wala, :(
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

Sana ipursue mo pagaral sir, kasi kaya sinasabi na ng CHED na walang trabaho ang IT kasi sa sobrang daming school na nagproproduce ng IT trainee, hindi maabot yung standards ng mga company ngaun wala din sa school yan pero dapat dedicated sa performance :)
oo nga. mas okay pa rin ang may natapos kesa sa wala. :)

,,kailangan po talaga kasi yung mga companies ngayon ay matataas ang standards pagdating sa pag aaply..pero malay natin kapag napahanga nya talaga yung mga employer ng company ay baka matanggap siya... pero mas mabuti kung makagrad siya ng college at may experience...
:) :)
sa senior level pa lang , dalawa lang ang pwedeng pagpilian nila. either punong puno ka ng experience o may masteral ka. otherwise, rank and file IT ka pa rin. -_-

may tanong ako may pagasa bang makapasok ang isang high school grad lang... sa mga company na ang environment na trabaho is sa mga computer like network, webdesign, hardware.. meron kasi akong kakilala grabe sa galing sa computer pero ayaw nyang mag aral sa school pero nakakagawa sya ng website nakakagawa ng script like sa java or c++ and malupet din sa networking kaya nyang mag analyse tungkol sa networks.. pano b naman hindi lulupet eh hindi n umaalis sa computer magdamag nakaharap sa computer d nayata to na tutulog eh hahaha grabeee..!!! tapos ang galing din sa animation and photoshop may mga nag papaayos p ng computer... laptop or hardaware

pero high school grad lang to may pag asa kaya to or need nya talaga magaral para makakuha ng diploma para makapag apply sa mga malalaking company??

and pahabol ang problema rin sa taong to eh ayaw mag pakita ng talento sa computer parang sobrang humble b hahaha hindi nya inexpose ang sarili nya sayang talaga tong tao n to hahaha
kung nasa US sya nakatira, malamang pinag-agawan na sya ng mga federal agencies lalo na sa cia,fbi or nsa.
kaso nasa Pinas sya. Malas nya lang, puro palakasan, pa-machohan at papogian ang sistema dito eh.
pero may pag-asa pa yan. :D

Mga Sir/maam
4Th year highschool ako..Plano ko mag I.T
Umatras ako sa plano ko mag Computer engineering dahill..More on higher math daw T.T
hate ko ang math eh..Bigay namn kayo ng Overview..Kung ano ang nasa I.T?
kahit saan kang planeta magpunta, may math talaga. kailangan mo talaga yun bilang basic building blocks kung gagawa ka ng algorithm, database tuning / mining o kung ano ano pa.

Actually, more on logic ang IT. At ang logic ay nahahaluan ng math din.

Ang math, tinutulungan tayo magisip ng critical points at the fastest time na kaya ng katawan natin.
Isipin mo na lang ang utak mo ay isang CPU.... anong processor ka kung ayaw mo ng math? Para mo na rin tinanggalan ng ALU at Math Coprocessor ang isang computer. Resulta? Ang 1+1, aabutin ka ng 10 days para sagutin ito. :D
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

:help:

IT PO ako 1st year:

sino po magaling sa web design jan..
pa help naman po...
kahit po ung link ng tutorials...
gusto ko po kceng matuto

:thanks:

in advance!
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

my designing din ba ang IT???aw di ako marunong at magaling sa designing..pwede pa kaya ako mag IT??pero medyo mabilis ako matutu sa mga programming at pc parts my kunting knowledge ako...pero pag dating sa designing walang wala eh
 
Nasubukan mo na mag-google?
Ang pag-search sa internet ang basic skill ng isang IT.
Tatawanan ka lang ng future officemates mo kapag wala kang ganitong skill.

As for your question, go to www.w3schools.com :thumbsup:

my designing din ba ang IT???aw di ako marunong at magaling sa designing..pwede pa kaya ako mag IT??pero medyo mabilis ako matutu sa mga programming at pc parts my kunting knowledge ako...pero pag dating sa designing walang wala eh

Lahat naman naguumpisa sa wala. Lahat pwede magIT. Wala sa design yan, nasa creativity at critical thinking yan. :thumbsup:
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

mga idol i am 2nd yr I.T. student.. can you please suggest topics for DATABASE+PROGRAM with computation like point of sale or payroll using VB and ViualFoxPro (for beginner) i need unique program for my project.. TIA..
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

Hello! Pwede makahingi ng algorithm about this:

Enter Upper Limit: 50
1 2 4 8 11 12 14 18 21 22 24 28 31 32 34 38 41 42 44 48

bale 1,2,4,3 sya.. Di ko alam pano i-for loop. :( :noidea:
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

i.t ako sa University of Pangasinan phinma :)
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

kaway kaway mga IT :)
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

Advanced Database na naman. Pinaparusahan na yata ako ng masteral ko :weep:
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

hay nako napakahirap maging IT ako vocational it 3yrs.1st yr turbo c.tapos ngaun 2nd yr na java 1st sem.at visual basic 2nd sem.wla aq naintindihan sa java..hahahah.at turbo c onti lng alam q.msmgnda yata magiba ng major s it.ano p b pde?hirp pg programming.
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

Mga sir me assignment kami. Gawa daw ng kami ng program gamit ang java.

Pagsamasamahin daw namin yung inheritance, encapsulation, polymorphism and abstraction. patulong naman o?
Bukas na to eh. Maraming thank you sa makakatulong!
 
Last edited:
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

haruy..kalimitan mga problems dito puro pang 1st year...C++ DevC Turbo Basic...
limot ko na yung mga codes nun pero may notes pa rin ako

as of now kase Portal Site ang aming thesis (share lang)
eto na..PHP,mysql,Dreamweaver, Flash! ahuhuhu

asang asa pa amn din ako sa INformation System ang gagawin namin o ..pero okay lang medyo exciting rin kahit medyo(mahirap talaga) mahirap yun project namin :D

have a great day mga IT students!

IT knows HTML!=How To Make Love!
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

Okay prelims week na namin :cry:

No symb muna / Less FB and symb :lol:

Cisco , Cisco, Database (DB2), Software Quality Assurance, Java 2D (Graphical programming), ICS5, Geometry, Embedded Systems, ETAR, atbp.

Dalawang pamatay na Cisco (lan and wan) kayo ang panira hahaha! JOKE! :lol:

kaya toh!!! :more:
 
Re: mga INFORMATION TECHNOLOGY students dyan! eto ang tambayan natin!

mga sir gusto ko din kasi mag aral ng IT anong school po ba maganda?..kahit associate lang....suggest naman ,,po..
 
Back
Top Bottom