Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Duterte: Puro Utang ang Inaatupag

gusto ko lang malaman kung ngayon lng nangutang ang pilipinas sa tsina at magkano na utang natin sa tsina?
 
Dito yong link ng mobilarian na nakasulat tungkol sa mga utang natin sa Tsina na aabot sa P9.7T. Di ko lang alam kung kasama na dyan yong tig $3.7M na maliliit na projects. Paki klik na lang ito https://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1506543.

Sa pagkakaalam ko, umutang na tayo sa Tsina noon pa man pero di lang gaano kalakihan at di rin mapanikil yong mga kasunduan.
 
ok umutang basta iba ang magbabayad.
 
Dapat hinay2x lang tayo sa pag-utang sa China, kilala sila sa kanilang debt trap diplomacy. May mga bansa nang naging biktima dito lalo na ang Sri Lanka at Kenya, pati Malayisia muntik na buti nalang nagpalit ng administrasyun. Wag sana tayo matulad.
 
Sinagot mona rin ang sinabi mo bakit mag hinay2x. Muntik na ang malaysia buti nagpalit nang administration. Pag corrupt ang gobyerno di talaga makakapagbayad. Di naman totoo ang dept trap. Mababa ang tubo nang pautang nang China. Tsaka kinuha ba or inangkin nang China ang Kenya at Sri Lanka gayong di sila nakapagbayad?
 
Last edited:

Medyo hindi mo yata alam ang repercussions ng 'Debt Trap' hindi dept trap. Basa basa naman pag may time. Hindi naman nangangahulugan pag 'debt trap' ay invasion o gagawing kolonya ang isang bansa. Pag di makakabayad ang umutang na bansa, nakasaad sa kontrata ng China na sila ang may karapatan kung saan at paano ang pagbabayad.

Ano ba ang 'Debt Trap'?
Ito ay isang sitwasyon na ang isang utang ay mahirap o imposible ng mabayaran dahil sa mataas na pagpapataw ng interes na mahihirapan ng bayaran ang prinsipal. Mangyayari ang pagpapataw ng mataas na interes kung sakaling 'in default' ang pagbabayad sa utang.

Madaling sabihin na kayang bayaran ng Pilipinas ang mga foreign loans, pero sa laki ng inutang at haba ng pagbabayad, baka magka problema tayo sa hinaharap. Mabuti sana kung always maganda ang ekonomiya natin.
 
Panahon ng Social media. Eto yung panahon na lahat ng tao ay matalino na. lahat ay alam na. ultimo plano ng presidente ay alam na nyang mali, ultimo plano ng tsina aya alam na rin nila, kung kanino ba dapat makipag alyansa ay alam na rin nila. . Marami na ang matalinong tao ngayon dahil sa social media, alam nila lahat ng plano ng lahat ng nakaupo sa pwesto sa Pilipinas man o mapa ibang bansa.

Ako hindi ko alam yan.

Hindi ko man ibinoto si Duterte pero buong puso ako magtitiwala at susuporta sa kanya.

isa tayo sa maliliit na tao na walang boses pero hindi ibig sabihin hindi na tayo makakatulong.

Mahalin mo ang Pilipinas wag ang Gobyerno!!!! Tumulong ka sa kung ano ang kaya mo, dahil walang maitutulong ang pagpukol mo ng mga bintang.
Magtiwala ka na lang sa mga namumuno at gawin ang kaya mong mai ambag sa Pilipinas.
 
Ito mali ito huwag nyo tularan. Ang sinasabi dito ay wag ka na lang daw makialam sa gobyerno. Tunog mal edukado, kaya walang pakinabang sa bansa. Gusto niya gawing North Korea ang bansa na ang lahat ng mamamayan ay tatango na lang sa gusto ng gobyerno. Pwes hindi yan pwede sa isang demokratikong bansa. Ano ang depinisyon ng demokrasya? Ang demokrasya ay 'gobyerno ng mga tao, para sa mga tao, at ng mga tao'. In English, democracy is 'a government of the people, for the people and by the people'. Kaya may responsibilidad ang mga ordinaryong mamamayan sa kanyang gobyerno.

Maraming nag-aaral pero wala namang natututunan sa eskwelahan. Ganito na ba ang kalala ang educational system natin? Kawawang Pilipinas.
 
Total nagbasa ka naman. Magkano ba ang interes nang China? Saan ba mas mura umutang? Ang alam ko ang mga na mention mo na Country ay nabibilang sa mga corrupt na country tulad nang kenya. Magkano ba inutang ni Duterte ngayon? Ilan ba inutang nang dating administrasyon? Sa dalawang administrasyon sino ang maraming ginawang infrastractura? Ito mga katanungan ko dahil halata naman na ang nag bibigay nang mga ganitong issue ay ang mga ayaw kay Duterte.
 
Dahil ayaw mo o tamad ka lang magbasa, o eto na ibibigay ko na yong mga sagot para sa yong mga katanungan:

1. Magkano ba ang interes nang China?
Nasagot ko na yan dito sa thread mag back read ka kasi. Pero kung gusto mo nang solidong patunay o eto yong link sa baba. Basahin mo ng buo at intindihin mabuti.
https://asia.nikkei.com/Economy/Vietnam-ministry-wants-government-to-avoid-Chinese-aided-projects
https://www.voanews.com/east-asia/malaysia-pm-cancels-chinese-funded-projects

2. Saan ba mas mura umutang?
Nasa unang link din ang sagot kaya matuto kang magbasa.
https://asia.nikkei.com/Economy/Vietnam-ministry-wants-government-to-avoid-Chinese-aided-projects

3. Ang alam ko ang mga na mention mo na Country ay nabibilang sa mga corrupt na country tulad nang kenya.
Bakit ba ang Pilipinas ay hindi korup? Haha. Kakatawa ka naman. Dito yong link para malaman ang corruption perception index. Basahin mo at sabihin mo sa amin na hindi korup ang Pinas!
https://www.transparency.org/cpi2018

4. Magkano ba inutang ni Duterte ngayon?
Ito yong link na ginawa ni Abdul para maliwanagan ka. Basahin mo dyan at intindihin. Malalaman mo dyan kung magkano lahat.
https://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1506543

5. Ilan ba inutang nang dating administrasyon?
Pakihanap na lang sa Wikipedia at malalaman mo. Pero hindi naman yan ang punto dito.

6. Sa dalawang administrasyon sino ang maraming ginawang infrastractura?
Simpleng sagot kung may dunong ka. Dalawa ang pinanggagalingan ng imprastruktura, Foreign Funded at National/Local Funded. Pag Foreign Funded siguradong Utang sa ibang bansa, pag National/Local Funded ang pondo ay galing pera ng bayan o Annual Budget. Hindi paramihan ng imprastraktura ang isyu. Aanhin mo naman ang maraming imprastraktura kung lubog ka naman sa utang? Makakabayad ka pa kaya? Sino naman ang magbabayad nyan?

Yong mga katanungan sa taas ang importante, dahil ang pagpapatakbo ng isang bansa ay maselan.
Buod (Summary) ng kumparison ng dalawang administrasyon ni Pnoy at Duterte: (Ito yong link, basahin at intindihin mabuti, https://www.rappler.com/newsbreak/f...-philippines-national-debt-under-3-presidents)

1. Arroyo - Foreign Debt (est.) P2.543 Trillion ; Merong Imprastruktura pero di gaanong marami ; Tumaas ang Inflation rate pero Nakakabayad naman

2. Pnoy - Foreign Debt (est.) P1.366 Trillion ; Merong Imprastruktura pero di gaanong marami ; Bumaba ang Inflation rate at Magaan ang pagbabayad at Tumaas Foreign Reserves natin

3. PDu30 - Foreign Debt as of January 2019 (est.) P1.47 Trillion pero expected to reach P10 Trillion at the end of his term in 2022 ; Maraming Imprastruktura ; Tumaas naman ang Inflation Rate ; Paano ang Pagbabayad? Posibleng 'Debt Trap' at Alipin ng China
 
Last edited:
hehehe! kaya ganun nalang kadaming Pilipino ang may tiwala sa Presidente. saka d pa tapos term niya panu mo nasabi na paano mabayaran? nkabayad nga mga naunang administrasyon na halos wla kang makikitang imprastraktura. just saying!
 
Tama, dami talagang Pilipino nagtiwala sa mali. Yong iba bopol, di kaya uto-uto at iba naman ay panatiko. Wala kasing panahon yong iba para mag isip at magsaliksik. Yong iba panatiko at nababayaran. Yong iba talaga sobrang bopol kasi sa pagtatanong pa lang mali na.

Syempre, babayaran mo yong utang mo basi yan sa nakalagay na probisyon sa pinirmahan mong kontrata. Syempre, hindi pa tapos yong Build Build program ni PDu30 kaya hindi pa naibigay lahat yong P10T. Alangan naman magbabayad ka kaagad ng utang e hindi pa nga naibigay ng buo? Usually, magsisimula ang pagbabayad kung naibigay na lahat ang inutang.

Ang sinasabi nga natin, pagkatapos ba na maibigay yong loan sa pamamagitan ng mga proyekto na nagkakahalaga ng P10T, paano ba mababayaran? Sa laki ng loan na yan, sigurado mahihirapang magbayad ang Pilipino. Yon nga sa panahon ni Pinoy, nahirapan tayong tulungan yong mga Yolanda surivivors eto pa kaya may malaki agad tayong utang?!

Ang mangyayari dyan para di tayo ma in 'default' sa pagbabayad na magiging 'Debt trap' kinalaunan, sigurado ako na gagawin ng gobyerno na dadamihan at palalakihin ang pagbayad ng mga TAXES na magpapahirap naman sa mga ordinaryong Pilipino. Yon nga TRAIN Law nahihirapan na tayo, kasi nga epekto ay Inflation. Paano pa kaya kung itong utang na ito ang magpi pressure sa atin? Di mo pa rin makuha? Mag-aral ka naman.
 
Last edited:
Ito mali ito huwag nyo tularan. Ang sinasabi dito ay wag ka na lang daw makialam sa gobyerno. Tunog mal edukado, kaya walang pakinabang sa bansa. Gusto niya gawing North Korea ang bansa na ang lahat ng mamamayan ay tatango na lang sa gusto ng gobyerno. Pwes hindi yan pwede sa isang demokratikong bansa. Ano ang depinisyon ng demokrasya? Ang demokrasya ay 'gobyerno ng mga tao, para sa mga tao, at ng mga tao'. In English, democracy is 'a government of the people, for the people and by the people'. Kaya may responsibilidad ang mga ordinaryong mamamayan sa kanyang gobyerno.

Maraming nag-aaral pero wala namang natututunan sa eskwelahan. Ganito na ba ang kalala ang educational system natin? Kawawang Pilipinas.

ang aking punto eh gaano ba kalawak ang alam natin sa nangyayari sa pilipinas? nakapag basa ng artikulo? hindi lahat ng news Tama. hindi ko rin sinabi hayaan na lang ang gobyerno. ang akin lang ay sumangayon tayo dahil simulat sapul naman ayon ang boto ng mayorya, kung isa ka dun sa hindi bumuto at pumuputok ang butsi mo dahil hindi nanalo ang manok mo eh kawawa ka naman.

Suportahan natin ang Pangulo dahil hindi pa tapos ang proyekto nya. kung sakali mang sumablay sya marapat lang na maparusahan sya sa kasong nararapat. pero habang nsa konstruksyon pa ang lahat sumuporta muna tayo.

Tandaan. Hindi lahat ng nababasa o napapanuod ay tama.

Ang boto sa pangulo gumagawa ng balita na maganda pra sa pangulo.
Ang ayaw sa pangulo ay gagawa ng masamang balita para sa pangulo.

Sino ang huhusga ng tama at Mali? ikaw ba? o yung nabasa mong link? sure ba tayo na tama ang news? kung tingin mo na tama ka ipaglaban mo. tumakbo ka sa gobyerno.
 
Ito naman nabasa ko galing ABS CBN
Link: https://news.abs-cbn.com/news/03/27/19/finance-department-ph-can-pay-back-china-loans

Highlight: the Chico project, China imposed a 2-percent interest rate, which is better than the 2.7-percent interest rate Japan imposed for the North-South Commuter Rail project, and the 3.69-percent interest rate by France for the Cebu Bus Rapid Transit project. The figures were all based on equivalent fixed US dollar rates.

Ang interes ay depindi sa kong anong loan ang niaapplyan.

e compare mo naman ang Kenya at Pilipinas eh makikita mo naman ano ang sitwasyon nila. Mas malago parin ang pinas kaysa Kenya.

Tinatamad ako mag search sa utang ni Duterte at utang ni PNoy kaya tsaka na if may iba akong free time.
Kailangan ko malaman ang kaibahan nang utang nang dalawang administrasyon kasi alam ko sa panahon ni PNoy 10Million ang halaga nang flagpole. Wala ako nakitang maraming imprastraktura sa panahon nya.

Tumaas ang inflation? Bumaba napo. Marami po ang dahilan bat tumaas nong panahon nayon. At malamang sinabutahi yon.
biruin mo 1.47 trillion marami na nagawa? So ok lang sayo yong 1.366 pero kunti lang nagawa? san napunta?
 
Naku! Yong 2% na sinasabi ng DOF, malamang gimmick lang yan para sabihin mababa sila. Inamin na yan ni Lambino na yong 2% ng China e equivalent lang halos ng interes ng Japan kasi hindi sinama dyan yong 'commitment fee' na 0.3% per annum pati yong 'management fees'. Ito yong link nung ibinulgar ni Colmenares yan https://www.rappler.com/nation/224722-what-happens-philippines-cannot-pay-off-loans-china. Ang leverage dyan ng China ay yong nakasaad sa Article 5 and 8 ng mga probisyon sa kontrata na ito nakalagay "not entitled to any right of immunity on the grounds of sovereign" at "waive off any immunity on the grounds of sovereign or otherwise for itself or its property in connection with any arbitration" na ibig sabihin walang immunity ang gobyerno kung ito ay kakasuhan ng China at ang problema pa pag kinasuhan ang gobyerno ng Pinas ng China, ito ay didinggin sa China kaya 'lutong Macau' ika nga. Ano ang posibleng remedyo kung saka-sakali ng Pinas, ito na yong pagbibenta ng 'Patrimonial Assets' natin na sinabi naman ni Supreme Court Justice Antonio Carpio. Pag nawala na ang ilang 'patrimonial assets' natin sigurado maaapektuhan ng grabe ang ating ekonomiya sa hinaharap. Talagang tuso ang China at nagpapa uto naman ang Pilipino.

Kaya posibleng magka 'Debt Trap' at mauwi tayo sa pagiging alipin ng China.

- - - Updated - - -

ang aking punto eh gaano ba kalawak ang alam natin sa nangyayari sa pilipinas? nakapag basa ng artikulo? hindi lahat ng news Tama. hindi ko rin sinabi hayaan na lang ang gobyerno. ang akin lang ay sumangayon tayo dahil simulat sapul naman ayon ang boto ng mayorya, kung isa ka dun sa hindi bumuto at pumuputok ang butsi mo dahil hindi nanalo ang manok mo eh kawawa ka naman.

Suportahan natin ang Pangulo dahil hindi pa tapos ang proyekto nya. kung sakali mang sumablay sya marapat lang na maparusahan sya sa kasong nararapat. pero habang nsa konstruksyon pa ang lahat sumuporta muna tayo.

Tandaan. Hindi lahat ng nababasa o napapanuod ay tama.

Ang boto sa pangulo gumagawa ng balita na maganda pra sa pangulo.
Ang ayaw sa pangulo ay gagawa ng masamang balita para sa pangulo.

Sino ang huhusga ng tama at Mali? ikaw ba? o yung nabasa mong link? sure ba tayo na tama ang news? kung tingin mo na tama ka ipaglaban mo. tumakbo ka sa gobyerno.

Ito talaga, mali ito. Di ko alam kung pinag aral ka ba ng tama ng iyong mga magulang o talagang wala ka lang natutunan nung nag-aaral pa. Syempre, Demokrasya ang Pilipinas kaya normal ang pagpipili o ihalal ang magiging lider ng bansa. Ang kapangyarihang ibinigay ng mga mamamayan ay may kaakibat na responsibidad at may limitasyon. Nakasaad iyan sa ating Saligang Batas. Kasi ang temporaryong kapangyarihan na yan ay hindi mo minana kundi ipinagkaloob lang ng mga tao sayo. Hindi din dahil nanalo ang mayorya ay tatamihik na lang ang minorya dahil wala namang ganyan na nakalagay sa Saligang Batas. Baka doon sa North Korea e pede pa. Pero di naman tayo taga doon. Mag-aral ka naman ng mabuti at intindihin yong mga topiko ng Political/Social Sciences.

Maling mali talaga ang pangangatwiran mo, pang bopol ika nga. Dahil ba ibinoto at naipanalo ng mayorya at kung gumawa man siya ng pangungurakot o katiwalian ay di na dapat punahin? Kasi nga ibinoto siya ng mayorya?! Anong klaseng pangangatwiran yan? Pede yan sa North Korea kasi 'Dictatorship' ang sistema nila at di pede maki alam ang mga mamamayan, pero dito sa Pinas e hindi pede yan maliban na lang kung papalitan ang Saligang Batas.

Sino ba ang hindi sumusuporta sa Pangulo? Halos lahat naman sumusuporta sa kanya maliban na lang sa ISIS, ASG at ibang NPA. Kasi kung walang suporta sigurado nagka 'Civil War' na. Ang pag suporta ay hindi nangangahulugan na tatango ka lang na parang abnormal, kasama sa pag suporta ay ipaalam ang kanyang mga kapalpakan. Kung ika ba ay may girlfriend na alam mo panget yong boses niya, sasabihin mo ba sa kanya na mag audition siya sa 'The Voice'? Ganyan ba ang klaseng suporta na ibibigay mo na ikakapahamak niya? Normal lang pumupuna tayo kasi wala namang perpekto. Maganda nga may pumupuna kasi nga nakikita mo mga 'blindspots' mo.

At saan ka naman maniniwala kung sa tingin mo hindi tama ang nasa News? Sa Facebook ba? Sa mga kwentong kutsero ba? Iyang ganyan na pag-iisip ay pag-iisip ng isang mal edukado kaya kalimitan ay nauuto. Simple lang naman ang pag beripika kung tama ang sinasabi sa isang pahayagan o TV news program, pede mo ring pakinggan yong ibang malalaking News network kung sumasalungat o sumasang ayon ba. Kaya doon mo malalaman kung totoo o hindi.

Kaya doon sa sinasabing Utang natin, halos lahat ay nagsasabing DELIKADO. Di lang News sa bansa natin ang may sabi niyan kundi ibang News sa ibang mga bansa din. Pati nga Prime Minister ng Malaysia ay pinayuhan pa si PDu30. Sa tingin mo 'fake news' ba ito?

At saan naman ako maniniwala, sayo ba? Ano ba ang kredibilidad mo?
 
Last edited:
Naku! Yong 2% na sinasabi ng DOF, malamang gimmick lang yan para sabihin mababa sila. Inamin na yan ni Lambino na yong 2% ng China e equivalent lang halos ng interes ng Japan kasi hindi sinama dyan yong 'commitment fee' na 0.3% per annum pati yong 'management fees'. Ito yong link nung ibinulgar ni Colmenares yan https://www.rappler.com/nation/224722-what-happens-philippines-cannot-pay-off-loans-china. Ang leverage dyan ng China ay yong nakasaad sa Article 5 and 8 ng mga probisyon sa kontrata na ito nakalagay "not entitled to any right of immunity on the grounds of sovereign" at "waive off any immunity on the grounds of sovereign or otherwise for itself or its property in connection with any arbitration" na ibig sabihin walang immunity ang gobyerno kung ito ay kakasuhan ng China at ang problema pa pag kinasuhan ang gobyerno ng Pinas ng China, ito ay didinggin sa China kaya 'lutong Macau' ika nga. Ano ang posibleng remedyo kung saka-sakali ng Pinas, ito na yong pagbibenta ng 'Patrimonial Assets' natin na sinabi naman ni Supreme Court Justice Antonio Carpio. Pag nawala na ang ilang 'patrimonial assets' natin sigurado maaapektuhan ng grabe ang ating ekonomiya sa hinaharap. Talagang tuso ang China at nagpapa uto naman ang Pilipino.

Kaya posibleng magka 'Debt Trap' at mauwi tayo sa pagiging alipin ng China.

- - - Updated - - -

Ito talaga, mali ito. Di ko alam kung pinag aral ka ba ng tama ng iyong mga magulang o talagang wala ka lang natutunan nung nag-aaral pa. Syempre, Demokrasya ang Pilipinas kaya normal ang pagpipili o ihalal ang magiging lider ng bansa. Ang kapangyarihang ibinigay ng mga mamamayan ay may kaakibat na responsibidad at may limitasyon. Nakasaad iyan sa ating Saligang Batas. Kasi ang temporaryong kapangyarihan na yan ay hindi mo minana kundi ipinagkaloob lang ng mga tao sayo. Hindi din dahil nanalo ang mayorya ay tatamihik na lang ang minorya dahil wala namang ganyan na nakalagay sa Saligang Batas. Baka doon sa North Korea e pede pa. Pero di naman tayo taga doon. Mag-aral ka naman ng mabuti at intindihin yong mga topiko ng Political/Social Sciences.

Maling mali talaga ang pangangatwiran mo, pang bopol ika nga. Dahil ba ibinoto at naipanalo ng mayorya at kung gumawa man siya ng pangungurakot o katiwalian ay di na dapat punahin? Kasi nga ibinoto siya ng mayorya?! Anong klaseng pangangatwiran yan? Pede yan sa North Korea kasi 'Dictatorship' ang sistema nila at di pede maki alam ang mga mamamayan, pero dito sa Pinas e hindi pede yan maliban na lang kung papalitan ang Saligang Batas.

Sino ba ang hindi sumusuporta sa Pangulo? Halos lahat naman sumusuporta sa kanya maliban na lang sa ISIS, ASG at ibang NPA. Kasi kung walang suporta sigurado nagka 'Civil War' na. Ang pag suporta ay hindi nangangahulugan na tatango ka lang na parang abnormal, kasama sa pag suporta ay ipaalam ang kanyang mga kapalpakan. Kung ika ba ay may girlfriend na alam mo panget yong boses niya, sasabihin mo ba sa kanya na mag audition siya sa 'The Voice'? Ganyan ba ang klaseng suporta na ibibigay mo na ikakapahamak niya? Normal lang pumupuna tayo kasi wala namang perpekto. Maganda nga may pumupuna kasi nga nakikita mo mga 'blindspots' mo.

At saan ka naman maniniwala kung sa tingin mo hindi tama ang nasa News? Sa Facebook ba? Sa mga kwentong kutsero ba? Iyang ganyan na pag-iisip ay pag-iisip ng isang mal edukado kaya kalimitan ay nauuto. Simple lang naman ang pag beripika kung tama ang sinasabi sa isang pahayagan o TV news program, pede mo ring pakinggan yong ibang malalaking News network kung sumasalungat o sumasang ayon ba. Kaya doon mo malalaman kung totoo o hindi.

Kaya doon sa sinasabing Utang natin, halos lahat ay nagsasabing DELIKADO. Di lang News sa bansa natin ang may sabi niyan kundi ibang News sa ibang mga bansa din. Pati nga Prime Minister ng Malaysia ay pinayuhan pa si PDu30. Sa tingin mo 'fake news' ba ito?

At saan naman ako maniniwala, sayo ba? Ano ba ang kredibilidad mo?

Nakuha mo punto ko, saan ba ako maniniwala? naniniwala ako sa kakayahan ng pangulo kaya suporta ako sa kanya. hindi pa tapos ang plataporma nya. hindi pa tapos ang termino nya. may kaukulang paruha ang haharapin nya sakaling linabag nya ang batas pero sa ngayon ang tanging magagawa ko ay sumuporta sa ginagawa nya. Sino saatin ang mukhang walang pinagaralan sa asta ng pananalita? kung titignan mabuti isa ka sa mga dilawan na naligaw sa mobilarian. isa ka sa mga salot ng lipunan na ang hangad ay pangsariling kapakanan.

Mas mainam na igalang ang paniniwala ng iba. naniniwala ako na tama ang ginagawa ng pangulo, . . at tungkol sa mga alam natin sa politika gaano kataas ang kaalaman mo? konsehal ka ba? mayor? senador? media? ano ang basehan mo? RAPPLER BA? ako kasi wala, wala ako kredibilidad pero naniniwala ako sa kakayahan ng pangulo base sa nangyayari sa bayan namin. Patay na ang talamak na adik samin at hindi na nagpapakita ang mga magnanakaw. kung ikaw ay nakatira sa disenteng bahay na may rehas na bakal hindi mo to alam. pero para saaming nasa ibaba ng pamumuhay ramdam namin ang kaligtasan sa panahong sya ang nasa ikinauukulan.
 
Iginalang naman natin ang paniniwala mo, wala naman tayong sinabi na itigil mo yang paniniwala mo sa iniidolo mo. Kaya lang meron lang tayong kinakailangang ituwid na iilan. Ito ay base na rin sa ating Civil Code of the Philippines, Chapter 2 Article 21 na nakasaad, "Any person who willfully causes loss or injury to another in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for damage." Take note ang key words ay contrary to morals, good customs or public policy. So dito tayo ngayon pumapasok.

Hindi ko naman kelangan maging konsehal, senador, mayor o taga rappler para lang ihatid ang mabuting balita. Wala din po akong sinabing wala kayong pinag-aralan, ang sinasabi ko po ay wala lang kayong natutunan nung nag-aaral pa o napag-aral kayo ng tama. Ito po ay base sa sinasabi nyo na,

"ang akin lang ay sumangayon tayo dahil simulat sapul naman ayon ang boto ng mayorya, kung isa ka dun sa hindi bumuto at pumuputok ang butsi mo dahil hindi nanalo ang manok mo eh kawawa ka naman."

Kaya itinatama natin na hindi po basehan ang mayorya kung hindi demokrasya. Hindi dahil nanalo siya by majority votes ay tatango at sasang ayon na lang lahat ng Pilipino. Ini exercise lang natin ang 'Suffrage' na nakasulat sa ating Saligang Batas. Ito po ay basic na itinuturo at natutunan sa asignaturang Social Studies kung naaalala mo pa.

