Mga sir at boss, pa help naman regarding sa laptop ko.
Model: HP G42-476TX
Processor: Intel Core i3-380M 2.53 Ghz
RAM: 4GB 1066 MHz DDR3 (2x 2GB card)
Graphics: 1GB ATI Mobility Radeon HD 6370
for more info:
click here
As of now, ayaw na nyang mag-boot. Ang symptoms nya dati:
1st: Blue-screen (Physical... or Crash Dump something yung error report nya kapag naghang at nag-reboot)
2nd: Kapag binuksan ko sya, minsan ayaw tumuloy sa boot pag on ko ng power button mamatay yung unit then mag-on kusa (mga ilang beses na on-off sya bago tumuloy sa pagboot)
3rd: Kapag nasa desktop na, naghahang tapos magkakaroon ng parang checker board (parang nasisira ang display). Hanggang sa dumating sa time na di na marecognize ng system (gamit ko CCleaner) yung 1GB kong ATI Radeon na videro card. So, ni-reinstall ko yung driver nya, ganun pa din. Most of the time, nag-hang sya kapag nagload lang ako ng flash or anything na nangangailangan ng graphics esp games.
4th: Dumating sa case na kahit sa booting stage pa lang naghahang na siya. Minsan naman stucked na sya sa animation sa boot ng win7.
5th: (WORST!) Eto ayaw na mag boot ng laptop ko. As in, no display at stucked na sya sa black screen hanggang uminit/lumakas ang ikot ng fan at ma-low bat.
So, diagnosis ko sira na ang video card nito. Ang itatanong ko lang naman po ay kung pwede pa to i-repair? Kung hindi naman, how much and where po meron available na replacement mobo ganito? Naghanap na ako sa net pero wala ako makita, or kasi di ko alam yung mobo part no ng laptop ko.
May mga photos po ako ng mobo ko na in-attach ko. Thanks po! Sana matulungan nyo ako.