Nawa ay mahugasan
Ang mga kasalanan
Tangayin ng agos
Tungo sa kawalan
Humpak na nakalublob
Ang katawang nakatirapa
Nakatikom na bibig
Lumilikom ng hininga
Iadya na maputikan
Kamay na sasalba
Ganap na maligtas
Banal sa lapastangan
Ang mga kasalanan
Tangayin ng agos
Tungo sa kawalan
Humpak na nakalublob
Ang katawang nakatirapa
Nakatikom na bibig
Lumilikom ng hininga
Iadya na maputikan
Kamay na sasalba
Ganap na maligtas
Banal sa lapastangan