Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Cyber Love (one of the best masterpieces I wrote)

i_heart_my_computer_by_tinu-d3lespx.jpg

by: Mark Andrew T. Cordovero aka adiksadownload / magnum opus

Nung una, FRIENDSTER lang tayo, nagsi-SHARE lang ng APPLICATIONS ng buhay at nag-uUPLOAD ng PHOTOS
nagsasabihan pa ng INVITE kita ADD mo ko
yun pala dahan dahan nang nahuhulog ang loob mo.

Dahil isang araw nagtapat ka na mahal mo ako
na natutuwa ka tuwing maglo-LOG IN ako
pero ayaw sayo ng mga kaibigan ko
dahil MALICIOUS ka daw, manloloko at babaero.

COMMENTS ng iba, di ka daw seryoso
nag-TESTIMONIAL pa sa akin lahat ng naging ex mo
ang pag-ibig daw ay ginagawa mong biro
pagkat para sayo lahat ay GAME,mahilig ka daw makipaglaro

pero binalewala ko nalang bawat sabihin nila
di ko pinansin bawat POP UP nila
kasi ang totoo, LIKE na din kita
di na ako papaapekto sa anumang UPDATES at NOTIFICATIONS nila.

Masaya ako pag ka-CHAT kita
ang buhay ko'y puno ng SMILEYS sa sobrang saya
lalo na pag naka WEBCAM pa,
at pati sa FACEBOOK, ka-NETWORK din kita

you opened many WINDOWS when you ENTERed into my life
every WORD you said talagang nanunuot inside
in many things i EXCEL, ako daw ba ay inspired
hindi ah! ang sabi ko, your POWERPOINT makes me alive.

Bawat lumilipas na araw ay kay-saya nating dalawa
puwede ngang i-VIDEO at sa YOUTUBE ay i-upload pa
makulay ang THEME ng araw ko pag kasama kita
ang sarap ngang i-POST sa WEB ang love story nating dalawa

bawat sabihin mo'y kaygandang SOUNDS sa pandinig
bawat bulong mo'y naririnig na para bang ako'y naka-HEADSET
naaalala ko pa nung araw na na-CONFIRM kita
napasigaw ka ng YAHOO! na parang naka-LOUD SPEAKER ka.

Pero isang araw nag-SHIFT ka,naging sobra kang possessive
napakahigpit ng iyong CONTROL,parang sinasakal ako sa leeg
lagi mong mino-MONITOR bawat SCROLL ko at balak
bumabagal na ang CPU ko,naguguluhan ang utak.

I even POKE you everyday pero ini-IGNORE mo naman
I also TWIT you pa nga pero dine-DENY mo naman
Lahat pa naman ng COMMAND mo,sige FOLLOW lang ako
Pero at the end pala, mag-eESCAPE kang palayo.

Di na talaga kita maintindihan nag-iba bigla ang IP mo
nag-iba na ang E-MAIL ADDRESS mo pati PASSWORD mo
minsan tuloy naisip kong mag-DISCONNECT sayo
ano bang mali sakin? may pagkukulang ba ako?

At isang araw nga, you've said you need SPACE
for you to have your space and for me to have MYSPACE
para akong na-VIRUS that day you've told me that
i need to DEFRAG my OPERATING SYSTEM,i need to REFORMAT.

Ang dami kong in-EXTRACT na luha sa aking mga mata
hiniyawan ang mundo, sa BLOG ay nag-SHOUT OUT pa
natiis mo akong saktan,HARD DRIVE ba yang puso mo?
bakit mo naman ginawa ito sa SOFTWARE na damdamin ko?

you've DOWNLOADed a part of me, nung umalis ka
nag-HANG ang SYSTEM ng buhay ko dahil wala ka na
napaka- LAG talaga the day you LOGGED OUT away from me
kala ko nag-HIBERNATE ka lang o nag-STANDBY for me.

Di kita maalis sa MEMORY ko,INTERNAL man o EXTERNAL
para bang andyan ka pa din at ONLINE magdamagan
pero talagang wala ka na pati ACCOUNT mo laging OFFLINE
kaya naman lilimutin na kita, i'll just SIGN UP for a better one.

