- Messages
- 32
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
utang ang pinag uusapan pero numalik ang issue sa yolanda funds. sige nga, 4 years na, nang aging presidente si pangulong duterte. if there are descrepancies in handling the yolanda funds, bakit hanggang ngayon wala pa ring napaparusahan. teka, may nakasuhan na ba for corruption related to the yolanda funds? balik tayu sa issue nga pangungutang, i think mali yung sabi ni KapitanRyan na 12 to 20 percent ang interest kung mangutang sa private entity. correct me if i am wrong, 3 to 4 percent po ang pinahihintulatan ng batas. alam ko kase ilang beses na rin akong nangutang, unless kung nangutang ka sa isang walang lesinsya na puedeng sila magpautang. yung iba naman dinadaan sa mgaother charges, like processing, attorney's fees, para kumita ng malaki laki. minsan pa nga pag may utang ka at gusto mo e full payment ahead of the deadline, ay mag charge pa sila nga prepayment fee and you still pay the loan and its compound interest. yung interest na maaacumulate nga loan sa period na dapat mo itong bayaran. isipin mo ha, pagbabayarin ka ng fees dahil mas maaga mong babayaran ang iyung utang. unfair di ba pero minsan na akong humingi nga legal opinion para nito, dahil experience ko ito, ang sabi di raw bawal dahil walang batas na nagbabawal. now balik tayu sa pangungutang sa china, isa lang ang maitatanung ko, BAKIT SA CHINA TAYU MANGUNGUTANG WITH AN INTEREST RATE OF MORE THAN 3 PERCENT, WHEN SOME OTHER COUNTRIES, LIKE JAPAN IS OFFERING LOANS WITH INTEREST BELOW 2 PERCENT?
Mali ang pagka unawa mo sa kalkulasyon inilahad ko kaibigan
Tama ang sulat na kapag uutang KA sa PRIBADONG institusyon
Siguradong 12-20% ang interes na kabayaran
Isang katotohanan na makikita kahit saan.
Posibleng mali din ang pagkakaintindi mo sa 12-20% na iyan
Pagkat inisip na ito'y isang pagbabayad na arawan o buwanan
Na karaniwang iniisip ng mga palaboy sa lansangan
Ngunit ang katotohan ito'y maaaring taonan
May basehan kaya na umutang ang gobyerno ng Pilipinas na ka halimbawa sa nasabing interes?
Magandang ibahagi sayo kung uungkatin natin ng bahagya ang kasaysayan ng Pilipinas
Isang halimbawa ay ang pagkautang ng gobyerno ng $2 Bilyones sa proyektong Nuclear Plant noong dekada 80's
Ito'y natapos gawin noong 1985 at noong 2007 naman, sa halagang $22 Bilyones ang pagbabayad ay natapos. (https://opinion.inquirer.net/99481/the-marcos-debt
Ibig sabihin pede pang lumaki ang interes, kung ang bansa ay nabaon sa utang.
Kagaya noong 1983 nang mag deklara ng Bankruptcy si Tatang (Macoy)
Tumaas ang inflation at pati na rin ang interes ng mga nagpapautang
Kaya minabuting mag debt servicing at loan restructuring na lamang.
Walang batas na nagsasaad na 3 to 4% interes lang ang pinahihintulutan
Isa itong talata na kailanman ay di mo pedeng gawing pulutan
Pagkat ang gobyerno ay di mo pedeng pagbawalan
Kung nakasalalay dito ang interes at kinabukasan ng bayan.
Last edited: