Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Duterte: Puro Utang ang Inaatupag

Uutang tayo dahil we need liquidity but don't work basta mataas ang GDP natin ok l'ng yan, Take a look at US 20Trillion Debt but estimated 500M deficit sa GDP and still wanting to borrow more pa
 
Last edited:
wala ako alam masyado sa economics at mga in depths sa utang etc so please forgive the following ignorant statements....

ang alam ko ang utang natin na ilang dekada na hindi maubos ubos na nagpapahirap satin ng matagal ng panahon eh mula sa World Bank na headed ng US. Halos ang leadership nila 99.9% eh United States for decades. Ang opinion ko lang po is sa World Bank madaming nations ang involved, madaming strings attached at madaming mga selfish interest. Maraming mga party or factions ang nagddictate kung anu kapalit. Tapos ewan ko lang kung totoo pero sabi daw sila din daw naglilimit at nagddictate ng economic policies natin para lang tumaas credit rating natin. Kaya hindi mo rin masabi bakit ganun kagalit ang presidente sa US kasi nakakadena tayo sa paglaki. At sabi naman ng barkada kong NPA na ang World bank sila din daw ang nagddictate na ang role lang daw natin talaga eh magexport ng mga OFW hanggang dun lang tayo in terms of global role no industrialization. Kaya pala nageexist ang TESDA at ladderized programs at mga 2 year vocational technical programs ng mga past admins.

In contrast umuutang tayo directly sa China(I am not sure) na isang nation lang not from any bank institution. At sa natatandaan ko yung trip ni Duterte sa China eh may batallion syang Fil-Chinese businessman na kasama. isa na dun sila Manny Pangilingan(sumakalawakan ka na sana dahil sa pagpapahirap sa Filipino via Meralco/Maynilad/PLDT)...kidding aside, I think yung soft loan na yun eh possible mas malaki pa kung wala ang mga unggoy na negosyante.

Okay talaga mga infrastructure projects na magmmula sa utang na ito. Pero ang opinion ko lang sasamantalahin lang ito ng mga unggoy natin(local businessmen) at tayo lang din magbbayad(Thinking of how NLEX/SLEX/MRT operates and do their business for past years)..Kaya para sakin mas pabigat ito sa atin kaysa problemahin yung mga utang if should in case na si PDU30 eh hindi makontrol ang mga unggoy and not make them fall in line.

Anyway, kung napanood nyo mga news, halos parang mga batang nakapunta sa disney land ang bataliion(400+ negosyante) na unggoy natin nung pagpunta sa China. Ang tingin ko dito, I think it is lucrative enough for them para mahikayat sila but they are still Filipino businessmen(Although mga Chinoy). Dahil ang venue ng business eh Pinas, I think Filipino din makkinabang though katulad ng sinabi ko hindi mawawala selfish interests ng mga unggoy which is the bigger problem kaysa dun sa utang.
 
Yung idea na yung World Bank and IMF only make it worse for Third World countries, sa unang tingin mo parang tama talaga. Pero pag hinimay mo mabuti to, makikita natin na ang observation is based on effects: on what transpired with those nations that obtained hefty loans from these financial institutions. Ang idea na to ang actual seed ng ilang conspiracy theories, eh, hehe.

Ang nangyari kase, halos lahat ng umutang na bansa sa IMF-WB, eh yun ding mga bansa na weak ang political systems and institutions, so ang leadership binubulsa karamihan ng natatanggap na pera sa IMF-WB. Pero kung kikilatisin mo, ang critical assumption ng IMF-WB is that the global economy has really become almost a single entity, where everyone is intrinsically dependent on the good performance of others. Economic entanglement bale. Kung tatanggapin natin na tool of oppression ang IMF-WB, ano ang gagawin natin sa evidence na ang mga major donor countries nila equally suffer sa palpak na implementation ng programs na sinasuggest nila. Granted, may alternative ideas of how to institute the programs, but some of them come against the face of other countries who successfully came out ahead while using the guidelines put in place by the IMF-WB.

But saying that, it doesn't take anything sa idea na it's also a good thing that there is now competition for the IMF-WB. Yan yung BRICS nga, headed by none other than China.

About sa contrary view mo sa batalyong hila-hila ni DU30 sa China, I guess di maiiwasan na may masasama talagang familiar names diyan, gaya na nga ni Pangilinan. If you consider that all these businesses are also after entering into partnerships with their Chinese counterparts and not just making loans in their names, then I don't know how it would hurt our economic position overall. Self-interest is the driving factor of capitalism. It is either good or bad depending on how much it actually impacts the economic life of a nation. Unmitigated greed like the US model is bad, but disciplined self-interest sa evidenced in European countries like Sweden, Norway, Finland, is another thing. Ang tanong, alin kaya ang mangingibabaw dito sa Pilipinas kalaunan. That would be for us and the next generation to decide.
 
Sa totoo talaga d dapat mangutang at sa totoo lang madami xang inaatupag..at the same time mid year na din xa nag umpisa..at nakita nya na MALAKI at MALALA NA ang mga problema..he rings the bell not knowing na napakalala na pala ng corruptions, illegal drugs at etc. Kaya naging option na ung soft loan para magamit at pang ayuda sa pagkontrol ng problemang sumurpresa sa kanya..kung lalagay ka sa katatayuang bukas ang isip, mararamdaman mu ung nasa loob nya.. naaawa xa sa atin, sa kalagayan natin..for example sa ILLEGAL DRUG PROBLEMS, aakalain mu bagang gayon n laang kalawak ng infestations?..nakikita mu ga ung figures ng mga surrenderees? mga kusang sumuko lang yun, marami pa ang di nasuko..meaning malaking figures pa ang nasa likod nito. yung mga matataas na taong nabubulgar nya? at kung anung mga posisyon sa gobyerno ang hinahawakan nila? yung ke DELIMAw d ka ga nababahala dun? yung Yolanda Funds na d napabigay ng maayos sa mga nasalanta..san na ngaun yun..alangang pabayaang niya ang mga yun..another funding? malamang..concern xa dun.. wala namng alloted funds na iniwan ung dati admin..kulang pa nga sa kanila (dating admin) kaya pati sa yolanda funds nadamay...kung bubuksan mu laang kaibigan ang iyong isip..makikita mu ang namumroblemang figure ng isang ama (Pres Digong) na makita nya ang pamilya nya (Pinas)..talamak ang mga adik at dinadamay ang mga anak mu ..nirereyp ang mga anak mung kababaihan..may napapasal na sa gutom..may mga chismoso at chismosang kapitbahay (ung mga binanngit mu n nagbibigay kuno ng aids) na binabalahura ang tahanan nya..kaw lumagay sa kalagayan nya..ewan ko lang kung d ka magmura! at uungkot n laang at aasa sa lumalapastangan sa pamilya mu... kung wala ka magamit na pang ayuda sa pamilya mu maresolba lang ang problema...option na ung mangutang..total tiwala pa din aq sa kanya kung xa ang mangungutang.. alam nya kung saan un gagastusin dahil responsable xa.. kung ako sau bigyan mu ng pagkakataong maging bukas ang isipan mu wag lagi nega.. d man kita masisisi..epekto kasi yan ng mga nagdaang admin na umasa tayo pero wala tayo naasahan sa kanila.... peace bro.. the Bible says we should obey them that rules over us.. isama na din natin ung puso natin..applicable yan sa duterte admin.. peace bro!
 
Malaking tama sir. Marami kasi lalo na sa mga anti-Duterte kung tawagin, yung puna nila tungkol sa War on Drugs e sinasabi nila "akala ko ba 6 months lang e bakit humihingi pa ng extension?". Maging bukas na lang sana ang isip nila na noon bilang mayor pa lang. Kakaunti pa lamang ang kakayahan nya o impormasyon nya tungkol sa droga at sa mga sangkot dito. Di nya akalain na ganun na pala katalamak ang droga at marami pa pala na ibang pangalan na mas malalaki pa sa inaakala nya ang sangkot dito. Tungkol naman sa utang, di porket bilyon-bilyon ang pondo ng gobyerno taon-taon e ibig sabihin nun malaki na ang pondo at sasapat na yun sa buong bansa sa loob ng isang taon. Di naman tayo kasing yaman ng ibang bansa para di mangutang. Kung US, China, EU nga e kahit mayayamang bansa e malaki parin ang mga utang. Kung ikukumpara mo ang utang nila e manliliit ang utang natin. Si Pnoy nga P4.24 trillion ang kabuuang inutang pero may naramdaman ba tayo doon? Di pa nga sumapat pati yolanda funds naubos nang di pa natatapos ang mga pinapagawang bahay para sa mga nasalanta at pera para sa financial assistance na nawawala. Ayaw kasi nila noon ipatupad ang FOI para nalalaman ng mga tao kung saan ginagastos ang pera. Buti nga ngayon naipatupad na ng Duterte Admin ang FOI bago ilabas ang bilyong pondo para mabantayan ng tao kung ano ang pinaggagastusan ng gobyerno. Sa paraan na yan maiiwasan ang kurapsyon at overpriced na materyales at equipments na gagamitin para sa malawakang infrastructure projects. Pati yung mga pondong ibinibigay mula barangay pataas mababantayan na din natin dahil sa FOI. Nasa atin din ang unang hakbang para maiwasan ang kurap at kahirapan. Ngayong may FOI na maglakas loob na tayong magsumbong kung may anumalyang makita o mahuli sa barangay pa lang dahil dyan nagsisimula sa maliit ang mga yan.
 
i don't understand this, he goes to china and japan, not for south china sea issues, but, para mangutang? Mababaon na naman tayo sa utang nito.... Tsk.... Tsk.... Tsk.... Katulad din ito sa nangyari noong panahon ni marcos. Maganda sa simula, dami mga projects, pero nung kinalaunan, nalubog tayo sa utang. Mga bandang 1980 yon, nang magsimula ang kalbaryo ng mga pilipino dahil sa utang. Akala ko ba, i develop yong sariling atin? Di naman pala, sa pangungutang din napupunta. Sa interes pa lang nyan, mahihirapan na tayo magbayad at ang laki ng mga interes nyan na pinapatong. Tapos iba pa to sa ppp. Paano pa tayo makakabayad? Buti sana kung us tayo na nagtitinda ng mga armas para may pambayad utang. Yong pambayad natin, eh, baka saging o pinya o di kaya mga japayuki. Lol.......... Hahayzzz.... Pa bagsak na yata ang pinas....:help:

At saka sa pag-aanalisa ko rin, naniniguro ata ang pangulo na may pondo siyang magagamit, baka hindi niya nga makuha yong target budget niya, kaya yon, nangungutang sa ibang bansa at sa china pa na sigurista at magnanakaw ng mga isla. ;)

reklamo pa more! Di ka ba masaya now malalaman mo na kung sino ung mga kurap dahil sa foi na ipinasa ng pangulo? Di ka ba masaya sa daming projects na mabubuksan mga kamag-anak mo magkakaron ng trabaho? Di ka ba masaya na kahit magrally ka magdamag sa labas walang magpapalayas sayo? Take note kahit magkalat ka pa gobyerno pa maglilinis sa kalat mo. Iilan lang yan pero sa dami kasi di kakasya dito.. Pero di ka ba masaya? Gusto mo ibalik natin si panot-tsa?!
 
Ano ba ang pingsasabi mo na ngayon ay malalaman mo na kung sino ang korup dahil sa FOI ng pangulo? May nahatulan na ba sa panahon ni PD30 na siya ay isang korup? Wala naman akong narinig. Kaya mali ang pagka intindi mo sa FOI ni PD30. Yong FOI na yan, ang layunin lang naman nyan ay upang maging accesible yong mga impormasyon na hihingin mo sa mga kawani ng gobyerno. Ang problema ay yong E.O. No. 2, series 2016, may nakalagay na mga exceptions (section 4 ng E.O.), at nag dedepende pa rin kung anong mga impormasyon lang ang pede nilang ibigay. Basahin mo na lang yong order na yon at intindihin mong mabuti. Kaya limitado pa rin, parang kumukuha ka lang ng birth certificate. Di mo pa rin pede makuha yong mga sensitive information gaya ng paano ginastos yong Intelligence Funds ng gobyerno, saan napunta at meron bang mga papeles. Kaya maganda pa rin kung ang version ay galing senado, mas comprehensive ika nga.

Mali ka rin nung sinabi mo, na kahit mag rally ka magdamag sa labas walang magpapalayas sayo. May nangyari na ngang karahasan nung dinisperse ng mga Pulis yong mga ralyista doon sa embahada ng Amerika na marami ang nasaktan. Kaya maling mali ka talaga. At yong sinabi mo na take note kahit magkalat ka pa, gobyerno pa maglilinis ng kalat mo. Bakit di ba ito ginawa ng nagdaang administrasyon? At for your info, hindi ganyan ang gusto ni PD30 na ikaw ay isang iresponsableng Pinoy. Sa Davao, kung magtatapon ka ng basura kahit saan, pede ka pagmumultahin pag nahuli. Kaya mali ka na naman.

Ba't nasali naman si Panot? Eh matagal na siyang wala. Iba na ang nakaupo ngayon, kaya dapat kang maging mapagmatyag at wag pairalin ang pagiging panatiko.
 
I don't understand this, he goes to China and Japan, not for South China Sea issues, but, para mangutang? Mababaon na naman tayo sa utang nito.... tsk.... tsk.... tsk.... Katulad din ito sa nangyari noong panahon ni Marcos. Maganda sa simula, dami mga projects, pero nung kinalaunan, nalubog tayo sa utang. Mga bandang 1980 yon, nang magsimula ang kalbaryo ng mga Pilipino dahil sa utang. Akala ko ba, i develop yong sariling atin? Di naman pala, sa pangungutang din napupunta. SA interes pa lang nyan, mahihirapan na tayo magbayad at ang laki ng mga interes nyan na pinapatong. Tapos iba pa to sa PPP. Paano pa tayo makakabayad? Buti sana kung US tayo na nagtitinda ng mga armas para may pambayad utang. Yong pambayad natin, eh, baka saging o pinya o di kaya mga japayuki. LOL.......... Hahayzzz.... Pa bagsak na yata ang Pinas....:help:

At saka sa pag-aanalisa ko rin, naniniguro ata ang Pangulo na may pondo siyang magagamit, baka hindi niya nga makuha yong target budget niya, kaya yon, nangungutang sa ibang bansa at sa China pa na sigurista at magnanakaw ng mga isla. ;)

Matanong nga kita? may mga dumaan bang Presidente ng Pilipinas na hindi nangutang ang bansang Pilipinas? Mula palang kay Marcos lubog na agad ang Pilipinas sa utang. baon sa utang ang Pilipinas dahil lahat ng naging Presidente mula kay Marcos hanggang kay Pnoy ay mga Corrupt.
Sa nakikita ko ngaun si President Du30 nalang ang magiging Presidente ng Pilipinas na hindi Magnanakaw sa Kaban ng Bayan. ang Papalit sa kanya sa susunod na eleksyon malamang corrupt din. kaya dapat ngaung palang sa panahon ng panunungkulan ni DU30 makaahon na ang Pilipinas, matapos din ang problema sa Drugs at nang di na dumating pa sa punto na matulad tayo sa mga bansang Columbia, Panama, at Mexico na kontrolado na ng mga sindikato ng droga. Para sa ikabubuti na yan ng ating mga anak at mga apo. at hindi na para sa atin.

kaya sa para sa akin OK lang yan na mangutang ngaun ang Pilipinas dahil sigurado naman tayo hindi yan mapupunta sa mga bulsa ng mga politiko, dahil ang Presidente natin ngaun ay di katulad ng mga nagdaang Presidente na makakati ang kamay. at sigurado tayo ngaun na sa mga proyekyo talaga yan ng Gobyernong mapapakinabangan at pagkakakitaan ng bansa natin para maka ahon ang bansa natin.

- - - Updated - - -

sa akin naman ang tanong ko lang, bakit hindi nakakasuhan ang mga kurakot , bakit nalihis lang lahat sa droga..?
gusto ko rin si duterte kasi napakatapang kaya lang pagdating sa mga kurakot na pulitiko parang wala siyang pakialam
maraming kurakot na mayor kapitan kagawad ang magnanakaw, pero tahimik lang...
nagtatanong lang po..
dito kasi sa mandaluyong sa welfareville addition hills puro magnanakaw kagawad

wag ka masyadong excited PaFs, darating yan sa punto na yan, lawakan molang pag iisip mo, Pinangako kasi ni DU30 na uunahin nyang taposin ang problema sa Drugs. Pangako nya yan sa kanyang 3 to 6 months, baka kasi nakakalimutan mo ang 1st priority ng Pangulo. isusunod na jan ang sa Kurapsyon at illegal gambling.
kaylangan pa nga magdagdag ng kulungan kasi baka di sila magkasya. :-)
 
Last edited:
Matanong nga kita? may mga dumaan bang Presidente ng Pilipinas na hindi nangutang ang bansang Pilipinas? Mula palang kay Marcos lubog na agad ang Pilipinas sa utang. baon sa utang ang Pilipinas dahil lahat ng naging Presidente mula kay Marcos hanggang kay Pnoy ay mga Corrupt.
Sa nakikita ko ngaun si President Du30 nalang ang magiging Presidente ng Pilipinas na hindi Magnanakaw sa Kaban ng Bayan. ang Papalit sa kanya sa susunod na eleksyon malamang corrupt din. kaya dapat ngaung palang sa panahon ng panunungkulan ni DU30 makaahon na ang Pilipinas, matapos din ang problema sa Drugs at nang di na dumating pa sa punto na matulad tayo sa mga bansang Columbia, Panama, at Mexico na kontrolado na ng mga sindikato ng droga. Para sa ikabubuti na yan ng ating mga anak at mga apo. at hindi na para sa atin.

kaya sa para sa akin OK lang yan na mangutang ngaun ang Pilipinas dahil sigurado naman tayo hindi yan mapupunta sa mga bulsa ng mga politiko, dahil ang Presidente natin ngaun ay di katulad ng mga nagdaang Presidente na makakati ang kamay. at sigurado tayo ngaun na sa mga proyekyo talaga yan ng Gobyernong mapapakinabangan at pagkakakitaan ng bansa natin para maka ahon ang bansa natin.

- - - Updated - - -

wag ka masyadong excited PaFs, darating yan sa punto na yan, lawakan molang pag iisip mo, Pinangako kasi ni DU30 na uunahin nyang taposin ang problema sa Drugs. Pangako nya yan sa kanyang 3 to 6 months, baka kasi nakakalimutan mo ang 1st priority ng Pangulo. isusunod na jan ang sa Kurapsyon at illegal gambling.
kaylangan pa nga magdagdag ng kulungan kasi baka di sila magkasya. :-)

Matanong nga kita, ano ba ang naging basehan mo na sabihin mong hindi nga magnanakaw si PD30 sa kaban ng bayan? Para ka kasing tunog panatiko. Bakit nabulatlat mo ba lahat ng financial transactions noong siya pa ang Mayor ng Davao? Kung makapag komento ka eh akala mo naman na personal mong kaibigan si PD30. Tama nga naman si Abdul na huwag padalos ng padalos sa pag-uutang sapagkat maaari kang magapos nito at mahirapan kang magbayad. At huwag mong ihalintulad yong bansa natin gaya ng mga bansang nabanggit mo. OO nga may droga pero nagtatraabaho naman yong mga law enforcement authorities natin kahit pa nuong mga nagdaang administrasyon. Ano ba ang ipinagmamalaki mo, yon bang patayan na nangyayari ngayon na di na kelangan dumaan sa korte? Yan ba ang ibig sabihin mo na effective na lider? Eh, wala ka ring pinag-iba sa kanila, mamamatay tao ka rin sa yong puso at isip. Hindi naman talaga matitigil yong drugs na yan habang may nagsu supply, posibleng mag cool off lang yan, pagkatapos babalik din. Gaya ng nangyari sa Colombia, sabi nila tapos na dahil sa matinding crackdown at patayan, pero nung interbyuhin yong mga opisyal nila, sabi hindi pa rin nahihinto at ongoing pa rin ang pag sawata.

