sir pano mag reformat ng netbook? aspire one d270
Good day sir! Madami tayong paraan para mag reformat ng netbook. Pero kung ako ang tatanungin mo the best way is using bootable flash drive. Hindi na kasi sya kylangan ng CD. Madami tayong tutorial dito kung pano gawing bootable ang flash drive. Konting search lang po.
- - - Updated - - -
mga Bossing!! Help po d2 sa Samsung Laptop ko.. pgng ON aqo lilitaw ung Samsung Logo
View attachment 1038117 tpos Blue screen xia your pc ran into a problem
View attachment 1038118 tpos restart ulit.. ganun xia.. unli Loop po.. Help naman..
Hindi po ba sir na may na-install ka na drivers/software na hindi compatible sa unit mo. For now ang gawin mo muna sir try mo sya i-safe mode. Then i-system restore mo sya (Kung hindi ka po mamilyar, mkkita mo agad sya sa google po sir,how to safemode,how to system restore).
Kung hindi pa dn sir, baka sa hardware mo na ang problema kaya nag ccause ng bluescreen. Better na pacheck mo na sa mga tech sir.
- - - Updated - - -
sir tanong ko lang po .sira kasi ung f10 at ung backspace ko. maayos pa kaya to pag dinala sa mga technician o bili na talaga ng pang replace?
Laptop sir? Uhm pagkakaalam ko po for replacement na po pag gnyan (sorry hndi ko pa kasi naeexperience). Pero medyo may chance na maayos pa dn yung keyboard mo dipende sa sira.
- - - Updated - - -
master pano ayusing tong laptop ko,bigla nalang na may sound na parang may sinasaksak kang usb,, taz paulit ulit yung sound at nakakabagal ng laptop eh taz makikita mo sa my Computer may lumalabas na DRIVE: G,mawawala taz lilitaw, pa help naman master, salamat
Medyo may chance na may nakapitan po ng virus yung Hard drive mo kaya paulit ulit nyang ginagawa yung scripts, either may process syang gngwa na nkuha nya sa flashdrive na sinaksak mo. Magpacheck-up ka na po sa malapit na mga tech
- - - Updated - - -
May nakakaalam ba kung pano palitan yung password nito or kahit maopen ko lang? pinalitan kasi ng kapatid ko eh di ko maopen. Except sa option na pag reset ng wifi. Thanks po
View attachment 1038377
Either hard reset or brute force mo kapatid mo
- - - Updated - - -
TS, yung ACER Aspire one D270, may bios Password. tapos kapag sinusubukan kong iacces ng 3times ang lumalabas ay "SYSTEM WILL HALT"
ano problema nun??
Mas mabuti sir na tanggalin mo na lang po yung password mo sa bios settings, or kung hindi mo na matandaan yung password mo marereset sya pag tinanggal mo yung cmos battery mo.
- - - Updated - - -
No light sign kahit sa battery .dead laptop po tlaga help;
Na-try mo na po ba gamitan ng digital/multi tester yung charger mo sir?
- - - Updated - - -
Help nman po kung saan problem ng pc ko tanya ko kc video card eh.. ano po ba ang dapat gawin thank you po in advanve...
Yes sa video card yan sir. Well naka-encounter na po ako ng gnyan may 2~3times. May nakapagsabi lang dn sakin na "Kailangan ma-resolder" yung mga parts nya (resistors,chips,capacitors), so ang tinuro sakin ay ilagay ko dw sya sa turbo (yung pinaglulutuan ng manok na prang oven.)
1. Tanggalin mo muna yung mga parts na pwedeng masunog/malusaw sa videocard mo (ex.Fan)
2. Kaylangan mo ng foil (yung ginagamit sa pang ihaw) para magsisilbing paa para mapatong mo yung video card (Parang lamesa na may apat na paa).
3. Pre-heat 3~5minutes
4. Rak na yung video card mo 5~10 minutes, pero pag tapos dun mo na sya aantayin lumamig.
5. Yes may lechong video card ka na
Nakakatawa mang basahin pero tried and tested ko na yan sir, kung medyo duda ka search try mo i-search sa google tapos mkkita mo dn yung gngwa nila, yun nga lang madaming feedback na mga pang tanga lang dw yung ganito. Hahahahaha
Sorry hndi masyado detalyado, PM mo na lang ako kung ggawin mo.
- - - Updated - - -
I've recently upgraded to 64 bit architecture. My new system details are: Intel core i3, 4GB RAM and MSI mobo. I have Windows 7 64 bit OS installed. My problem lies with network connection stability.
