Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

"GOD OWES YOU NOTHING"

armz71

 
 
The Eternal Symbianizer
Advanced Member
Messages
5,832
Reaction score
512
Points
228
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
"GOD OWES YOU NOTHING"

God needs nothing, God doesn't need you. He needs nothing about you. God will prove it one day because we are going to die. Somebody will get our stuff and the world will keep on spinning and it will not slow down to acknowledge your loss.
- Voddie Bauchman

Mga Taga-Roma 11:35-36
[35]Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya na dapat niyang bayaran?”
[36]Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.


Why God created a man?

* Dahil sa Kanyang kalooban

Pahayag 4:11
[11]“Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nilalang mo at pinapanatili.”

* At sa pamamagitan ng Panginoon Jesu-Cristo.

Mga Taga-Colosas 1:16-17
[16]Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.
[17]Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya.

Duty of a Man to God

Ang Mangangaral 12:1,13-14
[1]Alalahanin mo ang iyong Manlilikha sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay.
[13]Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.
[14]Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.

Note:
Isaias 44:24
[24]“Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.

" We owe to God everything "

Job 1:21
[21]Ang sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!”
 
Nagpapasalamat ako sa panginoon kase, madame siyang binago sa buhay ko, inalis niya ko sa mga maling tao, iningatan niya ako kagaya nang bayan nang israel, inalayo niya ako sa mga kaaway at hindi niya ako hinayaang mapahamak, ngayon ko lang narealize na ang pinaka masarap pala sa mundon to ang mabuhay na kasama ang diyos, kase siya lang ang makakaagbigay sayo nang totoong comfort,hindi ka makakaramdamam nang takot kase alam mong iingatan ka niya, basta, masaya ako kung ano man ang meron ako ngayon, yung mga nawala saken, ok lang yun,, basta ang alam ko hindi ako pababayaan nang panginoon nateng diyos amen, at sana mapatawad tayong lahat nang panginoong diyos kase masyado na tayong makasalanan
 
Back
Top Bottom