Wala naman talagang perpektong lider, lahat may bahid korupsyon. Ang tanong kung totoong mahirap si PD30, eh bakit siya nagbibigay ng mga pabuya na minsan ay milyones at mga baril na 'glock' sa mga pulis na kunyari reward niya. Saan ba nanggaling ang mga yan? Wag mo sabihin donation lahat yong binibigay niya galing sa mga mayayaman, sapagkat, walang matinong tao ang magdo donate ng milyon halaga ng pera na walang kapalit. Tandaan mo yan! Kaya di pa rin mawawala ang korupsyon. Ito na lang ang hamon ko sayo, kung magaling ka nga at may maraming alam kay PD30, sana lang ma ipresenta mo sa bayan kung saan mapupunta ang malaking budget ng kanyang Intelligence Funds na ubod ng laki at sana nga, ito ay dadaan ng detalyadong scrutiny ng COA para malaman talaga.

Yong korupsyon na sinasabi mo, wala naman akong narinig na may taga Davao na nakulong dahil sa korupsyon noong siya pa ang Mayor. So, ano naman ang magiging basehan natin sa kanya eh wala naman siyang track record tungkol sa paghahabol ng mga korup. Baka, ang mangyayari pa dyan, eh puro issue lang at babanatan ka kung di ka akalyado niya. Ganito naman talaga ng sistema ng pulitika sa ating bansa eh. Turuan, sisihan, tapos kakasuhan kunyari, tapos sa ending wala namang mangyayari. Yong si PGMA nga na naissue ng korupsyon at ng ZTE deal, aba, kaibigan pala ni PD30. At yong si MIsuari na maraming sibilyan at sundalong namatay at mga propriedad na nasunog, eh, abswelto na dahil kaibigan niya. Anong tawag mo dyan? Mag-isip ka naman please.
 
isa pa din itong masyado excited, hinay hinay lang Pafs, try to be positive naman, wag lagi negative para makatulong tayo sa pag unlad, ikaw na din may sabi na walang perpektong lider. ilan buwan palang bang nakaupo ang Presidente natin, kung maka expect kayo parang gusto nyo malagpasan agad nya ang mga nagawa ng ibang presidente na nakatapos na ng 6 years. sang ayon din ako na walang perpektong Lider, pero naniniwala ako na may Lider na may Totoong may Malasakit sa Bansa at sa Mamamayan. at Meron tayo nyan ngaun, di tulad ng mga nakaraan.
 
Ako po ay hindi negatibo ako ay bumabalanse lamang. Karamihan sa atin puro positive kahit hindi na tama, eh, iyan ang pagiging panatiko. Kaya nga ako naglalabas ng saloobin para makita natin ang mga mali at para mai wasto. Hindi yong nagbubulagbulagan lamang dahil lab na lab ang lider. Tama naman talaga na walang perpektong lider kaya dapat talaga bantayan. Dahil nga hindi perpekto, posibleng marami siyang kahinaan na dapat niyang malaman. Wala po akong malaking expectation sa kaniya, dahil nga po iilang buwan lamang siya sa pwesto. Ang sinasabi ko ay yong mga pinaggagawa niya nitong mga nagdaang buwan na hindi ko maintindihan. Ika nga, paiba-iba ang kanyang sinasabi at wala siyang paninindigan. Sa pagiging Mayor ok siya siguro, pero sa pagiging Presidente, eh ewan ko. Sana nga lang ay magdilang anghel ka sa sinasabi mong may malasakit siya sa bayan at mamamayan, sapagkat, ang nakikita ko parang baligtad puro ka demonyohan ata ang nangyayari. Sana basahin mo ng mabuti yong isang post ko sayo para maliwanagan ka, di yong kahit ano ano na lang ang pinagsasabi na nawawala na sa ponto. Ang gusto ko malaman ay sinabi mo na hindi siya korup at galit siya sa mga korup at hahabulin niya ito, ang tanong 1) bakit niya sinusuportahan si PGMA na alam natin na siya ay isang korup? 2) Bakit niya pinakikialaman ang proseso sa korte at hindi ipapa aresto si Misuari na alam naman natin na may kasalanan siya sa bayan? 3) Bakit hindi pa rin niya masugpo ang drugs sa Bilibid na ngayon ay siya na ang nakaupo? 4) Bakit niya binigyan ng espesyal na pabor ang paglilibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, na alam naman natin na si Marcos ay hindi bayani at isang kurakot? Kung hindi siya isang korup eh bakit pinahihintulutan niya mangyari ang lahat ng ito? Ito ba ay kabayaran niya sa lahat ng mga tinanggapi niya sa kanila at ano ang tawag mo dito? Di ba ito rin ay isang uri ng korupsyon?
 
I don't understand this, he goes to China and Japan, not for South China Sea issues, but, para mangutang? Mababaon na naman tayo sa utang nito.... tsk.... tsk.... tsk.... Katulad din ito sa nangyari noong panahon ni Marcos. Maganda sa simula, dami mga projects, pero nung kinalaunan, nalubog tayo sa utang. Mga bandang 1980 yon, nang magsimula ang kalbaryo ng mga Pilipino dahil sa utang. Akala ko ba, i develop yong sariling atin? Di naman pala, sa pangungutang din napupunta. SA interes pa lang nyan, mahihirapan na tayo magbayad at ang laki ng mga interes nyan na pinapatong. Tapos iba pa to sa PPP. Paano pa tayo makakabayad? Buti sana kung US tayo na nagtitinda ng mga armas para may pambayad utang. Yong pambayad natin, eh, baka saging o pinya o di kaya mga japayuki. LOL.......... Hahayzzz.... Pa bagsak na yata ang Pinas....:help:

At saka sa pag-aanalisa ko rin, naniniguro ata ang Pangulo na may pondo siyang magagamit, baka hindi niya nga makuha yong target budget niya, kaya yon, nangungutang sa ibang bansa at sa China pa na sigurista at magnanakaw ng mga isla. ;)

Dapat lang talaga mangutang kasi walang pera na magagamit si Presidente. Next year pa kasi niya makukuha yong budget niya. Ok lang mangutang basta lang maambunan man lang tayo kahit konti. Hehe:lmao:
 
Ako po ay hindi negatibo ako ay bumabalanse lamang. Karamihan sa atin puro positive kahit hindi na tama, eh, iyan ang pagiging panatiko. Kaya nga ako naglalabas ng saloobin para makita natin ang mga mali at para mai wasto. Hindi yong nagbubulagbulagan lamang dahil lab na lab ang lider. Tama naman talaga na walang perpektong lider kaya dapat talaga bantayan. Dahil nga hindi perpekto, posibleng marami siyang kahinaan na dapat niyang malaman. Wala po akong malaking expectation sa kaniya, dahil nga po iilang buwan lamang siya sa pwesto. Ang sinasabi ko ay yong mga pinaggagawa niya nitong mga nagdaang buwan na hindi ko maintindihan. Ika nga, paiba-iba ang kanyang sinasabi at wala siyang paninindigan. Sa pagiging Mayor ok siya siguro, pero sa pagiging Presidente, eh ewan ko. Sana nga lang ay magdilang anghel ka sa sinasabi mong may malasakit siya sa bayan at mamamayan, sapagkat, ang nakikita ko parang baligtad puro ka demonyohan ata ang nangyayari. Sana basahin mo ng mabuti yong isang post ko sayo para maliwanagan ka, di yong kahit ano ano na lang ang pinagsasabi na nawawala na sa ponto. Ang gusto ko malaman ay sinabi mo na hindi siya korup at galit siya sa mga korup at hahabulin niya ito, ang tanong 1) bakit niya sinusuportahan si PGMA na alam natin na siya ay isang korup? 2) Bakit niya pinakikialaman ang proseso sa korte at hindi ipapa aresto si Misuari na alam naman natin na may kasalanan siya sa bayan? 3) Bakit hindi pa rin niya masugpo ang drugs sa Bilibid na ngayon ay siya na ang nakaupo? 4) Bakit niya binigyan ng espesyal na pabor ang paglilibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, na alam naman natin na si Marcos ay hindi bayani at isang kurakot? Kung hindi siya isang korup eh bakit pinahihintulutan niya mangyari ang lahat ng ito? Ito ba ay kabayaran niya sa lahat ng mga tinanggapi niya sa kanila at ano ang tawag mo dito? Di ba ito rin ay isang uri ng korupsyon?

