Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Dapat na ba akong sumuko? O subukang ituloy ang laban?

Status
Not open for further replies.
Mahirap magluto sa Kawaling hindi mainit. kaya wag ka banat ng banat. hehe. Pero mapapayo ko sayo. maghanap kana din muna ng iba. my dahilan kung bakit hndi ka nya feel maging karelasyon, at una hindi ikaw ang type nya. baka sakaling makita mu sa iba ang love na hinahanap mu,.
 
Yes, Sir. Alam ko naman na po yun. Hindi din po ako banat ng banat dahil hindi ako katulad ng iba na sobrang kulit na halos pilitin na yung babae para magustuhan siya. Sa ngayon po, cool-off / cooldown muna kami. Wala na din muna kaming communication at the moment. Hirap akong binatawan siya dahil hindi man lang ako nabigyan ng chance na iparamdam sa kanya kung gaano ko talaga kamahal, at ipakita sa kanya kung gaano ako ka-seryoso sa kanya. Dahilan nga po ay dahil sa magkalayo kami. Pero hanggat may chance pa akong nakikita, gaya na lang ng pagme-meet namin itong mga susunod na buwan, hopeful ako na maganda ang mangyayari. Iga-grab ko yung chance na yun, kahit na sandaling panahon lang na magkakasama kami, para maipakita at maiparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Alam kong katangahan na ang tingin ng iba sa ginagawa ko. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Maraming salamat po sa reply! God Bless po!
 
Ts natuloy naba e.b nyo? Any update? Hehe
 
Hello po sa inyo.

Ilang buwan na din po akong member dito sa Symbianize at dito sa part na to ng forum ako madalas tumatambay. So ayun, this exact same day, napilitan po ako mag-confess sa long-time friend ko of more than four years na. Panay kasi ang share niya sakin ng picture ng crush niya na kinaiinlovan na daw niya. Kaya ayun, sa inis ko, napaamin kaagad ako ng di oras, thru chat pa. At in the end, ayun basted. Friend lang daw ang turing niya sa akin.

Ngayon po ang tanong ko, itigil ko na po ba o pahuhupain ko muna tapos i-try ko ulit? Alam kong katangahan na yung pata-try ulit kaya lang mahal na mahal ko po kasi sya talaga.

Maraming salamat po.

try lang ng try bosss
 
Ts natuloy naba e.b nyo? Any update? Hehe

Good day, sir Pyro!

Nabuhay ulit yung thread ko. Nakalimutan ko na din i-update. XD

Anyways, okay na po ulit kami, sir. Nagkausap kami ulit nung mismong birthday niya. Daya nga eh kasi the day before her birthday, nag-message siya. Madaya kasi dapat ako magme-message sa kanya pero inunahan niya ako. So ayun, bumalik kami sa dati na parang walang nangyari. Hindi ko din inaasahan na magkaka-ayos kami ulit. Kasi as far as I know, yung mga ganitong issues katulad ko, madalas na wala na talagang nangyayari. Kaya masayang-masaya ako at napaka-swerte ko pa din talaga.

Tungkol naman sa plano namin na magkita, yes sir, tuloy po. First week po ng October ang punta niya dito sa Manila. Medyo awkward din kasi syempre, first time namin mag-meet, kailangan ko muna i-gain yung trust niya sa una naming pagkikita kahit na matagal na kaming magkakilala on-line. Excited at kinakabahan, yan ang nararamdaman ko at this moment. Excited kasi sa wakas makikita ko na siya. Kinakabahan, kasi hindi ko alam kung ano magiging reaction namin sa isa't-isa. Kung bibigyan niya lang ako ng chance, yayakapin ko siya the moment na makita ko sya. Gaano man kahaba ang oras na ibibigay sa akin ng panahon / tadhana, sisiguraduhin ko na susulitin ko yun. Ipapakita ko sa kanya kung sino talaga ako, at kikilalanin ko naman siya ng husto. Ipaparamdam ko sa kanya na sincere at honest ang intentions ko sa kanya, at kung gaano ko din siya ka-mahal.

Update ko ulit 'tong thread ko sir after namin mag-meet.

Thank you, sir! God Bless!

- - - Updated - - -

try lang ng try bosss

Hello, sir metanoia!

Yes, sir! Masasabi ko na worth it yung mga ginawa ko after ko mag-confess sa kanya. Okay na po kami ngayon, at parang walang nangyari. At least, alam na niya kung saan niya ako ilulugar. Actually, hindi ko na din siya naririnig na nagkukwento tungkol sa mga crush(es) niya, which is good for me. Hehehe.

Thank you, sir! God Bless!
 
Last edited:
actually wala namn talagang mali sa desisyon mong aminin sa kanya mas mabuti nga yon at least alam nya na "walang paligoy ligoy kung wala syang nararamdaman sayo e di wala at kung meron e di tuloy kasi nga always open nman kayo sa isat isa ganyan lang. di kawalan yang mga babae mali kasi yong namimilit tayo sa isang tao na ayaw naman talaga satin ang dami pa nila, isa yan sa mga hokage moves... at dahil alam nya na, alam nya din na nasasaktan ka sa oras na babanggitin nya ang crush nya noon sayo pre. pakita molang sa kanya in person na totoo ka kung ano kayo sa "online" tsaka pag nagkita na kayo relax lang hinga ng malalim kilatisin mo muna bago ka mag umipisa alam muna yan..."
 
TS magpapogi ka na next month haha,, yung pinakamabango at pinakamalinis na looks na ipakita mo at baka yan na rin ung maging unat huling impression nya sayo

wag mo biguin expectation ni girl, alam mo naman, isa na yan sa pinakamalking chance mo,
kung di ka pogi, magbaon ka ng jokes
alisin muna ang hiya,
saka manlibre ka,
pakitang gilas ka rin, alamin mo magandang places malapit sa lugar na pagkikitaan niyo, para maigala mo naman sya,
kung kinakailangan, maging historian ka, para walang dead-air,
dont miss the chance TS, remember, type mo si girl, dapat matype-an ka rin nya or friends na lang kayo talaga
FIGHT!
 
Kaya nga po, sir. Napakagaan talaga sa pakiramdam yung nailabas mo na yung mga bagay na matagal mo ng itinatago. Actually, okay lang naman yung may mga crush(es) siya, wala naman sa akin yun. Pero yung isang guy lang na naiinlove na daw siya, dun ako nag-react. Ewan ko din lang kung totoo. Pero ang weird lang talaga kasi nagawa niya pa ako i-message kahit na ganun ginawa ko. Kasi gaya ng sabi ko sa isa sa mga replies ko sa thread ko na to, bibihira na lang talaga yung ganitong scenario na katulad sakin na bumalik talaga kami sa dati na para bang walang nangyari. Kasi yung ibang babae, parang pakiramdam nila pinagtaksilan sila, at hanggang dun na lang talaga.

At yes, sir. Kung ano niya ako nakilala simula pa noon, hanggan sa ngayon. Ganun din naman ang makikita niya sa akin kapag nakapag-bonding na kami once we meet. Hindi ko naman na kailangan pang magpanggap. Alam ko na parang magiging parang stranger kami sa isa't-isa sa una naming pagkikita.

Pero yung relax na yan, hindi ko sure. Sobrang excited at kinakabahan na ako sa totoo lang. Baka himatayin ako kapag nakita ko na sya. Hahahaha. Oo, sir. Oobserbahan ko siya ng husto. Gestures at kilos niya kapag kasama niya ako, etc.

Noted, sir! Hahaha! Pero matik na yan talaga. Tamang casual lang at comfortable, syempre. Gusto ko nga naka-suit. Hahaha. Tama ka dun, sir. First impression lasts, sabi nga nila.

Kaya nga, sir. Hinding-hindi ko naman bibiguin yung mga expectation(s) niya sa una naming pagkikita. Hinding-hindi ko din sasayangin yung chance na yun. Susulitin ko talaga.

Hindi naman ako pangit, sir. Hahahaha. At may sense of humor naman ako. Actually, nung nagkausap nga kami sa phone one time and for the first time, pinapatawa ko siya ng pinapatawa para maging okay siya, at ayun tawa naman ng tawa. Ang sarap talaga sa feeling kapag napapa-tawa mo yung babaeng mahal mo.

Yung hiya medyo hindi na maiiwasan yan at first, sir. Since first time namin makikita ang isa't-isa in person. Pero tingin ko saglit lang din yun at magiging comfortable na kami sa isa't-isa. Sure na sure ako dun.

Hinding-hindi ko siya pagagastusin kahit piso, sir. Hahaha. Napag-handaan ko na din 'tong time na 'to. Hindi naman din siya mahirap i-treat kasi food lover din siya kagaya ko.

Sana payagan siya ng mga kasamahan niya na maisama at maipasyal ko. May event kasi sila pinuntahan dito sa manila eh. Di ko naman sya kikidnapin. Hahaha.

Yes, sir! Gaya nga po ng sabi ko, hinding-hindi ko sasayangin ang chance na 'to. Mukhang tadhana na din ang nagbibigay ng daan para magkita kami. Kahit na sandaling panahon lang, at least mabibigyan ako ng chance na maipakilala ang sarili ko sa kanya, at kilalanin naman siya. Tatratuhin ko sya as a potential lover / partner, not as a friend. Ipapakita at ipaparamdam ko sa kanya, kahit na sa pag-tingin ko pa lang sa kanya, kung gaano ka-honest at ka-sincere ang feelings ko para sa kanya. Hindi ko na din kailangan pang magpanggap na taong hindi naman ako para lang ma-impress sya.

- - - Updated - - -

wala lang. dami kasi nag popost ng ganito sobrang bata pa, pero sa status mo mukhang tagilid ka jan

Pansin ko nga din po. Pero hindi naman po siguro isolated sa younger ones yung case na kagaya nitong sa akin. An update po pala, okay na po kami. We two are back on track. Parang walang nangyari, bumalik agad kami sa dati. Hindi din ako makapaniwala nung una, pero totoo. Siya po yung unang nag-initiate ng contacts after two weeks na wala kaming communication (which made me really really happy). Ang daya niya nga kasi inunahan niya ako.
 
@ts

That is a good thing bro. She is giving you a chance and you better not scew things up. Tip lang.. Be careful sa hug bro, Test the waters and build rapport first. A simple handshake at first meet would do. Saka na hug pag nag end na day. Atleast medyo comfortable na sya non. Act natural and be yourself and watch her feedback or body language. Remember that day will make a good/bad impression nya sayo. Kaya galingan mo. Gudkuck sayo.
 
Yes, sir Pyro. Para talaga kaming nasa get-to-know-each-other-phase even though matagal na kaming magkakilala at comfortable na kami sa isa't-isa. Iba pa din kasi talaga kapag sa personal eh. Hinding-hindi ko din sasayangin yung chance na 'to. Gusto ko talagang makuha muna yung trust niya sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya kung ano at sino ba talaga ako sa personal. Well, kung ano niya naman ako nakilala ganun pa din naman ako sa personal.

Yung hug naman sir, as if naman na magawa ko talaga yun. Ganun lang din talaga kasi yung magiging feeling ko once na makita ko siya sa personal. May urge pero di ko naman magagawa agad-agad. Tama ka din sir, i-build muna yung rapport. At tamang handshake lang okay na sa first meeting namin.

"Be yourself", yan din sabi sakin nung isa sa mga kaibigan ko, sir Pyro. Hindi ko naman din kailangang gawin yan dahil gusto ko makilala niya ako bilang ako. Kung ano at sino ako sa online world, ganun pa din naman ako sa totoong buhay. Tsaka, tingin ko naman, sir, eh magiging comfortable din kaagad siya sa akin kagaya na lang kung gaano siya ka-comfortable sa akin kapag nag-uusap kami thru facebook chat.

Noted din yan sir. Kahit gaano kahaba o kaiksi ang oras na magkakasama kami (sana kahit half day or longer sana), gagawin ko lahat para lang maging memorable sa akin, at higit sa lahat, sa kanya. Hindi ako gagawa ng kahit anong ikakasira ng image ko sa kanya.

Maraming salamat sa reply, sir Pyro. God Bless!
 
pagka meet-up.... say hi ..____. sa diname dami ng hinanda mong sabihin wala kang masabe sa una,,,,haahaha laging nangyayari yan kaya tatawanan ka ni girl:rofl:
 
pagka meet-up.... say hi ..____. sa diname dami ng hinanda mong sabihin wala kang masabe sa una,,,,haahaha laging nangyayari yan kaya tatawanan ka ni girl:rofl:

Kaya nga, sir. Hahaha. Pero sure naman ako na ma-oovercome din namin yung awkward feelings kapag nagkita na kami. Comfortable naman na kami sa isa't-isa. Although ito ang pinaka-unang beses naming magkikita sa personal.
 
Ayos tong kwento mo, Pafs. Aaabangan ko kabanata

Goodluck :thumbsup:
 
Actually ts, tip ko sayo itigil mo na muna. Hindi sa "itigil" talaga na literal. Kundi gaya ng sinabi mo pahupain muna. Kasi sa mga babae, minsan ayaw nila ng makulit(kahit sila nga yung panay na makulit), sa mga bagay na hindi sila komportable. Gusto nila sa lalake- chill, confident, at may respeto. Ipakita mo sa kanya na okey pa rin kayo, na kahit ganun walang magbabago. Na kung sakali man, ay hindi sya kawalan; bagkus ikaw yung kawalan sa kanya. Sa pagdating ng panahon, mare-realize rin nya, na yung hinahanap nya, jan lang pala sa tabi nya.

TS, Eto ang pinaka da best na payo na nareceive mo sa thread mo. What he said really happened. Nakita nung girl na ikaw ang kawalan sa ka nya. That's why she made the first move. At since magkikita na kayo, gaya ng sabi niya, "Gusto nila sa lalake - chill, confident, at may respeto." I believe TS dapat maging ganito ang impression niya sayo. Kasi based from experience, kapag madrama ka, praning, seloso, walang tiwala, you can name it, which is kabaligtaran nung sinabi niya, IIWAN KA NG BABAE. Ang sakit eh. Hahaha nangyare sakin. SO TS, PAG NAKITA KA NIYA, IPAKITA MO NA YOU'RE THE MAN.
 
Ayos tong kwento mo, Pafs. Aaabangan ko kabanata

Goodluck :thumbsup:

Maraming salamat, sir! Hahaha.

Nawa'y maging maganda ang resulta nitong ginagawa ko sa ngayon.

- - - Updated - - -

TS, Eto ang pinaka da best na payo na nareceive mo sa thread mo. What he said really happened. Nakita nung girl na ikaw ang kawalan sa ka nya. That's why she made the first move. At since magkikita na kayo, gaya ng sabi niya, "Gusto nila sa lalake - chill, confident, at may respeto." I believe TS dapat maging ganito ang impression niya sayo. Kasi based from experience, kapag madrama ka, praning, seloso, walang tiwala, you can name it, which is kabaligtaran nung sinabi niya, IIWAN KA NG BABAE. Ang sakit eh. Hahaha nangyare sakin. SO TS, PAG NAKITA KA NIYA, IPAKITA MO NA YOU'RE THE MAN.

Good day po!

Yes, sir. Ginawa ko po yan. Yan din po kasi gusto niya na sinunod ko naman. Kilalang-kilala ko na po kasi siya, halos. Siya kasi yung tao na ayaw ng kinukulit, pero ayaw din naman ng ini-ignore kaya medyo hesitant ako na hindi muna makipag-communicate sa kanya. Yes, inaamin ko na sobra akong nahirapan nung una. Lalo na siya yung taong palagi kong nakaka-usap, at taong napaka-importante talaga sa akin. Pero unti-unti, nasanay din. Pero yung feelings, ganun pa din.

Tungkol naman po sa pagme-message niya sakin, hindi ko po ine-expect yun sa totoo lang. Pero masayang-masaya ako sa ginawa niya, at sana nga po ganyan din yung nasa sa isip nya nung ginawa niya yun kagaya ng sinabi nyo.

Chill? Well, super comfortable naman na po namin sa isa't-isa kahit na sa chat lang kami magka-usap palagi. Napaka-open niya sa lahat ng bagay tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung sa akin lang siya ganun. At ganun din naman ako sa kanya. Willing akong pakinggan ang kahit na anong bagay na iku-kwento o sasabihin niya. Alam kong ganun din siya.

Confident? Yes, sir. Masasabi ko na confident naman ako. Pero siguro sa una mahihiya kasi nga first time naming magkikita in person, at first time ko siyang makikita in the flesh. Pero saglit lang siguro at masasanay din kaagd ako na nasa tabi ko siya.

Respeto? Ito talaga, matik na 'to, sir! Iba yung level ng respect ko sa kanya kumpara sa ibang tao.

Yung pagiging madrama, praning, seloso, walang ttiwala, etc. Hindi ko pa po pwedeng gawin yan kasi hindi pa naman kami. Hahaha.

Madrama? Hate na hate niya 'to. Bawal ako mag-drama, pero siya pwede. Hahaha.

Paraning / Walang tiwala? Handa ako na pagkatiwalaan siya kahit na magkalayo kami. Madalas niya naman akong i-update kapag late na siya nakaka-uwi. Overtime sa work. Kung saan lakad niya. Nag-sosorry din siya kapag hindi siya nakaka-reply kaagad. At marami pang iba.

Seloso? Hindi naman natin maiiwasan 'to. Pero ako, on a minimal level lang na may halong pagka-sweet. Mahirap naman yung hindi ka magse-selos kasi baka ano na isipin nung karelasyon mo kapag tamang dedma ka lang, kahit na ang totoo ayaw mo lang ng drama at conflict.

Pero ganun talaga din, sir. We learn from our past mistakes. Kaya okay lang yan.

Tsaka, opo sir. Ta-tratuhin ko siya bilang isang potential partner / lover at hindi friend. Ipapakita at ipapakilala ko kung sino at ano talaga ako. Pero hindi ko na din kailangan pang magpanggap. Sabi nga ng ilan sa mga nag-reply at ng ilang mga kaibigan ko, "Be yourself".

Maraming salamat po sa pag-reply, sir! God Bless!
 
Hahhaa okay yan TS. Update mo kami pag nagkita na kayo. Aabangan namin love story nyo kaya wag mo kalimutan update tong threah mo ah hahaha. POWER!
 
Kaya nga po, sir. Napakagaan talaga sa pakiramdam yung nailabas mo na yung mga bagay na matagal mo ng itinatago. Actually, okay lang naman yung may mga crush(es) siya, wala naman sa akin yun. Pero yung isang guy lang na naiinlove na daw siya, dun ako nag-react. Ewan ko din lang kung totoo. Pero ang weird lang talaga kasi nagawa niya pa ako i-message kahit na ganun ginawa ko. Kasi gaya ng sabi ko sa isa sa mga replies ko sa thread ko na to, bibihira na lang talaga yung ganitong scenario na katulad sakin na bumalik talaga kami sa dati na para bang walang nangyari. Kasi yung ibang babae, parang pakiramdam nila pinagtaksilan sila, at hanggang dun na lang talaga.

At yes, sir. Kung ano niya ako nakilala simula pa noon, hanggan sa ngayon. Ganun din naman ang makikita niya sa akin kapag nakapag-bonding na kami once we meet. Hindi ko naman na kailangan pang magpanggap. Alam ko na parang magiging parang stranger kami sa isa't-isa sa una naming pagkikita.

Pero yung relax na yan, hindi ko sure. Sobrang excited at kinakabahan na ako sa totoo lang. Baka himatayin ako kapag nakita ko na sya. Hahahaha. Oo, sir. Oobserbahan ko siya ng husto. Gestures at kilos niya kapag kasama niya ako, etc.

- - - Updated - - -

Noted, sir! Hahaha! Pero matik na yan talaga. Tamang casual lang at comfortable, syempre. Gusto ko nga naka-suit. Hahaha. Tama ka dun, sir. First impression lasts, sabi nga nila.

Kaya nga, sir. Hinding-hindi ko naman bibiguin yung mga expectation(s) niya sa una naming pagkikita. Hinding-hindi ko din sasayangin yung chance na yun. Susulitin ko talaga.

Hindi naman ako pangit, sir. Hahahaha. At may sense of humor naman ako. Actually, nung nagkausap nga kami sa phone one time and for the first time, pinapatawa ko siya ng pinapatawa para maging okay siya, at ayun tawa naman ng tawa. Ang sarap talaga sa feeling kapag napapa-tawa mo yung babaeng mahal mo.

Yung hiya medyo hindi na maiiwasan yan at first, sir. Since first time namin makikita ang isa't-isa in person. Pero tingin ko saglit lang din yun at magiging comfortable na kami sa isa't-isa. Sure na sure ako dun.

Hinding-hindi ko siya pagagastusin kahit piso, sir. Hahaha. Napag-handaan ko na din 'tong time na 'to. Hindi naman din siya mahirap i-treat kasi food lover din siya kagaya ko.

Sana payagan siya ng mga kasamahan niya na maisama at maipasyal ko. May event kasi sila pinuntahan dito sa manila eh. Di ko naman sya kikidnapin. Hahaha.

Yes, sir! Gaya nga po ng sabi ko, hinding-hindi ko sasayangin ang chance na 'to. Mukhang tadhana na din ang nagbibigay ng daan para magkita kami. Kahit na sandaling panahon lang, at least mabibigyan ako ng chance na maipakilala ang sarili ko sa kanya, at kilalanin naman siya. Tatratuhin ko sya as a potential lover / partner, not as a friend. Ipapakita at ipaparamdam ko sa kanya, kahit na sa pag-tingin ko pa lang sa kanya, kung gaano ka-honest at ka-sincere ang feelings ko para sa kanya. Hindi ko na din kailangan pang magpanggap na taong hindi naman ako para lang ma-impress sya.

- - - Updated - - -

Pansin ko nga din po. Pero hindi naman po siguro isolated sa younger ones yung case na kagaya nitong sa akin. An update po pala, okay na po kami. We two are back on track. Parang walang nangyari, bumalik agad kami sa dati. Hindi din ako makapaniwala nung una, pero totoo. Siya po yung unang nag-initiate ng contacts after two weeks na wala kaming communication (which made me really really happy). Ang daya niya nga kasi inunahan niya ako.

Naks! Congrats hahaha :D
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom