Last post ko na rin ito. Ikaw ang di bukas brod. Kaya nga kumuha ako ng news story para ipakita ang dahilan kung bakit sinuportahan ni Digong ang mga small-scale miners. Binasa mo ba yung article? Inintroduce ang cooperatiba para mas malaki puhunan nila at mas maayus ang trabaho nila. Para di sila makasira ng kalikasan na sinasabi mo. Yun lang yun.
Ang sabi sa news tungkol sa paris agreement, nagbago siya ng desisyon kasi nakikinig siya. Ang akala mo kasi ang gabinete, sunud-sunuran sa pangulo. Alam mo bang stereotyping ginagawa mo kasi para sa iyo, pag gabinete, sunud-sunuran sa Pangulo.
Ang tanong ko naka-attend ka ng Gender and Development. Um-aatend po doon.
Iho, pag sinabing may-ari: pwedeng isa o dalawa o maramihan. Kahit na ano pang mga corporate officers ang sabihn mo, ang sinabi ko, ang masusunod ang may-ari. Last say lagi ang Board.
Ang ibig sabihin ng stereotyping ayon sa wikipedia: In social psychology, a stereotype is any thought widely adopted about specific types of individuals or certain ways of behaving intended to represent the entire group of those individuals or behaviors as a whole.[1] These thoughts or beliefs may or may not accurately reflect reality.
Kung di mo naiintindihan and stereotyping, ganito lang iyun:
Pag kumendeng, bakla na.
Pag nagtanggol kay Duterte, panatiko na. Hindi ba pwedeng makabayan muna.
Pag gabinete, sunud-sunuran agad.
pag Chinese ang nagbibigay ng projects, lulubog na tayo sa utang. Sa news, nabasa ko mga MOA o MOU pa lang ang pinirmahan ni Duterte with China. Pag sinabing MOU o MOA, wala pang inuutang. Memo pa lang. Sa inyo, umutang na.
Pag sinabing may-ari, isa lang. Yung nagtitinda ng tsinelas.
Pag small scale miners, maninira agad ng kalikasan.
Ang mga punto mo sinasagot ko. Ang mga sources ko ay mga news article at opinyon sa diyaryo. hindi ako nag-iinterpret ng news.
Mahilig ka rin namang umiwas sa punto kapag wala kang maisagot. Ipinalalabas mong mali ako eh humihingi ako ng mga source ng mga sinasabi mo.
Sa totoo lang, sariling interpretasyon mo ang sinasabi mo dito. Go with the crowd. Paniwalaan mo lahat ng nababasa mo. Paniwalaan mo lahat ng nakakasalamuha mo. May kasabihan tayo: Ang naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
know yourself ika nga so you will know who you could be.
Mahirap lang tayong bansa. Wag mong ipantay sa Japan, sa Singapore o sa iba na mura o libre ang internet services. Sana maintindihan mo ang ibig kong sabihin. Isa pa kaya mahal ang internet services, malaki ang demand. Wag kang ma-internet at ang mga katulad mo dito, tingnan mo magmumura yan.
Ito last ko na talaga, di ko talaga maiwasan na sagutin ang maling mali na mga impormasyon.
Sa totoo lang mahirap po makipag-usap sayo, kasi di nyo naman sinasagot ng punto por punto yong mga posts ko. Ang lalayo pa ng sagot nyo, mali pa ang binigay na links na parang hindi nyo pa yata binabasa muna. Hahaysss... sadya nga sigurong may mga taong ganyan.
Una, sinabi mo yong kooperatiba at oo naman binasa ko yong artikulo. Ang hindi mo naiintindahan, ano ba ang 'function' ng kooperatiba? Sinabi mo pa nga na nagbibigay lang sila ng malaking puhunan (thru loans). Hindi po iyan tagabigay ng maayos na trabaho kasi hindi po iyan DOLE. At DENR at MGB po ang nangangasiwa sa aktibidad ng mining hindi po kooperatiba. Ano ngayon ang garantiya ng kooperatiba na hindi nga masisira ang kalikasan? Yon ngang large-scale mining na may malaking puhunan at istrikto pa ang pagbibigay ng permit ng DENR may mga 'infractions' pa na nagagawa, e mas lalo na itong mga maliit ang kapital. Yan ang ponto.
Paano naging stereotyping ang post ko sa Paris treaty? May sinabi ba akong '
sunud-sunuran' ang gabinete ng Presidente? Aba, ang galing nyo namang mag iimbento. Basahin mo nga ulit yong mga post ko kung may makikita kang 'sunud-sunuran'. Nahihibang ka na po ata.
Tatanungin mo pa ako kung naka attend ako ng Gender and Development seminar, ano naman ngayon ang kinalaman nyan sa pinag-uusapan natin. May sinabi ba akong 'bakla' sa mga tao dito. Wala naman. Tinatanong nga kita kung ano ang itatawag sa inyo kasi ayaw mo pala ng terminolohiyang 'panatiko', ano pala ngayon ang itatawag mo sa mga tagasunod ng pangulo na lab na lab siya? Makabayan? Ang layo naman ata ng terminolohiyang iyan. Mag-isip ka nga. Ano naman ang masama kung ikaw man ay panatiko? Masakit ba ang katotohanan?
Dahil ba MOA at MOU lang yan, ibig bang sabihin hindi siya uutang? Di ba't kalakip iyan sa mga rekwesitos pagka ikaw ay nangungutang? Sinabi na nga sa News na inaprubahan na ng China ang $24B loan ni Digong. Ano pala ang silbi ng pagpunta niya sa China? Ang labo nyo naman. At wala po akong sinabing '
umutang na'(past tense). Pakihanap nga sa post ko. Ang hirap sa inyo e kung saan-saan kayo kumukuha ng mga salita, baka nga sa ibang mga nag post pa yan. Mag pokus po kayo sa pinost ko, hindi yong nag iimbento po kayo.
Hindi mo nga talaga naiintindihan ibig sabihin ng 'corporate world' ano? Kasi nahihirapan mong unawain yan. 'Single proprietorship' pag isa lang ang nagmamay ari, 'Partnerships' pag dalawa o tatlo ang nagmamay-ari, at 'Korporasyon' naman pag maramihan ang nagmamay-ari na tinatawag na 'stockholders'. Sa 'corporate world' may business ethics and internal laws silang sinusunod. Naranasan nyo po bang maging corporate officer? Kung hindi, wag na lang kayong mag komento pa. Gets mo? Hindi pa rin?
Sa totoo lang, ang mga ponto ko ho ay hindi nyo sinasagot ng tama, kalimitan ay nililihis nyo at mahilig pa kayong mag-iimbento ng mga salita. Yan po ang katotohanan sa ginagawa nyo.
Sa pagkakaalam ko, wala ho akong iniiwasan sa mga ponto mo, lahat nga ay sinasagot ko, mas detalyado pa nga. Ang problema sa inyo e kayo pa itong mahilig mambaliktad at kalimitay nalilihis. Isa pa, yong mga sources na binibigay nyo sa tingin ko ay hindi nyo naman siguro binabasa o inuunawang mabuti, kaya naliligaw kayo parati sa usapan natin.
Nagbibigay ho ako ng mga links at sources, pero, sa tingin ko e hindi nyo naman binabasa. Kahit sino sa mga symbianizers dito pag binabasa yong mga posts ko ay makikita nila yong mga links at sources na tugma naman sa mga sinasabi ko. Ikaw lang yata ang hanggang ngayon ay humihingi pa rin ng mga source ko na baka nga yong kompyuter nyo ang may deperensya o di kayay may piring ang iyong mga mata.
'Go with the crowd?', ikaw ang may sabi nyan, hindi ako. Ang sinabi ko ay ayon sa mga salaysay ng mga IT Professionals, na naririnig naman natin sa media. Kaya nga tinatanong nga kita kung ikaw lang ba ang dapat paniwalaan kesa sa mga nakakaraming IT Professionals na nagsasabi. Di mo pa rin ma gets? At hindi ho yan sabi-sabi lang ng kung sino, galing ho yan sa mga respetadong IT Professionals na karamihan ay nagmamay-ari ng mga malalaking negosyo o may malalaking posisyon sa kanilang mga kumpanya.
Yong litanya nyong 'know yourself ika nga so you will know who you could be' e napakalayo ata sa usapan natin at hindi siya naaangkop sa paksa. Haler?
Wala naman ho yata akong sinabi na pinapantay ko ang Pilipinas sa Japan at Singapore. Pakihanap nga kung may makikita ka? Nag-iimbento ka na naman. Wala rin ho akong sinabi na dapat libre dapat ang internet services. Sana intindihin nyo muna yong salita nyo bago kayo mag post. Taga TELCO po ba kayo? Kasi atat na atat ho kayong depensahan sila. Malayo rin ho yong teorya na pag malaki ang demand e dapat magmahal din ang internet services. Dapat nga maging mura dahil marami ngayon ang mga 'subscribers' na handang magbayad na mag reresulta sa kabawasan sa 'maintenance costs'. Kaya nga sinabi na ito ni Digong noon na pag hindi napa ganda ng mga local TELCOs or ISPs yong serbisyo nila ay mapipilitan siya i 'open' ito para sa kumpetisyon. Ikaw pa yata ang kokontra sa sinasabi ng iniidolo mo. Ito ipo post ko yong 'content' ng online dyaro dahil tinatamad kang i-klik yong mga links:
"Duterte to telcos: Shape up, or else…
By: Gil C. Cabacungan - Reporter / @gcabacunganINQ
Philippine Daily Inquirer / 02:22 AM October 09, 2016
President Duterte threatened to open the local telecommunications industry to Chinese competitors if the country’s mobile phone duopoly—
PLDT-Smart Communications of Manuel V. Pangilinan and Globe Telecom of the Ayala Group—fails to improve its atrocious services.
In a speech in Davao City, Mr. Duterte said he shared the frustration of millions of mobile phone users in the Philippines, who complain of poor phone service and slow internet speeds.
Mr. Duterte said oftentimes he would “wait until the next day before I get a reply” to his text messages.
Competition
“I’m just suffering all of this but if you cannot do it right, you wait, I’m going to China and I’ll open everything for competition,” said President Duterte. He is scheduled to visit China from October 18 to 21.
Communications Secretary Martin Andanar said that PLDT-Smart and Globe should take seriously the President’s warning because “he talks like that only when he is really frustrated.”
Last May, San Miguel Corp. abandoned its plan to emerge as the third player to break the telecommunication duopoly when it sold its cell sites and a 700-Megahertz spectrum to PLDT-Smart and Globe. This is a type of low-band frequency with an ability to cover wide spaces and penetrate walls at a lower cost.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
- - - Updated - - -
Aha! ito pa la yong post mo na hindi ko na nasagot. Paano naman kasi ginawa mo yong post mo ng 19:05, pero nag edit ka naman ng 22:55. Talagang di ko na nababasa yan kung nilagay mo yan sa previous post mo. Matatabunan lang.
Kung hihimayin mo yong news article, wala ka namang makikitang 'conflict' sa sinasabi namin, ako, si brymer at si puyasbuto. Tama nga naman ang sinabi ni brymer at puyasbuto ang mga mangyayari na naka lagay naman dyan sa artikulo. Gusto mo isa-isahin ko pa.
Yan naman talaga ang role ng China, magpapa utang at malaki pa nga, pero hindi yan libre, meron yang kaakibat na responsibilidad. Ayon, na nga o may problemang nakikita, tingnan mo yong mga katagang naka 'bold' at koment koi:
Originally Posted by: masterito
Maxwell Zeken is a 16-year-old Liberian who lives in rural Nimba County. Asked where he dreams of studying, he says: “I want to study engineering in China and come back to Liberia to build our roads and our cities. They say you must visit the Great Wall of China. I regret that my country didn’t build something like that.”
Western governments like to imagine that they have all the soft power in Africa. After all — if you put aside 100 years or so of colonial predation — for decades they have been providing emergency relief and supporting health, education and transparent institutions. What’s more, they are democracies, with systems worth emulating.
China, so this narrative goes, elicits no such goodwill. It has only ratcheted up its presence in Africa for what anyone can see is a
naked grab for resources and influence. Sure, China has built roads, railways, sports stadiums and airports across Africa. But, according to this mostly self-delusory narrative, such
projects are of shoddy quality and alienate Africans because they employ mainly Chinese workers.
Koment: Ayan, naging isyu pala ng China ang pag grab ng resources at influence. At ang problema pa ay ang di magandang kalidad sa mga proyekto at nagpapalayo sa mga Africano na magtrabaho at bagkus, ang mga Intsik ang kinukuha nila. (Tama naman ang sinabi ni brymer doon sa post niya)
The problem with this version of events is that — if it was ever valid — it is woefully out of date. Certainly, you don’t have to go far in Africa to hear complaints against China, which is blamed for everything from
enriching dictators to wiping out local manufacturing and entrapping governments in a new cycle of debt. Another, more powerful, story is taking hold, however, that sees China as a mostly positive actor with a record — unlike the west — of getting things done.
Koment: Ginagawa din pala ng China ang pagyamanin ang mga diktador para masira ang mga local na pabrika at ma trap ang gobyerno sa bagong siglo ng pangungutang. (Intindihin mo naman ng mabuti ang nakasulat sa artikulo at tingnan mo nga kung mabuti yan sa bansa natin)
Philibert Browne, editor of Liberia’s Hot Pepper newspaper, says China is winning admiration. In Liberia, it has
built roads — ones of not obviously inferior quality — and a spanking new campus at the University of Liberia, replete with friendship tower and Chinese-style gate.
Koment: Sinabi pang gumagawa pa sila ng mga daan sa Liberia, na hindi naman daw 'obviously' o halata na panget ang kalidad. (Ibig sabihin, panget pa rin ang kalidad kaya lang di lang nahahalata. LOL.)
“You can see what they are spending their money on but you can’t see what the Americans are spending on,” Mr Browne says. “You don’t put capacity building on your meal table. Slowly but surely, the Chinese are winning in Africa.”
In Kenya, where a state-owned Chinese company is about to complete a $4bn railway from the Indian Ocean to Nairobi, you hear similar things. The line, which will eventually extend to Uganda and possibly Rwanda, has been criticised for costing too much. But many ordinary Kenyans appreciate a project that has been built on schedule, looks modern and will cut freight and passenger time.
Koment: Kini kritisismo daw ang China dahil sa mataas nitong pasingil sa proyektong riles (nasabi ito ni brymer na mataas nga sumingil ang China sa mga proyekto). Ang maganda lang naman sa kanila ay natatapos lang ang proyekto ng tama sa oras, atbp.
This is anecdotal evidence to be sure. Yet according to a policy brief by the China-Africa Research Initiative at Johns Hopkins University, China’s more visible engagement is reflected in ballooning trade and investment.
One figure leaps out. From 2000 to 2015, China Eximbank made $63bn of loans to Africa while the US Eximbank made $1.7bn. China Eximbank contributed to almost all 54 African countries, while US Eximbank contributed to five.
Money and concrete do not guarantee a good reputation. In Ghana,
Chinese citizens have been accused of running roughshod over local mining laws. In Zambia, where as many as 100,000 Chinese people live,
local politicians accuse Beijing of flouting immigration laws by bringing in unskilled labour.
Koment: Sinasabi pa na sinasagasaan pa ng mga Intsik ang mga lokal na minahan. Sinasabi rin na inaakusahan pa ang Beijing ang pagwawalang bahala sa kanilang immigration laws sa Ghana, para makapasok ang mga walang skills o unskilled na mga Intsik. (Nangyari na nga rin ito sa Fontana dahil sa illegal online gambling, na maraming mga Intsik ang pinapasok)
It is important to note that China has several actors, of varying proximity to the state, across the continent.
Drawing a unifying picture or discerning a clear China Inc strategy is not always easy.
Koment: Sinasabi na, kung guguhitan mo o may kaalaman ka na makita ang kaibahan ng estratehiya ng China ay hindi madali (ibig sabihin, tuso ang China at pag nabiktima ka ay para kang na Mafia.LOL.)
Still, you do not need to drink the Beijing Kool-Aid to see that China’s image is better than many westerners care to believe. Certainly, no country can engage with a continent on so prodigious a scale without ruffling some feathers and making some enemies. China is making friends too.
Source:
https://www.ft.com/content/65591ac0-...5-23ef563ecf9a
Alam mo di lang naman China ang gumagwa niyan. Ang World Bank di magpapautang kundi sila ang susundin. Pero marami ang natutuwa.
O ayan dami ko source ng sinasabi ko. Eh ikaw isang beses ka lang brod alanganin pa.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang tanong, ano ngayon ang pinagyayabang mo e puro katarantaduhan lang pala ang ginagawa ng China at sinabi na nga yan nina brymer at puyasbuto. Isa lang naman ang nakikita ko sa China, malaki ang binibigay na loan at may mga proyekto ngang nakikita, pero, ang kapalit naman ay walang katapusang kalbaryo ng mga mamamayan ng bansang Africa. Gusto mo ba itong mangyari sa Pilipinas?
Baka nga hindi mo naiintindihan ang post mo, o ayan denitalye ko pa nga at tinagalog pa para madaling maintindihan. Sinabi mo pang ang dami mong source pero nanggaling lang naman ito sa iisang news artikulo.