I am using mobile broadband. In my old PC and laptop which are both running Windows 7 32 bit OS, the network connection is stable. But in this new system, the 64 bit, my network (broadband) automatically disconnects and reconnects every few minutes (sometimes every 5-10 minutes). The scenario is para bang tinatanggal yung broadband then binabalik sa USB port. I assume that it auto ejecting and mounting itself because the USB disk security notifies me that is was ejected then mounted again without me doing anything. So automatically sya nag eject and mount. Di ko naman ginagalaw yung system unit and the modem itself.
So any ideas/suggestions will be greatly appreciated. Thank you.
Sorry hindi pa ako nkaka-encounter ng ganito sa 2years kong pag gamit ng broadband, pero siguro sir subukan mo i-explore yung settings ng USB disk security mo, pero kung wala pa dn uninstall mo na lang
Pero mas mgnda sa phone mo na lang ilagay yung sim card mo pang browse then i-on mo na lang yung portable hotspot mas mgnda yung bato ng connection, mas updated kasi yung mga android phones natin kesa sa mga broadband
- - - Updated - - -
mga sir pa help po
pag mag iinstall ako ng windows 7 64 bit, minsan nag hahang, minsan nag blublue screen. pano gagawin ko
Amd athlontm x2 245 2.9ghz
zepellin 4gb ram
512mb videocard
300g wd blue
Make it sure sir na tama ang nilagay mo na mga drivers. Madalas kasi pag hindi compatible ang drivers mo sa hardware mo nag ccause tlga ng bluescreen or bumabagal. Try mo gumamit ng Driver Pack Solution 2015 (9.something gb) pero yung 2012 almost 4gb.
- - - Updated - - -
Sir pa help nmn, bagong reformat po pc ko, w/ anti virus.. malinis na malinis po pc ko pero baket po lagi akong nag blue bluescreen? -.-
Intel(R) Core(TM) i3 CPU 530 @ 2.93GHz
6GB RAM
Win 7 Pro SP1 64bit
Nvida GT220 1GB 128bit
WD 500GB HDD
and 80GB HDD (extra)
Make it sure sir na tama ang nilagay mo na mga drivers. Madalas kasi pag hindi compatible ang drivers mo sa hardware mo nag ccause tlga ng bluescreen or bumabagal. Try mo gumamit ng Driver Pack Solution 2015 (9.something gb) pero yung 2012 almost 4gb.
- - - Updated - - -
Core 2 Duo
HDD-500GB and 60GB
RAM-4Gb
AMD A4-5300 APU with Radeon HD graphics 3.40 GHz
my problem is nag i Stock in "Windows Starting"
pinagawa ko n s technician pero ganun pa rin ang problem
pero pag tinatanggal ko ung mga cable at binablik nagging ok naman.
natatkot n kasi ako lagi ko p dapat syang tanggalin at ibalik para maging ok.
any advise..
THANKS
Na-try mo na ba palitan yung hdd cable mo sir? pwede po kasi mangyari na hindi na ma-read ng cpu mo yung susunod na instruction dahil hndi nya ma-reach yung communication nya sa Hard Drive, kung hindi pa dn makuha sa pagpalit ng cable bka hard drive mo na may problema sir, naka-experience na dn kasi ako ng gnyan, sa bandang huli nalaman ko na hdd ko ang may problema.
- - - Updated - - -
Gud pm mga sir ask ko kung anu prob ng dsk pc ko pagopen ko hanggang window start logo lng cya tapos ngblue screen at start ulit cya paulit ulit lng anu po sira nya
Pwedeng mangyari sir na may problema yung Operating System mo, or pwede dn na sa ibang parts tulad ng hard drive.
- - - Updated - - -
mga sir help namn sa unit ko ayaw mag open pag pinindot ko ang open or turn on iikot lang ng konti yung fan ng psu and procie tapos mamatay na tinangal ko ang 4pins sa mother board naikot sya pero pag ibinalik hindi na iikot pero pang ang processor ang tinagal ko iikot na sya . nilinis ko narin and ram tinry ko tangalin isa isa at ibalik isa isa and mga parts like hdd ram pinaliguan ko narin ang mother board ko ayaw parin ganun parin pag tinangal lang ang procie tsaka iikot ang fan or gagana sya . . tingin nyo mga sir ano ang problema 2days kuna ito inaayos but no luck . . . sino naka experience na ng ganitong prob?? amd A4-3400 and mobo is fm1a55 redfox
Hindi ba nabibitin yung supply mo? Check mo muna power supply mo kung tama pa binibigay na ratings.