Sharing this story hope you enjoy.
Another collab
“Malapit lang naman sa
office namin yun, sa baba lang.
Doon na lang kita aantayin.”
Ito ang reply na natanngap ko bilang confirmation kung saan ang meeting place. Excited kong hinarap ang sarili ko sa salamin, “Gwapo na.” nakangiti kong sambit sa sarili. Pero bago pa man ako tuluyang umalis, nagpalit muna ako dahil masyadong pormal ang suot kong pang-opisina. Buti na lang at may nakatambak akong shorts sa locker na parang itinadhana sa mga sitwasyong tulad nito.
“Cge I’m on my way!”
Maiksi kong reply para naman hindi mahalatang kinasasabikan ko ang tagpong ito. Tatawa-tawa pa ako kasi I’m off to meet “for- a-sort-of-a-date” ang isang babae nang alas-otso ng umaga. “Ang lakas lang maka-Chinese style date eh.” Tawa-tawa kong bulong sa sarili.
At bigla na lang napalitan ng kaba ang kaninang excitement ko, “This is it pancit!”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko para mabawasan ang kaba sabay suot ng headset upang makinig sa Spotify. Isa sa mga paborito kong kanta ang nag-simulang tumugtog.
“Umiiyak ka na naman.”
Naisip ko habang binabasa ang post nya sa facebook. Naging hobby ko na talagang bisitahin ang facebook wall nya tuwing free time ko. Para na nga akong secret stalker eh. Teka, parang ang negative naman. Let’s say na fan ako ng kanyang mga FB posts.
“Langya talaga wala ka bang ibang alam?”
Hindi ko mapigilang i-message sa kanya tungkol sa post nyang may naka-hashtag pang #hindiakobitter pero ang bitter naman ng post. Isang “Ha?” lang ang ma-igsing reply nya.
“Namumugtong mga mata.”
Ang mga matang nakita ko sa picture na kalakip ng post nyang iha-hashtag kong #hindibitterperobitter. Hindi man halatang mugto ang mga mata sa likod ng nakangiting larawan ngunit bakas na bakas naman ang kalungkutan.
“Kailan pa ba kaya ikaw mag-sasawa.”
Ang nais kong isagot sa kanyang maikling reply. Ngunit hindi ko kinayang dagdagan pa ang nararamdaman nya. Kaya “Wala.” na lang ang naisagot ko.
End of conversation. Ayaw ko ng pahabain pa ‘yong topic. Hindi ko din naman alam kung paano sosolusyunan ang problema nyang hindi mabitiwan.
Naisip ko na hindi nya man aminin may mga pag kakataon na na-iyak sya at pag wala syang masabihan ay pino-post na lang nya sa FB para hindi ma-ipon sa loob. Medyo natawa pa ako sa naisip kong hashtag sa post nyang #hindibitterperobitter.
“May kwento kang pandrama na naman
Parang pang TV na wala ng katapusan.”
Dramang pang telenovela ang na-i-imagin ko kapag may mga nababasa akong kwento nya na kahit pa isipin nating fiction, alam kong may bahid ng katotohanan. Pero wala naman akong lakas ng loob maki-alam. Mahirap ng mag marunong. Madaling mag payo at magsabi ng mga ideal na sitwasyon pero hindi mo kasi pwedeng maintindihan ang mga complications kung hindi ikaw mismo ang nakakaranas. Didistansya na lang muna ako.
“Sa libu-libong pagkakataon na tayo’y magkasama.”
May mga time naman na maganda ‘yung naging takbo ng usapan namin. Feeling ko nagiging mas close na nga kami. Nung minsan nga, niyaya ko pa syang gumawa ng isang tula. Ang sarap sa pakiramdam na may isang tula na kami ang may gawa. At least kahit papaano may nabuong salitang “tayong dalawa” sa tulang yun. Ewan ko lang kung naintindihan nya na may mga linya doon na palipad hangin. Hindi naman kasi ako talaga marunung tumula kaya lang nabasa ko kasi na magandang gamitin ang tula para hindi maipahalata ang tunay na message. Maniwala man sya o sa hindi, torpe nga kasi ako. Pero kahit papaano feeling ko nag-ka-espasyo na ako sa kanyang pansin.
Nagkalakas loob ako ayain sya na manood ng sine ng minsang magka opportunity. Kaso ang layo kasi ng gusto nyang panooran at ayaw naman nyang magbyahe papuntang Makati. Takot daw sya mag byahe mag-isa kahit isang MRT ride lang naman yun. Ayaw na lang sabihing ayaw nya talaga ako makasama, dinaan nya pa ako sa positive scripting.
“Naiinis akong isiping na ginganyan ka nya.”
Halos gusto kong isigaw ng isang araw na nakakita nanaman ako ng post nya. Agad akong nag message sa kanya ng isang makabagbag-damdamin at puno-puno ng pag-aalang “how are you?" Ngunit walang reply. Then the long seenzoned is over at nakatanggap ako ng isang malamig na “I’m Ok.” reply.
“Hindi na dapat pag-usapan pa
Napapagod na rin ako sa aking kakasalita.
Hindi ka rin naman nakikinig.”
Hudyat na ‘yon. Titigil na ako.
“Ang dami-dami naman dyan iba.”
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalake na magmamahal sayo
At hinding-hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo.”
Gusto ko sanang i-reply pa, pero “Tama na”. bulong ko sa sarili. Sana na lang talaga ma-realize nyang hindi nya kailangan matakot.
“Medyo malabo ata ang mundo,
Binabasura ng iba ang syang pinapangarap ko,”
Akala ko tuldok na ‘yon sa pangrap ko. Ang mga post nya na dinadaanan ko na lang sa news feeds ko tuwing magba-browse ako. Mukha namang masaya na sya eh. I need to be happy with my life as well.
“Sa libo-libong pagkakataon na tayo’y nagkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya.”
Bulong ko sa sarili ng makita ang isang selfie smile nya. Nakamove on na sya, move on na lang din ako.
But after sometime, I missed her FB profile. Sa totoo lang hindi pa talaga ako maka-move on sa kanya. Para akong kinakating tignan ang wall nya. So I checked and saw her post asking for a coffee and cake treat. Knowing her, hihingi sya nang ganito pag streessed sya, pagod o malungkot. With the little hope I sent a message.
“Coffee? My treat.”
“Talaga? Yey!” reply nya.
Sobrang saya ng naramdaman ko sa pag-payag nya. I really looked forward sa araw na makikita ko na sya.
Arriving at Cubao Station
Paparating na sa Cubao Station.
Ang hudyat na nag-patapos sa pag-re-reminis ko. Habang naglalakad papuntang Gateway, naaalala ko ‘yong mga pag-kakataon na mag-kasama kaming naglalakad dito. Matapos ang una at ang hindi ko na mabilang na pagkikita. Ang mga tawanan, harutan, biruan at landian. Pati na ang hindi man gustong pagkakataon na ang kamay na mahigpit kong hawak ay kumakaway na ng pamamaalam.
“Hello baby, kanina ka pa ba?” Giinulat ko sya mula sa likod.
“Baby ka dyan! Late ka nanaman.” Nakasimangot nyang sagot.
“Sorry na, mahal naman kita eh.” Paglalambing kong sagot.
“Ewan. Lagi ka na lang late.” Kunwaring galit nyang sagot na pigil na pigil ang ngiti.
“Tara?” Aya ko sa kanya.
“Saan” Nagtataka nyang sagot.
“Let’s start again.” Sabi ko.
“Huh?” Nalilito nyang sagot.
“Ulitin ulit natin, kung paano tayo nagsimula. This time hindi na ako papayag na maagaw ka pa ng iba na hindi nakakaalam ng tunay mong HALAGA.” Sabay halik sa kamay na hindi ko na muling pakakawalan pa.

Last edited: