Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

GLOBE Globe LTE Plan 1299 10MBPS



Mukhang di ko pa nareach capped limit. Download to sawa ako sa 29. Globe LTE Plan 1299 10MBPS and I must say, sulit. Kapag wala kuryente pwede pa ilagay sa pocket wifi ang sim.
 
Last edited:
pag umpisa talaga masarap si 10mbps umaabot pa ng 15mbps pero pag nareach na capping dyan na magkakaproblema. yung 30% nila 25kbps na lang!
 
plan 1299 ako consumed na si 30GB ayun 25kbps o minsan 0kbps :rofl:
 
Ay, grabeng panloloko nitong Globe. Vinerify namin sa Globe Store yung TELSET na babayaran pala namin for 6 months. Hindi pala FREE yung phone tulad ng sinasabi nila sa website ad nila na free landline sa LTE PLan 1299.

Tapos yung Sales Rep. pa sa Globe Store mukhang mga walang alam sa latest broadband plan kuno ng Globe kasi 5 Mbps lang daw yung offer nila. LOL. Natawa ako. 10Mbps na nga yung connection namin eh.
 
ganyan din po ako sa first 20days ng plan 1299 hangat hindi nyo pa na experience ang capped nila masarap talaga yung speed pero once ma reach nyp yung data allowance mapapa wow nalang kayo sa speed :lol:

dati sa 2mbps plan namin nakakapanood pa ako ng 720/1080p sa youtube ngayong nag upgrade kami sa 10mbps lagi ko binababa sa 240/360p dahil baka maubos agad data katawa lang kung kailan bumilis net saka ko binabaan yung quality :lol:

may bayad nga po yung sinasabi nilang FREE MOBILE nasa 1k+ kaya nagtaka ako sa 2nd bill ko dahil babayadan din pala yung phone kaya nasa 1500 :lol:

@jskhulitz goodluck tol ipaglaban mo karapatan nating mga LTE user ng plan 1299 na gustong umayos ang net sa pinas :thumbsup:
kaya din ako nag avail nitong plan 1299 kasi sabi ng mga agent na nakausap ko sa call at chat is unli daw pag nag 3mbps na kalokohan talaga
 
Last edited:
balak ko pa naman sana kumuha ng plan 1299. magskycable na lang cguro ako. 1.5k 3mbps+43 cable channels. unlimited na yon. wired nga lang.
 
Case update:
----------------------------------------

Called CS last night (October 26, Tuesday):

Talked to a certain Mark Pura. He asked for my account info, and I stated my case blah blah blah. Then again, I asked about he status of my account.

Non-verbatim*, but something along the line.

Agent: Hi sir, ganun pa din po ba ang nae-experience nyo?
Me: Yes, ganun pa din. Ano na ang next na gagawin? Meron ka ba mai-suggest?"
A: Based po dito sa records ng account nyo, may schedule po kayo ng site visit ngayon. Ano po ang findings ng technician?
M: Ah yes, oo nga, supposedly may scheduled site visit nga ako ngayon. Pero walang tawag, or kahit ano mang notification. Pwede ba malaman kung bakit nagkaganun? Last Sunday (October 24) may nakausap na ako supervisor about this concern at sya pa mismo ang nagsabi na may site visit nga ako ngayon para icheck ang hardware ko for some issues. Bakit walang nagpunta?
A: Sorry to know that sir. Pero minsan po kasi, kapag nalaman ng tech na yung site / account po na pupuntahan ay na-reach na ang data allowance nya, dini-disregard at kina-cancel na po nila ang site visit.
M: WTH! Pwede ba malaman kung bakit ganun? Anong rason bakit kina-cancel?
A: Ay sir, ang reason po nila jan ay dahil nga na-reach nyo po ang data allowance nyo, normal po na mag-slow down ang connection nyo. Wala na daw po sila magagawa sa capped speed dahil sa exceeded data allowance.
M: WTH!Anong kalokohan yan? Bakit ganito lang ang natatanggap kong speed. Wala ito sa nakalagay sa kung anumang ads / contracts na pinirmahan ko. Ang nakalagay nga ang capped speed ay 30% ng plan speed ko. Kahit iyon nga ang max, hindi pa din dapat ganito lang ang nagagamit ko. Steady ang speed ko sa .2mbps
A: Oo nga po sir, mabagal nga po ang .2mbps nyo sir.
M: State mo nga uli policy nyo regarding sa data capping?
A: Opo sir, ang speed nyo po ay baba to 30% ng plan speed nyo po kapag na-exceed nyo na po ang data allowance ninyo.
M: O, ano ba ang 30% ng plan ko, di ba 10mbps ako? Malinaw sakin na UP TO 10mbps ang nakalagay sa contract ko, meaning yun ang max speed. Oo, flactuating ang speed, sabihin na natin na 4mbps ang min speed ko, at 10 ang max. Kunin na natin ang min speed ko ay 4mbps, ano dapat ang speed ko?
A: Ay sir, imultiply po natin ang 10 sa .3 po dahil 30% po ng speed nyo ang magagamit nyo.
M: Oo, malinaw din sakin na sa .3 nga ang gagamitin na multiplier. Tsaka sabi ko nga, sa 4mbps na lang ang gamitin natin para hindi masyado malayo sa katotohanan. Ano ang 30% ng 4mbps?
A: 1.2 po
M: O, 1.2mbps. Magkalapit ba ang 1.2 sa .2?
A: Hindi po sir.
M: Eh bat yun ang nirarason mo.
A: Ay sir to tell you honestly, wala kami magagawa kapag ang issue po ay "exceeded data allowance"
M: WTH! Hindi nga yun ang issue, last month, 150GB ang nagamit ko, na-cap ako nung nasa 120GB na ang usage ko, pero nagamit ko pa yung 3mbps speed for more than 30GB. Meaning, hindi yan dahil sa excessive usage. Nasa 105GB pa lang ako.
A: Ay sir pasensya na po. Wala po talaga kami magagawa sir, iyan po ang nakalagay dito sa records nyo.
M: Pambihira. Puro ganyan ang nirarason nyo na exceeded ang data allowance, pero hindi nyo naman tinitignan kung meron pa ba ibang issue kaya ganito. Ano uli ang name mo?
A: Mark po, Mark Pura
M: Mark, hindi data capping ang issue natin dito. Puro ganyan ang sinasabi nyo na rason.
A: Kailangan nyo po ba makakausap ng supervisor?
M: Alam mo brad, kung irate ka, mas irate ako? Nagbabayad ako nang tama at nasa oras. Hindi naman ako customer na tumatakbo. Bakit ganito ang service na binibigay sakin.
A: Kailangan nyo po ba ng supervisor? Ita-transfer ko po kayo.
M: Definitely, i-transfer mo ako
A: OK.

After 10 minutes, guess what?

"Supervisor": Hi sir, can you please state your account number, name, and address po?
Me: Ok <insert account info here>
S: Hi sir, pwede po ba malaman kung ano ang reason nyo po sa pag-TERMINATE po ng inyong account?
M: What? Sabi nung ahente na nag-transfer sakin sayo, supervisor ang makakausap ako. Bat sa TERMINATION Deparment ako pinasa? Anong pangalan ng nag-transfer sakin?
A: Ay sir, sorry pasensya na po sa nangyari. Iccheck ko lang po ang records nyo.
***Waiting***
A: Hi sir, upon checking po, Yuko Panuelos po ang nagtransfer sa inyo dito.

********** Mag-skip na ako sa ibang details, inabot ng 30mins ang call namin ni Bads Lopez **********

I'll just make it shorter.

She assisted me better than the previous agents. Checked for other options, explained some details, and apologized for the issues encountered.


- Out of sales map na nga daw ako. Ang question ko dun ay, bakit ako nawala sa connection dun sa tower na un, kung naubusan man ng slots dun, bat ako ang nawala eh mas nauna ako kesa sa mga bagong subscribers doon.

- ang option daw ay to transfer account ko to Broadband Plan 1299 DSL. ang problem dun ay yung mga cabinets around sa area namin ay up to 2mbps lang ang DSL. Yun ang reason kung bakit LTE ang kinuha ko. sabi naman nya ay every month nag-iiba ang feedback ng mga techs pagdating sa mga available slots. oh well, magcheck sila.

- I'll be receiving another call within this day (October 26, Wednesday), regarding sa feedback ng techs about sa availability ng structures, para malaman na din ang recommendation para sa case ko

- if ever na available ang 10mbps DSL dito samin, I'll be transferred to that plan. Pull out lahat ng devices (router / homephone), papalitan ng DSL line, pati landline, no charges yung last bill, then free for another month.

- if ever na hindi, waived na ang termination fee, no charges na daw ang last bill. ang problema dun ay ung reimbursements ng mga telset activation fee, installation fee, at pati na din yung mga prorated charges. well anyway, thats for another day. tsaka ko na lilinawin

SUMMARY:

- Walang silbi at walang pakialam ang agents sa CS
- Pinakamaayos na nakausap ko itong si Badz Lopez
- Hindi pa din nare-resolve ang issues ko
- May binigay na options (at least)
- Maghihintay ako ng tawag ngayon
- Mukhang mas magandang tumawag sa TERMINATION department (haha, reason nila ay after sila sa account retention) so talagang tinitignan pa nila ang other options para di tayo mag-terminate ng account.

KUDOS to Badz Lopez

To Mark Pura / Yuko Panuelos, FUCK YOU brad. Tarantado at hinayupak ka. Hahanapin ko ang profile mo at irereport talaga kita.
 
hahaha, grabe ang patience mo sir xD

next month tignan ko kung ayon yung data ko sa usage ko, buti may gadget sa windows (Network Meter) then pede lagay yung data usage tapos auto reset sya hehe ng di na ako pumupunta sa GUI
 
ba, di biro ang bayad... almost 1.7k per month na ang nababayaran ko for 3 months, dapat may makuha ako sa abala na ginawa nila sakin, sa mga binayad ko, at sa serbisyong hindi ko nakuha...
 
Welcome to Talk2Globe Chat!

Starting Aug. 25, 2016, the access code 8888 will no longer be available for promo registrations and other Globe transactions. This is now our government's complaint hotline. Please send keywords to 8080, or dial *143# on your Globe mobile. Thank you for being with us in this nation-building initiative.
Chat session has been accepted. An agent will be with you shortly.

Daniel
It's a wonderful day here in Globe. My name is Daniel, your live chat agent. How may I help you today?

Ako
hi

Ako
question lang

Daniel
Hello Sir *****! Good afternoon.

Ako
meron ba changes pagdating sa speed throttling

Daniel
May I know your Globe Broadband concern?

Ako
after ma-reach ang data allowance

Ako
account # **********

Daniel
Just to confirm, I'm chatting with Sir *****, email address is *****@yahoo.com.ph?

Ako
yes

Daniel
Thank you for that information. After you've reached your data usage allowance, your availed speed connection will go down to 30%.

Ako
so that means, from 10mbps to 3mbps db

Daniel
Yes Sir.

Ako
wit

Ako
wait*

Ako
makakareceive ka ng screenshot no?

Daniel
Opo Sir.

Ako
wait

Ako
kasi nung nagtanong kanina ang kaibigan ko sa FB page ng globe

Ako
wit

Ako
File Uploaded: GT.png

Ako
wait*

Ako
pacheck na lang...

Daniel
Nakita ko na po Sir *****.

Ako
ok

Daniel
Maari ko po bang malaman kung nakakaranas kayo nang pagbagal ng inyong internet connection?

Ako
actually sakin so far

Ako
ala pa

Ako
pwede din ba malaman kung ilan na ang nagamit ko for this month

Daniel
Upon checking, you've already consumed 97.8 GB of 100 GB of your monthly volume allowance.

Ako
pero yung sa kaibigan ko

Ako
lagpas na sya sa allowance nya

Ako
yun nga ang isinagot nung nasa FB page

Ako
which is which

Daniel
Ayun po 'yung dahilan kaya bumagal ang kanyang internet connection.

Ako
nabasa mo yung nasa image no?

Daniel
Yes po.

Ako
speed will be slowed down to 64kbps***

Ako
tama?

Daniel
Yes po. System generated naman po ang pagbagal ng internet connection of every subscriber na makapag-reached ng data usage allowance.

Ako
ok sige

Ako
yung reply mo sakin kanina

Would that be all for now?

Daniel

Ako
na bababa sa 30% ng speed

Ako
tsaka yan nakalagay sa image na babagal sa 64kbps

Ako
magkapareho ba un?

Daniel
May pagkakaiba po ang pagbagal ng internet connection depende sa kung ilan ang naka-connect sa internet at kung gaano kalaki na po ang na-exceed na data volume allowance.

Ako
wth

Ako
one is to one ang sinasabi ko dito

Ako
1 device ang gumagamit

Ako
now, yung sa tanong ko

Ako
yung 30% na pagbagal, at 64kbps na nakalagay sa pic, magkapareho ba un?

Daniel
It depends po sa kung ilan na ang na-exceed ninyo sa inyong monthly volume allowance.

