Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

cyber crime

kulototie

Recruit
Basic Member
Messages
15
Reaction score
0
Points
16
gud eve..ask ko lang pag ba may sinabi ka sa post mo na mukha sila pera? cyber crime naba un?kc ung ate ko sa sobra nya stress sa asawa nya kung ano ano pinagpost hiwalay kc sila e ngayon hindi sila sinusustento ng asawa nya..tapos itong boy pina barangay ung ate ko kc pinas sabihan daw sya ng mukha pera.salamat sa sasagot.
 
gud eve..ask ko lang pag ba may sinabi ka sa post mo na mukha sila pera? cyber crime naba un?kc ung ate ko sa sobra nya stress sa asawa nya kung ano ano pinagpost hiwalay kc sila e ngayon hindi sila sinusustento ng asawa nya..tapos itong boy pina barangay ung ate ko kc pinas sabihan daw sya ng mukha pera.salamat sa sasagot.

Simple lang sagot dyan utol. Hindi yan cybercrime. Pabayaan lang yang boy mag file ng complaint sa lupon o barangay at wag na pansinin. Syempre yong barangay magbibigay ng summon yan sa iyong ate tatlong beses para umapela, pero wag na pansinin para di na ma stress Ate mo. Pabayaan na lang yong barangay mag rule-out at magbigay ng certificate doon sa boy na pede na niya i-forward sa korte. Doon na sa korte ang magandang labanan dyan at sigurado ako na mananalo Ate mo. Kung nasa abroad Ate mo, aba, wala magagawa yong korte natin kasi walang jurisdiction ang batas natin sa ibang bansa maliban na lang kung may espesyal na kasunduan tayo sa kanilang bansa.

Yong ikakaso ng boy ay yong nasa Article 4 Chapter II, Section 4 subsection c(4) ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Ito nakalagay,
"(4) Libel. — The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future."

Yang batas na yan may reperensya yan sa Article 355 ng Revised Penal Code na ito ang sinasabi,
"The crime of libel is committed when a person makes, against another, a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status or circumstance tending to cause the dishonor, discredit or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead (Article 353, Revised Penal Code)."

So, kita mo sa taas na dapat "public and malicious imputation". Pede sabihin na public nga dahil nasa 'social media' ang nasambit, pero ang tanong, malisyoso ba? Ito ngayon ang nakalagay sa desisyon ng korte,

“Of course, if the ‘Comment’ does not merely react to the original posting but creates an altogether new defamatory story against Armand like ‘He beats his wife and children,’ then that should be considered an original posting published on the Internet. Both the penal code and the cybercrime law clearly punish authors of defamatory publications. Make no mistake, libel destroys reputations that society values. Allowed to cascade in the Internet, it will destroy relationships and, under certain circumstances, will generate enmity and tension between social or economic groups, races, or religions, exacerbating existing tension in their relationships. x x x”(underscoring supplied)
(
Jose Jesus M. Disini Jr. et al. vs. The Secretary of Justice et al. (G.R. No. 203335, February 11, 2014)

Ano ibig sabihin ng nasa taas? Ibig sabihin dyan ay kung ang Ate mo ay gumagawa o nag-iimbento ng istorya na sumisira sa reputasyon ng isang tao at makakasira ng relasyon, atbp., sigurado 'libelous' yan at pede nga siya kasuhan. Pero kung ang Ate mo ay nag react lang sa original posting at wala namang malisya sa sinasabi niya, e, hindi yan 'libelous'. Natural lang sa Ate mo na magalit kasi nga yong 'boy' ay pinapahirapan siya at wala pa nga siyang suporta na nakukuha. Kung kasal yong Ate mo, pede siya mag counter charge sa Boy ng Abandonment, entitlement of support kung may anak sila at marami pang iba. Alam yan ng mga abogago o taga PAO kung kukuhanin mo serbisyo nila. At yong terminong 'mukhang pera' ay komon ekspresyon yan ng mga Pilipino kaya malabo manalo si boy.

Sana nakatulong. Salamat.:thumbsup:
 
maraming salamat sa sagot sir..tapos sir eto pa nung jan 3 pumunta sya sa bahay ng ate ko e ayaw papasukin ng ate ko kc lasing sya ing ginawa ni boy dumaan sya sa bintana khit ayaw sya papasukin ng ate ko pwede ko ba sya madimanda ng tresspasing kc pumasok sya..
 
maraming salamat sa sagot sir..tapos sir eto pa nung jan 3 pumunta sya sa bahay ng ate ko e ayaw papasukin ng ate ko kc lasing sya ing ginawa ni boy dumaan sya sa bintana khit ayaw sya papasukin ng ate ko pwede ko ba sya madimanda ng tresspasing kc pumasok sya..

Naku kung conjugal dwelling yan ng Ate mo at ni boy, sigurado hindi yan 'trespassing or trespass to dwelling' kasi pag-aari kasi nilang dalawa yong bahay. Kung yong Ate mo naman ang may-ari at hindi naman sila kasal pede niya kasuhan si boy ng trespass to dwelling at damage to property kung may nasira man. Ang conjugal property o dwelling ay para lang yan sa mag-asawang legal, pero, kung live-in o cohabitation, kinikilala lang ng batas ang pagmamay-ari sa naka rehistro sa isang kontrata o agreement o titulo. Ang delikado lang dyan, kasi nga akyat bahay pala yan si boy, baka pag mahimbing na nakatulog yang Ate mo at dumaan sa may bintana baka pagkatapos ay iba na naman yong aakyatin, tuloy baka ma tetano pa yong Ate mo at lumubo yong tiyan. LOL.


Ang maganda gawin ng Ate mo ay pumunta doon sa pinakamalapit na istasyon ng pulis at hanapin yong VAWC (violence against women and children) desk at isangguni sa kanila ang problema. Usually, babaeng pulis ang in-charge dyan, mahirap na kc pag lalaking pulis baka magka MU pa. Base dun sa nangyari sa kapitbahay ko, nagfile siya ng complaint sa korte at na isyuhan ng restraining order yong ex-husband niya na hindi siya pedeng makalapit sa bahay within 200 meters. I think pede din gawin ng barangay yan na mag-isyu ng RO pero maganda kung sa korte manggaling dahil pag ginawa ulit ni boy yon, pede, ng tumawag ng pulis ang Ate mo at ipakulong si boy.

Ang problema lang kasi sa RO o restraining order, eh kahit di makalapit si boy sa bahay ng ate mo, eh pede naman na di siya patulogin ni boy. Yong ginawa kasi ng ex-husband ng kapitbahay ko eh parati nagsisigaw sa labas kaya di tuloy nakatulog yong girl. Minsan nga dinala pa yong mga kaibigan niya kaya takot na takot tuloy yong girl. Panibagong habla uli for 'unjust vexation', 'malicious mischief' at 'alarm and scandal' na talagang nakaka stress. Dahil ordinaryong krimen lang yan, madaling makakapag pyensa si boy. Kaya ginawa ko kinausap ko na lang yong kapitbahay na umalis na lang siya sa lugar namin at maghanap ng ibang malilipatan na hindi alam ni boy. Kung maaari yong malapit sa mga kamag-anak niya para kung may emergency man, may madaling makakatulong. Sabi ko naman sa kanya dahil maliit pa naman ang anak niya, nasa kustodiya pa rin niya ang pangangalaga. Kaya ayon ginawa nga niya. At least, may peace of mind na siya sa ngayon.
 
maraming salamat sir dami ko nalaman sayo..thank you tlga.
tom kc pupunta kami ng barangay para harapin si boy dahil nga pina barangay ni boy si ate ko.babalitaan kita sir if anong mangyayari.
 
Back
Top Bottom