Sa tingin ko, kayo po ay mapanghusga dahil tinatawag nyo akong dilawan dahil nga hindi ako sumasang-ayon sa mga isinisulat nyo at sasabihin pang salot ako ng lipunan. At ano naman kaya ang basehan nyo na ako nga ay salot ng lipunan dahil sa pangsariling kapanan? Kasi kung makasarili ako di ko na sana inilahad ang posibleng problema ng pangungutang. At di naman ako kumita dito, kung hindi sila, dahil sa posibleng kickbacks at finder's fee.

Mabuti naman at inamin nyo na wala kayong kredibiliadad, kayo naman po ang may sabi nyan, di ko po kayang kontrahin yan. Tanong lang, paano pa kami maniniwala nyan sayo eh wala naman pala kayong kredibilidad?

Sinabi nyo po na mas naniniwala kayo sa pangulo base sa nangyari sa bayan nyo. Saan pala sa inyo? Davao ba? So, ibig sabihin payag kayo pagpapatayin ang mga adik at mga magnanakaw kahit di dumaan ito ng korte at hustisya. Ang tanong, naaayon ho ba yan sa Batas o Public Policy? Naaayon ho ba yan sa morals natin? Kung Anti-Kristo kayo, maiintindihan ko. Pero kung naniniwala kayo sa Simbahan at sa Dios, sigurado ako di ka sasang-ayon sa pamamaraan ng patayan. Yan din po ba ang itinuturo ng mga magulang nyo na patayin lahat ng adik at magnanakaw?

Nagpunta ako sa Davao, meron pa rin namang mga adik at magnanakaw. Di naman nawala. Nakakaawa nga mga mamamayan doon dahil parang tikom na lang bibig pag binanggit yong patayan ni Mayor. Takot baka mayari pa ng DDS. At yong sinasabi mo, 'na sa amin na nasa ibaba ang pamumuhay ramdam namin ang kaligtasan', eh paanong naging ligtas eh galing nga sa inyo yong mga pinagpapatay? Ibig sabihin pede din kayo mapatay kung saka sakali. Kaya okey lang ba sayo na isali ka rin? Gaya ng kaso ni Gian de los Santos at ng iba pa, okey lang ba?

Pero balik tayo sa utang kasi ito naman ang topiko. Hindi mo naman kelangan hintayin pa na sa bandang huli ka pa aaksyon at wala kang magagawa pa. Kasi ang mga susunod na henerasyon ngayon ang mags 'suffer' dahil wala tayong ginawa. Gusto mo ba yon? Habang maaga gawin na natin ang tama hindi ito para sa akin o sayo, kung hindi para sa ating lahat at sa mga susunod na henerasyon. Imagine mababaon ka sa utang at maging alipin ng China.

Salamat kaMobi, taga Bicol ako at oo sangayon ako sa patayan dahil talamak ang walang hustisyang patayan saamin, Agnostic ako at Hindi ako Anti_Kristo, AT tungkol sa Utang, Ang Ekonimiya ay isa ring sugal para sa opinyon ko, para saan pa at isang Pilipinas tayo kung hindi natin sasaluhin ang suliranin ng Pilipinas. Tulad ng sinabi ko mahalin ang pilipinas hindi ang gobyerno, may ilang bagay din ako na hindi sangayon sa kasalukuyang pamumuno pero sa Topic natin na Utang sa China naniniwala ako na tama at nasasatupad ang perang dapat ay magagamit sa Tama, kung sakali naman merong kurapsyon na nagaganap marapat lang na tumutol, kung mapatunayan
 
Matagal ng may utang ang pinas. Hindi usapan kung sino ang Presidente.
 
Tatlo ng klase ang suporter ni digong, yung mga utouto, may bayad at may mga sayad. Harapharapan na kayong ginagago iniidulo nyo parin....
 
Back
Top Bottom