Ako
ang nakalagay sa contract clause nyo ay kapag naka-100gb+ ka na, down to 30%

Ako
ano naman yan depende sa kung ilan na ang na-exceed

Ako
ano na

Daniel
Yes, tama po 'yan Sir na mag-slow down to 30% kapag nag-exceed na sa monthly volume allowance.

Ako
uulit uli tayo pare?

Ako
nabasa mo kamo yung nasa pic di ba?

Daniel
I'm sorry. Limited access lang po ang meron kami.

Ako
iko-quot ko na yung nasa pic ha "Please be informed that when you reached your data or full speed allotment, your internet connection speed will be slowed down to 64 KBPS"

Ako
tapos, nag-agree ka na kaya bumagal yung speed nung net ay dahil jan, tama ba?

Daniel
Opo Sir. Kaya nag-slow down ang internet connection speed is because of the exceeded monthly volume allowance.

Ako
o ayan, agree ka

Ako
NOW, ulitin ko yung tanong ko

Ako
yung kanina na 30% speed

Ako
at yung 64kbps slow down

Ako
magkapareho ba un

Daniel
Pabago-bago po talaga 'yung nakukuhang internet connection speed depende sa usage po.

Ako
WTH

Ako
anong pabago bago

Ako
ipaliwanag mo nga

Daniel
Depende po sa internet activity or sa dami nang naka-connect.

Ako
BRAD

Ako
isa pa uli

Ako
ulitin ko ha, 1 device lang ang gumagamit

Ako
so ibig sabihin, wala kahati yung device sa bahay

Ako
yung modem, connected through LAN sa PC

Daniel
Gagawan ko na lang po ng escalation report regarding sa inyong concern. Maari ko po bang malaman ang inyong updated contact number?

Ako
no

Ako
di ko kailangan ng escalation report

Ako
pakisagot lang ung tanong ko

Ako
2 accounts yan

Ako
pareho naka-reach ng data allowance

Ako
yung isa ang sinabi sa kanya, 30% slow down

Ako
yung isa 64kbps

Ako
so alin ang tama jan

Ako
tama ba pareho yan?

Ako
magkapareho ba yan?

Daniel
Yes po Sir.

Ako
brad, anong yes po sir

Ako
10mbps ang speed

Daniel
Ano po bang plan nang kaibigan ninyo?

Ako
same Broadband plan 1299

Daniel
Ang 30% po ng 10MBPS is 64KBPS.

Ako
what?

Ako
panong nangyari

Daniel
Ang plan po ninyo kasi is up to 10MBPS po. Hindi po siya 10MBPS totally.

Ako
ok sige ipaliwanag mo

Ako
***

Daniel
Ang plan po ninyo kasi is up to 10MBPS po. Hindi po siya 10MBPS totally that's why ang 30% po is 64KBPS.

Ako
question brad

Ako
pano mo kino-compute ang 30% ng 10mbps

Daniel
Ang inyong plan Sir ay hindi totally 10MBPS. Ang plan po ninyo ay up to 10MBPS.

Ako
malinaw sakin na UP TO 10mbps... meaning flactuating ang speed which is possible na maging 5~10mbps kung hindi pa nareach ang data allowance

Ako
now

Ako
pano mo kino-compute ang 30% ng speed kapag na-reach ang capping

Daniel
Ang expected internet speed na inyong makukuha is 60% nang inyong availed plan. Kung ang inyong plan ay 10MBPS, your internet connection speed kapag hindi pa kayo exceede is 6MBPS. So if you exceeded your monthly volume allowance, ang 30% nang 6MBPS is 64KBPS.

Daniel
**Ang expected internet speed na inyong makukuha is 60% nang inyong availed plan. Kung ang inyong plan ay 10MBPS, your internet connection speed kapag hindi pa kayo exceeded is 6MBPS. So if you exceeded your monthly volume allowance, ang 30% nang 6MBPS is 64KBPS.

Ako
wut?!

Ako
given na ganyan ang computation nyo ***

Ako
tama na 6mbps ang 60% ng 10mbps

Ako
pero yung sinabi mo na 30% ng 6mbps ay 64kbps?

Ako
san mo hinugot?

Ako
ang 64kbps na max download speed ay .512mbps sa speed test

Ako
ang 30% ng 6mbps ay 1.8mbps

Ako
1.8mbps = 225 kbps

Ako
ano na

Daniel
Yun po kasi ang nag-reflect sa aming system which is 64 kbps. However, gagawan ko na lang po ito ng report and I will include yung nakukuha ninyong speed para ma-check ito ng aming support team if nagkaroon ng system glitch.

Ako
question

Ako
broadband and landline tech support to di ba?

Daniel
Opo Sir.

Ako
sa alam mo ang difference ng result sa speed test at actual download speed

Ako
???

Daniel
I apologize if I'm unable to respond on you immediately as I experienced some system delay.

Daniel
Yes po.

Ako
ano po difference nila

Daniel
What do you mean by the actual download speed?

Daniel
Just to clarify, what do you mean by the actual download speed?

Ako
kapag 5mbps sa speed test, ilan ang actual speed

We are experiencing temporary network issues. Please wait while we attempt to reconnect.
Connectivity has been restored. Please continue.
We are experiencing temporary network issues. Please wait while we attempt to reconnect.
Connectivity has been restored. Please continue.
We are experiencing temporary network issues. Please wait while we attempt to reconnect.
Connectivity has been restored. Please continue.
We are experiencing temporary network issues. Please wait while we attempt to reconnect.
Connectivity has been restored. Please continue.
Ako
???

Ako
ano na?

Daniel
I apologize if I'm unable to respond on you immediately as I experienced some system delay.

Daniel
Hi! It seems that I haven’t received any response from you for an extended time. I’ll wait for you for another minute or you may opt to chat with us again.

Ako
...

Ako
kapag 5mbps sa speed test, ilan ang actual speed

Ako
bigla ka nawawala eh

Ako
tapos pagbalik mo itterminate mo connection natin

Daniel
I apologize if I'm unable to respond on you immediately as I experienced some system delay.

Daniel
Ang actual speed is 5MBPS also.

Ako
ilan ang download speed nyan 5mbps

Daniel
3MBPS Sir.

Ako
WTH

Ako
san galing yan

grabe naman! bang gahaman talaga habang binabasa ko to natatawa ako sa sagot ng GLOBE haha, may mga commercial at mga pliers sila na yung plan nila ay 80% hindi 60% grabe naman panloloko yan, wala e focus kase sa drugs muna si tatay Digong, dapat talaga iopen na ang pilipinas salahat ng telco companies e haaay
 
nice yan mga symbian but as my experience... malakas lang sila sa umpisa.... pag lipas ng ilang weeks doon nag mag simulang gumapang.....

will,,,malay natin kung talagang malakas na si globibo
 
Sino taga batangas city dito? kamusta plan ng lte 1299 ung 10mbps at 50gb monthly balak ko kasi mag pakabit
 
ask ko lng sa mga nakaplan ng LTE 1299 ung 10mbps or 50gb, kung may additional bayad kung sobra ka na sa data allowance?
kasi bill namin 1.8k (1299+bayad sa modem+excess)... ganun din sa sa inio???
 
same tayo ng problema mga ka LTE plan 1299 user 10mbps... once na hit mo ang monthly data allowance mo..wla na.. gapang na ang internet mo. as in 10kbps ang download speed sa speedtest...monthly k nararanasan yn.. nagiging ok lng pg first day of the month.. then pg naubos alowance mo for the whole month.. wla na mggawa.. parepareho nlng sagot ng mga CSR at paulit ulit nalang na monitor at escalete follow up na report at email ang mngyayari.. hangang umabot ulit ng a uno ng susunod na buwan at mg rereset na ulit net mo.. magiging maayos na ulit.. tpos sasabihin pa sau.. my proble sa lugar nyo..


saan pla pwede i live chat ang mga agent or support personel ng GLOBE? ung live po ha.. kc dun sa messanger sa FB automated response lng mga sagot dun e..wlang live..
 
Last edited:
naka plan 1299 ako last year ako nagpakabit @ 3mbps with 30GB per month with home phone bundle and free HOOQ account, pwede po ba kaya ito upgrade nila sa 10mbps since the price is as same as 1299 parang di ko pa feel yung 3mbps sa house with 4 mobiles connecting into it tas pag bandwith test ako 1.5mbps lang na hindi nya naabot yung UPTO 3MBPS... kaya ang lungkot ko, gusto ko ipa putol nalang :( after ng lock in period.

location ko po ... agoo, la union
 
100gb na nga ba ang monthly allowance?? kung mag back read ako 100gb na unga iba mga sir pa confirm po :)
 
Last edited:
Back
Top Bottom