Kaya ngayon idi-DELETE ko na,lahat ng DATA mo
ERASE ko na lahat ng THREAD,STRING,FOLDERS,FILES pati mga COOKIES mo
ayaw ko na GOT TO GO, magsa-SHUT DOWN na ko
at di na ko muling magbi- BE RIGHT BACK sayo.

Isang araw nalaman ko na lang na mayroon ka ng iba
ang dahilan ba ng pag-iwan mo sa akin ay siya?
Bakit?Dahil ba mas mabilis ang INTERNET CONNECTION niya?
O dahil ba DIAL-UP lang ako at DSL naman siya?​

:yipee: :dance:
Nagustuhan mo ba? comment na :lol:
 
Last edited:
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

Isang araw nalaman ko na lang na mayroon ka ng iba
ang dahilan ba ng pag-iwan mo sa akin ay siya?
Bakit?Dahil ba mas mabilis ang INTERNET CONNECTION niya?
O dahil ba DIAL-UP lang ako at DSL naman ? <-- naman ba talaga dapat to o siya?

:giggle:

:thumbsup:

ang galing. :chaku:
:yipee: :dance:

still reading some of your tasty poems..
:naughty:

tumumbling ako dun sa mang hihi po... :lmao: :rofl: :laugh:

opo NAMAN SIYA po yun, salamat po sa pagpansin. typographical error po.na-edit ko na po.
Mabuti naman at nagustuhan mo po :hat:

Napa-tumbling pa talaga ha?! :lol: yup.madami pa po akong nakakatawang poems.hehe
 
Last edited:
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

nice poh galing pah copy din poh!:thumbsup::clap:
 
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

nice poh galing pah copy din poh!:thumbsup::clap:

ok lang po.. sige po puwede mo copy
pakilagay na lang po ng credits :hat:
:thanks: po sa pagbasa at pag-comment

Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

Noong una,katuwaan lang nang maisulat ko ang tulang ito.Nang mag-back read ako,napansin ko ang mga comments na ito;

WaA! Ang haba!XD. Sayang pambabae nga lang.Pero okey na din. :salute:

That was nice. Naaliw ako sa tula mo amigo. :lol: it was kind of refreshing to see those computer terms used in a different context. :D Tuloy lang ang pagkatha amigo. :hat:

Gawa ka pa. Sayang ang talento. :thumbsup:

nice one adiksaDL :thumbsup:

Natuwa ako,salamat po sa Literati Group sa pagbibigay ng munting pansin sa tula ko..
 
Last edited:
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

woooooooooow
 
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

aus pre....:clap:
 
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

Wow.. Ang sweet naman ng po ng poem na ito.. Parang babae po yata ang nagsasalita sa poem :laugh: Nung umpisa,ayaw ko sanang basahin kasi ang haba.pero nung nakita ko na madami yumg nagbasa at nagkoment,naintriga ako. Ikaw pala yung gumawa nito,nakita ko na kasi ito dati sa ibang website gaya ng facebook. Sayo pala nanggaling ang poem na ito. Hiramin ko din po ito ha? Ang ganda eh :thumbsup: avid reader mo na talaga ako,next time basahin ko lahat poems mo. Nakakaaliw at nakakatuwa ang tula mong ito. Nakaka-inlove :rofl: salamat po sa pag-share nito :thanks:
 
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

kakaaliw ang sarap naman iread.. keep up the good work brod..
 
sweet po ba? :kiss: opo babae nga po yung nagsasalita sa poem. opo hiniram na nga po ito ng iba,baka po naipost nila sa fb nila :lmao: ok po puwede mo po hiramin. Talaga po?sige po sana magustuhan mo din yung iba kong gawa. :thanks:

kakaaliw ang sarap naman iread.. keep up the good work brod..

haha.madami nga din po ang naaliw.. Opo, sulat lang po ako ng sulat talaga. :thanks: po
 
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

ang lupet mo talaga idol..nakalkal ko lang ito bigla.. astig to :thumbsup: husay :clap: :clap: :clap:
 
Re: Ang computer ng lovelife ko "my cyberlove"

ganda ts parang
rap nil hambog yung dahil sa facebook
hehehe :D
 
Back
Top Bottom