mali ka jan kung sasabihin mongpaiba-iba ng sinasabi si DU30, natatandaan moba na mula palang kampanya hanggang matapos nalang ang eleksyon, wala syang binago sa sinasabi nya na kayong mga Adik, mga Durogista, mga tulak ng droga PAPATAYIN ko kayo pag di kayo magbago. hindi kaya sya nagbago ng mga pinagsasabi nya kahit alam nyang maaring maging kasiraan yon sa pangangampanya nya. at ginawa talagang atake yun sa kanya ng mga kalaban nya. Tanungin kita? nagbago ba sya ng sinasabi kahit alam nyang makakasama un sa kampanya nya? diba hindi? kaya maling mali ka kung sasabihin mong paiba-iba ng sinasabi si DU30. ganyan sya ka Seryoso sa pinangako nya sa mga Pilipino. hindi sya tulad ng ibang Politiko na hanggang pangako lang ang alam gawin, Pag nanalo na, napako nalang, kasi sunod-sunoran nalang sa mga nagbigay ng pondo sa kanyang kampanya. d'yan sya naiiba Pafs sa mga Lider na gusto mo.
 
Tama naman na paiba-iba ang ginagawang desisyon ng ating Mahal na Presidente. Iyon naman kasi ay tinitingnan nya kung ano ang mas nakakabuti sa bansa natin. Wala naman sigurong masama, kung maging flexible siya sometimes di ba? Basta, uunahin lang niya ang kapakanan ng Pilipino at ng Pilipinas ay masaya na ako dyan.
 
Last edited:
Wala naman akong nakikitang masamang epekto tungkol sa pagbabago niya ng mga desisyon niya. Lahat ng pagbabago ng desisyon na yun ay mas nakatulong pa sa bansa. Gaya na lang nung una ayaw niyang makilahok sa climate change agreement pero nagbago ang desisyon nya at pumayag siya na pumirma at makiisa sa agreement na yun. Isa pa yung sama ng loob nya sa gobyerno ng US, ngayon nagkaroon ng pagbabago sa desisyon nya na sa halip na tuluyang kumalas sa US gusto nya pagtibayin muli ang relasyon ng dalawang bansa sa tulong ni Trump. Mga magagandang pangitain yan para sa pagunalad ng bansa.
 
Nangutang pra buhay mo, mga anak mo at pamilya mo gumaan..research muna tol..react agad..puro ka kasi symbianize..peace!
 
Oo nga. Gumaan nga konti ang buhay ko nung umutang ako sa bombay. Sana lang wag na pakialaman ni Presidente yong mga sibuyas, kasi nga siya nga rin ay isang mangungutang. Hehe...:lol:
 
Pwedeng pakialaman yan pero wag lang tuluyang alisin. Humingi na lang sila ng business permit para malagyan sila ng tamang tax para kahit papano naman may pakinabang sila hindi lang sa kanila yung buong kita. Tayong mga pangkaraniwang empleyado na nangungutang may tax tapos sila na kumikita ng higit pa sa kinikita natin wala? Unfair naman yun. Sa pagpansin ng gobyerno sa mga bombay na nagpapautang malaki maitutulong nyan. May nainterview na bombay sa balita kung ano ang magandang solusyon kaysa tanggalin sila, ang sagot nya bababaan na lang daw nya ang interest. E di mas maganda. Kung di sila mapupuna walang magandang pagbabago ang mangyayari.
 
Back
Top Bottom