Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Duterte vows to open up telecom, energy sectors to new players

Ayun na mga kapatid, inaantay nating lahat, dahil sa pagka bagal bagal ng internet dito sa Pilipinas at saka yung staggering cost ng electricity natin, eto nangyari

http://news.abs-cbn.com/business/11...open-up-telecom-energy-sectors-to-new-players

Ano masasabi nyo mga kapatid? :clap::clap::clap:

Mukhang malabo yang sinasabi mo na baka mag iinvest pa yong malalaking foreign telecom companies dito sa atin (pa pogi lang ni Digong yan) dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

1. Out of the $24B soft loan from China, a part of the loan will be used for the upgrades of Globe and Smart Networks. Remember, there were bigtime businessmen who accompanied PD30 when he visited Pres. Xi Jinping. Kaya malabo kung may magko compete pa. http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1388221

2. It would be very hard for new foreign players, to set up their system and facilities in our country, since, their local competitors like Smart and Globe have well established their infrastructure already. There was even a news that a local ISP will have to tie up with San Miguel to speed up the process of upgrading.

3. If in case foreign players invest in the telecom industry, I don't think they will enjoy getting a good profit unless our current economic provisions will be amended.
a.) There is a higher risk of investing their money in a developing country like us. Our currency is continually weakening/floating and economy is not stable.
b.) The relationship between our country & the US remains acerbic and with Trump's presidency, I doubt businessmen from the west will continue to invest.
c.) The provisions of our Constitution pertaining to National Economy and Patrimony that limits the equity ownership of foreign individuals or corporations only to 40%, in short, they could not maximize their profits and control. And also, the provision Section 19, that states, 'No unfair competition shall be allowed', hence, they can improve their services but could not lower their service fees way below to the fees offered by local competitors.
d.) Telstra from Australia maybe a good player, but, I doubt it can survive in the long run, they have to re-assess if the Philippine market is good for them. Just like what had happened to Sun Network, selling most of their shares to Smart. Zte from China will be a good candidate, but, there is already a joint venture with our local ISPs and China companies when they agreed for the loan.

4. BPO and Call Center Business in the Philippines which rely heavily on internet traffic may have faced bigger challenges in the coming years, not only in terms of reduction of clients/investors mostly from the US, but, mainly because of our political satire with the West, the worsening climate change and the frequent strikes of typhoons and floods. It is also feared that Malaysia will be considered a threat to our BPO industry.

5. Due to the plan of PD30 to change our Unitary system to Federalism, this could create a lot of uncertainties for a lot of businessmen. Remember, there has been no final draft yet of the proposed Federalism law, and foreign investors would not venture out if their interest are not properly ensured. It is also presumed that the present administration will still face political instability and more civil unrest.

Going back to the proposal of Digong about energy industry, eh, malabo din. Sabi niya mura daw yong solar sa Europe. What are the downsides of this?

1. We are going to import much of these solar materials from Europe by way of loan. This will increase our foreign debt and probably increase our inflation rate. Besides, too much importation will create an imbalance in our Balance of Payments (BOP) and this is not good for the country.

2. It is true that solar power can augment our need for more energy. Although, this is a renewable energy, but, its full potential could not be harnessed to the maximum, due to our erratic weather and climate conditions. Moreover, the initial capital is very expensive yet it can only generate a limited wattage.

3. I don't understand the thinking of PD30, instead of, creating industries for us Filipinos and create jobs, he intend to rely on imports, making us carry the heavy burden on our backs. We have so many good materials here in the country and only what we need is the technical knowledge. Or perhaps, this maybe a way of paying back Europe when PD30 signed an agreement concerning 'green economy', giving the Philippines a monetary support, which in return we need to patronize their products.

Enough of this 'papogi' El Presidente! Sana ay maging totoo kayo.
 
Last edited:
Enough of this 'papogi' El Presidente! Sana ay maging totoo kayo.

Anong papogi clearly you did not read the news well is says they are now finalizing, if you think thats a joke then watch and learn ka lang the coming days.

""In the area of telecommunications, we are now finalizing our plans to open up the information and communications technology industry to new players in order to promote competitiveness and improve quality of service," he said."
 
Sabi nga, 'finalizing our PLANS to open up...', plano ng gobyerno na i open ang industriyang ito, ang tanong, bakit may restriction ba na hindi pede mag negosyo yong mga dayuhan dito sa atin? Dati naman talagang open yan. Bakit komunista ba tayo na hindi sila pede mag negosyo sa atin? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ng quotation? Baka hindi mo naiintindihan.

Kaya nga sinabi kong papogi para kunyari may magandang maidudulot pero wala naman talaga. Kagaya lang ito ng EPIRA ni Ramos.

Basahin mo kasi yong mga sinasabi kong kadahilanan bago ka magdadadakdak na klarong walang ka laman laman yong argumento mo.
 
Last edited:
As usual may mga against na naman at negative agad ang nasa isip. Sana maging supportive tayo sa sarili nating gobyerno di yung kung may magandang plano ang gobyerno e sasabihin nating "wala yan malabo yan, papogi lang yan", paano magkakatotoo kung satin mismo manggagaling na parang ayaw natin ng pagunlad. Paano gaganahan ang isang leader kung ang mga kababayan nya e walang suporta at batikos agad mapamaganda o mapapangit ang nangyayari. Mabubuhay na lang ba tayo sa pagpuna sa maganda o pangit mang adhikain o plano ng gobyerno? Malabo man o hindi be possitive parin. Malay natin magkaroon ng chance at maging posible. Wag puro banat agad na wala agad yan. Mag abang muna tayo kung posible bang mangyari bago tayo magreact. Tungkol naman sa energy, Nung una galit kayo sa Presidente dahil ayaw nyang pirmahan yung kasunduan sa Paris, ngayong suportado na nya ang renewable energy bilang suporta na rin sa climate change may puna parin. Kulang sa suporta at pakikiisa ang Pilipino. Ayaw talagang tumangkilik sa sariling atin. Mapa produkto pati sa gobyerno. Kaya mahihirapan tayo pati gobyerno kung ganito lang ang nangyayari. Sariling bansa natin di natin sinusuportahan. Tayo-tayo lang ang magtutulungan. Pag di na tayo kayang tulungan ng ibang bansa wala tayong ibang maaasahan kundi tayo lang din naman dito sa loob ng bansa. Tayo-tayo rin ang makikinabang sa lahat ng mga yan.
 
Normal lang ang maging against o negatibo minsan kung may balido naman ang iyong sinasabi. Ang mahirap dyan ay kung oo ka na lang ng oo na alam mo namang may nakikita kang mali, eh para ka ng panatiko niyan na sunod ng sunod sa sinasabi ng iyong boss. Kung pakakainin ka siguro ng tae eh baka gagawin mo pa nga. Karaniwan sa mga taong panatiko eh di na yan nag-iisip, parang Bathala ang tingin nila sa kanilang 'Idol' na di pedeng magka mali. Tama nga naman si PD30, may iglesya na nga siya na sumusunod sa kanya at handang magpakamatay para lang sa kanya. Wow!

Di naman kasi ibig sabihin pag may negatibo kang sinasabi eh hindi ka na supportive sa yong leader. Kung sa corporate world ka nga, mas maganda nga ito na alam mo ang mga posibleng pagkakamali mo para malapatan mo na agad ng lunas at di na magka problema pa sa hinaharap. Kaya nga pag nasa high level management ka mas maganda na marami kang maririnig na mga komento sa mga kasama mo para ma aksyonan mo agad at ma address kung ano ang magiging problema. Minsan nga ginagamit namin yong SWOT analysis, Cost/Benefit Ratio, etc. para malaman talaga namin ang lahat ng anggulo.

Kung yong lider mo gaganahan lang magtrabaho dahil sa papuri, aba, eh hindi magandang lider yan. Kung ako eh isang may-ari ng kumpanya at kukuha ako ng isang manager, ang kukunin ko ay yong taong hindi 'subjective', dapat 'objective' at 'rational thinker'. Bat ka naman kukuha ng may balat sibuyas at emosyonal na lider, eh, anong gagawin nya magmumura at mag-iiyak lang kapag may problema?

Mahirap kasi kung para positive ka parati, dapat maging realistic ka rin. Halimbawa sa iyong pag-aaral, eh puro bagsak yong marka na nakukuha mo sa mga eksams, sasabihin mo pa ring 'think positive'? Na alam mo na in reality, hindi mo kaya yong kurso o kaya ang realidad ay napabayaan mo ang iyong pag-aaral? Dapat realistic ka dapat. At kung optimist ka man ay dapat balanse rin.

Wala naman akong alam na may galit sa Presidente dahil ayaw niyang pirmahan. Ang sinasabi lang natin na kung pirmahan man niya ang kasunduan ay dapat isaalang alang niya na sana ay hindi tayo maging isang alipin sa kung ano man ang hindi magagandang nakasulat sa kasunduan. Sinabi niya na kasi noong nagdaang mga araw, na gagawin niyang industrialized ang ating bansa para magkaroon ng maraming trabaho ang mga Pilipino at hindi na umasa pa sa ibang bansa gaya ng US. Yan ngayon ang pinanghahawakan ng maraming Pilipino. Ang tanong ay papaano nya naman gagawin yon kung siya ngayon ay natali dahil ang nakasulat sa pinirmahan niyang kasunduan ay naglalayong gumamit lamang ng 'green economy' o 'green technology'. Ibig sabihin kung 'green' ang gagamitin ay dapat ang sources of energy mo ay mga renewable gaya ng solar, wind, hydroelectric, Euro fuel, atbp. Na ang ibig sabihin naman ay mag-aangkat tayo ng mga materyales, ekipo at makinarya na galing sa kanila. Dina justify na nga yan ng Pangulo na mura daw yong 'solar power materials' galing sa Europa. Ang hindi alam ng mga inosente nating mga kababayan na ang mga gamit na yan ay aangkatin natin at mahal naman talagang bilhin (sa conversion rate pa lang ng Peso to Euro money ay mataas na) at hindi kakayanin ng mga negosyanteng nasa industrial sector na mag invest niyan dahil sa mahal (di nga kaya nila pagbigyan yong hinihinging minimum wage increase na across the board, yan pa kayang pagbili o pag upgrade ng kanilang mga facilities para sa 'green economy'?). So, papaano mo ngayon pasisiglahin ang industriya? Uutang na naman para makabili sa kanila at sa huli ay tayo na naman ay magagapos sa utang. Kaya mali ka sa sinasabi mong ayaw tumangkilik ng mga Pilipino sa sariling atin, dahil itong kasunduan na ito, ang tinatangkilik ng mga Pilipino ay ang mga produkto ng Europa at hindi atin.

Ang masasabi ko lang, kung mababaw lang ang ating pag-iisip sa mga nangyayari, eh, mabuti ng magtanong na lang kesa magkokomento na wala namang basehan ang mga pinagsasabi. Salamat.
 
Pareparehas naman tayo naghahangad ng mabilis at affordable na internet, mababang preso ng kuryente.. Hindi naman natin mararanasan yung mga kasalungat nyan kung hindi pinamigay ni Cory at ginawang privatized ang Energy sector(yes baon sa utang still hindi man laman nagtry ng something else) at pinamigay ang ilang mga telecom companies at dinistribute sa mayayamang pamilya.

xDigoyx ang point mo siguro sobrang entrenched na ang monopolism ng mga local telecom at energy sectors dito sa atin to the point mahihirapan na humabol ang new foreign players. Pero katulad ni Kaito think positive. diba ang kaakibat ng finalization eh andun na din yung solusyons for certain scenarios. Parang project managements may mga Assumptions, Exclusions, solutions etc ... Yes entrenched na talaga sila and well established...

Even sa America may mga Anti-trust resolutions against big corporations ang Congress nila dun wherein in they usually deal with monopolism and unfair competition. Sila gumagawa ng mga hakbang. Meron din po tayo ganun I forgot what agency. though I firmly believe hindi pa established yung mandate nung agency due to lack of resources and also intense corruption.
 
Alam mo yong nangyayaring privatization ng mga government owned or controlled facilities/institutions ay okay lang yan. Kasi nga pag government ang magpapatakbo eh wala talagang mangyayari, problema sa maintenance, corruption at iba pang mga anomalya. Pero kung private sector ang magmamay-ari mas maganda ang magiging serbisyo pwera na lang yong SSS at GSIS. Ito naman ay nangyayari sa mga bansang Vietnam, China, atbpa. Dati ay hardcore communist sila pero niluwagan nila ito at naging isang 'Socialist'. Pag socialist kasi pede ng magmamay-ari ang pribadong sektor para gumana at maging aktibo ang ekonomiya, pero ang monitoring ay nasa gobyerno pa rin o ng mga miyembro ng 'Communist Party'.

Sa atin kasi, pede namang di na tayo kelangan pa maging komunista o sosyalista. Ang dapat baguhin natin ay pagiging Parlyamentaryo at hindi Federalism. Pag Federalism kasi baka matulad lang tayo sa bansang Venezuela na estadong federal, yon nag kanya kanya sila at tuloy hirap na kontrolin ng central government. Kaya grabe yong inflation nila ngayon at ang tindi pa ng karahasan sa kanilang bansa. Dapat din two-party system na lang, wag na yong multi-party system na kanya kanyang kurakot at lipatan. Kasi pag two-party system, madaling malaman yong mga kurakot at madisiplina agad ng kanilang partido. At dahil nga two-party system, so, yong mga miyembro ng dalawang partido ay alam nila ang kanilang ipinaglalaban at makakaasa ka ng kanilang solidong suporta para sa kanilang partido.

Dapat na rin palitan yong Constitution natin, pagkahaba haba at halos wala namang magandang laman. Pag sinabi kasing fundamental law ay dapat maiksi lang at madaling basahin at maunawan ng bawat Pilipino. Di katulad ngayon na pagkahaba haba at mabulaklakin. Dapat na rin amyendahan na especially yong 'economic provisions' na pabor lang sa mga ganid na Pilipinong negosyante. Ikaw ba na foreign investor, gaganahan ka bang magtayo ng malaking negosyo eh 40% lang ownership mo, tapos yong Pinoy counterpart mo eh 60%? Papapano ka kikita at makaka kontrol sa iyong kumpanya kung ganyan ang equity distribution? May maganda kasi akong maimumungkahi dyan na I'm sure matutuwa lahat, hindi lang mga foreign investors pati mga Pilipino na rin. Pati yong unfair competition ay alisin na dapat o di kaya ay may paliwanag at limitasyon.

Yong namang sa telecom at energy sectors na sinasabi mong entrenched na ay talaga namang totoo. Halos lahat ng malalaking industriya natin ay pag-aari talaga ng mga oligarchs o monopolyo. Ang masasabi ko talaga para maalis na yang monopolyo na yan ay dapat alisin na yong 60/40 equity distribution. Tapos, gawin nating patas ang level ng pagnenegosyo para ganahan yong mga bagong players at magti take ng risk. Pero dapat maingat din ang gobyerno natin, baka magsi alisan bigla ang mga yan at dalhin lahat ng kita eh baka maging tagilid naman tayo. Kaya importante dito kung gaano ka henyo ang magiging lider natin para masabayan niya ang laro at magkaroon ng tamang pag pasa ng mga batas tungkol sa pagnenegosyo.

Mahirap talaga mag think positive kung ang realidad ay 'limited or out of options' ka. Parang nasa isang kahon ka na mahirap makalabas at pinipiga mo yong mga imposibleng gawin. Ang dapat kasi dyan, may vision ka at pang long-term ang analisis mo. Dapat yong pina prioritize mo dyan ay yong mga 'Key Result Areas' na isinasaad sa Kaizen principle, na may pinaka malaking impact kung magawa mo ito ng maayos. Ang problema, ang kelangan dyan ay isang henyo sa pamamahala para maabot yong tinitingalang mithiin. Kung ang tanong nasa liderato ba ngayon ito? Ay yan ang hindi ko masasagot at matantiya.

Isa talaga sa nakikita kong henyo pagdating sa kalakaran ng pulitika, negosyo at ekonomiya ay si Pres. Xi Jinping na agree naman ako sa sinabi ni PD30. Grabe ang talino ng tao, napapanagot niya yong mga gahaman sa kanilang lipunan, tapos nai expand pa niya ang ekonomiya ng China sa ibang bansa gaya ng Africa. Dito nga rin sa atin na stalemate pa tayo at walang nagawa. Kaya masasabi kong henyo talaga siya.
 
Last edited:
As usual may mga against na naman at negative agad ang nasa isip. Sana maging supportive tayo sa sarili nating gobyerno di yung kung may magandang plano ang gobyerno e sasabihin nating "wala yan malabo yan, papogi lang yan", paano magkakatotoo kung satin mismo manggagaling na parang ayaw natin ng pagunlad. Paano gaganahan ang isang leader kung ang mga kababayan nya e walang suporta at batikos agad mapamaganda o mapapangit ang nangyayari. Mabubuhay na lang ba tayo sa pagpuna sa maganda o pangit mang adhikain o plano ng gobyerno? Malabo man o hindi be possitive parin. Malay natin magkaroon ng chance at maging posible. Wag puro banat agad na wala agad yan. Mag abang muna tayo kung posible bang mangyari bago tayo magreact. Tungkol naman sa energy, Nung una galit kayo sa Presidente dahil ayaw nyang pirmahan yung kasunduan sa Paris, ngayong suportado na nya ang renewable energy bilang suporta na rin sa climate change may puna parin. Kulang sa suporta at pakikiisa ang Pilipino. Ayaw talagang tumangkilik sa sariling atin. Mapa produkto pati sa gobyerno. Kaya mahihirapan tayo pati gobyerno kung ganito lang ang nangyayari. Sariling bansa natin di natin sinusuportahan. Tayo-tayo lang ang magtutulungan. Pag di na tayo kayang tulungan ng ibang bansa wala tayong ibang maaasahan kundi tayo lang din naman dito sa loob ng bansa. Tayo-tayo rin ang makikinabang sa lahat ng mga yan.

Maganda rin yong positive, malay mo makakatanggap ka ng maraming biyaya. Di ba?:lol::pray:
 
Maganda rin yong positive, malay mo makakatanggap ka ng maraming biyaya. Di ba?:lol::pray:

Oo naman. Walang biyaya sa mga taong walang ginawa kundi mag isip ng di maganda o puro negatibo ang laman ng isip. Lahat ng may pagaalinlangan di nagkakaroon ng biyaya. Hehe.
 
masarap mag kumento kung anu ang dapat ang tanung ,, sa panung paraan ba tayu makakatulong sa gobyerno?
kung sa bahay kalang din naman at wala kang plano at gagawin para sa bansa ,,wag ka muna agad kumontra sa plano ng gobyerno.. madaling sabihen , kesyu papogi kesyu dapat ganto dapat ganyan
ayun dito , iyan ang possible mangyare..

guys ,, move on,, if we dont try something new to our country , then makutento nalang tayu sa kung ano meron tayu,
unfair na internet
mahal na bilihen,, at wag na umasa na may chance na magbago ang sistema sa lahat ng aspeto , mapa goevernment services, security, economy, etc. etc.

tutulan lahat ng plano ng gobyerno kung masaya na kayu sa kung anu lang meron tayu ngayon.. :beat:

sometimes being too smart and informative doesnt mean you are always right,, at laging yun nga ang mangyayare
 
Hindi mo ba alam na ang thread na ito ay isang malaking tulong, nakakapag dessiminate tayo ng impormasyon. Hopefully, sana ito'y mabasa ng taga gobyerno, magawan ng pansin at hindi sila magbubulag bulagan lamang.

Move on? Papaano ka nga makakapag move on e alam natin ang mga injustices na nangyayari. Paano ka makukontento e mahal nga ang bilihin? Haller? Kaya nga tayo umaaray dahil gusto natin magkaroon ng solusyon at pagbabago. Di bat dahil sa pagbabago nakakagamit ka na ngayon ng internet at computer. Kung wala pagbabago posible ang ginagamit mo ngayon ay makinilya pa rin. LOL...
 
masarap mag kumento kung anu ang dapat ang tanung ,, sa panung paraan ba tayu makakatulong sa gobyerno?
kung sa bahay kalang din naman at wala kang plano at gagawin para sa bansa ,,wag ka muna agad kumontra sa plano ng gobyerno.. madaling sabihen , kesyu papogi kesyu dapat ganto dapat ganyan
ayun dito , iyan ang possible mangyare..

guys ,, move on,, if we dont try something new to our country , then makutento nalang tayu sa kung ano meron tayu,
unfair na internet
mahal na bilihen,, at wag na umasa na may chance na magbago ang sistema sa lahat ng aspeto , mapa goevernment services, security, economy, etc. etc.

tutulan lahat ng plano ng gobyerno kung masaya na kayu sa kung anu lang meron tayu ngayon.. :beat:

sometimes being too smart and informative doesnt mean you are always right,, at laging yun nga ang mangyayare

Tama, magpasalamat na lang tayo na may pagasa pa palang umangat ang Pilipinas at maimprove o masulusyunan ang mtagal nang hinaing ng mga kababayan natin patungkol sa Telcos at Energy. Sana matupad to o kung hindi man sana magising at maimprove ang services ng mga lokal na kumpanyang may kinalaman sa energy at communications pati na rin ang sangay ng gobyernong nagmomonitor sa kanila. Dapat di talaga tigilan ang pagkalampag sa mga yan para maibigay ang nararapat para sa taong bayan. Dapat ilagay din natin sa lugar ang pagiging kritiko natin. Di yung kahit alam nating may potensyal yung plano na yun para sa pagunlad ng bansa at ikaaangat ng bansa sa larangan ng telecommunications at energy. Ako hanggat maganda ang nakikita kong ginagawa ng gobyerno at para sa nakararami, wala akong tutol o sasabihing di maganda pero kapag nakakita ko ng pagkakamali o kapalpakan sa kanila lalo na sa siguradong ikababagsak ng bansa asahan nyo talagang babanatan ko din sila ng babanatan kahit binoto ko pa sila. Hehe. Maging fair lang tayo. Tulungan lang ang kailangan. Kasi pag may isang tumaliwas sa iba, asahan nyo hawa-hawa na yan at gulo panigurado ang mangyayari. Yun ang wag natin hayaan. Lahat naman tayo dito nasa tamang edad at pagiisip na. Kung di na maganda ang nangyayari sigurado namang papalag tayo di ba? Pero kung di naman at kung sa ikakaganda ng bansa at serbisyo, bakit natin kailangang tirahin? Dapat laging nagkakaisa ang hangarin natin. Iisa lang naman gusto natin e. Maganda at maunlad na bansa. Di mangyayari yan kung hindi maglilinis ang gobyerno. Linisin dapat ng linisin, alisin ang dapat alisin. Di tayo makakausad kung tayo mismo maghahatakan pababa, kung tayo mismo kumakalaban sa anumang plano o adhikain ng gobyerno. Wag kayong mag alala kung para sa kasamaan ang adhikain nila sabay-sabay tayong aatake sa kanila. Hehe. Sa ngayon wala pa kong nakikitang ikakasira ng bansa. Puro magandang proyekto pa ang pinaplano at ginagawa nila kaya walang problema dun. Naging kritiko din ako ng mga tiwaling kawani ng gobyerno nun at ng mga maaanumalyang proyekto nila nung college pa ko. Naging part ako ng mga ganyan pero nung napagisip kong sa iisang side o layunin lang nakafocus yung grupo tinigilan ko na. May kinikilingan ba o pinipili lang na tirahin. Sinuportahan ko din naman ang mga nakaraang administrasyon sa mga magagandang plano nila kaso di maiiwasang may mga kapalpakan o pagkakamali silang nagawa lalo na ang kurapsyon. Minsan kasi talagang di na din tama yung panay puna na lang tayo ng puna, pwede naman tayong maging part o makatulong sa laban sa maganda at mas maayos na paraan. Hindi rally, hindi pag iingay sa harap ng eskuwelahan. Sanay na ang gobyerno o mga politiko sa ganyan, kung baga sanay na ang tenga nila sa mga mikropono nila, kaya balewala na sa kanila yan, mapapagod lang kayo at mapapaos kakasigaw di kayo papakinggan ng mga yan. Sila nga na mga nagrarally di pinapakinggan tayo pa kaya na dito lang sa forum nagiingay at naglalabas ng hinanaing sa gobyerno.
 
Last edited:
magtiwala lang tayo sa presidente natin . we have a working president ,, may magagawa yan sa problema natin sa internet .. antay2 lang tayo !
 
magtiwala lang tayo sa presidente natin . we have a working president ,, may magagawa yan sa problema natin sa internet .. antay2 lang tayo !

Gaganda talaga ang internet natin sa susunod na mga taon kasi unti unti ng magsasarado yong mga call centers natin dahil yong mga American investors ay sa Amerika na magpapatuloy mag negosyo. Ito naman ay sinabi ni Trump at may warning pang kasama sa lahat ng mga Amerikanong investors.

So, kung kukunti na ang call centers, kukunti ang maging malaking demand sa internet kaya bibilis na internet natin sa mga kabahayan. Hahahaha....
 
Magiging throwback thursday na lang niyan ang globe at smart.
 
Be positive and think impossible tiwala lang kasi kay Mr. President
 
Sana matuloy na iyan, at hindi bandang huli eh iabsorb ng isa na naman lang na kumpanya.
 
Be positive and think impossible tiwala lang kasi kay Mr. President

Yon bang sinasabi mong be positive and think impossible ay dahil ba sa ginawa ni Duterte na tinawagan niya si Trump at inimbatahan pa sa ASEAN summit? Klarong klaro na kinaibigan niya si Trump dahil takot siya na maaari ngang magsara yong mga call centers dito sa atin. Pag nawala yang industriya na yan, ano pa ang saysay ng pag upgrade mo ng internet?

Kaya lang bumagal yong internet natin dahil sa dami ng call centers na gumagamit nyan. Pag nawala yang mga call centers na yan, Im sure di mo na kelangan pang mag-upgrade ng napakabilis na internet dahil maaalis na yong 'bottleneck'.

O ngayon, ano naman ang mga alibi nyo? Balimbing na naman. Susuportahan nyo naman si Duterte na makipag alyansa sa US para di mawala ang call centers at matuloy ang mga pag upgrades? Ewan ko ba sa inyo di ko maintindihan, nagbubulag bulagan o talagang bulag sa katotohanan.
 
Last edited:
Back
Top Bottom